Share

Chapter 1

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Pera, pera at maraaaming maraming pera.

Sa murang edad nakatatak na sa isipan ko na dito sa mundo kailangan ng pera para mabuhay. Bawat galaw may katumbas na salapi.

Kailangan ng pera pambili ng pagkain, damit, mga gamit at higit sa lahat kailangan ng pera para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan. Tawagin na akong mukhang pera, pero sa mundong ito hindi ka mabubuhay kung wala ka nun.

They say, money can’t buy happiness. Oh, well! Ewan ko lang sa iba but it’s a big no for me. Why? Hah! Sige nga, sabihin mo sa akin kung magiging masaya ka pa rin ba kung kumakalam na ang sikmura mo dahil wala kang pambiling bigas?

Magiging masaya ka ba kung ultimo pambili ng napkin wala ka? Masaya ka ba kung kahit pambili ng shampoo at sabon, zero balance ka? O kahit pambili na lang ng tira-tira(kendi) sa tindahan nga-ngá?

Judge me all you want but I’m just telling the truth. Everything in this world revolves around money. If you have the money, you can do what you want. You can have what you want. Not all but at least.

In this world where we lived, you are nothing without money. Walang gustong makipaglapit at makipagkaibigan sa ‘yo. Kung meron man, nabibilang lang din. Yun lang yung mga taong nakaka-relate sa ‘yo at sa sitwasyon mo.

Kahit nga yung mga kamag-anak mo, mga sarili mong kadugo, hindi ka kilalanin ng mga yun kung wala kang pera.Yan pa mismo ang magde-deny sayo, kasi wala ka namang benepisyo sa kanila. Iisipin pa nilang magiging pabigat ka lang.

Hindi sa bitter ako pero real talk lang. I have a first-hand experience sa mga kamag-anak ng mga magulang ko. Wala ni isang tumulong sa amin nung nagkasakit at naospital ang Tatay ko. Okay lang naman, kasi hindi mo rin naman mapipilit ang tao na tulungan ko pero yung wala na ngang naitulong pinagsalitaan ka pa ng hindi maganda, masaklap pinagtabuyan pa kami.

What a relative diba?

Mabuti nalang at mabait ang amo ni Nanay, ang mga Guerrero. Pati na rin ang mga magulang ng best friend ko, si Senyora Miranda at Don Mariano Sarmiento dahil kung hindi baka matagal ng nawala ang tatay ko.

Kung sino pa yong mga hindi namin kaano-ano, sila pa ang may kusang tumulong sa amin. Masakit, pero ito yung katotohanang nangyayari sa buhay isang tao.

I am Carla Ysabelle Sabanal, my friends call me Cara and this is my story.

Naks! Pangalan palang tunog mayaman na, diba? Well, salamat sa Nanay at Tatay ko. Kung hindi dahil sa kanila, hindi niyo ako makikilala.

Char!

So, simulan ko na ang kwento ng buhay ko. Ay, mali! Hindi lang pala ako ang bida sa kwentong ito dahil dalawa kami.Well, ang part ko nalang muna.

Ako si Cara, kasalukuyang labing-walong taong gulang. Hindi maputi at hindi rin maitim, I’m in between. Kumbaga sakto lang, kayumangging pangmalakasan. Morena ang Inday, proud and loud.

Medyo matangkad ako kumpara sa mga kaedaran ko. Hah! 5’8 lang naman ang ate niyong Cara mga siszt. Thanks, sa genes ng mga totoo kong magulang at higit sa lahat sa  pa-vitamins ng nanay at tatay ko sa akin.

Pangarap kasi ng Nanay Mildred at Tatay Ador na magkaroon ng beauty queen na anak. Naks! Kaya siguro ako ang napili nila sa bahay ampunan kasi nagagandahan sila sa akin. Pero syempre, biro lang! Love kaya ako ng nanay at tatay ko bonus nalang na maganda ako. GGSS ako mga siszt, masanay na kayo.

Kakaiba ang kulay ng aking mga mata, bluish gray. Na kapag tinitigan para daw nanghihipotismo. Weh? Lakas makacharot diba? Pero sa true, parang kulay ng mata ng pusa ang mga mata ko. Minsan napapagkamalan pa akong alien kasi ako lang yung iba ang kulay ng mga mata sa lahat ng mga kaibigan ko.

Maalaga ako sa katawan. Syepmre noh, dito lang ako bumabawi. Saka sino pa bang mag-aalaga sa katawan ko kung hindi ako? For me, my body for me is a wonderland. The more I take care of it the more it radiates beauty. Para lang din yang halaman, na kapag sagana sa dilig at alaga tiyak tutubo itong maganda.

I really save money to buy my own organic papaya soap ang lotion, fresh from the farm with a mixture of fresh makahiya and moringa leaves extract added with pure and organic cow’s milk. Imported from the first, the finest and the leading dairy farm in the highlands of Quezon Province, Sarmiento’s dairy farm.

Charot lang!

Ang totoo, GlenRos Brilliant Kagayaku soap and milk lotion lang sapat na sa akin. Pero kapag walang budget at nauubusan ng stock, Safeguard lang sa tindahan ni Aling Mameng sapat na.

Endorser yern? Beke nemen!

I have a long and shiny black hair courtesy of my ever-supportive and loving bff. A very big thank you sa bestfriend ko para sa unlimited supply ng niyog mula sa farm nila at sa masipag na pagbubunot at pagkakayod…oh wag dirty minded mga siszt, magkayod ng niyog ang gusto kong sabihin para sa organic hair hot oil ko.

Hindi sa pagmamayabang pero dito sa lugar namin ako ang pinaka maganda. Oh, bakit hindi? Sa lahat ng mga kaedaran ko ako lang ang nag-iisang nakakalapit sa pinaka masungit na anak ng may-ari isa sa pinaka malaking hacienda dito sa amin, si Knoxx Wolfert Sarmiento.

Ako lang ang nag-iisang nakakapag-utos dun maliban sa parents at kakambal niya. Syemre, espesyal ako at ako lang yung nakakatiis sa pagsusungit niya. Isa pa, kung hindi niya ako susundin, hindi niya rin matitikman ang paborito niyang tahong ni Carla.

Oh yeah!

And speaking of him, by now, nai-imagine kong nakasimangot at nakasampok na ang mga kilay nito ngayon kakahintay sa akin. Alam niyo kung bakit? Late na naman ako sa usapan naming dalawa.

Ayaw pa naman nun na pinaghihintay siya. Sa akin lang yun nagtatyaga. Wala kasi siyang choice at ako ang naging bff niya.

Na-late ako kasi, dineliver ko pa sa ibang department yung mga inorder na sabon at mga pampaganda. Nga pala, reseller din ako ng mga beauty products at kung ano-ano pa. Pero ang pinaka negosyo ko talaga ay ang best selling tahong ni Carla. Ginataang taong with dahon ng sili. Baka naman gusto niyong umorder, pm is the key.

Bata palang madiskarte na talaga ako. Sa edad na pito may sarili na akong maliit na negosyo. Oo, negosyo dahil ako mismo ang namimili ng mga paninda ko. Mik-mik, sunshine, dingdong, happy, tira-tira, maxx, bubble gum yung maliliit na bilog na kulay pula pwedeng gawing lipstick at marami pang iba.

May maliit akong tindahan sa labas ng bahay namin. Not an actual tindahan, mesa lang na displayhan ng mga binebenta ko. Para sa mga batang kalaro ko, pwede utang, pero one week to pay. Pag hindi nagbabayad hindi na makakasali sa bahay-bahayan namin.

Friendship over na agad sa mga magaling mangutang pero mahirap singilin. Dapat bata palang alam na, na iba ang utang sa bigay. Ang bigay ay libre lang pero ang utang ay utang at dapat binabayaran.

Wala akong pinaparinggan ha? Pasensya sa matamaan mga siszt.

Sa paaralan naman nagbebenta ako ng yema, pulburon, mani. Nung medyo lumaki na ako, nag-level up na rin ang mga products ko. School supplies at personal na mga gamit na. Lip and cheek tint, face powder, cologne name it para madiskartehan ko. Palagi akong may dalang catalogue ng Avon at Natasha sa mga gustong umorder ng panty at bra at kung ano pa, one month to pay.

May binbenta din akong pad ng papel at mga ballpen. Binebenta ko sa mga kaklase kong pahayahay sa buhay na tamad magdala ng ballpen at papel at asa lang sa paghihingi. Yung iba kasi namimihasa na. Akala mo naman hinihingi ko lang yung papel sa tindahan.

Cash to cash basis sa medyo nakaluwang-luwang sa buhay. Pautang sa medyo gipit, walang libre-libre para sa akin. Pero sa mga gipit at walang pera, nagpapautang ako, ganun pa rin one week to pay. Hindi pwedeng matagal magbayad dahil wala akong pang-rolling. Small time business woman lang ako.

Ewan ko ba pero bata palang ako mataas na talaga ang pangarap ko sa buhay. Gusto ko meron talaga akong pera kahit konti lang, ahm, pero mas bongga sana kong madami talaga.

Ambisyosa nga daw ako sabi ng mga kaklase ko. Hindi naman daw bagay dahil mahirap lang kami.

Yes, it’s true, ambisyosa talaga ako. Bakit ‘pag mahirap ba, hindi na pwedeng mangarap? Tsaka wala naman akong inagrabyadong tao.  Kailangan ko lang talaga matutong dumiskarte dahil may sakit ang Tatay Ador ko. Kailangan kong tulungan si Nanay Mildred para may pambili kami ng gamot ni tatay.

Oh, tama na ang chika dahil ihahanda ko pa ang sarili ko sa sermon ng bestfriend ko.

Malayo palang nakikita ko na ang nakasampok na kilay ni Wolfert. Nasa labas ito ng gate ng university naghihinta sa akin. Nakasandal sa hood ng jeep niya at halatang naiinip na.

Nagsusungit na ang poging haciendero pero bakit lalo itong pumupogi sa paningin ko? Pero sabagay hindi rin naman siya lugi na ako ang bff niya, ang ganda ko rin kaya. Ganun talaga mga bhie, confidence level is the key.

Puti ang t-shirt na suot ni Wolfert, pinaresan ng kupas na pantalon at naka-tsinelas lang. Parang tambay lang sa kanto pero ang lakas ng dating. Alam mo yun?

Pansin kong madaming college students ang nagpapansin sa kanya pero deadma ang Wolfert. Hindi man lang namamansin, apaka suplado talaga.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuhan niya. Hapit sa katawan ang t-shirt na suot at dahil maiksi yung sleeve lumalabas yung tatoo sa magkabilang braso niya. Pansin din ang namumutok na muscles at ang mga ugat na parang may sariling mga buhay dahil naka-krus ang dalawang braso sa dibdib niya.

Siguro naramdaman nito ang presenya ko at nabaling ang tingin niya sa akin. Bigla akong kinabahan dahil wala man lang kangiti-ngiti. Lalo pang sumimangot ng makitang pawisan ako. Awtomatiko akong ngumiti sa kanya. Ngiting naglalambing, halatang maay kasalanan. Lalapit na sana ako kay Knoxx nang biglang may tumawag sa akin.

“Cara!” 

Paglingon ko nakita ko si Marlon. Kaibigan at suki ko sa aking mga beauty projects, engineering student na barbie. Marlon sa umaga, Marla sa gabi. May order siya sa aking liptint at face powder pero syempre secret lang namin yun. Lalaki itong pumorma, nabisto ko lang na barbie nang minsang nakasalubong kong kasama ang jowa niya.

“Kanina pa kita sinusundan Cara ang bilis mong maglakad.” Sabi niya ng makalapit sa akin. “Ang order ko saan na?”

Agad kong kinuha ang order niya sa bag ko at binigay sa kanya. “Oh, ito,” pero ang bakla sa iba pala nakatingin. Sinundan ko ang mga mata niya, nakatingin ang bruha sa bestfriend ko. May palunok-lunok pa ito.

“Ay shit! Ang gwapo niya talaga.” Lumabas sa bibig ni Marlon, nakalimutan niya atang maaga pa. Di man lang nahiya ang bruha. “Anakan mo ako, Knoxx.”

Santisima!

“Huy! Bakla!” Hindi ko na napigilan ang sariling sawayin siya. Pasimple kung kinurot ang tagiliran nito saka pa ito lumingon sa akin. “Landi mo ah, kunin mo na ‘to oh.” Pairap kong sabi.

“M*****a mo talaga, Cara. Tinitingnan lang eh. Hindi naman yan matutunaw ang jowa mo. Damot mo naman.” Mahina nitong sab isa akin pero inirapan ko lang.

“Tsee! Sige na umalis ka na at baka mandilim ang paningin ko at ibuking pa kita. Baklang ‘to!” Tatawa-tawa pa ang bruhang tumingin sa mga products na inorder niya bago ako tumalikod sa kanya.

“Next week nalang Cara ha? Bye!” Pahabol nitong sabi sa akin gamit ang panlalaking boses niya. Pero may pahabol din itong sulyap para kay Knoxx. Malanding bakla, sarap kurutin sa singit!

“Oo next week. Bye!” sagot ko sa kanya saka ito iniwan.

Related chapters

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Chapter 2

    “Hi handsome, kanina ka pa?” malawak ang ngiting bati ko ng makalapit ako kay Knoxx. “I’m sorry Wolfert, late ako.” Umayos ito ng tayo at seryoso lang na tumingin sa akin. Hindi ito sumagot pero kinuha niya sa akin ang mga bags na dala ko at pinasok sa loob ng jeep niya.Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ito. Tatlo kasi yung bags na dala ko, dalawa para sa mga binebenta ko at isa para sa mga gamit ko sa school. Tahimik pa rin ito, hindi man lang ako binati, mukhang galit nga ata.Sino ba kasi ang hindi magagalit kung mahigit isang oras mong pinaghintay, Carla Ysabelle?“Get inside.” Saad niya as mababang boses. Nagpapaawa akong ngumuso sa kanya pero deadma lang ito sa akin. Badtrip nga ata.Pinagbukas niya ako ng pintuan at inalalayang sumakay. Nang masigurong nakaupo na ako ng maayos saka pa ito umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan niya.Tahimik nitong pinaandar ang sasakyan niya ng hindi man lang ako kinikibo. Hindi naman ito ganito kasungit dati, ngayon dumodoble na

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Chapter 3

    “Chosero ‘to! Wag ka nga, Knoxx Wolfert. Selos your face ka dyan. We’re bestfriends, walang ibang pwedeng pumalit sa pwesto mo sa buhay ko at wala ding pwedeng pumalit sa pwesto ko dyan sayo. Promise natin yan sa isa’t-isa.”Lumayo ako sa kanya at umayos ng upo pero nanatili itong nakatingin sa akin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nararamdaman ko ang intensidad ng mga titig niya sa akin.Para akong napapaso. Nag-init ang pisngi ko, pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. Mabuti nalang at hindi ako ganun kaputi kundi sigurado mahahalata ni Knoxx na nagba-blush ako.It’s so akward. I don’t know how to react.“Ysa—"“Lam mo ikaw, kung ano-ano ang lumalabas dyan sa bibig mo.” Mabilis kong putol sa kanya. “Gutom lang yan, tara na sa bahay at nang malutuan kita ng paborito mo.”Hindi ko alam pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Para akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang nagwawala ito sa loob ng aking dibdib at para

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Chapter 4

    I was silent for quite some time. My mind took a break to process what Knoxx just did to me. Wait! Correction it's not only him, but also me.Goodness! Did we just kiss?Shit! I think so because I found myself responding to his kisses. Not just for a second but...oh no!What the hell are we doing? We are bestfriends and bestfriends don't kiss each other on the lips torridly.Nang mahimasmasan ako nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Knoxx. Pero siya ay may nakahandang malawak na ngiti para sa akin. Uri ng ngiti na akala mo ay may napalunan ito, ngiting tagumpay."What did you do, Knoxx Wolfert?" I asked exaggeratedly. Mahina ko pang hinampas ang dibdib niya pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan."Baby, calm down."Calm down? How can I calm down after my bestfriend and I kissed each other? What's next then?"What did you do to me, Wolfert? W-what did we do? Gosh! Alam mo ba kung ano ‘tong ginagawa natin?" tumango ito na mukhang tuwang-tuwa pa. He is so

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Chapter 5

    “Baaaaby, bakit may kondisyon?” “Shh!” Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan ng mata. Para naman itong batang mabait na biglang umamo ang mukha. “I’m doing this for us. Makisama ka muna sa akin, sa ngayon. Hindi rin naman ‘to magtatagal eh. Isang taon lang. ” “Isang taon?” Masungit nitong sabi pero desidido akong tumango sa kanya. Just until I finish my studies. Isang taon nalang naman at matatapos na ako sa kurso ko. “What condition was that then?” He asked defeated. Sabi ko diba? Sa akin lang nagpapa-under ang Sarmiento na ‘to. Sa akin lang din ito nagpapa-bebe. Kung sa ibang tao lang ‘to, hindi ako sure. Ibang-iba ang Knoxx Wolfert na nakikipag-usap sa mga business partners niya sa Tart ko. Yung Knoxx na halos hindi man lang ngumiti at palaging puno ng awtoridad kung nakikipag-usap. Mapanegosyo man o kahit sa mga kaibigan niya. Knoxx is the reserved type. He only talks a lot kapag ako ang kasama niya. Ang Knoxx na nakilala ng mga tauhan nila dito sa hacienda ay sobrang l

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Chapter 6

    Warning: SPG_______________Ala una palang nakahanda na ako para sunduin ni Knoxx. Maaga kong natapos ang mga dapat kong tapusin para sa pag-aaral ko. Ayoko nang magdala ng mga gawin doon sa cabana dahil gusto kong mag-picnic na lang kami. Tumawag ito sa akin kanina na wag na din daw akong magdala ng kung anong pagkain dahil may pinadala na ito doon.Bestidang puti na off shoulder at hanggang tuhod ang napili kong damit na suotin. Pinili ko ang damit na ito para maganda ako tingnan sa unang date namin bilang magkasintahan. Naks! From bestfriend turned into lovers ang peg.Naglagay ako ng konting liptint. Pina-curl ko din ang mahaba kong pilik mata kaya lalong tumingkad ang kulay abo na may halong asul kong mga mata. Nagwisik ako ng pabagong regalo niya sa akin nung birthday ko pagktapos tinali ko ang mahaba kong buhok para hindi sagabal sa mukha niya kapag nangabayo na kami.Naimagine niyo na ba kung gaano ako kaganda? Char! Ggss talaga ako mga siszt kaya masanay na kayo sa akin.Ako

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Chapter 7

    Warning: ESPEGE! _______________________"H-huh?" I was stunned for a while. My mind is protesting but my body tells otherwise. Parang may sariling utak ang mga kamay ko na kumapit sa balikat niya."I want to feel your warmth, Baby." he breathes. Pulling me gently closer to his body. His warm and minty breath is already fanning my face and it added to the heat I started feeling inside."You mean?""Just hug me baby and I'll do the rest." I followed what he told me, niyakap ko ang kamay sa balikat niya at siniksik ang katawan sa kanya.I was straddling him now. My both legs are both on the side of his hips while my hands are hugging his nape. His one hand is hugging me preventing me from falling.I can feel his long and hard shaft touching my wet feminity. Just touching from the outside, rubbing and feeling its warmth. Then he started kissing me. His kisses were not gentle, he seemed thirsty and he is very aggressive. I tried fighting back the intensity of his kisses. I mimicked his

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Chapter 8

    Ysabelle: Started to cry but then remembered I...Sent.Tart: Fucking fuck! Who made you cry, Baby? Tell me!Tart calling...Missed call.Tart: Please answer my call, Baby. Ysabelle: I can buy myself flowers...Tart: H-Huh? Didn't you like the flowers I sent you? Sorry Baby, I will buy new.Seen.Tart: Are you upset because of that? Tell me what you want? I can buy whole flower farm for you. What flowers do you want? Tell me, Sweetheart.Ysabelle: Write my name in the sand...Tart: In the what? Why?Seen.Tart: What's wrong, Baby? Why write your name in the sand? Are you done with your duty? I can pick you up now. Ysabelle: Talk to myself for hours...Tart: I'm here, Carla Ysabelle. You can talk to me anytime. Do you want to tell me something?I didn't reply. I was all smile looking at my mobile. I'm on break. Naka duty ako ngayon dito sa ospital para sa internship ko. Walang kumakausap sa akin dahil, ewan ko ba, may galit ata sa akin itong mga kaklase ko. Pero ayos lang. Hindi ko r

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Chapter 9

    "Oops!" I almost lost my balance mabuti nalang at nakahawakan niya agad ako. Dahil sa sobrang pagmamadali ko may nabunggo akong lalaki. Nagkasalubong ang mga mata at agad na gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito. "William?" Hindi ko siya napansin dahil busy ako sa phone ko. Katatapos lang ng duty ko. I was calling Knoxx but he's phone is just ringing. "O kalma! Ako lang to, akala mo artista noh?" mayabang nitong sabi sabay akbay sa akin. "Tapos na duty mo? Tara sabay na tayo?" hindi pa man ako naka-recover kinuha niya na ang bag ko at hinawakan ang kamay ko palabas. Siya si William Anthony Guerrero,nag-iisang anak ng mga Guerrero kung saan nagtatrabaho ang nanay ko. Kaibigan ito ni Knoxx at Knight at kabigan ko na rin. Halos sabay na kaming lumaki ng mga ito. William lang ang tawag ko sa kanya dahil ayaw niyang tinatawag ko siyang Sir. Mabait at palakaibigan si William yun nga lang medyo kagaya ko rin ito, GGSS din at sobrang mahangin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong k

Latest chapter

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue - Final Part

    My wife loathed me. Tatay Ador's death didn't stop her from moving out of our place. When I called Alex to look after my wife and make sure no one's gonna hurt her again, he told me that they are already taking their things out of their house. This is what we planned but why the hell it fucking hurt me? Thinking that my wife will leave our place it feels like killing me. Ng daming magagandang alaala namin doon sa bahay nila. Doon na sya lumaki at nagkaisip pero ngayon kailangan nyang umalis dahil sa kasalanan di nya naman ginawa. Oh God. What have I done? Did I do the right thing? I was in the hospital and I want to come to her but my friends won't allow unless I'm cleared. Ginagamot ng doktor ang tama ng baril sa tagiliran ko. I was shot earlier today. I didn't even feel the bullet. I only found out when there's a blood in my shirt already. One of the governor's men did this to me. They ambushed me. Gumanti sa akin sa ginawa kong pagbaril sa kasamahan nila but he was dead alr

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue - PART 9

    I thought everything was done and we can live peacefully again but I was wrong, again. It was just the beginning of another nightmare. The mayor died and so his men. Pagkaalis namin dumating ang mga dating niyang kasama illegal nilang negosyo at yun ang tumapos sa kanila. Ang footage lang nung mga lalaking sumunod sa amin ang nakita sa CCTV. Nilinis ni Montenegro at ng mga tauhan nya ang lahat ng cctv footage na maaring makapagturo sa amin na kami ang unang nagtorture sa kanila. Nung dumating ang mga pulis at reporter patay na ang apat. Akala ko talaga doon na magtatapos ang lahat pero hindi pa pala. Nagkabarilan ang mga tauhan ng mga De Lima at tauhan ni Nate bago pa kami makabalik sa ospital. Nabaril si Milo at ibang kasamahan niya. Walang namatay sa tauhan ni Castillo pero tatlo ang namatay sa kalaban. At ang masakla, nakatakas si Miracle. Pinaghahanap na sya pero hanggang ngayon hindi pa rin sa mahanap. Nagluluksa ang buong lalawigan sa pagkamatay ng 'butihing mayor' pero h

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue - PART 8

    Trigger Warning: Read Responsibly (Please skip this chapter kung may pinagdadaanan ka.)__________________________________I'm alive but I feel like a dead man walking. I survived each fucking day broken and wounded. This is the hardest time of my life. Sunod-sunod ang problema ng pamilya. Kailangan dalhin si Mamá sa ibang bansa para sa gamutan nya. Knight's also having his own problem. Tumawag sa akin ang doctor nya hindi na raw regular na nagpapa-check up si Knight sa kanya. Tinanong ko si Knight kung may problema ba pero ayaw naman nyang sabihin. Ang sabi niya ayos lang daw sya at magsasabi lang kapag hindi niya na talaga kaya. Naniwala ako sa kanya sa pag-aakalang ayos lang talaga sya pero isang pagkakamali din pala ang ginawa ko. My twin was in deep shit and I should have known that. Everyday I have to juggle with our companies problem, our family's problem and my personal problem. It's not that I am complaining. Wala namang problema sa akin, sanay na akong humarap sa mga pro

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue - PART 7

    My whole life, all I wanted to do is to make Ysabelle happy. I wanted to give her the love and protection that she deserves. I wanted her to have that smile plastered on her face. I want to give her the world. She is my precious. My first love. My first in everything. Our whole relationship was magical. It was so strong and powerful. She's the young girl who brought love and excitement into my life, made me realize how amazing it is to give your heart to someone. Because of her, I discovered a feeling I never could have imagined would be so strong. I am so delighted beyond words to have her in my life and I wish that I could spend all the time and the rest of my life with her. I love hearing her magical voice, her corny yet funny jokes which awakes me and my feelings. I love watching her innocent face, her beautiful eyes like an ocean. I love feeling the tenderness and warmth of her touch and love. She is all mine and I cannot share her with anybody. I am selfish when it

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue - PART 6

    "Tart." Tawag ko kay Ysabelle sa mahina at mababang boses. Palakad na ito paalis. Hindi niya alam na nasa likod niya ako. Huli na naman itong lumabas sa classroom nila. Nahuli na naman ata sa pagkopya at mukhang may dinaldal na naman kanina. Now that she's grown up, she became more madaldal. Para itong kakandidato sa daming kakilala at kung saan-saan pa napupunta. Pero ang sabi nya strategy lang daw niya 'yun para madami siyang maibenta. Minsan nga hindi ko maiwasang magselos sa atensyong binibigay nya sa iba pero ayaw ko naman syang pigilan. I want her to grow happy, yung na-eenjoy niya ang buhay niya. But I also make sure that no one comes close other than me. I'm a jealous guy and I don't want it when I'm jealous. I'm the worst. "Tart!"Mukhang nagulat pa ito pagkakita sa akin pero agad naman nagliwanag ang mga mata nya. "Hi Tart ko!!!" May kasama pang tili ang pagtawag niya sa akin. Pawisan na naman ang mukha at hindi na nakaayos ang pagkatali ng buhok. Saan-saan na naman

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue - PART 5

    "Wooooow!" "Ang gaaaaanda!" "Ang baaaaaango!" "Sure ka po Kuya na sayo ang van na 'to?" Nagniningning ang mga mata ng Ysabelle ko habang nakatingin sa loob ng van. I feel a little guilty that she cried because of my foolishness earlier that's why I'm here with her now in my van showing what's the inside. Tumango ako at ngumiti din sa kanya. "Yeah, this is mine." And it can be yours too, Baby. Of course I didn't say that, I don't want to creep her out. Lumawak ang ngiti nito at namamanghang tumingin sa loob. Ang ganda nya talagang bata. Mas maganda pa sya sa barbie niyang binili ko sa US. After more than a year of just simply looking at her from afar , finally we got up close. And I must say that she looks prettier each day. As I was staring at her I can see her beautiful pair of bluish gray eyes is twinkling. Literal na kumikislap ang mga mata nito sa paningin ko. Pwede pala ang ganun? Akala ko sabi-sabi lang nila ang ganun na kumikislap ang mata. But now looking at her

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue - PART 4

    "Ano ang mga 'to, Senyorito?" Manong Ador asked looking at the boxes of groceries inside our car. I also bought two sacks of rice and meat for them. I called him because I want to give these groceries to him. It's been a month that the kid was with them. And I feel like I need to help Manong Ador for their food. Yes. Manong Ador and Nana Mildred adopted the kid. After that day that I talked to him, the next day they went to the orphanage to process the adoption of the kid. I talked to my parents about it and asked if they could extend help to the couple and my parents did. After days of processing with the help of my parents the orphanage granted the couple the adoption to Manong Ador and Nana Mildred. I ask Manong Ador to keep secret that I'm the one who convinced him to adopt her because I don't want the kid to feel that they adopted her out of pity. But Manong Ador told me there's nothing for me to worry because even if I didn't tell him he wont say anything. I'm happy that

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue - PART 3

    "We can be your family. I will talk to my--" Pero hindi ko pa man natapos ang aking sasabihin, malungkot na itong umiling sa akin. "Ayoko nang maniwala. Ayoko nang umasa. Ilang beses ko na narinig yan sa inyong mayayaman pero sa bandang huli wala din namang umaampon sa akin. Walang bumalik para kunin ako. P-P-P-pinapaasa lang a-ako." She said and her tears became more. She started sobbing. Her small lips are trembling. She touched her necklace and held it tightly like she's getting strength from it. I extended my hand to reached her but she took a step away from me, shaking his head. She don't want. "Naging mabait naman akong bata. Hindi ako nang-aaway dahil akala ko kapag mabait ako may aampon sa akin pero wala din namang nangyari. Lahat umaayaw sa akin. Pero sanay na ako, tanggap ko na. Walang gustong umampon sa akin kahit magpakabait pa ako." "That's not true. You're a good kid. I can see it." I whispered but she shook her head, pained. "Sinasabi mo lang yan para pagaanin

  • Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire   Epilogue- PART 2

    For the first time in my life, someone talked to me like that. People around me are dying to have my attention but this kid?This kid just dumped me. I feel like I'm being rejected. Am I rejected?But, she's just a kid right? She doesn't know what she's saying. She doesn't mean it. Maybe nakulitan sya sa akin? Am I makulit? Am I becoming like my brother? Should I shut my mouth and stop talking to her?When I looked at her again. Nakasimangot na ito. Tinapunan nya pa ulit ako ng tingin tsaka inikutan ng mata. What the heck?Did she just rolled her eyes on me?Oh, shit! Yes she did. This time with matching irap na. Like seriously? Anong kasalanan ko sa kanya?I was beyond shocked. I didn't expect her to do that. She's annoyed at me. But for what reason? I am just trying to help her."Kunwari mabait pero ang totoo hindi naman talaga." Mahinang sabi niya pero umabot ito sa pandinig ko. At nang mapansing hindi pa rin ako umaalis sa tabi niya nakita kong isa-isa niyang sininop ang mga

DMCA.com Protection Status