"ANG TAPANG-TAPANG naman ni bunso." nakangiting bati niya sa kapatid.Kakatapos lamang ng unang session nito sa chemotherapy at mababakas sa mukha ni Rica ang pagod. Pinaalam na sa kanila ng Doktor ang ilang side effects na maaari nitong maranasan, kasama na riyan ang unti-unting pagkaubos ng mga buhok nito, madaliang pagkakaroon ng pasa at iba pang sintomas.Sa kabila ng takot na alam niyang naramdaman ng kapatid ay nagpakatatag ito para sa kaniya kaya naman walang pagsidlan ang kaligayahan ni Coreen. Wala siyang pinagsisisihan at pagsisisihan sa mga ginawa at gagawin pa niya dahil lahat naman ito ay para kay Rica."Siyempre, Ate. Mana sa'yo." nakangiti ngunit inaantok na sabi ni Rica.Hinaplos niya ang ulo nito. "Tulog ka na muna, bunso. Mukhang antok na antok ka na." malambing niyang sabi."Eh, Ate, gusto pa kitang makasama, eh. Mamaya kasi papasok ka na at iiwan mo na ako." may himig pagtatampong sabi nito."Bunso, alam mo naman na may work si Ate, 'di ba? Pero araw-araw rin naman
Last Updated : 2023-10-05 Read more