Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 701 - Chapter 710

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 701 - Chapter 710

2769 Chapters

Kabanata 702

Nasa vegetative state pa din ang anak ni Mr. Topaz at maaaring hindi na ito magising, pero hindi kailanman nawalan ng pag-asa ang ama.Nakita rin ni Anthony si Nolan at nilapitan ito. “Nandito ka.”Ngumiti si Nolan at tumango. “Tito Anthony.” Inakbayan niya si Maisie. “Hayaan niyong ipakilala ko kayo. Misis ko, si Maisie Vanderbilt.”Magalang na bumati si Maisie. “Marami po akong narinig tungkol sa inyo.”Magalang din sumagot si Anthony, “Marami akong nabalitaan tungkol sa inyong dalawa ni Nolan. Match made in heaven nga talaga kayo.”Ngumiti si Maisie. “Salamat po.”Nagbigay ng opening introduction ang host at inimbita ang isang tao mula sa organizing team para magbigay ng speech.Pinakita sa LED screen sa stage ang sitwasyon ng area kung saan mapupunta ang donasyon, at inimbita ng organizers ang mga bata mula sa mga villages para magbigay ng pasasalamat.Nang magsimula ang donation ceremony, lahat ng kumpanya ay nag-donate ng cash, paintings, at marami pa, lahat ay nagkakahal
Read more

Kabanata 703

May nakita si Maisie at tinulak ang regalong hawak niya sa mga braso ni Nolan. “Hawakan mo muna ‘to para sa akin. Babalik ako.”Pumasok si Maisie sa isang corridor at nakita si Anthony na may kausap na matandang lalaki sa labas.Hindi sila inistorbo ni Maisie at lumapit lang nang umalis na ang lalaki. “Mr. Topaz.”Lumingon sa kaniya si Anthony. “Ikaw pala. Bakit hindi mo kasama si Nolan?”Ngumiti si Nolan. “Sinabi ko sa kaniya na kakausapin ko kayo.”Napatigil si Anthony. “May maitutulong ba ako sa iyo?”Tumango si Maisie at humanap ng dahilan. “Estudyante ako sa Northwest University, at nakasama ko sa ilang classes ang anak niyong si Naomi. Marami akong nalaman tungkol sa inyo kanina.”Nagulat si Anthony at nagdilim ang kaniyang mga mata, “Oh…”“Kahit na hindi ko masiyadong nakasama ang anak niyo, alam kong masipag at positive siyang tao.”Naantig ang puso ni Anthony dahil matagal na simula nang huling may nakipag-usap sa kaniya tungkol sa kaniyang anak, at coursemate ito ni
Read more

Kabanata 704

Siyempre, minsan ay nilalabas rin nila si Naomi para maarawan, pero limitado lang ang duration nun.Pinagmasdan ni Maisie ang taong natutulog sa kama at narinig niyang bumuntong-hininga ang nurse. “Napakabata pa ni Ms. Topaz nang maaksidente at mahigit sampung taon na siyang natutulog. Kahit ang mga doktor ay pinapayuhan na si Mr. Topaz na bumitaw.”Kumplikado ang nararamdaman ni Maisie. Hindi niya malalaman ang tungkol kay Naomi kung hindi ito nabanggit ni Louis.Mayroon siyang naisip. “Walang ibang bumibisita sa kaniya bukod kay Mr. Topaz?”Nag-isip ang nurse. “Noong una ay bumibisita ang mga coursemates niya, pero hindi yun nagtagal. Wala ng sumunod pagkatapos nun.”Nagtagal doon si Maisie bago umalis sa nursing home. Sumakay siya sa kaniyang kotse at tinawagan si Ryleigh.Nasa pool hall si Ryleigh kasama ni Barbara. Nagpunta dun si Maisie kasama si Saydie at nakita ang dalawa sa isang table.Lumapit siya habang nakahalukipkip. “Nag-eenjoy kayo.”Umiinom ng coke si Ryleigh a
Read more

Kabanata 705

Tahimik lang si Maisie, nag-iisip.Sinuportahan ni Barbara ang sarili gamit ang isang kamay na nakatukod sa table, “Posible bang plinano yung lahat ng biktima?”Tiningnan siya ni Ryleigh, “Hindi gagamitin ni Naomi ang buhay niya bilang katuwaan.”Napahawak sa baba si Barbara. “Ibig sabihin, may umatake kay Naomi, pero bakit isisisi yun sa iyo ng attacker?”Walang ideya si Ryleigh.Humalukipkip si Maisie. “Dahil yun sa admission list ng Royal Academy of Music ng Zlokova. IIsa lang ang spot, kaya naman si Ryleigh o Naomi lang ang makakakuha nun.”Sina Ryleigh at Naomi ang pinakamagaling na magkaribal sa orchestra, pero kung gustong i-frame ni Naomi si Ryleigh para siya ang makapasok, hindi niya kailangan ilagay ang buhay niya sa panganib.Kung may umatake kay Naomi at si Ryleigh ang masisisi, katumbas na yun ng pagpatay ng dalawang ibon gamit ang iisang bato, dalawang karibal agad ang matatanggal. Kaya naman, ang kompetisyon nila ang may pinakamagandang makukuha sa insidente na yu
Read more

Kabanata 706

Naningkit ang mga mata ni Maisie, at dahan-dahang nawala ang ngiti sa mukha niya. “Iniisip mo ba na babalikan ka ni Louis pagkatapos umatras ni Ryleigh sa kasal nila?”Nagbago ang emosyon sa mga mata ni Xyla, pero agad niyang pinakalma ang sarili. “Sa tingin ko ay wala ka ng pakialam dun, Ms. Vanderbilt. Anim na taon na naging kami ni Louis. Kaya ko siyang mapa-ibig noon, at kaya ko rin ulit gawin yun ngayon.”Tumayo si Xyla at lumapit kay Maisie. Tinapik niya ang balikat nito at sinabing, “I’m looking forward sa cooperation natin.”Nang maglalakad na si Xyla papunta sa pinto, narinig niya ang boses mula sa likuran niya. “Hindi mo talaga kilala si Louis, ano? Siyempre, hindi mo rin ako kilala.”Nanigas ang katawan ni Xyla.Gayunpaman, wala na siyang sinabi at umalis na lang.Sa Royal Academy of Music…Nagtuturo si Louis sa classroom. Pagkatapos ng lesson, ilang mga babaeng estudyante ang nahihiyang lumapit sa kaniya para humingi ng payo tungkol sa finger positions.Tiningnan si
Read more

Kabanata 707

Namangha si Maisie kay Nolan. Ito nga talaga ang lalabas sa bibig nito pagkatapos mawalan ng alaala.Sumingit si Daisie at nagtanong, “Ano ang internet trolls?”Nagpaliwanag si Maisie, “Katulad ng mga taong nagalit sa inyo ng kapatid mo noon. Kilala sila bilang mga internet trolls.”“Oh, ganoon pala.” Sagot ni Daisie.Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at nagtanong, “Kung ganoon, hahayaan mo na siya ang maging spokesperson?”Nagkibit-balikat si Maisie. “Oo, wala akong magagawa. Ilang beses na niya akong pinuntahan, at masamang impluwensya yun sa Soul kapag tinanggihan ko siyang maging spokesperson.”Tumalim ang mga mata ni Nolan. “Ang Soul Jewelry ay nasa ilalim ngayon ng Blackgold Group. Sigurado akong wala siyang magagawa kapag sinabi mo sa kaniya na ayaw siyang maging spokesperson ng Blackgold.”Ayaw niyang magpadalus-dalos si Nolan, kaya mabilis itong pinigilan ni Maisie. “Darling, ibigay mo na ito sa akin. Huwag ka mag-alala, hindi ko hahayaan na makuha niya ang gusto n
Read more

Kabanata 708

Binutones ni Louis ang button ng kaniyang shirt at saka tumayo. “Sagot ko na ang meal. At saka, matagal na tayong tapos. Anuman ang dahilan mo sa pagpirma ng endorsement sa Soul Jewelry, gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ako maaapektuhan ng anuman.”Pagkatapos nito, nang hindi na hinihintay na maihain ang pagkain, pumunta siya sa counter para bayaran ang bill at umalis sa restaurant nang hindi lumilingon.Naiwang mag-isa si Xyla doon, at nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa baso.‘Hindi ka maaapektuhan ng anuman? Hah, sigurado ka ba diyan?”Kinabukasan….Ngayong araw ang shooting day para sa commercial ng jewelry for couples. Dahil ang theme ng commercial ay “wedding,” iso-shoot ang commercial sa simbahan at beach.Kasama si Nathan Hayes sa photoshoot, isang male artist, dahil para sa couples ang jewelry line.Nagsasagawa ng cross-checking sa script ang shooting screw kasama si Nathan sa booth. Sinama ng producer si Nathan sa crew. Hindi siya isang A-tier artist, at ila
Read more

Kabanata 709

“Siguro dahil nandito si Mrs. Goldmann. Pagkatapos ng lahat, pumirma siya ng endorsement contract kay Mrs. Goldmann, at dahil nandito ang boss niya, siyempre, kailangan niyang magpanggap na cooperative.”Tahimik na ininom ni Maisie ang tubig. Mukhang tama ang pagpunta niya dito. Kung hindi siya personal na nagpunta dito, hindi niya malalaman ang lahat ng ginagawa ni Xyla sa likuran niya.Sikat na supermodel si Xyla na pumirma ng endorsement contract sa Soul Jewelry. Ang magazine company na gumagawa ng commercial ay mayroong cooperation sa Soul, at ang magazine company na ang kumuha ng shooting crew.Ang katotohanang handang gumastos ng pera ang Soul par sa kaniya at handang magbigay ng cover ang magazine company sa kaniya ay nagpapakita ng kasikatan at impluwensya ni Xyla. Kahit na hindi makipagtulungan si Xyla sa shooting process, walang maglalakas-loob sa shooting crew na magsalita. Pero, mukhang hindi na siya ulit tatanggap ng Soul commercials sa susunod.Halatang gusto ni Xyla
Read more

Kabanata 710

Natigilan si Xyla.Masama ang loob na sinabi ni Jason, “Anong ibig niyong sabihin? Sinasabi niyo bang dapat si Ms. Mayweather ang napaso?”“Tama, Jason.” Lumapit si Xyla at pinigilan siya. Ayaw niyang palakihin pa ito.Lumapit siya kay Maisie at sinabing, “Pasensya na, Ms. Vanderbilt. Kasalanan ko ito. Nag-aalala lang sa akin ang assistant ko, kaya sana huwag niyong damdamin ang mga sinabi niya.”“Pero siya ang nagsabi na ayaw ko sa iyo at tatlong beses kitang tinanggihan. Hindi na bale, sigurado naman ako na mas alam mo higit sa kanino kung bakit kita tinanggihan, Ms. Mayweather.”Hindi inaasahan ni Xyla na aaminin ni Maisie na tinanggihan siya nito nang tatlong beses. Pagkatapos ng lahat, maaaring iba ang maging interpretasyon ng mga tao sa sinabi ni Jason.Gayunpaman, si Maisie na mismo ang umamin, at naging problema niya na tuloy yun ngayon.Parehong ayaw magpatalo nina Maisie at Xyla. Sa huli, sinabi ni Xyla, “Pangangaralan ko ang assistant ko at hindi ko na siya hahayaan n
Read more

Kabanata 711

Gayunpaman, agad na kumalma si Xyla nang maalala niyang hawak niya ang isang bahagi ng madilim na nakaraan ni Ryleigh.‘Kung talagang mahalaga kay Maisie ang mga kaibigan niya, hindi lang ako ang matatalo sa sitwasyong ito.”…Nakaupo si Maisie sa loob ng opisina, binabasa niya ang trending posts sa Twitter at Google, at bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya.‘Mukhang hindi nasayang ang perang ginastos ko. Natabunan na ng article ang mga trending post.”Pagkatapos ng ilang sandali, nakita niya ang instagram story ni Xyla na nililinaw na hindi totoo ang mga headlines at hindi dapat yun paniwalaan ng mga netizens.‘Sapat na ang instagram story na ito bilang patunay na hindi pa handa si Xyla na tuluyan akong kalabanin.’Isang babaeng empleyado ang nagmamadaling pumasok, “Ms. Vanderbilt, nasa Google Trends na naman ang Soul Jewelry!”Umangat ang tingin ni Maisie. “Alam ko. Sabihin mo sa mga empleyado natin na huwag pansinin ang mga articles. Ako na ang bahala.”Hindi nagtaga
Read more
PREV
1
...
6970717273
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status