Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 591 - Chapter 600

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 591 - Chapter 600

2767 Chapters

Kabanata 592

Hindi maalala ni Nolan si Maisie, kaya naman, hindi dapat siya naaapektuhan. Pero, hindi ganoon ang nangyari. Nang oras na makita niya si Maisie, para siyang magnet na lumalapit sa kaniya. Gusto niyang alagaan si Maisie, mahalin, at mapalapit sa kaniya.Mabilis ang tibok ng puso niya, hindi niya mapigilan ang kaniyang pulso, at tumaas ang kaniyang temperatura. Nararamdaman ni Maisie ang init ni Nolan sa kaniyang kamay.Bumalik si Maisie sa huwisyo at hinawakan ang mukha niya. Bahagya niyang binuksan ang mapula niyang labi at tinanong, "Umaamin ka ba sa akin?"Naningkit ang mata ni Nolan pero wala siyang sinabi na kahit ano.Pinulupot ni Maisie ang kamay niya sa bewang ni Nolan at ibinaon ang mukha niya sa kaniyang dibdib. Habang nakikinig siya sa tibok ng puso niya, nagpatuloy siya. "Nolan, hihintayin ko ang araw na maaalala mo na lahat, kahit gaano pa yun katagal. May pangako ka pa sa akin, kaya kailangan mong maka-alala."Mahigpit na nakatikom ang manipis na labi ni Nolan h
Read more

Kabanata 593

Hindi si Nolan ang may hawak sa nangyayari sa kumpanya sa nakaraang tatlong taon. Narinig nila na mayroon siyang malubhang sakit at kailangan magpagaling. Dahil bumalik na siya, ibig sabihin ba nito ay magaling na siya?Sinara ni Nicholas ang dokumento at sinabing, "Itigil muna natin 'tong meeting."Tumango sila at lumabas sa opisina.Habang nakaupo sa leather chair, lumingon siya kay Nolan at tinanong, "Ibig sabihin ba nito ay handa ka na hawakan ang kumpanya?"Sumandal si Nolan sa couch, nakalagay ang kamay sa kanto ng couch, at sumagot, "Binasa ko ang lahat ng dokumento, at nakabisado ko ang lahat ng kailangan kong maalala. Sa tingin ko ay handa na ako."Dahan-dahang tumayo si Nicholas. "Sige. Hindi kita pipigilan. Pero, maraming bagay ang nagbago, at hindi na katulad noon ang kumpanya nang ikaw ang may hawak. Kung may tanong ka, tanungin mo lang si Quincy."16 years old siya ng hawakan niya ang Blackgold. Natutunan niyang patakbuhin ang kumpanya habang nag-aaral siya sa
Read more

Kabanata 594

Napatigil si Ryleigh. Pinagsasabihan siya ng tatay niya tungkol sa kasal niya kay Louis, at ang tanging rason na hinahayaan siyang manatili sa bahay niya ay dahil akala niya nakapag desisyon na siyang pakasalan si Louis.'Palalayasin ba ako ng tatay ko kapag sinabi ko sa kaniya na gusto kong i-cancel ang kasal?'Bumalik siya sa couch at umupo. Habang nakatingin kay Louis, sinabi niya, "Pero kung pamilya mo ang magkakansela sa kasal, hindi ka pipilitin ng Dad ko na pakasalan ako."Nagningning ang mata ni Louis. "Alam ng lahat ng nasa Bassburgh ang tungkol sa kasal natin, kaya tingin mo ba madali lang i-kansela yun? At saka, kahit na gusto natin na hindi matuloy ang kasal, hindi magiging maganda yun sa pamilya mo. Sa tingin mo ba hahayaan ng Dad mo na mangyari yun?"Hindi alam ni Ryleigh ang sasabihin niya.Nang tumikhim siya, bumaba si Maisie at Larissa. Nang makita sila ni Larissa, ngumiti siya at sinabing, "Ryleigh, anong pinag-uusapan niyong dalawa?""TitaLarissa, A—""
Read more

Kabanata 595

Madilim ang ekspresyon ni Nolan, at nagulat siya nang makita niya si Maisie. Nang mayroong sasabihin na sana si Maisie, niyakap niya si Maisie at ibinaon ang ulo niya sa balikat ni Maisie.Napatigil si Maisie pero hinayaan niya na yakapan siya. Hindi niya alam kung namamalikmata siya o hindi, pero mukhang nanghihingi si Nolan ng pampagaan ng loob."Nolan?" Tanong niya.Hinigpitan niya ang kaniyang yakap at sinabing, "Sa tingin mo ba ang tanga ko? Hindi ko man lang maalala ang mga assigned area sa sarili kong kumpanya.Nagulat si Maisie, at tumawa siya. Nahalata niya na umakto ang lalaking ito na parang walang nangyari at bumalik para maghanap ng ikaka-gaan ng loob niya."Kumpanya mo yun. Bakit mo iniisip ang ibang taong matatawa sa'yo?"Tinulak siya ni Nolan at hinawakan siya sa balikat. Nakatitig siya sa kaniya at tinanong, "Paano kung tawanan nila ako?"Inangat ni Maisie ang ulo niya at nagtaas ng kilay. "Sino naman ang malakas ang loob na tumawa sa asawa ko?"Tahimik
Read more

Kabanata 596

"Kahit na matigas ang ulo ni lolo, tinatanaw niya pa rin ang kabaitan na pinakita sa kaniya ng mga Summers noon sa isipan niya. Hindi naman siya magiging bias kung hindi lang mula sa Summers si Rowena."Bumuntong hininga si Nicholas. "Nagtanim siya ng sama ng loob sa mga noble sa isip niya, bukod pa roon gumagawa ng rason ni Rowena para mapalaki ang alitan niyong dalawa. Kaya hindi hinahayaan ni Dad ang mga bagay hanggang sa makita mismo yun ng sarili niyang mga mata."Naiintindihan ni Maisie ang ibig sabihin sa mga salita ni Nicholas. Hindi na gusto ni Titis na makigulo sa mga desisyon ni Nolan matapos ang insidente kay Rowena.'Matigas ang ulo niya at hindi siya nakikinig sa payo ng iba, kaya hihintayin na lang na makita niya ang katotohanan, kahit na ang pag alam sa katotohanan ay muntik na maging kamatayan ni Nolan.'Sumapit ang gabi.Naliligo sina Nolan at Colton sa bathroom. Nakaupo si Colton sa bathtub at naglalaro maliit na yellow duck sa kaniyang kamay.Si Nolan na
Read more

Kabanata 597

Sa oras na yun, hindi mapanukso ang tono ni Nolan tulad noon bago siya mawalan ng alaala. Hindi nagbago ang ekspresyon niya habang diretso siyang nakatitig kay Maisie. Walang ibinigay na kakaibang isipin pero mukha siyang seryoso.Tumigil sa pagtibok ang puso ni Maisie habang nararamdaman niya ang pagtaas ng temperatura sa palad niya na nakalapat sa katawan ni Nolan. Ibig sabihin nun ay malapit na mawala sa kontrol si Nolan."Nolan, huwag…"Dumikit ang labi niya sa tainga ni Maisie na parang dinampian yun. "Wala akong pwedeng gawin hangga't wala akong maalala, ano?"Napatigil si Maisie.Ang mainit na hininga na pinakawalan niya ang gumulo kay Maisie, at mas lalong lumalim ang pag-ngiti niya. "Hindi ba't gustong gusto mo na inaasar ako?"Mahigpit na nakatikom ang labi ni Maisie— ang tainga at ulo nila ay sobrang lapit na hindi niya na kinakaya pang kumalma."Zee," Bulong ni Nolan sa kaniyang tainga, panggagayuma niya, "Asawa kita, at kailangan mong gawin ang parte mo."I
Read more

Kabanata 598

Maraming empleyado ng Blackgold ang pinag-uusapan ang balita."Sabi ay umalis si Mr. Goldmann sa Blackgold three years ago dahil malubha ang sakit niya. Iniisip ko kung anong klaseng sakit ang mayroon siya. Sa sobrang lala ng sakit niya ay nawalan siya ng alaala.”"Kaya naman pala narinig ko na late si Mr. Goldmann sa meeting niya kahapon ng tanghali dahil pumunta siya sa maling meeting room. At ang cleaner ang nagturo sa kaniya ng daan."Isang babaeng employee na naglalagay ng makeup sa harap ng salamin ang tumingin sa kanila. "Ang conference room na pinuntahan ni Mr. Goldmann ay ginawang reception room ilang taon na ang lumipas, at si Mr. Goldmann ang nag-utos na baguhin yun."'Hindi niya maalala ang conference room na inutos niyang baguhin. Nawala ba ang alaala niya, o nawala ang kaluluwa niya?'Bumuntong hininga ang isa pang babaeng employee. "Na-aksidente ang asawa niya tatlong taon na ang nakalipas, nawalan siya ng asawa at nagkaroon ng malubhang sakit, at ngayon nawala
Read more

Kabanata 599

Suminghal si Louis. "Nakipagkita ka lang sa akin para turuan ako ng leksyon para sa bestfriend mo?"Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Maisie at tinanong, "Louis, gusto mo ba talagang pakasalan si Ryleigh?"Bahagyang napakunot si Louis, pero ang malalim at maliit niyang mata ay hindi nagpakita ng kahit anong emosyon at nanatili itong kalmado.Kinuha ni Maisie ang tasa niya. "Alam ko na magandang pares ang Hills at Lucas, at mayroong koneksyon ang pamilya sa mga dating kasalan. 'Yun ang rason kung bakit gusto makita ng matatanda sa pamilya niyong dalawa na ikasal kayo. Pero hindi mo pwedeng i-sakripisyo ang sarili mong kasiyahan dahil sa kasal. Best friend ko si Ryleigh, at pinsan kita. Magiging sakit ka ng ulo ko tuwing mag-aaway kayo sa hinaharap."Dinala ng waiter ang kape ni Louis at nilagay ito sa harap niya.Hinawakan ni Louis ang tasa at tumingin sa bintana.Naguluhan si Maisie.Uminom siya ng mainit na kape at inalis ang tingin sa bintana. "Pipilitin ako ng Mom ko na
Read more

Kabanata 600

Pilit na ngumiti si Maisie. “Mukhang kailangan kong bumangon mula sa hukay.”Saka niya kinuha ang kaniyang handbag at tumayo.Tinitigan siya ni Ryleigh. “Babalik ka na agad?”“Papasukin ng mga taong yun ang bahay ko at aagawin ang korona sa ulo ng reyna kung hindi ako babalik ngayon.” Umalis si Maisie nang hindi lumilingon.Kinawayan siya ni Ryleigh. “Mabuhay ang reyna!”Sa Blackgold…Dumaan sina Maisie at Saydie sa front desk. Nang mapansin sila ng mga nag-uusap na receptionist, isa-isa silang napaangat ng ulo.Naglakad papunta sa elevator ang dalawa, at pamilyar ang babaeng mahaba ang buhok, pero hindi nila maalala kung saan nila siya nakita.“Pamilyar ba sa iyo yung babaeng yun?”“Nakapagtataka. Sino ang nagbigay sila ng karapatan na gamitin ang elevator na para lang kay Mr. Goldmann?”“Holy sh*t!”Nang may mapansin ang dalawang receptionist, agad silang tumakbo papunta sa elevator.Papasok na sana si Maisie sa elevator nang may brasong humawak sa kaniya mula sa likuran.
Read more

Kabanata 601

Parehong nagulat sina Maizie at Mr. Hannigan nang makita nila ang intruder.Binato ni Maisie ang handbag niya sa mesa, malutong ang tunog ng metal chain nang tumama ito sa coffee table.Nagulat si Maizie sa malakas na tunog.Naglakad si Maisie papunta sa desk, lumapit sa tabi ni Nolan, tumalikod at naupo sa kandungan nito. Mapula ang kaniyang mga mata habang hinahampas si Nolan. “Noles, bwisit ka! Ang sabi mo sa akin kagabi habang nasa kama tayo na ako lang ang pakakasalan mo! Binabawi mo na agad ang sinabi mo? Balak mo ng humanap ng iba?”Hinawakan ni Nolan ang mga kamay nito at pinagmasdan ang babaeng nasa mga braso niya. “Hindi yan totoo.”“Ginagawa mo nga ngayon!” Hinampas siya sa dibdib ni Maisie, nagpapanggap na agrabyado. “Dahil ba hindi ako ganun ka-sexy, hindi ba ako ganun kaganda? Walang hiya ka!”Biglang tumahimik ang buong kwarto.Nanigas ang ekspresyon nina Mr. Hannigan at Maizie, at kahit si Quincy na nasa labas ng pinto ay nagulat din.Nag-aalinlangang nagtanong
Read more
PREV
1
...
5859606162
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status