"Kahit na matigas ang ulo ni lolo, tinatanaw niya pa rin ang kabaitan na pinakita sa kaniya ng mga Summers noon sa isipan niya. Hindi naman siya magiging bias kung hindi lang mula sa Summers si Rowena."Bumuntong hininga si Nicholas. "Nagtanim siya ng sama ng loob sa mga noble sa isip niya, bukod pa roon gumagawa ng rason ni Rowena para mapalaki ang alitan niyong dalawa. Kaya hindi hinahayaan ni Dad ang mga bagay hanggang sa makita mismo yun ng sarili niyang mga mata."Naiintindihan ni Maisie ang ibig sabihin sa mga salita ni Nicholas. Hindi na gusto ni Titis na makigulo sa mga desisyon ni Nolan matapos ang insidente kay Rowena.'Matigas ang ulo niya at hindi siya nakikinig sa payo ng iba, kaya hihintayin na lang na makita niya ang katotohanan, kahit na ang pag alam sa katotohanan ay muntik na maging kamatayan ni Nolan.'Sumapit ang gabi.Naliligo sina Nolan at Colton sa bathroom. Nakaupo si Colton sa bathtub at naglalaro maliit na yellow duck sa kaniyang kamay.Si Nolan na
Sa oras na yun, hindi mapanukso ang tono ni Nolan tulad noon bago siya mawalan ng alaala. Hindi nagbago ang ekspresyon niya habang diretso siyang nakatitig kay Maisie. Walang ibinigay na kakaibang isipin pero mukha siyang seryoso.Tumigil sa pagtibok ang puso ni Maisie habang nararamdaman niya ang pagtaas ng temperatura sa palad niya na nakalapat sa katawan ni Nolan. Ibig sabihin nun ay malapit na mawala sa kontrol si Nolan."Nolan, huwag…"Dumikit ang labi niya sa tainga ni Maisie na parang dinampian yun. "Wala akong pwedeng gawin hangga't wala akong maalala, ano?"Napatigil si Maisie.Ang mainit na hininga na pinakawalan niya ang gumulo kay Maisie, at mas lalong lumalim ang pag-ngiti niya. "Hindi ba't gustong gusto mo na inaasar ako?"Mahigpit na nakatikom ang labi ni Maisie— ang tainga at ulo nila ay sobrang lapit na hindi niya na kinakaya pang kumalma."Zee," Bulong ni Nolan sa kaniyang tainga, panggagayuma niya, "Asawa kita, at kailangan mong gawin ang parte mo."I
Maraming empleyado ng Blackgold ang pinag-uusapan ang balita."Sabi ay umalis si Mr. Goldmann sa Blackgold three years ago dahil malubha ang sakit niya. Iniisip ko kung anong klaseng sakit ang mayroon siya. Sa sobrang lala ng sakit niya ay nawalan siya ng alaala.”"Kaya naman pala narinig ko na late si Mr. Goldmann sa meeting niya kahapon ng tanghali dahil pumunta siya sa maling meeting room. At ang cleaner ang nagturo sa kaniya ng daan."Isang babaeng employee na naglalagay ng makeup sa harap ng salamin ang tumingin sa kanila. "Ang conference room na pinuntahan ni Mr. Goldmann ay ginawang reception room ilang taon na ang lumipas, at si Mr. Goldmann ang nag-utos na baguhin yun."'Hindi niya maalala ang conference room na inutos niyang baguhin. Nawala ba ang alaala niya, o nawala ang kaluluwa niya?'Bumuntong hininga ang isa pang babaeng employee. "Na-aksidente ang asawa niya tatlong taon na ang nakalipas, nawalan siya ng asawa at nagkaroon ng malubhang sakit, at ngayon nawala
Suminghal si Louis. "Nakipagkita ka lang sa akin para turuan ako ng leksyon para sa bestfriend mo?"Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Maisie at tinanong, "Louis, gusto mo ba talagang pakasalan si Ryleigh?"Bahagyang napakunot si Louis, pero ang malalim at maliit niyang mata ay hindi nagpakita ng kahit anong emosyon at nanatili itong kalmado.Kinuha ni Maisie ang tasa niya. "Alam ko na magandang pares ang Hills at Lucas, at mayroong koneksyon ang pamilya sa mga dating kasalan. 'Yun ang rason kung bakit gusto makita ng matatanda sa pamilya niyong dalawa na ikasal kayo. Pero hindi mo pwedeng i-sakripisyo ang sarili mong kasiyahan dahil sa kasal. Best friend ko si Ryleigh, at pinsan kita. Magiging sakit ka ng ulo ko tuwing mag-aaway kayo sa hinaharap."Dinala ng waiter ang kape ni Louis at nilagay ito sa harap niya.Hinawakan ni Louis ang tasa at tumingin sa bintana.Naguluhan si Maisie.Uminom siya ng mainit na kape at inalis ang tingin sa bintana. "Pipilitin ako ng Mom ko na
Pilit na ngumiti si Maisie. “Mukhang kailangan kong bumangon mula sa hukay.”Saka niya kinuha ang kaniyang handbag at tumayo.Tinitigan siya ni Ryleigh. “Babalik ka na agad?”“Papasukin ng mga taong yun ang bahay ko at aagawin ang korona sa ulo ng reyna kung hindi ako babalik ngayon.” Umalis si Maisie nang hindi lumilingon.Kinawayan siya ni Ryleigh. “Mabuhay ang reyna!”Sa Blackgold…Dumaan sina Maisie at Saydie sa front desk. Nang mapansin sila ng mga nag-uusap na receptionist, isa-isa silang napaangat ng ulo.Naglakad papunta sa elevator ang dalawa, at pamilyar ang babaeng mahaba ang buhok, pero hindi nila maalala kung saan nila siya nakita.“Pamilyar ba sa iyo yung babaeng yun?”“Nakapagtataka. Sino ang nagbigay sila ng karapatan na gamitin ang elevator na para lang kay Mr. Goldmann?”“Holy sh*t!”Nang may mapansin ang dalawang receptionist, agad silang tumakbo papunta sa elevator.Papasok na sana si Maisie sa elevator nang may brasong humawak sa kaniya mula sa likuran.
Parehong nagulat sina Maizie at Mr. Hannigan nang makita nila ang intruder.Binato ni Maisie ang handbag niya sa mesa, malutong ang tunog ng metal chain nang tumama ito sa coffee table.Nagulat si Maizie sa malakas na tunog.Naglakad si Maisie papunta sa desk, lumapit sa tabi ni Nolan, tumalikod at naupo sa kandungan nito. Mapula ang kaniyang mga mata habang hinahampas si Nolan. “Noles, bwisit ka! Ang sabi mo sa akin kagabi habang nasa kama tayo na ako lang ang pakakasalan mo! Binabawi mo na agad ang sinabi mo? Balak mo ng humanap ng iba?”Hinawakan ni Nolan ang mga kamay nito at pinagmasdan ang babaeng nasa mga braso niya. “Hindi yan totoo.”“Ginagawa mo nga ngayon!” Hinampas siya sa dibdib ni Maisie, nagpapanggap na agrabyado. “Dahil ba hindi ako ganun ka-sexy, hindi ba ako ganun kaganda? Walang hiya ka!”Biglang tumahimik ang buong kwarto.Nanigas ang ekspresyon nina Mr. Hannigan at Maizie, at kahit si Quincy na nasa labas ng pinto ay nagulat din.Nag-aalinlangang nagtanong
Sinulyapan siya ni Saydie.Nakasingising nagtanong si Quincy, “Nauuhaw ka ba, Ms. Saydie? Gusto mo ng maiinom?”“Hindi.” Humalukipkip si Saydie, walang pag-aalinlangan niyang tinanggihan ang alok ni Quincy.Hindi na ulit nagtanong si Quincy.Binutones ni Nolan ang damit ni Maisie habang hindi pa ito nakakatayo nang maayos. Niyakap niya ang baywang nito at sinuportahan bago tumawa. “Nakakahiya ka.”Suminghal si Maisie. “Ikaw ang nakakahiya! Anong dapat kong ikahiya?”Sandaling nagulat si Nolan, pagkatapos ay inangat niya ang ulo para pagmasdan si Maisie, para bang nakita niya na ang eksenang ito noon, at nasabi niya na rin noon ang mga salitang yun.Nang umalis si Maisie sa kumpanya, personal siyang hinatid ni Nolan sa labas. Nakita ng lahat ng empleyado sa kumpanya nang akbayan ni Nolan si Maisie, napaka-intimate nila!“Diyos ko, tama ba ang nakikita ko?”“May bago ng lover si Mr. Goldmann?”Iba-iba ang ekspresyon ng mga taong yun. Alam ng lahat na napakalambing ni Nolan sa a
Tumawa nang malakas si Maisie. “Oo, niloko niya ako. Niloko niya ako./”Ilang segundong natahimik si Ryleigh. “Oh, ikaw pala yun. Anong ginagawa niyo nun?”“Ano pa ba?” Tumigil sa pagsusulat si Maisie at umangat ang ulo. “Alam ng lahat ng nasa Bassburgh na nakipag-divorce siya sa akin, kaya kapag nilabas ko ang identity ko sa publiko habang may amnesia si Nolan, kailangan niya humarap sa media nang walang naalala. Malaking problema yun, hindi ba?”Pumalatak ang dila ni Ryleigh at sinabing, “Bakit may pakialam ka na sa nararamdaman ng may amnesia mong mister?”Walang sinabi si Maisie bagkus ay nagtanong na lang, “Nagtataka ako, saan mo nalaman ang tsismis? Hindi pa nga lumalabas yun sa balita o internet pero alam mo na agad!”“Sinama ako ng mga kaibigan ko dati sa isang WhatsApp group ng mga celebrities. Pinag-uusapan nila yun, binabasa ko yung mga messages nila pero hindi ako sumasagot.”Pagkatapos yung sabihin, may naalala si Ryleigh at dinagdag, “Oo nga pala, nasa group din si
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging