Mahinahon ang itsura ni Nolan sa ilalim ng puting liwanag—walang mapupuna sa mukha niya, walang salitang makapag-lalarawan sa perkpeksyon nito.Lumapit si Maisie, marahan niyang hinipo ang mga kilay ni Nolan, at dumulas ang daliri niya pababa sa tungki ng matangos nitong ilong.Kumunot ang noo ni Nolan, tumaas ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Maisie sabay hila nito, at saka dahan-dahang dumilat ang mga mata para tingnan ito. “Ang sama mo talagang babae.”Tumawa si Maisie, humawak sa mga balikat ni Nolan at mas lumapit sa lalaki. “Bakit naman ako naging masamang babae?”Hinawakan naman nito ang baywang niya. “Tapos ka na rin sa trabaho mo. Nagugutom ka ba?”“Oo.” Tumango si Maisie.Nakangiti siyang niyakap ni Nolan, nilapat ang mga labi sa leeg ni Maisie at saka ngumisi. “Nagugutom ka ba talaga?”Mahinang tinulak ni Maisie ang dibdib niya. “Huwag ka nang magloko. Nagugutom na talaga ako, wala na akong lakas na gumalaw pa sa sobrang gutom.”Tumigil na sa pagbibiro si Nola
Nakatitig si Nolan sa kaniya. “Ang bata pa ni Daisie. Paano niya nakakayang kumain ng maanghang?”“Baka namana niya sa akin.” Humigop ng sabaw si Maisie. “Limang taon pa lang ako kaya ko ng kumain ng maanghang na pagkain.”Yumuko si Nolan para kainin ang ravioli sa plato niya habang hindi naman maitago ni Maisie ang tuwa sa kaniyang mga mata. “Masarap ba?”“Hindi na masama.” Nakailan pang kagat si Nolan.‘Buti na lang hindi pangit ang lasa.’Pagkatapos nilang maubos ang ravioli 9:00 pm na sila nakarating sa Goldmann mansion.Sabi ni Alfred ay katatapos lang maligo ng dalawang bata at nanonood ng pelikula sa kwarto.Binuksan ni Maisie ang pinto habang nanonood sina Daisie at Colton ng anime at kumakain ng snacks sa harap ng isang malaking projector screen.“Mommy, nandito ka na!” Hinagis ni Daisie ang mga snacks sa braso ni Colton at tumakbo palapit sa kaniyang ina.Hinaplos ni Maisie ang buhok ni Daisie. Malambot ito dahil katatapos pa lang maligo. “Hindi ba kayo binigyan ng h
Pinagkrus ni Nolan ang kanyang mga daliri at nilapit ito sa kaniyang mga labi habang seryosong sinasabi, “Hanapan mo ako ng pinakamagaling na wedding photographer sa Bassburgh.”Nagulat si Quincy. “Wedding photographer?”Seryosong nagpaliwanag si Nolan, “Kailangan ng dekorasyon ng mga pader sa bahay.”Natahimik si Quincy. Sana sinabi niya na lang na gusto niyang magpakuha ng wedding pictures.…Sinabihan ni Maisie si Saydie na dumaan muna sa Vanderbilt manor habang papunta sila sa Soul Jewelry. Wala masiyadong pagbabago sa garden bukod sa natuyo na ang vegetation dahil walang nag-aalaga.Sarado ang pinto.Pinarada ni Saydie ang kotse, at binuksan ni Maisie ang pinto at saka bumaba. Tiningnan niya ang naka-lock na pinto ng bahay at makikitang wala ng nakatira pa dito.Tahimik ang kaniyang mga mata. Tumayo siya sa harapan ng pinto nang matagal, ayaw niyang umalis.Lumapit ang isang guard para sabihan siya, “Pasensya na, walang pwedeng pumasok dito.”Lumingon si Maisie sa kanya.
”Zee, ako pa rin ang tiyahin mo. Kahit paano, alam mo ng mayroon ka pang ako sa mundong ito.”Ngumiti si Maisie at tumango.…Dumating si Maisie sa Soul Jewelry, at nakita niya si Quincy na nakaupo sa couch nang pumasok siya sa opisina.Napahinto si Maisie at nilibot ang tingin sa kwarto. “Quincy, bakit ka nandito? Nasaan si Nolan?”Kung nasaan si Quincy, nandoon din si Nolan.Napakamot sa mukha si Quincy at ngumiti. “Pinapasundo kayo sa akin ni Mr. Goldmann.”“Sundo?”“Oo, may surpresa daw siya sa inyo at dadalhin ko kayo dun.”Humalukipkip si Maisie nang makita niya ang kakaibang kinikilos ni Quincy. “Anong surpresa?”“Hindi na yun surpresa kung sasabihin ko sa inyo.” Inilahad ni Quincy ang isang kamay at yumuko. “Shall we go, Ms. Vanderbilt?”Ngumiti si Maisie. Bakit may pasurpresa pa si Nolan imbes na magtrabaho? Nagtaka tuloy siya sa ‘surpresa’ na ito.Ginawang misteryoso ni Nolan ang buong proseso. Hindi lang siya naka-blindfold habang papunta doon, pero kinailangan d
Seryoso ang mukha ni Nolan habang hinihila pababa ang kaniyang kurbata. Bumagsak ito sa sahig pero hindi siya lumingon.Nagulat si Quincy. “Mr. Goldmann—-”Malungkot na lumabas si Maisie, kaya lumapit si Quincy sa kanya at nagtanong, “Anong nangyari kay Mr. Goldmann? Hindi ba kayo nakuhan ng wedding pictures?”Tumingala si Maisie. “Wedding pictures?”Nagpaliwanag si Quincy, “Oo, kahit na nawala ang alaala niya, hindi nawala sa isip niya na wala kayong wedding pictures. Gusto niya nga rin kumuha ng wedding rings. Kahit na hindi niya naaalala ang nangyari, sobrang mahalaga pa rin kayo sa kaniya.”Napako si Maisie sa kinatatayuan niya, nakakuyom ang mga kamay.Kahit na hindi nakakaalala si Nolan, nasa puso pa rin nito ang nakaraan nila at gustong bumawi, sa wedding photos man, wedding rings, o ang pangako nitong wedding ceremony.Galit si Nolan. Kahit na hindi pa bumabalik ang alaala nito, dapat ba siyang tanggihan dahil lang hindi nito naaalala ang nakaraan nila?Napatawa na lan
Hindi nagsalita si Maisie. Hindi nagtagal matapos ang tawag, pinadalhan siya ng litrato ni Quincy.Katulad na katulad ito ng inilarawan ni Ryleigh. Kumakain ng lunch sina Nolan at Maizie, at sinadya silang kunan sa isang anggulong mas intimate.Suminghal si Maisie. Inutusan ba ni Nolan si Quincy na i-send ito sa kaniya? Gusto ba niyang pagselosin siya?Matagal na naghintay si Quincy sa reply ni Maisie at saka siya nagsimulang mataranta. ‘Hindi na ba papansinin ni Ms. Vanderbilt si Mr. Goldmann?’Na-alarma na si Quincy nang puntahan ni Maizie si Nolan sa opisina.Agad siyang lumapit kay Nolan at yumuko para bulungan ito sa tainga. Humigpit ang hawak ni Nolan sa wine glass, at sumimangot ang mukha niya.Nakaupo si Maizie sa tapat niya at nag-eenjoy sa isang steak at wine. Nginitian siya nito bago nilapag ang wine glass. “Anong problema, Nole?”Nilapag ni Nolan ang baso niya sa mesa, pinunasan ang labi gamit ang napkin at sinabing, “Kailangan kong umalis.”Tumayo siya at aalis na
Humigpit ang hawak ni Nolan sa mga balikat niya hanggang sa niyakap ni Maisie ang baywang nito at nilapat ang pisngi sa dibdib para pakinggan ang tibok ng puso ni Nolan."Zee…""Tapos ka na bang magalit?" Tiningnan siya ni Maisie, halatang proud ito.Tinikom ni Nolan ang maninipis niyang labi, pakiramdam niya ay itinatali siya.Inayos ni Maisie ang necktie niya. "Nag-enjoy ka ba sa lunch niyo ni Maizie?"Napahinto si Nolan at umiwas ng tingin. "Alam mo ba kung bakit ko siya kasamang kumain?""Para pagselosin ako," Nakangiti ang mga mata ni Maisie, "Hindi ko alam kung talagang nagtatampo ka sa akin, kaya hinintay na lang kita na bumalik sa akin.""Mamamatay ka ba kung ikaw ang unang kakausap sa akin?"Nakaramdam ng pagkatalo si Nolan sa unang pagkakataon, pero hindi siguro ito ang unang beses na nangyari ito.Hinalikan ni Maisie sng Adam's apple niya. Kumunot ang kaniyang noo, mahigpit na niyakap ang baywang nito at sinabing, "Itigil mo yan, Maisie."Pero, tinulak si
Napa-angat ng ulo si Maisie. "Sino yun?""Si Madam Vanderbilt," Lumingon si Kennedy at sumagot, "Sa tatlong taon na lumipas, pumupunta siya dito at binibigyan kami ng problema. Kahit na naging Soul Jewelry ang Vaenna Jewelry, isa pa rin ito sa mga assets ng mga Vanderbilt. Akala nila ay patay ka na, at pinipilit niyang ipamana sa apo niya ang assets ni Stephen."Tumawa si Maisie. Habang nilalaro niya ang hawak niyang pen, sinabi niya, "Paglipas ng maraming taon, hindi pa rin nagbabago ang mga Vanderbilt sa Coralia."Napabuntong-hininga na lang si Kennedy. "Mas lumalala lang sila. Hindi ito ang unang beses na pumunta sila dito at gumawa ng eksena. Nagpatawag pa sila ng pulis, pero walang nagawa ang mga pulis. Pagkatapos ng lahat, ikaw ang legal na tagapagmana ng mga assets ni Stephen ayon sa will niya."Pagkatapos magsalita, tiningnan niya si Maisie at sinabing, "May gagawin ka ba tungkol dito?"Tumayo si Maisie at sumagot "Hindi muna ako magpapakita. Gusto kong makita kung an
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa