공유

Kabanata 592

Hindi maalala ni Nolan si Maisie, kaya naman, hindi dapat siya naaapektuhan. Pero, hindi ganoon ang nangyari. Nang oras na makita niya si Maisie, para siyang magnet na lumalapit sa kaniya. Gusto niyang alagaan si Maisie, mahalin, at mapalapit sa kaniya.

Mabilis ang tibok ng puso niya, hindi niya mapigilan ang kaniyang pulso, at tumaas ang kaniyang temperatura. Nararamdaman ni Maisie ang init ni Nolan sa kaniyang kamay.

Bumalik si Maisie sa huwisyo at hinawakan ang mukha niya. Bahagya niyang binuksan ang mapula niyang labi at tinanong, "Umaamin ka ba sa akin?"

Naningkit ang mata ni Nolan pero wala siyang sinabi na kahit ano.

Pinulupot ni Maisie ang kamay niya sa bewang ni Nolan at ibinaon ang mukha niya sa kaniyang dibdib. Habang nakikinig siya sa tibok ng puso niya, nagpatuloy siya. "Nolan, hihintayin ko ang araw na maaalala mo na lahat, kahit gaano pa yun katagal. May pangako ka pa sa akin, kaya kailangan mong maka-alala."

Mahigpit na nakatikom ang manipis na labi ni Nolan h
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status