Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1911 - Kabanata 1920
2214 Kabanata
Kabanata 1912
‘At mula nang umalis si Freyja, umalis si Colton nang hindi kumakain, iniwan niya si Ms. Peterson at sinabi niyang may nangyari at busy siya. Peke yon lahat, ano?‘Umaabot na pala sa ganito ang relasyon ni Colton at Freyja!’Hindi inakala ni Freyja na mahuhuli siya ni Daisie. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya bigla at nahihiyang tumayo. “Daisie, pasensya na, ano—”“Sandali.” Inangat ni Daisie ang kamay niya para patigil siya at huminga nang malalim. “Bigyan mo ako ng ilang minuto. Masyadong maraming impormasyon ang kailangan kong isipin agad. Matagal na ba kayong magka relasyon?”Yumuko si Freyja. “Hindi mo kami maituturing na magkarelasyon.”Tiningnan siya ni Colton. Nagdilim ang mata niya pero nakakatakot ang pagiging kalmado niya.Pagkatapos ng ilang sandali, malamig niyang sinabi, “Freyja, ayaw mong aminin sa harap ni Daisie, ano?”Nanatiling tahimik si Freyja habang kagat ang labi niya.“Mukhang hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo.” Tumalikod siya, nakang
Magbasa pa
Kabanata 1913
Isang box ng singsing.Agad na hinawakan ni Daisie ang singsing na nasa leeg niya. “Hindi ba't nandito na ang singsing?”“Iba ito.” Huminto si Nollace sa likod niya at ngumiti. “Token of love lang ang singsing three years ago, hindi pa ‘yan official.”Tiningnan siya ni Daisie. “Hindi ba't masyadong malinaw ang pagkakaiba?”Lumapit si Nollace, kinuha ang box ng singsing sa string at lumapit kay Daisie.Hindi mapigilan ni Daisie na kabahan at tumitig sa kaniya.Lumuhod siya sa harap ni Daisie at binuksan ang singsing sa kaniyang kamay. Sa loob ng box ay isang cornflower blue sapphire ring na may pangalan ni Nollace sa surface.“Ms. Vanderbilt, handa ka bang ikasal sa akin nang mahawakan natin ang kamay ng isa't isa habambuhay? Pero mag ingat ka, pagkatapos mong tanggapin ang singsing na ito, wala ka ng pagkakataon na makipag-divorce.”Agad namangha si Daisie at yumuko pero namumula ang mata niya. “Anong klaseng marriage proposal ‘to?”“Will you?”Nilapit niya ang kaniyang kama
Magbasa pa
Kabanata 1914
Lumubog si Daisie sa tubig sa takot at namula. “Malapit…malapit na ako matapos.”Napangiti si Nollace. “Gusto ko lang ipaalala sa'yo na huwag ka masyado magtagal sa bathtub. Baka mahimatay ka sa init.”Pagkatapos magsalita, binaba niya ang damit ni Daisie. “Nilagay ko ang pajamas mo sa pinto.”Mahinang hum ang naging sagot ni Daisie.Nang mawala ang anino, umahon siya sa bathtub, kinuha ang towel at binalot ang katawan niya doon.Bahagya niyang binuksan ang pinto ng banyo. Maayos na nakatupi ang pajama at nakalagay sa tabi ng pinto.Nagpalit siya ng pajama at lumabas ng banyo. Basa ang buhok niya at ang maputi at namumula niyang balat at bahagyang sumakto sa ice silk na pajama.Sinilip ni Daisie ang ulo niya sa kwarto. Nakaupo si Nollace sa chaise lounge habanag naka dekuwatro, nakatakip ang noo gamit ang isang kamay at tumitingin naman ng magazine ang isa.Nakatutok ang tingin niya sa magazine, ang black ice silk nightgown niya ay maluwag na nakabukas at bahagyang nakabukas an
Magbasa pa
Kabanata 1915
Pagkatapos ng ilang sandali, naghiwalay na ang dalawa sa isa't isa.Hinaplos ni Nollace ang labi niya. “Oras na para humiga.”Biglang kinabahan si Daisie.‘Posible bang nandito na ang importanteng pangyayari?’Bago pa niya maayos ang iniisip niya, binuhat siya ni Nollace at dinala sa kama. Nang ihiga siya sa kama, mas lalo siyang hindi mapakali.Kinumutan siya ni Nollace, hindi na gumawa pa ng ibang aksyon, humiga sa tabi niya at niyakap siya. “Matulog ka na. Good night.”Blangko na nakatingin si Daisie sa kisame.‘Nang sinabi niyang oras na para humiga, pahinga lang ang tinutukoy niya?’Humarap siya at tinitigan si Nollace.Nakapikit si Nollace at makikita ang pagod sa mukha niya na para bang antok na antok siya.Nakahinga nang maluwag si Daisie.‘Normal lang yon. Nakakapagod talaga ang pag ayos at disenyo sa villa.’Maingat siya na humarap para tingnan nang maayos si Nollace, yumakap sa bisig niya at pinikit ang kaniyang mata.Sa labas ng bintana, makikita ang liwanag ng
Magbasa pa
Kabanata 1916
Lahat ng galaw ni Daisie ay inaabangan ng media at alam niya kung gaano kahirap maging public figure. Dahil hindi parte si Nollace ng industriya, natatakot siya na maaapektuhan siya non.Ngumiti si Freyja. “Iniisip mo ang asawa mo pagkatapos ng ROM.”Namula siya. “Asawa ko siya. Syempre kailangan ko siyang protektahan.”May naisip siya kaya tumingin siya kay Freyja. “Kumusta kayo ni Colton?”Natigil si Freyja pagkatapos ay tumingin sa labas ng bintana. “Sinong nakakaalam…”“Anong ibig mong sabihin? Gusto ka ni Colton at ganoon din ang nararamdaman mo. Hindi ba't mabuti ‘yon?”“Hindi ‘yon ganoon ka-simple.” Bumaba ang tingin ni Freyja. “Daisie, pwede ba natin itago ang relasyon ko kay Colton sa pamilya mo?”Natigil si Daisie at tiningnan siya. Sumandal siya sa upuan niya. “Nag-aalala ka ba na hindi pumayag ang pamilya ko?”Tumingin sa paligid si Freyja. “Hindi yon ang rason…”Kahit na tanggapin siya ng Goldmann, gaano ba magtatagal ang relasyon nila?Kung magulo ang relasyon,
Magbasa pa
Kabanata 1917
“Para kay Colton ‘yan.”Nagulat si Freyja. Inangat niya ang takip at tinitigan ang mga key. “Marunong siya mag piano?”Hindi niya maiisip yon.Akala niya ay isang business person si Colton mula noon at wala siyang nalaman sa ibang interes nito. Ito ang side na hindi niya alam.Sinabi ni Daisie na musically talented si Colton at nag-aral pa sa Royal Academy of Music. Naging musician sana siya pero hindi niya tinuloy dahil kailangan niyang pamunuan ang business ng pamilya nila.Nagulat si Freyja. “Sayang naman.”“Oo nga pero sariling desisyon niya yon.” Yumuko si Daisie.Dahil pinili ni Waylon na mag-train kasama ang great-grandfather nila sa ibang bansa. Kailangan isuko ni Colton ang music. Kahit na mahalaga ang pangarap, may pasanin din sila bilang Goldmann.Tiningnan siya ni Freyja at mukhang naiintindihan niya na kung bakit gusto niyang maging independent. Dahil sa dalawa niyang kapatid.Lagi siyang pinagbibigyan sa bahay nila pero hindi siya naging spoiled brat. Gusto niya
Magbasa pa
Kabanata 1918
Binibigay lang ang pagiging friendly sa ibang tao at hindi sa kaibigan.Nagpapakita ng emosyon ang kaibigan pero hindi pinapansin ni Colton ang emosyon niya. Kahit na hindi humingi ng opinyon mula sa kaniya ang dad niya bago kausapin si Nolan, wala siyang pakialam doon.“Nagtataka ako sa kung anong klaseng babae ka may interes.”Tumingin si Colton sa paligid. “Mahalaga pa ba yon sa'yo?”Tapat si Giselle. “Kung wala ako sa pinag-iisipan mo. Iniisip ko ang tungkol sa babaeng iibigin mo. Sigurado na mas better siya sa akin.”At baka ayon ang rason bakit hindi niya makita sa ganoong klase si Giselle.Kung magaling talaga ang babae na yon, hindi sasama ang loob ni Giselle.Tahimik si Colton. Maraming magaling na babae. Isa si Giselle sa kanila. Galing siya sa magandang pamilya at may disiplina at gusto laging matuto. Magandang halimbawa siya nang babae.Ang babaeng tulad niya ay magiging mabuting asawa dahil kaya niyang asikasuhin ang bahay at tulungan siya sa business, pero kung k
Magbasa pa
Kabanata 1919
‘Kailan pa siya nagsimulang makipag sabtwan kay Colton!?’Hinubad ni Colton ang coat niya at sinabit sa closet. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka?”Humalukipkip si Freyja. “May magsasabi rin naman sa'yo kalaunan.”Tumingin si Colton sa living room. Sobrang pamilyar sa kaniya ang lugar na ito.Huminto siya sa harap ng piano at tumingin. “Sinabi ba sa'yo na tumira ka dito?”Ngumiti siya. “Bakit nga ba ako nandito?” Dagdag niya, “Hindi ako libreng naninirahan dito. Nagbabayad ako ng renta.”Natigil siya at tumingin kay Freyja.Walang maipagmamalaki si Freyja pero malakas pa rin ang loob niya. Nasa pagkatao niya na ang pagiging malakas ang loob.Hindi siya sakim at mananamantala ng ibang tao. Binabayaran nita lahat para walang magsasabi sa kaniya kung paano gagawin ang mga bagay.Tinitigan siya ni Colton. “Magkano ang renta?”Natigil siya at nag-iwas ng tingin. “Magbabayad ako sa kung anong mayroon ako.”May naalala siya bigla. “Hindi ako nagbabayad sa'yo. Bakit may
Magbasa pa
Kabanata 1920
Sinubukan na hampasin ni Freyja si Colton pero agad niyang nahawakan ang kamay niya at hinawakan siya sa may closet.Hindi niya matulak si Colton. “Colton, walang hiya ka ba!?”Inangat ni Colton ang baba niya at tiningnan ang namumula niyang mukha. “Hindi pa ako nahihiya kailanman.”Hindi alam ni Freyja kung ano ang sasabihin.Yumuko siya at hinalikan si Freyja.Gusto niya lang asarin si Freyja pero mabilis ang pangyayari. Pamilyar siya sa katawan niya pero kung walang nararamdaman si Freyja sa kaniya, hindi siya nito hahayaan. Ito lang ang oras na pareho ang nasa isip nila.Pagkatapos ng isang linggo, sa isang party para i-celebrate ang pagtatapos ng kanilang filming…Dumalo si Daisie sa party. Maraming reporter sa pinto at lumapit sila nang makita na magkasama si Daisie at James.“Ms. Vanderbilt, sino ang lalaki na binanggit mo sa iyong social account? Pwede mo ba kami sabihan tungkol sa kaniya?”May gustong sabihin si James nang kinurot ni Daisie ang braso niya. Huminga siy
Magbasa pa
Kabanata 1921
Ganun din iyon kung uminom ng maraming champagne si Daisie. Kung red wine iyon, sigurado na lasing na siya ngayon.Nahihilo na siya, at namumula na ang pisngi nang oras na umalis siya sa banquet.Nang paalis na si Mitchell, bigla siyang huminto at sinundan si Daisie. Pumunta si Daisie sa parking lot, at may silver Cayenne sa hindi kalayuan.Napansin ni Mitchell na ang lalaking sumundo kay Daisie ay ang tumutulong sa kaniyang mga ginagawa. Dahan-dahan siyang humakbang para hawakan si Daisie sa balikat at suportahan ito. “Ms. Vanderbilt, lasing ka. Ako na ang maghahatid sayo.”Nagulat si Daisie. Bago pa siya gumawa ng kahit ano, biglang lumabas si Edison at tinulak palayo si Mitchell. “Okay na Sir. Ihahatid siya ng master ko pauwi.”Nagulat si Mitchell nang tumingin siya kay Edison.‘Master?’Tulad ng inaasahan niya, ang lalaki ay may magandang status.Hinintay ni Edison na makapasok si Daisie sa kotse bago siya pumunta sa driver's seat.Naninigas na nakatayo si Mitchell sa
Magbasa pa
PREV
1
...
190191192193194
...
222
DMCA.com Protection Status