Kinabukasan….Nang magising si Dasie, pumunta siya sa baba at binungad ng mabangong amoy ng pritong itlog.Nakatayo si Nollace sa kusina. Habang nililipat niya sa plato ang itlog mula sa kawali, dalawang kamay ang yumakap sa kaniya mula sa likod.Ilang sandali siyang nagulat tapos tumalikod siya at ngumiti. “Morning.”Sumandal si Daisie sa malawak na likod ni Nollace, sobrang komportable niya. “Morning.”Mahinahon na sinabi ni Nollace, “Maglinis ka na ng sarili mo. Handa na ang almusal.”Pumunta sa taas si Daisie para linisin ang sarili niya. Matapos magbihis, bumaba siya ulit. Nahanda na ni Nollace lahat ng pagkain sa mesa. May lugaw, ilang hiwa ng tinapay, ham, at sunny side up.Hinila ni Daisie ang upuan at umupo. Nakaramdam siya ng hiya kaya sinabi niya, “Nolly, sa totoo lang, hindi mo kailangan gumising lagi nang maaga para lang gawan ako ng almusal. Kaya ko naman ito gawin.”Tumawa si Nollace at inabot ang lugaw sa kaniya. “Ayos lang. Gusto ko naman gumagawa ng almusal pa
“Gusto malaman ni Mitchell mula sa Zestar kung sino ako. Pakiramdam ko gusto niya ulit sumikat sa pamamagitan ng pagbebenta sa media ng impormasyon tungkol sa akin pero nauna na ako para asikasuhin ang problema.”Naintindihan ng chairman ang gusto ni Nollace. “Ibig sabihin, gusto mong tulungan kitang asikasuhin ang problema na ito?”Tumango siya. “Ikaw ang chairman ng Tenet Media, at isa ka sa mga kilala na influential sa entertainment industry. Ikaw ang pinaka karapat-dapat na taong aasksyon at mag-re-resolba ng problema na ito, at…”Huminto siya nang ilang segundo at tinapik-tapik ang gilid ng salamin. “Kung magagawa ni Mitchell na mabalik ang katayuan niya sa tulog ng Media, maapektuhan din nito ang Tenet Media. Lalo na't, ako ang nagkalat ng iskandalo sa pagitan nila ni Susan. At saka, shareholder ako ng Tenet at hindi matutuwa ang publiko pag nalaman nila iyon.”Alam ng chairman ang tinutukoy niya.Sinaktan ni Mitchell si Daisie noong nag-shoot sila nang magkasama. Noong una,
Ayaw na maghintay ni Susan hanggang sa mag-expire ang kontrata niya. Ayun ay dahil mahuhuli na ang lahat, at sa oras na iyon wala na siyang pagkakataon na bumalik pa sa entertainment industry.Wala siyang magandang family background tulad ng meron si Daisie. Kailangan niyang asahan ang sarili niya sa mga bagay na gusto niya kaya ngayon na may paraan na ibinibigay sa kaniya, kailangan niya na yun kunin.“Sige, tutulungan kita.”Inunat ni Mitchell ang kamay niya at nilagay sa ibabaw ng kamay ni Susan. At makabuluhan niyang sinabi, “Tinulungan n kita, Susan. Oras na para ako naman ang tulungan mo.”Nang makita ni Susan na gusto pa rin siya pakinabangan ni Mitchell kahit walang-wala na siya, sumama ang loob niya. Pero, kailangan niyang pigilan ang galit niya dahil kailangan pa niya si Mitchell.…Inabot ni Charlie ang script ng variety show kay Daisie.Kinuha iyon ni Daise, binasa, at nagulat siya. “Ano ito?”Sabi ni Charlie, “Gusto ng chairman natin na sumama ka sa variety show na
Nang may sasabihin sana si Freyja, biglang nag-ring ang phone niya.Kinuha niya ang phone niya at nagulat siya.Si Colton iyon.Tiningnan ni Daisie ang phone niya at ngumiti. “Well, speak of the devil.”Lumabas ng opisina si Freyja para sagutin ang tawag. Alam ni Daisie na hindi sasagutin ni Freyja ang phone sa harap niya, kaya hindi na siya sumunod. Nng tumalikod siya, aksidente niyang nalaglag ang bag sa mesa.Nang umupo siya para kuhanin ang bag na nas sahig, isang box ng contraceptive pills ang nalaglag mula sa bag.Kinuha ni Daisie ang box of pills at nagulat siya. Bumalik si Freyja sa opisina matapos ang tawag. Nakita niya si Daisie na nagbabasa ng script sa likod ng mesa kaya hindi na niya ito inistorbo.Tiningnan ni Daisie si Freyja. Abala siya sa pagtatrabaho sa harap ng kaniyang computer. Nang pumasok ulit sa isip niya ng box ng pills, mahigpit niyang tinikom ang labi niya.Gusto niyang tanungin si Freyja tungkol doon, pero wala siyang makuhang sapat na lakas para m
Huminto nang ilang segundo si Nollace at kumunot ang kaniyang noo. “Umiinom siya ng pills?”Yumuko si Daisie. “Siguro dahil ayaw pa nila magkaroon ng baby ni Colton. Kaya siya umiinom ng pills.”Tiningnan siya ni Nollace.‘Sobrang inosente at simple ng babaeng pagdating sa ganitong aspeto ng buhay. Gusto ko na siya turuan ngayon mismo kung hindi lang sa hindi ngayon ang tamang panahon.’Dahan-dahan niyang hinaplos ang tip ng ilong ni Daisie. “Dummy, napaka-delikado ng pills na iyon sa katawan ng isang babae, at magkakaroon ng malaking apekto yun sa pagbubuntis ng babae sa susunod na panahon. Kung may pakialam si Colton kay Freyja, sigurado akong hindi niya papayagan si Freyja na mag take ng pills.”Nagulat si Daisie. “Baka sikreto lang na umiinom si Freyja at hindi niya ipinapaalam kay Colton?”Tumango si Nollace. “Baka.”Nang gabi na, nakatayo si Nollace sa likod ng French window, nakatitig siya sa tahimik at madilim na bakuran.Tiningnan niya ang text message na lumabas sa sc
Tumawa nang malakas si Daisie at pinakita kay Susan ang video record niya sa kaniyang phone. “Ano kayang iisipin ni Mitchell pag nakita niya ito?”Agad nagbago ang ekspresyon ni Susan, at mabilis siyang lumapit para kunin ang phone ni Daisie.Umatras si Daisie at nilagay ang kamay niya sa kaniyang likod.Walang nakuha si Susan at galit na sumigaw, “Daisie Vanderbilt! Bakit ganito ka sa akin? Nagmamakaawa na ako sayo! Ano bang gusto mo sa akin!?”Hinawakan ni Daisie ang phone niya at tiningnan si Susan. “Nagmamakaawa ka ba talaga sa akin? Nagmamakaawa ka lang naman kasi nahuli kita, ‘di ba?”Namula ang mata ni Susan. “Anong pinagkaiba nun? Daisie Vanderbilt, isinantabi na ako ng Zestar at umabot na ako sa puntong ito ng buhay ko. Ano pa bang gusto mong gawin ko?”“Oo, umabot ka na sa puntong ito, pero hindi ka pa rin tumigil.” Tumawa si Daisie. “Kaya bakit ko pagbibigyan ang hiling mo?”Pumunta siya sa mesa at tinawagan ang front desk sa landline. Namutla ang mukha ni Susan, at b
Tinulak siya ni Freyja at galit na umalis. “Hindi ko rin naman inaasahan na lulutuan mo ako ng almusal.”Tiningnan ni Colton ang paglabas ni Freyja ng kwarto at bumalik ang tingin niya sa drawer.Pumunta si Freyja sa baba at nagulat siya nang makita ang almusal na nakahanda sa dining table.Hindi talaga niya inaasahan na magluluto ng almusal si Colton para sa kaniya pero hindi niya rin inaasahan na gagawin niya talaga iyon. ‘Itong taong ito, maliban sa nakakairita ang mga sinasabi, ayos naman ang ibang bagay na tungkol sa kaniya.’Dahan-dahang naglakad si Colton paounyang baba at tiningnan ang taong kumakain ng almusal sa sala ng may kakaibang ekspresyon.‘Hindi siya uminom ng pills kasi may sakit siya. Umiinom siya nun bilang contraceptive.‘Kahit na hindi ko pa plano na magkaroon ng anak hindi ko matatanggap kung may mangyayaring aksident. Pero, ayaw ba talaga niya mabuntis para sa akin?’Nakita siya ni Freyja na nakatayo, wala siyang ekspresyon, huminto siya at tinanong, “B
Nagsimula na ang program recording at nakaupo na si Daisie sa stage, tuloy-tuloy siyang sumasagot sa mga tanong ng host sa kaniya. Sigurado na ang asawa niya ang talagang pag-uusapan.Pero, nakangiti na sumagot si Daisie sa mga tanong, “Bata pa ako kilala ko na siya.”Nagulat ang host. “Ibig sabihin, childhood sweetheart kayong dalawa?”Kalmadong sumagot si Daisie, “Tama yan pero matagal kaming nagkahiwalay hanggang sa nagkita kami ulit.”Nagpatuloy sa pagtatanong ang host, “Nagpakasal ba kayo dahil inarrange ito ng dalawang pamilya o ito ay dahil sa personal niyong nararamdaman para sa isa't isa?”Tumawa si Daisie. “Hindi iyon arrange marriage. Personal namin itong nararamdaman.”Dagdag pa ng host, “Dahil legal at opisyal na kayong kasal, bakit ayaw mo itong gawing publiko? Natatakot ka ba na baka maapektuhan nito ang personal niyang buhay?”Tumawa si Daisie at nagbiro. “Sobrang talino lang ng asawa ko para maging totoo. Ayaw kong makilala siya. Kung hindi, ano na lang ang ga