Nagsimula na ang program recording at nakaupo na si Daisie sa stage, tuloy-tuloy siyang sumasagot sa mga tanong ng host sa kaniya. Sigurado na ang asawa niya ang talagang pag-uusapan.Pero, nakangiti na sumagot si Daisie sa mga tanong, “Bata pa ako kilala ko na siya.”Nagulat ang host. “Ibig sabihin, childhood sweetheart kayong dalawa?”Kalmadong sumagot si Daisie, “Tama yan pero matagal kaming nagkahiwalay hanggang sa nagkita kami ulit.”Nagpatuloy sa pagtatanong ang host, “Nagpakasal ba kayo dahil inarrange ito ng dalawang pamilya o ito ay dahil sa personal niyong nararamdaman para sa isa't isa?”Tumawa si Daisie. “Hindi iyon arrange marriage. Personal namin itong nararamdaman.”Dagdag pa ng host, “Dahil legal at opisyal na kayong kasal, bakit ayaw mo itong gawing publiko? Natatakot ka ba na baka maapektuhan nito ang personal niyang buhay?”Tumawa si Daisie at nagbiro. “Sobrang talino lang ng asawa ko para maging totoo. Ayaw kong makilala siya. Kung hindi, ano na lang ang ga
Sinasabi lang naman ni Leonardo ang katotohanan, peor matapos niya sabihin iyon, napansin niya na hindi nagustuhan ni Colton ang sagot niya. Agad siyang bumalik sa katotohanan. “Mr. Goldmann, ang lalaki bang tinutukoy mo ay…sarili mo?”“Tinatanong ko para sa iba.” Naiinip niyang sinagot kay Leonardo.Sumagot si Leonardo, “Mauna na akong umalis.”Walang sinabi na kahit ano si Colton sa sinabi ni Leonardo na pag-alis niya kaya dahan-dahan niyang sinara ang pinto at umalis.Sumandal si Colton sa upuan, nag-iisip ng kung anu-ano.‘Iniisip rin ba ni Freyja yun? Natatakot ba siya na baka hindi ko panindigan kung mabuntis ko siya? Ayunba ang dahilan kaya umiinom siya ng pills na iyon?”‘Lalo na't, hindi ko naman talaga siya masisi sa pag inom ng pills na iyon. Kasalanan ko ito. Wala akong ginawa na kahit ano para protektahan siya at kahit isipin man lang ang nararamdaman niya. Siguro isang siraulo na ang tingin niya sa akin ngayon.’Bumalik si Leonardo sa opisina niya at napansin na ma
Bumalik si Nollace sa Taylorton. Isang masangsang na amoy ang sumalubong sa kaniya nang pumasok na siya sa villa.Kumunot ang noo niya at pumunta agad sa kusina matapos tanggalin ang kaniyang sapatos. Puno ng usok ang kusina, at sobrang maamoy ang niluluto, pero ang kitchen hood ay hindi nakabukas. Nakatayo si Daisie doon at inuubo habang nagpapanic na naglalakad at sinusubukan solusyunan ang problema.Nagulat si Nollace, at agad niyang nilabas si Daisie sa kusina. Agad niyang binuksan ang hood at pinatay ang apoy.Nakatayo lang si Daisie doon, nagulat siya, at puno ng dungis ang kaniyang mukha.Tumayo si Nollace sa kusina at nilinis ang countertop.Lalo pang kinabahan si Daisie nang tahimik lang si Nollace. Yumuko siya at tinikom ang labi niya. “Sorry, sinusubukan ko lang naman magluto ng dinner.”Huminga nang malalim si Nollace, tumalikod siya, at kalmado na tiningnan si Daisie. “Hindi mo kailangan magluto ng dinner.” Tumingin si Daisie pero hindi siya sumagot.Huminto siy
Nakaupo si Nollace sa harap ng computer, ina-analyze niya ang data habang kinakatok ng kamay niya ang mesa. Nag-send si Edison ng text sa kaniya. [Sir, nalaman namin na buhay pa si Donald.]Kinuha niya ang phone, binasa ang text, at kumunot ang noo niya. Kahit na inaasahan niya na buhay pa si Donald, nang makumpiram ito, mas lumala lang ang mga bagay. Si Donald ang worst enemy niya. Wala pang kalahati si Ken Pruitt sa kasamaan ni Donald. Sobrang laking effort ang ginawa niya para mapabagsak si Donald pero nagawa pa rin niyang makalabas ng kulungan matapos ang kalahating taon na incarceration. Isang buwan na siyang hinahanap ng mga pulis kasama ang mga tracker dogs at natagpuan nila ang prison clothes niya sa tabi ng bangin. May mga dugo at sobrang nasira ang damit pero walang katawan.Hindi nakumpirma ang pagkamatay ni Donald sa panahong iyon, pero kung tatakas siya sa kulungan, hindi siya mamamatay.Sumagot si Nollace: [Pagtuunan mo yan ng pansin.]Binaba niya ang phone ni
Na-disappoint si Daisie pero nang maalala niya ang sinabi ni Freyja, tinikom niya ang kaniyang labi at nilakasan ang loob niya. “Nolly, pwede ba kita tanungin?”Tumango si Nollace.Hindi niya alam paano niya titingnan si Daisie sa sitwasyon na iyon.Tiningnan siya ni Daisie at sobrang seryoso niya ng tanungin, “May dysfunction ka ba?”Biglang huminto ang ihip ng hangin, at sobrang nerve-wracking ng katahimikan.Tumingin sa kaniya si Nollace. “Ano?”Umiwas ng tingin si Daisie habang namumula siya. “Sinusubukan lang kita pero wala ka namang ginawa kaya may dysfunct—”Bago pa tapusin ni Daisie ang kaniyang sinasabi, umakyat na si Nollace papunta sa kaniya at nilagay ang daliri niya sa labi ni Daisie. Nagpanggap siyang galit. “Ibig sabihin, iniisip mo na may performance issue ako?”Umiwas ng tingin si Daisie.Tinaas ni Nollace ang mukha niya. “Daisie, dapat hindi mo tanungin ang lalaki tungkol dito kung wala ka namang ebidensya. Baka pagsisihan mo.”“Bakit?”Sobrang linis ng mat
Matapos umalis ni Colton noong nakaraang umaga na galit, hindi pa siya nagpapakita. Hindi alam ni Freyja bakit siya pumunta para makita siya. Naglakad sila papuntang corridor at huminto si Freyja. “Pwede ba kita tulungan?”Huminga nang malalim si Colton, tumingin siya kay Freyja at sa wakas nagsalita rin siya. “Huwag ka na mag take ng birth control pagkatapos nito.”Nagulat si Freyja. ‘Nalaman niya ba?’Anong ibig niyang sabihin? Gusto niya bang mabuntis si Freyja?Natahimik nang ilang sandali si Colton at nagpatuloy siya. “Ako na ang mag-iingat.”Napahinto si Freyja at kinakabahan siyang tumingin sa paligid. “Colton, ayos ka lang? Pumunta ka pa talaga dito para pag usapan ito?”Hindi nahihiya si Colton tungkol dito. “Natatakot ka ba na baka may makarinig sa atin?”Ngumisi si Freyja. “Sa tingin mo ba makapal ang mukha ko tulad ng sayo?”Biglang lumapit si Colton sa kaniya at diniin ang palad niya sa pader na nasa likod ni Freyja. “Freyja, seryosong ng itinatanong ko sayo.”
”Hah, pumunta ka na dito bago pa ako makipagkita sayo.” Tumingin sa paligid si Colton at pinagcross ang legs niya. “Ang Yanis ang tech company na ginamit mo ang share ni Donald para i-set up, tama ba? Sobrang galing mong itinago.” Hinawakan ng daliri ni Nollace ang rim ng tasa. “Maliit na kompanya lang iyon kaya walang kailangan ipagmayabang.”Humalukipkip si Colton. “Makokonsidera pa rin ba yun na isang maliit na kumpanya kung may shareholder itong mula sa malaking grupo?”Tinitigan niya si Nollace. “Anong intensyon mo sa paggamit mo ng ibang pangalan para makipag-partner sa Blackgold?”“Wala akong espesyal na intensyon.” Tinaas ni Nollace ang kilay niya at tumawa. “Sabi kasi ng mga tao kailangan mong mag ingat pag nagtrabaho ka sa mga Goldmann. Ginagawa ko lang ang dapat kong gawin.”Naningkit ang mata ni Colton, sinusubukan niyang hulaan kung nagsasabi ba si Nollace ng totoo.Binaba ni Nollace ang cup. “Hindi ako pumunta dito ngayon para dyan.”Tiningnan siya ni Colton. “Get
Hindi nagtagal, dumating si Colton at Leonardo pagkatapos maghintay ni Giselle nang ilang sandali.Hinila niya ang upuan at umupo. “May maitutulong ba ako sa iyo, Ms. Peterson?”Inabot ni Giselle ang tablet sa kaniya. Sa screen, may screenshot ng balita na nangyari noong nakaraan. Kinuha niya ang tablet at nanlamig ang tingin niya.Bago pa siya makapagsalita, tiningnan siya ni Giselle at sinabing, “Mabuti nalang, napansin ko agad at pinatanggal ko na agad ang balita. Alam kong hindi maganda ang magiging epekto nito kapag kumalat.”Naningkit ang mata ni Colton. “Mukhang mahilig ka sa ganitong balita, Ms. Peterson.”Nagulat si Giselle. Yumuko siya at tinanong, “Sa tingin mo ako ang gumawa nito?”“Hindi,” sagot ni Colton habang nilalagay ang tablet sa mesa. “Nga pala, salamat sa pagtulong mo sa akin na alisin ang balita, Ms. Peterson.”Kung lumabas ang relasyon niya kay Freyja, baka iwasan siya nito para ilayo ang sarili niya sa pagpunta sa mas malaking gulo.Nakangiti sa kaniya
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa