Binibigay lang ang pagiging friendly sa ibang tao at hindi sa kaibigan.Nagpapakita ng emosyon ang kaibigan pero hindi pinapansin ni Colton ang emosyon niya. Kahit na hindi humingi ng opinyon mula sa kaniya ang dad niya bago kausapin si Nolan, wala siyang pakialam doon.“Nagtataka ako sa kung anong klaseng babae ka may interes.”Tumingin si Colton sa paligid. “Mahalaga pa ba yon sa'yo?”Tapat si Giselle. “Kung wala ako sa pinag-iisipan mo. Iniisip ko ang tungkol sa babaeng iibigin mo. Sigurado na mas better siya sa akin.”At baka ayon ang rason bakit hindi niya makita sa ganoong klase si Giselle.Kung magaling talaga ang babae na yon, hindi sasama ang loob ni Giselle.Tahimik si Colton. Maraming magaling na babae. Isa si Giselle sa kanila. Galing siya sa magandang pamilya at may disiplina at gusto laging matuto. Magandang halimbawa siya nang babae.Ang babaeng tulad niya ay magiging mabuting asawa dahil kaya niyang asikasuhin ang bahay at tulungan siya sa business, pero kung k
‘Kailan pa siya nagsimulang makipag sabtwan kay Colton!?’Hinubad ni Colton ang coat niya at sinabit sa closet. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka?”Humalukipkip si Freyja. “May magsasabi rin naman sa'yo kalaunan.”Tumingin si Colton sa living room. Sobrang pamilyar sa kaniya ang lugar na ito.Huminto siya sa harap ng piano at tumingin. “Sinabi ba sa'yo na tumira ka dito?”Ngumiti siya. “Bakit nga ba ako nandito?” Dagdag niya, “Hindi ako libreng naninirahan dito. Nagbabayad ako ng renta.”Natigil siya at tumingin kay Freyja.Walang maipagmamalaki si Freyja pero malakas pa rin ang loob niya. Nasa pagkatao niya na ang pagiging malakas ang loob.Hindi siya sakim at mananamantala ng ibang tao. Binabayaran nita lahat para walang magsasabi sa kaniya kung paano gagawin ang mga bagay.Tinitigan siya ni Colton. “Magkano ang renta?”Natigil siya at nag-iwas ng tingin. “Magbabayad ako sa kung anong mayroon ako.”May naalala siya bigla. “Hindi ako nagbabayad sa'yo. Bakit may
Sinubukan na hampasin ni Freyja si Colton pero agad niyang nahawakan ang kamay niya at hinawakan siya sa may closet.Hindi niya matulak si Colton. “Colton, walang hiya ka ba!?”Inangat ni Colton ang baba niya at tiningnan ang namumula niyang mukha. “Hindi pa ako nahihiya kailanman.”Hindi alam ni Freyja kung ano ang sasabihin.Yumuko siya at hinalikan si Freyja.Gusto niya lang asarin si Freyja pero mabilis ang pangyayari. Pamilyar siya sa katawan niya pero kung walang nararamdaman si Freyja sa kaniya, hindi siya nito hahayaan. Ito lang ang oras na pareho ang nasa isip nila.Pagkatapos ng isang linggo, sa isang party para i-celebrate ang pagtatapos ng kanilang filming…Dumalo si Daisie sa party. Maraming reporter sa pinto at lumapit sila nang makita na magkasama si Daisie at James.“Ms. Vanderbilt, sino ang lalaki na binanggit mo sa iyong social account? Pwede mo ba kami sabihan tungkol sa kaniya?”May gustong sabihin si James nang kinurot ni Daisie ang braso niya. Huminga siy
Ganun din iyon kung uminom ng maraming champagne si Daisie. Kung red wine iyon, sigurado na lasing na siya ngayon.Nahihilo na siya, at namumula na ang pisngi nang oras na umalis siya sa banquet.Nang paalis na si Mitchell, bigla siyang huminto at sinundan si Daisie. Pumunta si Daisie sa parking lot, at may silver Cayenne sa hindi kalayuan.Napansin ni Mitchell na ang lalaking sumundo kay Daisie ay ang tumutulong sa kaniyang mga ginagawa. Dahan-dahan siyang humakbang para hawakan si Daisie sa balikat at suportahan ito. “Ms. Vanderbilt, lasing ka. Ako na ang maghahatid sayo.”Nagulat si Daisie. Bago pa siya gumawa ng kahit ano, biglang lumabas si Edison at tinulak palayo si Mitchell. “Okay na Sir. Ihahatid siya ng master ko pauwi.”Nagulat si Mitchell nang tumingin siya kay Edison.‘Master?’Tulad ng inaasahan niya, ang lalaki ay may magandang status.Hinintay ni Edison na makapasok si Daisie sa kotse bago siya pumunta sa driver's seat.Naninigas na nakatayo si Mitchell sa
Kinabukasan….Nang magising si Dasie, pumunta siya sa baba at binungad ng mabangong amoy ng pritong itlog.Nakatayo si Nollace sa kusina. Habang nililipat niya sa plato ang itlog mula sa kawali, dalawang kamay ang yumakap sa kaniya mula sa likod.Ilang sandali siyang nagulat tapos tumalikod siya at ngumiti. “Morning.”Sumandal si Daisie sa malawak na likod ni Nollace, sobrang komportable niya. “Morning.”Mahinahon na sinabi ni Nollace, “Maglinis ka na ng sarili mo. Handa na ang almusal.”Pumunta sa taas si Daisie para linisin ang sarili niya. Matapos magbihis, bumaba siya ulit. Nahanda na ni Nollace lahat ng pagkain sa mesa. May lugaw, ilang hiwa ng tinapay, ham, at sunny side up.Hinila ni Daisie ang upuan at umupo. Nakaramdam siya ng hiya kaya sinabi niya, “Nolly, sa totoo lang, hindi mo kailangan gumising lagi nang maaga para lang gawan ako ng almusal. Kaya ko naman ito gawin.”Tumawa si Nollace at inabot ang lugaw sa kaniya. “Ayos lang. Gusto ko naman gumagawa ng almusal pa
“Gusto malaman ni Mitchell mula sa Zestar kung sino ako. Pakiramdam ko gusto niya ulit sumikat sa pamamagitan ng pagbebenta sa media ng impormasyon tungkol sa akin pero nauna na ako para asikasuhin ang problema.”Naintindihan ng chairman ang gusto ni Nollace. “Ibig sabihin, gusto mong tulungan kitang asikasuhin ang problema na ito?”Tumango siya. “Ikaw ang chairman ng Tenet Media, at isa ka sa mga kilala na influential sa entertainment industry. Ikaw ang pinaka karapat-dapat na taong aasksyon at mag-re-resolba ng problema na ito, at…”Huminto siya nang ilang segundo at tinapik-tapik ang gilid ng salamin. “Kung magagawa ni Mitchell na mabalik ang katayuan niya sa tulog ng Media, maapektuhan din nito ang Tenet Media. Lalo na't, ako ang nagkalat ng iskandalo sa pagitan nila ni Susan. At saka, shareholder ako ng Tenet at hindi matutuwa ang publiko pag nalaman nila iyon.”Alam ng chairman ang tinutukoy niya.Sinaktan ni Mitchell si Daisie noong nag-shoot sila nang magkasama. Noong una,
Ayaw na maghintay ni Susan hanggang sa mag-expire ang kontrata niya. Ayun ay dahil mahuhuli na ang lahat, at sa oras na iyon wala na siyang pagkakataon na bumalik pa sa entertainment industry.Wala siyang magandang family background tulad ng meron si Daisie. Kailangan niyang asahan ang sarili niya sa mga bagay na gusto niya kaya ngayon na may paraan na ibinibigay sa kaniya, kailangan niya na yun kunin.“Sige, tutulungan kita.”Inunat ni Mitchell ang kamay niya at nilagay sa ibabaw ng kamay ni Susan. At makabuluhan niyang sinabi, “Tinulungan n kita, Susan. Oras na para ako naman ang tulungan mo.”Nang makita ni Susan na gusto pa rin siya pakinabangan ni Mitchell kahit walang-wala na siya, sumama ang loob niya. Pero, kailangan niyang pigilan ang galit niya dahil kailangan pa niya si Mitchell.…Inabot ni Charlie ang script ng variety show kay Daisie.Kinuha iyon ni Daise, binasa, at nagulat siya. “Ano ito?”Sabi ni Charlie, “Gusto ng chairman natin na sumama ka sa variety show na
Nang may sasabihin sana si Freyja, biglang nag-ring ang phone niya.Kinuha niya ang phone niya at nagulat siya.Si Colton iyon.Tiningnan ni Daisie ang phone niya at ngumiti. “Well, speak of the devil.”Lumabas ng opisina si Freyja para sagutin ang tawag. Alam ni Daisie na hindi sasagutin ni Freyja ang phone sa harap niya, kaya hindi na siya sumunod. Nng tumalikod siya, aksidente niyang nalaglag ang bag sa mesa.Nang umupo siya para kuhanin ang bag na nas sahig, isang box ng contraceptive pills ang nalaglag mula sa bag.Kinuha ni Daisie ang box of pills at nagulat siya. Bumalik si Freyja sa opisina matapos ang tawag. Nakita niya si Daisie na nagbabasa ng script sa likod ng mesa kaya hindi na niya ito inistorbo.Tiningnan ni Daisie si Freyja. Abala siya sa pagtatrabaho sa harap ng kaniyang computer. Nang pumasok ulit sa isip niya ng box ng pills, mahigpit niyang tinikom ang labi niya.Gusto niyang tanungin si Freyja tungkol doon, pero wala siyang makuhang sapat na lakas para m