Share

Kabanata 1916

Lahat ng galaw ni Daisie ay inaabangan ng media at alam niya kung gaano kahirap maging public figure. Dahil hindi parte si Nollace ng industriya, natatakot siya na maaapektuhan siya non.

Ngumiti si Freyja. “Iniisip mo ang asawa mo pagkatapos ng ROM.”

Namula siya. “Asawa ko siya. Syempre kailangan ko siyang protektahan.”

May naisip siya kaya tumingin siya kay Freyja. “Kumusta kayo ni Colton?”

Natigil si Freyja pagkatapos ay tumingin sa labas ng bintana. “Sinong nakakaalam…”

“Anong ibig mong sabihin? Gusto ka ni Colton at ganoon din ang nararamdaman mo. Hindi ba't mabuti ‘yon?”

“Hindi ‘yon ganoon ka-simple.” Bumaba ang tingin ni Freyja. “Daisie, pwede ba natin itago ang relasyon ko kay Colton sa pamilya mo?”

Natigil si Daisie at tiningnan siya. Sumandal siya sa upuan niya. “Nag-aalala ka ba na hindi pumayag ang pamilya ko?”

Tumingin sa paligid si Freyja. “Hindi yon ang rason…”

Kahit na tanggapin siya ng Goldmann, gaano ba magtatagal ang relasyon nila?

Kung magulo ang relasyon,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status