Matapos niya iyon sabihin, idinagdag pa niya, “At saka, mabuti na rin na hindi mo nakuha ang role na yun sa movie ni Benny.”Nagtataka si Daisie, “Bakit mo rin yan sinasabi?”Ngumiti si Helios. “Lahat ng artistang napili na mag-participate sa project ni Benny ay mga beterano na at may kakaiba na silang acting skills. Kaya, hindi lang dapat magandang ugali ang mayroon ka kung magtatrabaho ka kasama sila dapat magaling ka rin. Medyo nakakakaba iyon para sayo bilang isang baguhan.“Pag nag-umpisa agad sa mataas ang isang bagong artista tapos hindi naman siya mabilis na gumaling ay magiging dahilan lang para pag-usapan siya ng mga tao, at huwag natin kalimutan na anak ka ng mga Goldmann. Makukuha pa nito lalo ang mga walang kwentang atensyon sa project ni Benny. Pag nagsimula ka sa ganito ka-taas pero sa susunod hindi ka pa ganun ka-galing, marami kang masasamang salitang maririnig, sobrang pressure ang nararamdaman mo. Kaya sinabi ni Charlie na mabuti para sayo na hindi mo nakuha ang r
Read more