Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 1841 - Kabanata 1850

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1841 - Kabanata 1850

2769 Kabanata

Kabanata 1842

Pareho nilang tinaas ang ulo nila para tingnan si Colton at sabay na tinanong. “Edi para kanino yan?”Halatang hindi naging masaya si Colton sa nakakagulat na pagkakasabay ng dalawa. Kinuha niya ang kape sa kamay ni Freyja at sinabi, “Dalawa itong para sa akin. May problema ka ba dito?”“Umm…” Kinamot ng kaibigan niya ang kaniyang ulo at kumaway. “Oh sige sige. Bibili na lang ako para sa akin.”Nang aalis na sana si Freyja, pinahinto siya ni Colton. “Saan ka pupunta?”Ngumiti si Freyja. “Binili ko na sayo ang kapeng hinihingi mo, ibig sabihin makakauwi na ako, ‘di ba?”“Sinabi mo na makikinig ka sa lahat ng bagay na sasabihin ko sayo hangga't sabihin ko ang stop.” Lumapit si Colton habang may ngiti na makikita sa sulok ng labi niya. “Hindi ko pa naman sinabi na huminto ka.”Huminga nang malalim si Freyja habang sinusubukan niyang pigilan ang galit na namumuo sa kaniyang loob.Hindi lang sa natalo siya sa surfing game kay Colton isang buwan ang nakalipas pero niligtas din siya ni
Magbasa pa

Kabanata 1843

Binaon ni Daisie ang sarili niya sa dibdib ni Nollace at hinawakan ang damit nito. “Kailangan mong mangako sa akin. Ipangako mo na hindi ka mahuhulog sa ibang babae.”May tawa na nasa lalamunan ni Nollace habang sinasabi, “Hindi ako mahuhulog sa ibang babae maliban sayo Daisie. Pangako ko yan sayo.”Tumingin siya sa may sulok, at nagdilim ang paningin niya.Hindi pa niya maipangako kay Daisie ang magandang future dahil hindi pa niya napapatay si Donald. Kaya naman, imbes na panatilihin niya na nasa tabi niya si Daisie, mas mabuti para sa kaniya na ayusin muna lahat ng gulo at ibalik ang mga Knowles sa katayuan nila ulit. Pag nangyari na iyon, makikita niya na si Daisie at may lakas na rin siya ng loob.Isang linggo ng nakalipas sa Hilton Villas…Matapos ipasa ni Daisie ang graduation application niya sa college, nasa bahay lang siya nitong mga araw at naghahanda ng kaniyang resume para sa mga management companies.Gumawa ng kape si Waylon, dinala niya ito sa study room at nilag
Magbasa pa

Kabanata 1844

Nagbabasa ng magazine si Nollace at tinaas ang tingin niya. “Hindi siya makakatakas sa akin.”Hindi alam ni Diana ano ang sasabihin niya. Hindi naman sana magiging komplikado ang mga bagay kung hindi mula sa mga Goldmann si Daisie, at kaya siyang pakasalan agad ni Nollace.Pero, ang katotohanan ay mula si Daisie sa isang espesyal na pamilya. Sigurado siyang hindi hahayaan ni Nolan na pakasalan agad ng anak niya si Nollace.Gumagawa ng tea si Rick. Matapos umakyat ni Diana, tiningnan ni Rick ang anak niya. “Nollace, kung gusto mo talaga si Daisie, at kung gusto ka rin niya, dapat sinabi mo sa kaniya na manatili na lang siya dito.”Sinara ni Nollace ang newspaper at walang ekspresyon na sinabi, “Hindi ko maipapangako ang kaligtasan niya pag nasa tabi niya ako. Sa panahon ngayon, nasa ibang level ang kalaban ko kaysa kay Zenovia.Hindi niya inisip na isang panganib si Zenovia pero ang kalaban niya sa ngayon ay kakaiba.Matalino si Rick kaya alam niya agad ano ang tinutukoy ni Nollac
Magbasa pa

Kabanata 1845

Hindi nakapagsalita si Freyja.‘Jeez, pag pinag-uusapan talaga ang demonyo.’Binawi ni Freyja ang kamay niya, hinawakan niya ang dial at hindi tiningnan si Colton. “Bakit hindi mo pa rin graduation kung nakagraduate na ang kapatid mo?”“Wala kang pakialam, ‘di ba?” Sagot ni Colton. Tiningnan niya ang relo niya nang ilang segundo at sinabi, “Bagay sayo.”Nagulat si Freyja.Kung dati yun, lagi siyang pinupuna ni Colton sa tuwing makatanggap siya ng regalo kay Daisie.Hinawakan ni Daisie ang mukha niya gamit ang kaniyang kamay. “Syempre, bagay yan sa kaniya. Ako pumili niyan eh.”Hinila ni Colton ang upuan. “Kailan ka babalik?”“Sa susunod na mga araw,” sagot ni Daisie. Huminto siya ng ilang segundo at nagpatuloy “Ipangako mo sa akin na hindi mo aawayin si Freyja pag umuwi na ako.”Tiningnan ni Colton si Freyja at tumawa siya. Sinabi niya kay Daisie, “Bakit hindi mo na lang siya tanungin kung inaaway ko ba siya o hindi.”Sinasabi niya yun dahil sigurado siyang hindi sasabihin ni
Magbasa pa

Kabanata 1846

Lumapit si Colton sa dalawang sales clerk at tinapik ang kamao niya sa countertop. “Ibalot niyo lahat ng nagustuhan ng babae kanina. Bibilhin ko ang lahat nang ‘yon.”Mukhang nahihiya ang dalawang sales clerk.Naghintay si Freyja sa labas nang mahigit 20 minuto, nakatingin sa orasan niya lagi at nakakangalay na ang paa niya.‘Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, dapat naghintay na lang ako sa sasakyan.’Inabot sa kaniya bigla ang dalawang kahon, at narinig niya mula sa likod ang boses ni Colton. “Hawakan mo.”Tiningnan ni Freyja ang lalagyan, naiinip na hinawakan yon, at humarap kay Colton. “Mr. Goldmann, pwede na ba tayo bumalik?”Tiningnan sita ni Colton. “Wala ka bang gustong bilhin?”“Hindi ko naman magagamit ang mga bagay na yon,” sabi niya.Suminghal si Colton at sinabing, “Kung wala kang pera, pwede kita pahiramin.”Tumawa si Freyja at agad pinigilan ang tawa niya. “Tingin mo ba mahirap ako?”Mahinang hum ang naging sagot niya. “Parang ganoon sa oras na ‘to.”H
Magbasa pa

Kabanata 1847

Ilang beses lang nagkaroon ng pagkataon si Daisie at Nollace na kumain mag isa—marami tao ang nandoon palagi.Habang iniisip yon, bigla niyang napagtanto niya hindi pa siya nagkaroon ng pormal na date kasama si Nollace.At nang ma-distract siyang sandali, nakaramdam siya ng malambot sa kaniyang daliri. Bumalik siya sa kaniyang huwisyo at kinagat ni Nollace ang daliri niya habang kinukuha ang shrimp meat.Parang may kuryente na dumaloy mula sa daliri niya papunta sa kaniyang puso at namanhid yon.Binawi niya ang kaniyang kamay at tumingin sa paligid.Nang makita ni Nollace na namula ang tainga dahil hindi niya kaya ang pang aasar na yon, lumakas ang tawa ni Nollace.Kumpara sa bahagya niyang kaba, mukha siyang kalmado at seryoso. “Pumirma ka na ba ng kontrata sa isang kumpanya?”Tumango siya. “Oo, pumirma ako ng kontrata sa bagong entertainment company.”Habang iniisip yon, kinagat niya ang kaniyang tinidor at nagdalawang-isip sandali bago magtanong, “Nollace, magagalit ka ba ka
Magbasa pa

Kabanata 1848

Ang mga paparazzi na nagtatago ay kumuha ng maraming litrato niya.Nakasunod ang maraming sasakyan sa isa't isa, nagmamaneho papunta sa Goldmann mansion sa saktong bilis.Nakatingin sa labas ng bintana si Daisie. Pagkatapos manirahan sa ibang bansa ng ilang taon, bumalik ulit siya sa Bassburgh pero napagtanto niya na hindi siya sanay.Hawak niya ang singsing sa kwintas sa kaniyang palad at dinikit yon sa dibdib niya.‘Sa susunod na pupunta siya para makita ako, magbabago din ako. Hindi na ako si Daisie na laging nasa likod niya at kailangan niyang protektahan.‘Magiging si Daisie ako na kayang tumayo sa tabi niya nang may lakas ang loob.’Sa Goldmann mansion…Naghihintay si Nicholas, Maisie, at Nolan sa living room hanggang sa may pumasok na tao. “Mom, Dad, Lolo!”Habang nakangiti, kumaway si Nicholas. “Daisie, nakabalik ka na rin. Halika at patingin ako sa'yo.”Naglakad si Daisiw sa palapit at tumayo sa harap ni Nicholas. Tumingin siya kay Daisie at masayang sinabi, “Malaki n
Magbasa pa

Kabanata 1849

Kinagat ni Daisie ang labi niya habang namumula ang mata.Bahagyang pinunasan ni Maisie ang gilid ng mata ni Daisie gamit ang daliri niya. “Daisie, hindi sa walang bilib ang dad mo sa kakayahan ni Nollace. Binibigyan niya ng pagkakataon si Nollace dahil malaki ang inaakala niya mula sa kaniya.”Yumuko si Daisie at ngumiti. “Naiintindihan ko na ngayon. Salamat, Mom.”“Hindi ka ba napagod sa flight? Magpahinga ka muna. Iiwan muna kita mag-isa.” Umalis si Maisie sa kwarto pagkatapos sabihin yon.Isinara niya ang pinto at tumalikod, nakita niya si Nolan na nakasandal sa pinto at hinihintay siya.Lumapit si Maisie sa kaniya. “Nakikinig ka ba sa usapan namin ng anak natin?”Nag-iwas ang tingin ni Nolan at emosyonal na nagreklamo. “Hindi mo na ako pinansin nang bumalik ang anak natin.”Ngumiti siya at hinila ang tie ni Nolan. “Sino ang tinutukoy mo?”Agad sumagot si Nolan, “Ikaw.”“Nolan, habang patanda ka lalo kang nagiging isip-bata.” Lumapit sa kaniya si Maisie. “Mukhang kailangan
Magbasa pa

Kabanata 1850

Isang magaling na artista, basta mailabas nila ang masterpiece nila at panatilihin ang kasikatan ay magiging sikat sa kahit anong entertainment agency, kahit na lumipat sila sa ibang agency.Kung tutuusin, ginawa ang lahat ng kasunduan dahil sa benepisyo na kasama niyo.Pipirmahan na sana ni Daisie ang kontrata pero may maalala siya at biglang itinanong, “Pwede ba ako mag request?”Natigil ang chairman at tumango. “Walang problema, basta nasa rason at maiintindihan.”Sinabi niya ang hiling niya nang walang pagda-dalawang isip. “Gusto ko ako ang magdedesiyon sa pagpili sa script na makukuha ko sa future.”Akala ng chairman na magbibigay siya ng listahan ng mahihirap na hiling kaya hindi niya inakala na tungkol sa ganitong bagay. Kaya naman, agad siyang pumayag, nang hindi na yon pinag iisipan.Nang tanghali, dinala ng secretary si Daisie para makita ang manager.Sumunod si Daisie sa secretary sa corridor, tumitingin sa paligid. Nakatabi lahat ng sikat nilang pelikula, television
Magbasa pa

Kabanata 1851

Agad at walang pagda-dalawang isip ang pagtanggi niya.Biglang may biglang tumawa. “Chuck, Goldmann siya. Sigurado ka bang tatanggihan mo siya?”Tiningnan ni Daisie ang lalaki na may mahabang buhok sa couch. Mukha siyang gwapo na may magandang features at maganda rin ang kasuotan. Maputi ang balat niya at kung hindi dahil sa malalim niyang boses, iisipin ni Daisie na babae siya.Hindi alam ni Mr. Gray ang gagawin. “Mr. Johnson, ito ang gusto ng chairman.”Inangat ni Charlie ang ulo niya at binuga ang usok. Matalin ang tingin niya habang nakatitig kay Daisie. “Dapat sumali si Ms. Goldmann sa Royal Crown o Zestar. Maliit na kumpanya lang ang Tenet at hindi ka namin kayang i-handle. Sumosobra na si James Tell dito.”Nilagay ni James ang kaniyang kamay sa batok niya at inalog ang hita niya. “Hindi mo ako kailangan idamay dito.”Tinitigan siya ni Charlie at inalis ang kalahati ng sigarilyo niya. “Lumabas ka at pag-isipan mo ang kilos mo.”Pinatunog ni James ang dila niya, tumayo, hum
Magbasa pa
PREV
1
...
183184185186187
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status