Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 1821 - Kabanata 1830

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1821 - Kabanata 1830

2769 Kabanata

Kabanata 1822

Pagkatapos mamatay ni Ken, nawala si Lara. Kaya naman, hangga't hawak pa rin ni Lara ang legacy, patuloy nilang hahanapin si Lara.Nagulat si Edison. “Gaano sila kasigurado na alam mo kung nasaan si Ms. Reese?”Inangat ni Nollace ang mata niya at kalmado na sinabi, “Sinong nakakaalam? Baka may iba pang bagay tayo na hindi nakita.”…Magiging dilaw na ang berdeng dahon sa labas ng cafe.Isang babae na nakasuot ng sunglasses ang lumapit sa window seat. Pagkatapos niyang umupo, hinubad niya ang kaniyang salamin at tiningnan ang lalaki sa harap niya. “Sabi mo matutulungan mo ako, sino ka ba?”May ngiti sa mukha ng lalaki habang sinasabi, “Hindi mo kailangan malaman kung sino ako, Ms. Livingston. Kailangan mo lang malaman na ako ang makakatulong sa'yo.”Malamig na suminghal si Zenovia. “Bakit kita pagkakatiwalaan?”“Bakit mo ako pagkakatiwalaan? Dahil pareho tayo ng kalaban, si Nollace.”Nagulat si Zenovia. Nakakuyom ang kamay niya sa ilalim ng mesa at nag ingay siya. “Kung may gal
Magbasa pa

Kabanata 1823

Inilagay ni Nollace ang labi niya sa noo ni Daisie at hinalikan yun ng ilang beses. “Mag-off ako bukas at sasamahan kita.”Gumalaw ang pilikmata ni Daisie. “Talaga?”Tumawa siya. “Oo naman. Kailangan ko rin mag holiday minsan, okay?”“Gawin na natin kung ganoon.”Malaki ang ngiti niya, inaabangan niya ang kanilang trip.Biglang may naalala siya at kinuha ang phone niya para mag message kay Freyja.“Tawagan natin si Freyja. Sigurado ako na wala siyang gagawin ngayong holiday.”Natahimik si Nollace.Hinila niya si Daisie at nagsimulang paulanan ng halik ang labi niya. “Akala ko gusto mo na ako lang ang kasama mo, Daisie.”Nahihirapan na huminga si Daisie. Pagkatapos bitawan ni Nollace ang labi niya, hiningal siya at sinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Nollace habang bumubulong, “Nagseselos ka ba kay Freyja?”Tumatawa si Nollace habang sinasabi, “May pakialam ka pa ba sa akin kapag nandiyan ang best friend mo?”“Syempre, mayroon.” Pinulupot ni Daisie ang braso niya sa leeg ni
Magbasa pa

Kabanata 1824

Ngumiti si Daisie. “Ibig sabihin pwede ako pumunta, kuya?”Tiningnan ni Waylon ang swimming suit na nasa kama at tinuro yon. “Dalhin mo ang swimming suit na yan. Hindi bagay sa'yo yung isa.”Nagulat si Daisie at nakaramdam ng hiya. Hindi niya inakala na alam yon ng kuya niya.Kinabukasan, hinihintay siya ni Freyja sa courtyard.Tinulak ni Daisie ang suitcase niya palabas ng pinto. Nakasuot siya ng light blue na halter dress na may bulaklak na pattern, sandals na may beads at wide-brimmed na sumbrero. Mukha siyang maaliwalas.Tinanong siya ni Freyja, “Nakapili ka na ba ng swimsuit?”Lumingon siya sa loob ng bahay at lumapit kay Freyja para bumulong sa tainga niya. “Hindi ako pinayagan ng kuya ko na magdala ng bikini pero palihim akong naglagay sa suitcase ko.”Hindi napigilan ni Freyja na tumawa. “Ang galing mo. Para saan? Aakitin mo ba si Nollace?”“Hindi!” sagot ni Daisie, “Maraming naka bikini na babae sa beach at hindi nila ako pwedeng maangatan!”“Sus,” sabi ni Freyja haba
Magbasa pa

Kabanata 1825

Hindi malayo ni Daisie ang paningin niya kahit anong subok ang gawin niya. Hindi niya alam kung paano yon nagagawa ni Nollace pero ang sexy niya tingnan kahit na pinapatuyo lang niya ang buhok niya.Habang nakatingin siya sa bintana, nagulat si Daisie at naka-squat para magtago. Mabilis ang tibok ng puso niya.‘Kapag nalaman niya na nakatingin ako sa kaniya, baka isipin niya na bastos ako!’Nang papasok na sana siya sa kwarto niya, narinig niya na bumukas ang malaking binata sa katabing pinto. Pagkatapos, may anino na lumapit sa kaniya habang tinatawag siya. “Daisie.”Natigil si Daisie at gusto na lang niya ilubog ang sarili niya sa kahihiyan. Tumayo siya, pinagpag ang robe niya at nag iwas ng tingin. “Ang ganda ng night view ng lugar na ‘to.”“Oo, ang ganda.” tumawa si Nollace. “Nandito ka ba para manood ng night view?”Nagulat si Daisie at umiiwas ng tingin. “Syempre, nandito ako para titigan ang night view.”“Kaya pala,” sagot niya. “Maganda ba yung view?”Sumagot siya, “Oo,
Magbasa pa

Kabanata 1826

Hindi nagustuhan ni Daisie ang sinabi niya.‘Boyfriend ang trato ko sa kaniya at anak ang trato niya sa'kin?’Tiningnan ni Freyja ang malungkot na ekspresyon ni Daisie at nakangiting sinabi, “Hindi ba't gusto mo mag swimming? Pagkatapos mag almusal, aalis tayo ng tanghali.”Pagdating sa swimming, puno ng energy si Daisie.Sa mainit na araw, ang puting buhangin na beach ay puno ng turista mga lokal at maraming asul at green na matang blonde na nakasuot ng bikini kahit saan, mukhang sexy at kurbada.Lumabas si Daisie sa dressing room habang nakabalot ng bath towel. Malakas ang loob niya pero nawala ang lakas ng loob niya nang makita ang magagandang blonde na mga balingkinitan.“Daisie, bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Nakapagpalit na si Freyja ng swimsuit at lumabas ng dressing room, tinatali ang buhok niya sa ponytail.Tinitigan siya ni Daisie. Ang swimsuit sa katawan niya ay one piece na kita ang likod na mas mukhang konserbatibo kumpara sa kaniya.Pero mayroon siya ng lahat.
Magbasa pa

Kabanata 1827

Pumunta si Daisie sa beach, tumingin sa paligid at nakita si Freyja.Tumapak si Freyja sa surfboard at binalanse ang sarili niya sa alon. Madali at malaya siyang gumalaw sa board. Magaling ang ginawa niya kaya kahit ang mga lalaki na nag surf sa paligid niya ay hindi mapigilan na makipag usap sa kaniya. Hindi siya mukhang baguhan.Nagulat si Daisie sa kaniya. Hindi niya inakala na marunong mag surf si Freyja—ang ganda niya.Dumating ulit ang malaking alon at nilamon ng alon ang ilang lalaki na nakatitig kay Freyja.Biglang may dumating na tao sa gilid ng alon. Naka surfing suit ang lalaki at naka diving goggles at nagawa niyang iwasan ang alon.Tumingin si Freyja at pakiramdam niya ay pamilyar ang lalaki. Pero, dahil sa distraksyon, tinamaan siya ng alon.“Freyja!” sigaw ni Daisie.Hindi yun agad naiwasan ni Freyja at nilamon siya ng alon.Umahon siya habang nabubulunan sa tubig dagat.Nang lumangoy si Freyja pabalik sa surfboard, lumapit si Daisie at tinulungan siya. “Ang del
Magbasa pa

Kabanata 1828

Hinaplos ni Nollace ang ulo ni Daisie. “Problema na nila yan. Kailangan lang natin manood sa tabi.”Bumulong si Daisie sa kaniya, “Ayan ba ang tamang gawin?”Tumawa siya nang malakas.Nag surf talaga si Freyja at Colton. Ang laban nila ay prolonged battle. Kung sino ang matagal na makaligtas sa alon ang mananalo.Nang una, pareho silang may advantage—naiiwasan nila agad ang alon at maingat ang lahat ng galaw na ginagawa nila.Mas dumadami ang nanonood at sa huli, ai Freyja at Colton na lang ang naiwan sa alon na para bang tahanan nila ito.Mukhang natatakot si Daisie. Kapatid niya ang isa at ang isa naman ay best friend niya. Hindi niya alam kung kanino siya kakampi.Habang mas tumataas ang alon, mas malaki ang pagkakataon na lamunin at mahagip sila niyo at humahabol na ang alon sa kanilang dalawa.Magpapalit sana ng pwesto si Freyja nang biglang mag-cramp ang binti niya nang sakto namang may malaking alon na tumama sa kaniya at bumagsak siya sa dagat.Napansin ni Daisie na ma
Magbasa pa

Kabanata 1829

Sabay siyang tiningnan nang dalawa. “Sinong sinasabi mong isip bata?”Biglang naging duo ang dalawa nang bigla sa kritikal na oras.Natahimik si Daisie.Sa kabilang banda ng lugar…Bumaba si Freyja papunta sa malapit na convenience store para bumili ng beer cans at snacks. Nang pumunta siya sa cashier para magbayad ng grocery, narinig niyang may tumatawag na isang tao.“Huwag ka mag alala, ang tagapagmana ng Knowles at anak ng Goldmann ay nasa isang resort. Nahanap ko na kung nasaan silang hotel nananatili.“Plano namin na gumawa ng hakbang sa kanila sa susunod na araw. Hindi namin sila paaalisin sa resort nang buhay.”Natigil si Freyja at maingat na lumingon.Ang lalaki na nakatayo sa labas ng convenience store ay nasa phone habang nagsisigarilyo, at dalawa pang lalaki ang nasa tabi niya, ang isa ay may tattoo ang braso. Mukha silang masamang balita.‘Target nila si Daisie at Nollace?’Nang bahagya siyang ma-distract, bigla siyang tinanong ng cashier, “Miss, may kailangan ka
Magbasa pa

Kabanata 1830

Tumakbo si Freyja palapit sa kaniya, naabutan siya, walang pakialam sa kahit ano at niyakap siya mula sa likod. “Honey, please makinig ka sa akin!” malakas niyang sigaw.Natigil si Colton, nakita niya ang tingin ng mga dumadaan sa kanilang dalawa at agad tinulak palayo si Freyja. “Nababaliw ka na ba?”Nawala sa balansw si Freyja at bumagsak sa sahig.Nagasgas ang palad niya sa sahig at napakunot siya sa sakit pero gusto niyang gumawa ng kaguluhan at wala na siyang pakialam sa reputasyon niya ngayon. “Hindi ko plano na gawin kang tanga. Kaya please, magtiwala ka sa akin. Siya yon—”Tinuro niya ang lalaki.Nang may sasabihin na sana ang lalaki, lumapit sa kaniya ang dalawang lalaki at may binulong sa tainga, pinipilit siyang umatras at huwag gumawa ng gulo para hindi siya makagawa ng kahit anong issue na sisira sa misyon nila.Dumura ang lalaki sa sahig at umalis kasama ang mga partner niya.Agad naghiwa-hiwalay ang mga tao, at kukunin na sana ni Freyja ang bag na nahulog sa sahig
Magbasa pa

Kabanata 1831

Nagsisigarilyo ang lalaking namumuno sa grupo ng tatlong tao, napunta ang tingin niya sa pinto ng kwarto da hallway. Wala siyang nakitang ilaw na suminag sa mga butas kaya halata na walang tao roon.Pinutol niya ang sigarilyo. “Magbantay lang kayo sa buong floor na ito at maghintay kayo hanggang sa bumalik sila. Tandaan niyo unahin niyong kunin yung babae.”Nang makalayo na siya, puno na ng pawis ang damit ni Freyja. Napansin niya na nakatakip pa rin sa bibig niya ang kamay ni Colton at mahinahon niya iyong tinanggal sa kaniyang mukha. Bumalik na sa katotohanan si Colton at binawi ang kaniyang kamay.Sumandal si Freyja sa pinto at ngumisi. “Naniniwala ka na sa akin ngayon?”Walang sinabi si Colton. Napansin niya na may sugat si Freyja sa palad at inabot niya ang kamay nito.Agad na binawi ni Freyja ang kamay niya. “Anong ginagawa mo?”Tinitigan ni Colton si Freyja. “Halata ang mga acting skills mo.”Ngumisi si Freyja. “‘Di ba sinabi mo sa akin dati na ang galing ko umarte at n
Magbasa pa
PREV
1
...
181182183184185
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status