Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 1811 - Kabanata 1820

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1811 - Kabanata 1820

2769 Kabanata

Kabanata 1812

Yumuko si Nollace at dinampi ang labi niya sa labi ni Daisie.Ayon ang iniisip niya buong araw at gabi.Binalot ni Daisie ang braso niya sa leeg ni Nollace at nagyakap silang dalawa sa ilalim ng puno ng begonia.Hindi mapaghiwalay ang dalawa hanggang sa naghiwalay ang labi nila.Binaba ni Daisie ang tingin niya, gumalaw ang pilikmata niya, at lumabas ang emosyon niya sa ilalim ng mga mata niya. “Kalahating buwan tayo magkahiwalay.”Tumawa siya at dinampi niya ang kaniyang labi sa noo ni Daisie. “Oo, kalahating buwan nga.”Bumulong siya, “Wala ka bang sasabihin sa akin?”Hinaplos ni Nollace ang daliri niya sa labi ni Daisie at bumulong, “Oo.”Lumapit siya at ilang pulgada na lang ang layo mula sa kaniya. “Wala ka sa tabi ko at sobrang namiss kita at nanaginip na ako sa'yo.”Nag init ang pisngi ni Daisie. Nag iwas siya ng tingin at seryosong sinabi, “Kakaiba na ang level na yon.”Hindi niya mapigilan na mapa-isip. “Anong napanaginipan mo tungkol sa akin?”Ngumiti siya at lumap
Magbasa pa

Kabanata 1813

Natigil ang likod ni Freyja at ang awa na nasa puso niya ay agad nawala dahil sa mga sinabi ng nanay niya.Nagulat din si Brandon. Gusto niyang hilain palayo si Sandy pero tinulak siya nito. Mukha siyang nababaliw dahil lumalakas na ang boses niya. “Fey, ikaw na lang ang pag-asa ko! Hindi mo ako pwede iwan! Nanay mo ako!”Maririnig sa buong kwarto ang malakas na sampal.Hindi nagawa ni Freyja na makapag-react sa biglang nangyari at ang nakita niya lang ay ang pagbagsak ni Sandy sa kama.Nasundan non ang galit ni Brandon. “Hindi ka pa ba kontento!?”Hinawakan ni Sandy ang pisngi niya, natigil sa kama at walang sinabi na kahit ano.Huminga nang malalim si Brandon. “Anong pinangako mo sa akin? Nangako ka sa akin na makikipag-ayos ka kay Fey. Nagsisinungaling ka ba sa akin!?”Namumula ang mata niya at nagngalit ang ngipin niya. “Pinatay mo ang anak mo, hindi pa ba yon sapat para magtanda ka? At ngayon balak mo gamitin ang babae mong anak? Anong kapangyarihan at estado ba ang pinagl
Magbasa pa

Kabanata 1814

Si Daisie at Nollace lang ang naiwan sa living room. Tumingin si Daisie sa taas. “Galit ba talaga si Mr. Knowles?”Tumayo si Nollace. “Huwag kang mag alala. Kaya yon ayusin ng mom ko.”Tumigil siya, lumapit at niyakap si Daisie.Nagulat si Daisie at tumingin sa kaniya. “Anong ginagawa mo?”Gamit ang daliri niya, inayos niya ang buhok na nasa noo ni Daisie papunta sa likod ng tainga niya. “Gusto mo bang bumalik sa kwarto ko?”Nag iwas siya nang tingin, nakaramdam ng kaba. “Anong gagawin natin pagkatapos natin bumalik sa kwarto mo?”Yumuko si Nollace at mahinang kinagat ang tainga niya. “Gusto kitang makasama.”Nakaramdam siya ng kuryente sa spine niya, namula at nag init ang pisngi niya at nahirapan siyang lumunok ng laway. “Hindi ba't kasama mo na ako ngayon?”“Iba ‘to.” Pinadulas niya ang daliri niya sa labi ni Daisie. “Gusto kitang halikan pero kung hindi ka natatakot na makita…”Tinakpan ni Daisie ang bibig niya gamit ang kaniyang kamay, namumula ang tainga niya at bumulong
Magbasa pa

Kabanata 1815

Kinabukasan, walang lakas na dumating si Daisie sa college.Natulog siya buong maghapon sa kwarto ni Nollace. Kaya naman, hindi na siya makatulog nang makabalik siya sa villa noong gabi at gising siya hanggang ala singko ng umaga.Hindi niya mapigilan na kumuha ng maliit na salamin at tingnan ang sarili niyang repleksyon sa salamin. Malapit na maging panda ang eye bag at dark circle sa mata niya.Biglang may tumapik sa balikat niya.Lumingon siya sa takot at sa gulat. “Colton?”Humalukipkip si Colton at tiningnan ang dark circle niya. “Lumabas ka ba at naging magnanakaw kagabi?”“Ikaw yung magnanakaw dito, kung makapang gulat ka sa akin.” Nag-iwas ng tingin si Daisie at nagsinungaling. “Masyado akong maraming nainom na kape kagabi at hindi ako nakatulog.”“Nasaan si Freyja?”Natigil sandali si Daisie at naguguluhan siyang tiningnan. “Bakit gusto mong malaman?”“Wala lang.” Nag-iwas ng tingin si Colton nang walang pagbabago sa ekspresyon pero pakiramdam niya pa rin ay kakaiba y
Magbasa pa

Kabanata 1816

Nakahiga si Freyja sa hospital bed habang may IV drips at si Daisie naman ay nakaupo sa gilid niya hanggang sa magising siya. Tumayo si Daisie at tinanong, “Freyja, ayos ka lang ba?”Pilit na ngumiti si Freyja. “Oo, salamat.”Umupo ulit si Daisie. “Sobrang nag alala ako. Mabuti na lang pumunta ako o walang makakaalam na nahimatay ka. Maluluto yung utak mo sa lagnat mo na yan.”Tinayo ni Freyja ang sarili niya. “Dinala mo ako sa hospital?”Sumagot si Daisie, “Tinawagan ko si Waylon para ihatid tayo.”Walang sinabi pabalik si Freyja.Dumating si Waylon at sumandal sa pinto pagkatapos ay kumatok. “Maayos na pakiramdam mo?”Natigil si Freyja at tumango. “Pasensya na sa abala.”Sinabi ni Daisie, “Walang abala. Nga pala, wala pa ba ang nanny?Yumuko si Freyja at sinabing, “Inilabas niya si Deedee at akala ko gagaling na ako pagkatapos matulog.”Hindi madaling alagaan si Deedee kaya hindi sinabi ni Freyja sa nanny na masama ang pakiramdam niya.“Hindi pwede yon. Bakit hindi ka kumu
Magbasa pa

Kabanata 1817

Nagulat ang dumadaan sa busina, tinitigan sila nang masama pero hindi nila marinig kung ano ang sinigaw nito sa kaniya. Iba yon kay Colton na nasa driver seat.Malinaw niya yon na narinig at nagdilim ang mukha niya.“Freyja Pruitt!” Binuksan ni Colton ang pinto, hinawakan ang kamay niya at nagngalit ang ngipin. “Anong tinawag mo sa akin?”Hindi siya makatakas at makaalis sa pagkakahawak niya. Nagsimulang sumakit ang kamay niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak kaya sumigaw siya, “Bitawan mo ako!”Hinawakan ni Colton ang baba niya at lumapit. “Sabihin mo ulit.”Nagbabanta ang tunog niya.Tumigil sa pagpupumiglas ai Freyja at tumawa. “Sasaktan mo ba ako ulit?”Malakas na tumawa si Colton. “Hindi kita sinaktan—” natigil siya at hindi nagpatuloy.Nawalan siya ng kontrol tulad nang nakaraan pero hindi niya sinaktan si Freyja.“Hindi mo maaalala ang maliit na bagay.” Hinila ni Freyja ang kamay niya palayo at hinaplos ang braso niya. “Aalis na ako kung wala ka nang sasabihin. Ayaw k
Magbasa pa

Kabanata 1818

“Deedee!” Hindi alam ni Freyja ang gagawin sa kaniya. Hindi pa nakita ni Deedee ang magulang niya mula nang ipinanganak siya kaya tinatawag niya ang lahat ng ‘Daddy’.Bumuntong-hininga si Freyja bago bumalik kay Colton para magpaliwanag, “Huwag mo siya pansinin. Bata pa siya. Mag ingat ka sa pagmaneho.”Papasok na sana siya sa bahay kasama si Deedee pero hinawakan ni Deedee ang shirt ni Colton.Nagulat ang nanny at agad na lumapit. “Deedee, behave.”Pipigilan na ni Freyja si Deedee pero inunat ni Colton ang braso niya at binuhat siya.Nagulat si Freyja. “Ikaw…”Niyakap siya ni Colton pero ang mahalaga alam niya kung paano siya buhatin at halata na hindi ito ang unang beses na humawak ng bata. Hindi lang sa hindi umiyak si Deedee, masaya pa siyang tumawa at nagsimulang paglaruan ang buhok niya.Hindi nagalit si Colton tungkol doon dahil bumuhat na siya nang bata noon, kasama ang anak ni Helios at anak ng tito niya.Malambot ang mga bata pero malakas sila at napaka cute na malili
Magbasa pa

Kabanata 1819

Kinagat ni Daisie ang labi niya at sinabing, “Iniisip ko si Colton. Pakiramdam ko may iba sa kaniya.”Yumuko si Waylon. “Huwag mo masyadong isipin.”Nakatanggap si Daisiw ng text mula kay Freyja at tiningnan yon. Nabitawan niya ang kubyertos niya dahil sa laman non.Kumunot si Waylon. “Anong problema?”Nagulat si Daisie. “Kasama ni Colton si Daisie mag dinner. Si Colton ba talaga ito?”Mukhang nasapian siya.Pagkatapos ipadala ang mensahe kay Daisie, nagpanggap si Freyja na nilayo ang phone niya at tumingin kay Colton.Umupo si Deedee sa tabi niya, nagsasaya sa pagpapakain sa kaniya ni Colton. Hindi siya mukhang naiirita sa buong oras at kahit na nasa mukha ni Deedee ang pagkain, pupunasan niya lang yon.Kakaiba ang eksena pero nakakamangha.“Sir, please kumain na kayo ng dinner. Ako na ang bahala kay Deedee.” Lumapit ang nanny at binuhat si Deedee pagkatapos ay umakyat.Tahimik na sinandal ni Deedee ang ulo niya sa balikat ng nanny. Napakabait niya.Dalawa lang silang naiwa
Magbasa pa

Kabanata 1820

Tiningnan ni Colton ang coffee bag sa tasa at naningkit. “Hindi ako umiinom ng instant coffee.”“Pasensya na, instant lang mayroon kami,” nakangiting sinabi ni Freyja.Narinig siya ng nanny habang nagdadala ng prutas at nagtaka, “Ma'am, may coffee beans sa cabinet. Kakabili ko lang.”Natahimik si Freyja.Hindi napigilan ni Colton ang tawa niya. “Ms. Pruitt, ganito mo ba tratuhin ang bisita?”Akala ng nanny na galit siya kaya sinabi niyang, “Pasensya na, sir. Patawarin mo siya. Hindi ko nasabi sa kaniya na may beans kami. Ako na ang magtitimpla sa'yo.”Mabait si Colton sa kaniya. “Hindi na kailangan, salamat.”Tumango ang nanny at umalis.Kinuha niya ang prutas at tiningnan si Freyja na nakatayo doon. “Hindi ko ‘to ipanlalaban sa'yo.”Tumalikod si Freyja at naglakad paakyat.Nakita siya ni Colton na mawala sa hagdan at naguluhan, kaya tinulak niya palayo ang pagkain at umalis.Narinig ni Freyja ang tunog ng sasakyan na nagmaneho palayo at tumitingin sa bintana. Hindi niya nak
Magbasa pa

Kabanata 1821

Natahimik na ang Livingston pagkatapos ng insidente na yon.Pagkatapos ipakita ni Nollace ang sarili niya sa publiko, kumalat ang balita tungkol sa pagkidnap sa kaniya. Hindi alam ng media ang nangyari sa kaniya sa Haniston.Tinanggap ni King William si Nollace sa White Ivy Palace.Nang pumasok si Nollace sa study room ni King William, nagpa-practice ng calligraphy si King William dahil mahilig siya sa art. “Ikaw ba ang gumawa non sa mga Livingston?”Ang totoo, pagkatapos ng nangyari sa Livingston, inisip ni King William na pagpapanggap lang ang pagkawala ni Nollace sa Haniston.Lumapit si Nollace sa desk at sinabing, “Hindi naman. Nagbigay lang ako ng pagkakataon kay Xavi.”Inangat ni King William ang ulo niya para tingnan si Nollace. “Alam mo ba na puno ka ng sorpresa?”Natawa siya. “Papuri ba yan?”“Nang una, nag-alala ako na hindi mo kaya magtrabaho mag isa pero mukhang nagkamali ako.” Ibinaba ni King William ang pen at tiningnan ang trabaho niya. “Pinahanga mo ako.”Itinu
Magbasa pa
PREV
1
...
180181182183184
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status