Tiningnan siya ni Nollace at tinanong, “Gusto mo ba na sana maalala ko?”“Syempre, may mga utang na dapat bayaran,” bulong ni Daisie.Lumapit si Nollace. “Anong utang?”Binawi ni Daisie ang tingin niya at sinabi, “Hindi ko sasabihin sayo.”Ngumiti si Nollace. “Sige, lagi mo lang isipin. Tatanggapin ko ang parusa ko para dyan.”Tumawa si Daisie. “Hindi naman kita paparusahan.”“Hindi ka matutuwa.”Tumayo si Daisie at nagbibirong sinabi, “Oo, hindi ako matutuwa kaya hindi ka na pwedeng tumabi sa akin.”Huminto si Nollace bago tumawa. “Masyado namang malupit yan.”Papunta na si Daisie sa hagdan nang tumalikod siya at sinabi l, “Iinisin kita!”Kinabukasan…Nagpaalam na sila sa director at umalis na sa lugar.Paulit ulit na humikab si Daisie simula nang pumasok sila sa sasakyan. Umupo si Freyja sa tabi niya at bumulong, “Umalis ba kayong dalawa para magsaya kagabi?”Tinulak siya ni Daisie palayo. “Hindi.”“Nakatulog kasi ako, 1:00 a.m. na rin yun pero hindi ka pa rin bumabalik
Read more