Ngumiti si Amy at sinabing, “Young Mr. Tell, akala ko ba nagtatrabaho sa'yo sa iisang kumpanya? Bakit ang lamig mo sa akin?”Nag iwas ng tingin si James at naiiritang sumagot, “Tsk, kailan ko sinabing nagtatrabaho ako sa ilalim ng Tenet Media? Iba ako sa'yo.”Sinabayan siya ni Amy at nagpatuloy. “Oo, tama ka. Magkaiba tayo. Ang rason kung bakit ka sikat ay dahil kay Charlie. Ngayong nakakuha ka na ng kasikatan, tinalikuran mo siya.”“Tigilan mo ang pangangaral sa akin. Kung gusto mong maging aso ni Charlie, gawin mo. Hindi ako makikinig sa kaniya at hindi ako magiging A-lister.”Ayaw na makipag-usap ni James sa kaniya kaya tumalikod siya at umalis pagkatapos niyang magsalita.Tiningnan ni Daisie ang likod niya at napaisip. Naiintindihan niya kung bakit ayaw niya maging actor pero bakit naman galit na galit siya?“Ms. Vanderbilt, humihingi ako ng tawad sa nangyari ngayon.” Tiningnan siya ni Amy at sinabing, “Galing si James sa mayaman na pamilya kaya medyo mahirap siya kontrolin.
Read more