Nagsisigarilyo ang lalaking namumuno sa grupo ng tatlong tao, napunta ang tingin niya sa pinto ng kwarto da hallway. Wala siyang nakitang ilaw na suminag sa mga butas kaya halata na walang tao roon.Pinutol niya ang sigarilyo. โMagbantay lang kayo sa buong floor na ito at maghintay kayo hanggang sa bumalik sila. Tandaan niyo unahin niyong kunin yung babae.โNang makalayo na siya, puno na ng pawis ang damit ni Freyja. Napansin niya na nakatakip pa rin sa bibig niya ang kamay ni Colton at mahinahon niya iyong tinanggal sa kaniyang mukha. Bumalik na sa katotohanan si Colton at binawi ang kaniyang kamay.Sumandal si Freyja sa pinto at ngumisi. โNaniniwala ka na sa akin ngayon?โWalang sinabi si Colton. Napansin niya na may sugat si Freyja sa palad at inabot niya ang kamay nito.Agad na binawi ni Freyja ang kamay niya. โAnong ginagawa mo?โTinitigan ni Colton si Freyja. โHalata ang mga acting skills mo.โNgumisi si Freyja. โโDi ba sinabi mo sa akin dati na ang galing ko umarte at n
Tumikhim si Daisie at pumasok sa loob ng kwarto. โMay mata ka ba sa likod ng ulo mo?โNagtatago siya sa hallway at sa likod ng pintuan pero nahuli pa rin siya.Niyakap siya ni Nollace. โTrinaydor ka ng anino mo.โHindi nakapagsalita si Daisie.โAnong gagawin ko kung ko matanggap yung magiging resulta? Hindi ko yun pwedeng ipaglaban.โโMagiging ligtas ba sila Colton at Freyja?โBinuhat siya ni Nollace papuntang couch at pinaupo sa kaniyang hita. โDahil sa katalinuhan at sa pagbabantay ni Colton, hindi sila mapapahamak.โโAlam koโฆโ Biglang napahinto si Daisie.Hinawi ng daliri ni Nollace ang buhok ni Daisie sa kaniyang tainga. โTayo ang target nila. Tayo ang nasa matinding panganib. Hindi ka ba kinakabahan para sa sarili mo?โBinawi ni Daisie ang tingin niya. โHindi ba nandito ka naman?โHinalikan ni Nollace ang sulok ng mata ni Daisie at ang pisngi nito, mas lumala pa ng ngiti niya. โSyempre, hangga't nandito ako, po-protektahan talaga kita kahit buhay ko pa ang kapalit.โTin
Nagtanong si Freyja bilang sagot, โAnong pipiliin mong gawin? Mahihiya ka pa ba o mamatay na lang?โTinulak siya ni Colton ni sa gilid at binuksan ang French window, at kumalma siya dahil sa hangin na pumasok. โMagpasalamat ka na lang na hindi sinara ng mga siraulong Knowles ang bintana.โUmupo si Freyja sa kama. โParang isang gabi lang tayo mananatili rito.โWala ng sinabi na kahit ano si Colton.Matapos niyang manahimik sa sulok nang ilang sandali, wala na siyang narinig na kahit anong galaw sa likod niya. Tumalikod siya at nakita niya si Freyja. Nakahiga siya habang nakatagilid at nakatulog na sa kama.Sumandal si Colton sa bintana at maiging tinitigan si Freyja.Noong umaga, suminag na ang araw sa loob ng kwarto.Matapos magising ni Freyja, umupo siya at tumalikod, napansin niya si Colton. Nakaupo siya sa couch, seryosong nakatitig sa screen ng computer.Tiningnan ni Freyja ang laptop na nasa hita ni Colton at maigi niya iyong tiningnan.โโDi ba laptop ko yan?โBumalik ba
Humalukipkip si Colton. โMay utak ka pala at alam mo rin paano gamitin.โNasamid si Freyja para sa sarili niyang salita. โHindi tulad mo puro ka lang salita!โNabago ng biglaang pagtawa ni Nollace ang atmosphere. โSigurado akong magiging ligtas ako. Kung ang target nila ay kaming dalawa ibig sabihin ang gusto nilang mangyari ay kunin si Daisie at ako para patayin nila si Daisie sa harap ko. Kung wala akong magagawang paraan para pigilan iyon mas lalo lang magagalit ang mga Goldmann sa mangyayari.โโGirlfriend ko si Daisie. Pag hindi ko siya na-protektahan magiging dahilan yun para mag-apoy sa galit ang mga Goldmann.โNaglakad si Colton papuntang bintana at seryoso ang ekspresyon niya. โKahit ano pang maging resulta ng mga mangyayari, ang kailangan lang natin gawin ngayon ay malaman kung sino ang taong nakatago sa likod ng lahat ng ito.โSa lugar na hindi kalayuan sa resort, naka-park ang van sa roadside.Nagsisigarilyo ang lalaking nakaupo sa driver's seat at nakatitig siya sa sa
Tinanong ni Nollace si Edison na nagpanggap bilang driver para huluhin ang lalaki. Hinawakan niya ang mukha ng lalaki at inangat ito. Madilim talaga ang mata niya. โPwede ko ba malaman kanino nagtatrabaho ni Mr. Wansell?โHindi makatingin nang diretso ang lalaki. โHindi ko alam kung anong sinasabi mo.โโHindi na yun mahalaga. Kahit na hindi mo sabihin sa akin ngayon, nalaman ko naman na kung sino yung taong nang-uutos sa likod ng lahat ng ito. Pwede mo na lang panatilihin ang sikreto na alam mo tungkol sa kanila.โNgumisi si Nollace pero walang bakas ng saya sa kaniyang mata. โKung ako lang ang nasaktan mo, kaya kitang patawarin ngayon mismo dito. Pero kasi nagalit mo rin ang mga Goldmann. Sa tingin ko pati master mo hindi ka ayang iligtas sa lalim ng hinukay mong galit mula sa kanila.โBahagyang nanginig ang katawan ng leader ng gang. โDapat mahatid natin ang resulta pagtapos nating mabayaran. Pero, ngayon na hindi nagtagumpay ang misyon, hindi rin magandang ideya kung babalik s
Tumawa si Rocky habang sinasabi, โNapaka-brutal mo naman para pigilan ang pagtakas nila.โ Malamig ang mata ni Zenovia. โHintayin natin ang magandang balita.โSa sanatorium sa maliit na siyudadโฆNaghihintay si Edison sa harap ng pinto kasama ang dalawang lalaking naka-itim. Nasa study sila Nollace at Colton, seryoso ang pinag-uusapan nila ng director sa sanatorium.Halos lahat ng pasyente sa courtyard ay parang may sariling mundo. May mga nagbabasa, may mga natutulog, at ang iba naman ay nag-uusap usap. Kalmado doon at malinis. Umupo si Daisie sa hagdan habang nakapatong ang ulo sa kaniyang kamay at nag-iisip.Lumapit si Freyja sa tabi niya at umupo. โHindi sobrang saya ng maikling holiday na ito.โSuminghal si Daisie. โSino namang nakakaalam na may mangyayari parang ganito?โ Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyan hindi siya naiinis. Sa wakas nagkaroon sila ng ilang araw na holiday pero nangyari pa ito.Lumabas sila Nollace at Colton, tumayo si Daisie at narinig niya
Tiningnan siya ni Nollace at tinanong, โGusto mo ba na sana maalala ko?โโSyempre, may mga utang na dapat bayaran,โ bulong ni Daisie.Lumapit si Nollace. โAnong utang?โBinawi ni Daisie ang tingin niya at sinabi, โHindi ko sasabihin sayo.โNgumiti si Nollace. โSige, lagi mo lang isipin. Tatanggapin ko ang parusa ko para dyan.โTumawa si Daisie. โHindi naman kita paparusahan.โโHindi ka matutuwa.โTumayo si Daisie at nagbibirong sinabi, โOo, hindi ako matutuwa kaya hindi ka na pwedeng tumabi sa akin.โHuminto si Nollace bago tumawa. โMasyado namang malupit yan.โPapunta na si Daisie sa hagdan nang tumalikod siya at sinabi l, โIinisin kita!โKinabukasanโฆNagpaalam na sila sa director at umalis na sa lugar.Paulit ulit na humikab si Daisie simula nang pumasok sila sa sasakyan. Umupo si Freyja sa tabi niya at bumulong, โUmalis ba kayong dalawa para magsaya kagabi?โTinulak siya ni Daisie palayo. โHindi.โโNakatulog kasi ako, 1:00 a.m. na rin yun pero hindi ka pa rin bumabalik
Naghihintay ng balita si Zenovia at tumawag na siya nang ilang beses, pero wala sa mga tauhan niya ang sumagot.Umupo siya sa couch habang hawak ang pit.Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang katulong. Tumayo si Zenovia at may gusto siyang sabihin pero nakita niya na dumating si Diana kasama ang ilang lalaki, kaya nag-iba ang ekspresyon niya. โMrs. Knowles?โLumapit ang mga guards niya nang makita ang mga tao. โAnong ibig sabihin nito?โUmupo sa couch si Diana at sinabi, โHindi mo kailangan itanong sa akin kung ano ang ginawa mo.โSinubukan ni Zenovia ang makakaya niya para manatiling kalmado. โNalaman na kaya niya?โAt yung mga tawag na hindi nila sinagot, nahuli na kaya sila?โSinubukang kumalma ni Zenovia. โAlam kong may problema ka sa akin pero hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko para maging sobrang galit ka sa akin.โโBakit ba nakakainis ka? Wala ka bang alam tungkol sa sarili mo?โ Tumayo si Diana at direktang sinabi ang punto niya. โAkala mo ba magiging mat
โDaisie.โ Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. โSobrang ganda mo ngayon.โโThank you,โ nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. โI propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.โ Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. โSa inyo rin ni Morrison.โ Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. โAng galing mo kanina.โTumawa si Daisie. โTalaga?โDagdag pa ni Nolan, โIkaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.โNgumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. โDad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.โ โMa-swerte ka talaga.โ Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. โDapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriageโpuno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrickโs Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. โAng pawis ng palad mo.โ Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, โKinakabahan ako.โ Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. โNandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.โ Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. โAng gwapo mo sa uniform na โto.โTumawa si Nollace. โAt sobrang gand
โSiya nga pala, nasaan si Cameron?โ Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, โKasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.โMatapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. โNagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.โ โNagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.โ Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. โHoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.โ Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. โMrs. Goldmann.โ Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. โTapos na ba kayo mag-usap?โ โSyempre. โDi ba gusto mo pumunta sa Hathawaysโ villa kasama si Dad ngayong tanghali?โ Ngumiti si Nolan. โHinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.โ Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. โPwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.โ โฆDalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, โGodfather!โ Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, โNolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.โ โTalaga?โ Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. โAko rin, excited na ako.โ โPwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, โdi ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.โ Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. โAlam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.โTumingin si Daisie sa kaniya. โAnong mga hiling mo?โ โMaging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.โNagulat si
โOo, totoo โyon,โ sagot ni Zephir. โParang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.โ Tinapik ni Naomi ang balikat niya. โHinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.โ Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. โฆHindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. โMommy! Daddy!โ Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. โMalaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.โ Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, โPero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.โ Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. โMukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.โ Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. โWhat a coincidence.โ โMas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,โ sabi ni Leah. โNalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.โHinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, โDapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.โ Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. โSiya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.โ โNakita ko na sila dati noong wedding niyo,โ sabi ni Morrison. โKaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.โโKailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,โ sabi ni Leah. โEngage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?โ Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, โEngaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, โ$10 para sa tatlong chance.โโ$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,โ sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, โAko na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.โ Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, โIbigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.โ Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, โBigyan mo po kani ng anim na hoops.โ Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, โA
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. โAnong problema? Hindi ka makatulog?โ โOoโฆโ diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, โGusto ko sana umihi kaso natatakot ako.โHinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, โSasamahan na lang kita.โ Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, โYou wait for me here.โLumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, โHintayin mo ako dito.โTumango si Nollace. โIsigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.โ Naglakad si Daisie pa