Hindi nagtagal, nagbigay ng warning letter si Charlie kay Gossipy mula sa lawyer ng Tenet's Media.Kahit na manager lang si Charlie, kumampi sa kaniya ang mga tao dahil sa ginawa niyang aksyon.#Paparusahan ni Charlie ang mga artista niya pag may ginawa silang mal. Naalala nyo yung napasama si James sa away nung nakaraan? pinarusahan siya ni Charlie kahit na binantaan siya ng mga fans nito sa Internet, ibig sabihin wala siyang kinikilingan na tao. Naniniwala ako sa sinabi niya. Dapat mag-isip ang mga tao na yun at tumigil na sa panggagatong sa sinasabi niya.##Hindi niyo pa rin ba kilala kung sino si Charlie? Nakita niyo na ba siyang sumuko dati? Hindi siya mabait sa mga artista niya pag sinasabihan niya ito. Magandang halimbawa si James. Kung talagang poser si Daisie, sa tingin niyo ba magbibigay siya ng issue letter?#Nang makita na may lumalaban na sa kaniya, binura ni Gossipy lahat ng post niya sa Twitter sa loob lamang ng halos dalawang oras.Sa management department, sa offi
Sumikip ang puso ni Amy nang ilang sandali. Alam niya na paghihinalaan siya ni Charlie matapos niyang malaman ang ginawa ni Hannah. Alam ni Charlie na maganda ang relasyon nila Amy at Hannah, at binigyan siya ng paalala ni Charlie dati nung nag-usap sila. Kaya naman, wala na siyang masasabi pag pinaghinalaan siya ni Charlie matapos mabunyag ang mga ginawa ni Hannah. Kailangan niya yun harapin kahit anong mangyari. “Sorry. Ako ng rason bakit ayaw ni Hannah kay Daisie.”“Ames! Wala kang kinalaman dito. Kasalanan ko ito. Dapat hindi kita dinamay dito.”Galit din si Hannah sa sarili niya. Kung na-kontrol lang niya ang kaniyang sarili at hindi hinayaang mauna ang galit niya, baka hindi pinaghihinalaan ni Charlie si Amy.Naglabas ng sigarilyo si Charlie at naningkit ang mata niya. “Hannah, gusto kong tapusin mo na ang kontrata mo sa Tenet Media.”Nagulat si Amy. “Chuck—”“Amy, kilala mo ako. Ganito rin ang gagawin ko kung ikaw ang biktima sa oras na ito. Hangga't ako ang manager mo,
Kahit si Amy ay hindi malakas ang loob na makukuha niya ang best actress award sa loob lang ng tatlong taon.Nagkibit-balikat si Daisie at sinabi, “Nakapagdesisyon na ako.”Matapos iyon, tumingin siya kay Hannah at sinabi, “Ano sa tingin mo? Payag ka ba sa challenge o hindi?”Hindi alam ni Hannah kung ano ang sasabihin niya. Kahit na hindi yun magandang ideya para sa kaniya at sobrang ayaw niya kay Daisie, naisip niya na wala siya sa posisyon para ideya na ginawa ni Daisie dahil sinabi naman niya na aalis siya bilang artista pag hindi niya natupad ang kaniyang pangako.Mahigpit niyang tinikom ang bibig niya at sinabi, “Sige, tatanggapin ko ang pusta mo. Kung magagawa mo yun, manghihingi ako ng tawad sayo sa harap ng lahat ng media at press.”Ngumiti si Daisie at tumango. “Deal na natin ito.”Matapos iyon, nag post si Daisie sa kaniyang Facebook.#Makukuha ko ang Best Actress award in three years!#Naglagay ng mga comment ang mga fans niya sa kaniyang post.[May nangyari ba kay
Biglang tumawa si Colton pero hindi nagtagal ay naging seryoso siya ulit. “Gusto mo ba talaga na ibalik ko na ang phone mo?”“Oo! Ibalik mo na ang phone ko! Bilis!”“Gusto mo ngayon na?”Hindi na makapag-isip nang matino si Freyja dahil sa alak. Sumagot siya, “Oo!”Pinatay ni Colton ang tawag at ilang sandaling nagulat si Freyja, hindi siya makapaniwala na pinatayan siya ng tawag ni Colton. Hinila niya ang telephone wire kaya nalaglag sa carpet abg telephone. Hinulog niya ang sarili niya sa couch at bumulong, “Siraulo, bakit mo ako hinalikan…”Hininto ni Colton ang sasakyan sa labas ng courtyard. Tiningnan niya ang bintana at napansin na nakabukas pa rin ang ilaw sa sala.Bumaba siya ng kotse, naglakad papuntang pinto at pinindot ang bell. Narinig ni Freyja ang tunog ng ring ng bell. Tumayo siya habang nahihilo at pinilit na lumapit sa pinto. “Sino yan?”Binuksan ni Freyja ang pinto at sumandal dito. Malabo ang paningin niya at biglang may isang taong lumilinaw sa mata niya hab
Tumango ang senior. “Tama ka. Isan basic professionalism ang pagpapaunlad ng acting skills mo bilang artista.”Tumalikod si Daisie at nakita niya si James na nakatayo mag-isa sa sulok. Parang wala siyang interes sa banquet. Imbes na makipag-usap sa mga tao, mas gusto niyang mapag-isa.Lumapit siya kay James at tumayo sa likod ng pader. “Bakit ka nagtatago rito?”Nagulat si James, nahinto ang kamay niya. Tiningnan ng mga sulok ng mata niya si Daisie at sinabi, “Gusto kong mapag-isa.”Humalukipkip si Daisie at sumandal sa pader. “Hey, gusto mo bang makilala ang ibang artista ng kompanya?”Pinatunog niya ang dila niya at tiningnan ang wine glass niya. “Hindi na yan kailangan. Saka, birds of different feathers do not flock together naman.”Hindi nakapagsalita si Daisie.Tumingin si James kay Daisie at ngumiti, “Siya nga pala, narinig ko na sinabi mo na ikaw ang magiging Best Actress sa loob lang ng tatlong taon. Ang lakas pala talaga ng loob mo. Sobrang namangha ako.”Sumagot si D
Binati siya ni Amy mula sa puso niya. “Congratulations, nagawa mo talaga.”Ngumuso si Hannah. “Natalo ako. Gagawin ko ang napagkasunduan. Hintayin mo ako dito.”Lumapit siya sa mga reporter at inanunsyo, “Guys, may sasabihin ako. Nainggit at nagalit ako kay Daisie three years ago, at kasalanan ko ang paninira sa kaniya noon. Kaya gusto kong humingi ng tawad sa harap ng publiko ngayon.”Pagkatapos ay humarap siya kay Daisie at yumuko. “Pasensya na doon. Tatapusin ko na ang kontrata ko ngayon sa Tenet.”Lahat ng reporter na nandoon ay kumukuha ng litrato ng eksena at hindi tumigil ang flashlight nang isang minuto.Lumapit sa kaniya si Daisie, tinulungan siya at sinabi sa lakas na siya lang ang makakarinig, “Pagkatapos mong tapusin ang kontrata mo sa Tenet, ire-refer kita sa Zestar Media.”Nagulat si Hannah at tinitigan siya. “Ikaw…”“Matagal ka na nag-debut. Naniniwala ako na makakabalik ka pagkatapos mong pumunta sa Zestar.”Umiyak si Hannah at ngumiti at niyakap siya agad. “An
Pinarada ni Daisie ang sasakyan niya sa roadside at tinawag si Freyja hanggang sa nabuksan ang pinto mula sa labas. Tinitigan ni Daisie ang babae na sumakay sa sasakyan at umupo sa passenger seat. “Ikaw…”“Binago ko lang ang hairstyle ko at hindi mo na ako agad maalala?” Hinubad ni Freyja ang sunglasses niya.Ngumiti agad si Daisie. “Nagpakulot ka talaga ng buhok?”Ngayong may pagkakataon na siya para tingnan si Freyja, mas bagay kay Freyja ang kulot kaysa sa itim, mahaba, at straight na buhok na katulad noon.Hindi yon magarbong kulot pero mukha itong mature at kakaiba ang dating.Mabagal na umandar ang sasakyan sa kalsada, at nakipag-usap si Daisie sa maraming bagay kay Freyja. Sa oras na ito, may pagkakataon na sinasadya niya na banggitin si Colton at napagtanto niya titigil ang ekspresyon ni Freyja at mag-iiwas ng tingin. “Talaga? Siya ang nag take over ng kumpanya? Mabuti naman para sa kaniya.”Tiningnan siya ni Daisie. “Freyja, may nangyari ba sa'yo at Colton?”Natigil an
Nakatingkayad si Daisie at dinikit ang daliri niya sa labi ni Nollace. “Maghanda ka—”Natigil siya sa kaniyang sinasabi dahil sa ringtone ng phone niya. Kinuha ni Daisie ang phone niya at nakita na si Freyja ang tumatawag sa kaniya, kaya sinagot niya yon.Pero, ang narinig niya mula sa kabilang linya ng tawag ay sigaw ni Freyja. “Daisie, tulong—”Naputol bigla ang tawag.Nagulat si Daisie dahil parang narinig niya ang boses ni Colton sa kabilang linya ng tawag.Kumunot si Nollace at mukhang may iniisip. “Mukhang kinuha siya ni Colton.”Hinila siya ni Daisie. “Nollace, may nangyari ba sa pagitan ni Colton at Freyja?”Naningkit ni Nollace at ngumiti. “Mahirap para sa akin na ipaliwanag sa'yo.”Sa hotel…Tinulak ni Freyja ang entryway. Nagulat siya sa palapit na katawan na hinarang siya sa gilid ng kwarto at nabalot siya nang malamig na dating nito.Hinawakan ni Colton ang baba niya, inangat ang mukha niya, at tinanong, “Pagkatapos mong magtago sa akin nang tatlong taon, bakit h