Nakatulala na nakatingin si Freyja sa bintana.‘Katulad lang nang umaga three years ago. Nawala na lang siya pagkagising ko. Umalis siya nang walang sinasabi pagkatapos may mangyari sa amin. Sinong makakaalam sa ugali niya?‘Ang totoo niyan, hindi ko nakalimutan ang nangyari nang gabi na yon three years ago. Hindi ako sobrang lasing kaya may malay ako. Hindi ako lasing.‘Minsan gusto ko na lang na wala akong malay nang gabi na yon para hindi ko malinaw na maalala lahat. Parang naka-ukit yon sa isip ko at hindi ko yon maalis sa utak ko kahit anong mangyari.‘At sa tuwing maiisip ko yon, nagsisisi ako na tinawagan ko siya habang lasing ako nang gabi na yon. Nagsisisi rin ako na hindi ko tinulak palayo. Dahil hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng gabi na yon, kaya lagi akong nagtatago sa kaniya.‘At saka, mali na yon noong una pa lang at akala na matitigil ang pagkakamali yon sa pagtatago ko habang makakalimutan naman ni Colton ang nangyari dahil sa tagal.
Ngumiti si Maisie habang walang sinasabi.‘Pagkatapos ng ilang taon, naiisip ba niya na hindi ko siya mababasa sa unang tingin pa lang?‘Nagiging mapagpanggap lang siya. Sa tingin ko na hindi siya makakapili ng ibang son-in-law na makakaangat kay Nollace ngayon.‘Bukod pa doon, hindi lang kahanga-hangang lalaki si Nollace kundi gwapo din. Kaya kung hindi niya papayagan ang anak niya na ikasal sa lalaking ‘yon, madali lang para sa iba na agawin si Nollace kay Daisie. Kaya naman, mas maganda kung mauunang kumilos si Daisie.’Napalibutan ang magarbong siyudad nang maliwanag na neon light babang napupuno ng kadiliman ang langit.Sa maliwanag na Glitz Club, sumasayaw ang mga tao, umiinom, at sobrang nagsasaya, at sa VIP room, nakikipag-usap si Colton ng project sa mga foreign clients.Unlimited ang business na nasa kamay ng Blackgold, tulad ng entertainment, construction, tourism development, food and beverages, hospitality, technological R&D, at marami pang iba. Kaya naging malaki it
Tinulak palayo ni Colton ang kamay ni Freyja, binato sa tabi ang coat niya at pumunta sa banyo.Hindi makagalaw na nakaupo si Freyja sa kama, kinagat ang labi niya, pinakinggan ang tunog ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at hindi mapigilan na humigpit ang hawak sa kumot.‘Totoo nga, hindi nagbago ang galit niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin noong binigyan niya ako ng kwintas at hinalikan niya ako three years ago?’Habang palabas si Colton sa banyo na naka-bathrobe, napalibutan siya ng tubig, at tumutulo sa leeg ang tubig na hindi pa napupunasan.Pinatuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang towel at tumingin kay Freyja.Sumandal si Freyja sa head ng kama habang nakabaluktot ang binti at parang nagawan siya ng mali sa agrabyado niyang ekspresyon.‘Pakiramdam ba niya nagawan siya ng mali?‘Pfft, nagpapanggap lang siya kapag nandito ako.’Nilagay niya ang towel sa countertop, lumapit at tumayo sa gilid ng kama. “Hindi ka ba maliligo?”Bumalik siya sa kaniyang huwisyo at hi
Humalukipkip si James. “Sasabihin lang ang script. Wala nang mas simple pa kaysa dito.”Tapos na si Daisie maglagay ng makeup, kaya tumayo siya habang hawak ang script sa kamay niya at lumapit kay James. “Makikipag-practice ka na ba sa akin ngayon?”“Practice? Para saan?”Hinampas siya ni Daisie ng script. “Eksena nating dalawa ang nasa shooting ngayon. Kung magkakamali ka sa akin, sasaktan kita.”Yumuko siya at tumawa. “Okay, sige, practice lang. Hindi naman mahirap para sa akin na magkamali.”Paglipas ng 15 minuto…Masamang tiningnan ni Daisie si James, na sumosobra sa acting niya at nawawala sa kaniyang character niya. Galit na galit siya at binato niya ang script kay James. “James Tell, binasa mo ba ang script!?”Umiwas si James sa script. “Huwag mo akong hampasin. Nakalimutan ko lag ang linya!”Tumakbo siya sa pinto at bumangga sa isang tao habang hindi nakatingin.Napa-atras si Freyja at tatama na sana sa prop box na nasa corridor. Pero agad siyang inabot ni James at hin
At dahil din kay James kaya niya kinuha ang film project.Pero, ang lalaking gusto niya ay nagiging alipin kapag kasama niya si Daisie. Kaya naman, bakit hindi siya maiinis doon?Napansin ng assistant niya na may mali sa kaniya at tinanong, “Susan, ayos lang ba ang lahat?”“Kapapanalo lang ni Daisie Vanderbilt ng Best Actress award, hindi ba? Ano bang dapat ipagyabang doon? Kahit ang Prince Charming konay sinusundan siya na parang alaga. Sinong magpapakita sa kaniya ng respeto kung hindi siya ang anak ng Goldmann?”Galit na galit si Susan at hindi niya nabasa ang script niya.Walang magawa ang assistant. “Ipinanganak siyang mayaman, kaya hindi natin siya nakukumpara sa atin, hindi ba? At saka, parehong mayaman si James at Daisie kaya normal lang sa kanila na maging magkasundo?”Tiningnan siya ni Susan. “Sinasabi mo ba na bagay si Daisie sa Prince Charming ko?”Agad kumaway ang assistant. “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.”Suminghal si Susan habang nakatingin sa direksyon nila
Samantala, masayang pumunta si Susan sa eksena, gusto niyang makita na pagalitan si Daisie sa pagpapabagal ng progress ng crew.Sinong mag aakala na ang makikita niya ay ang pag-film kay Daisie at wala si James doon? Nakaramdam agad siya na may mali.Agad tinanong ni Susan ang staff member. “Hindi ba't scene ni Daisie at James ang pini-film ngayon? Bakit hindi ko makita si James?”Sumagot ang staff member, “Hindi maayos ang pakiramdam ni Mr. Tell at mayroon siyang diarrhea, kaya nagpapahinga muna siya.”‘Diarrhea…’Natigil si Susan habang nanghina naman ang hita niya.‘Paano nangyari ito? Posible kaya na hindi ininom ni Daisie ang kape na nilagyan ko ng laxative kaya ininom na lang ni James?”Akala niya ay para kay Daisie yon kaya marami ang nilagay niyang laxative.‘F*ck! Kasalanan ‘to lahat ni Daisie!’Pagkatapos mag-film ni Daisie, pumunta sila ni Freyja sa lounge para bisitahin si James.Parang papel sa putla si James, at patuloy na kumukulo ang tiyan niya. “F*ck man! May
Ngumiti si Maisie. “Lumayo ka.”Binitawan ni Daisie ang kamay ni Nollace sa courtyard at humarap. “Bakit hindi mo ako sinabihan na pupunta ka?”Inayos ni Nollace ang buhok na nasa gilid ng mukha ni Daisie, inipit sa likod ng tainga niya at mahinang ngumiti. “Hindi ba ako kaaya-aya?”“Hindi sa ganoon.” Nagpaliwanag siya, “Pero paano kung pinahirapan ka ng dad ko habang wala ako?”Saglit na tumigil si Nollace, bumaba ang tingin, at lumaki ang ngiti. “Nakikita mo ba ako bilang tao na natatakot sa mahirap na sitwasyon?”Iniling ni Daisie ang ulo niya. “Malakas ang loob mo para matakot sa ganon.”Malakas siyang tumawa. “Mabuti naman at alam mo ‘yan.”Makikita ang paglubog ng araw sa magarbong courtyard, dahilan para mag mukha itong oil painting. Ang mga katulong na dumadaan ay tumitingin sa pavilion. Kapag magkasama silang dalawa, mas maganda silang tingnan kaysa sa agaw-hininga na tanawin.Humarap si Daisie at nakatingin lang kay Nollace.‘Hindi ko siya nakita nang tatlong taon
Sumandal si Nollace sa pader. “Late ka na nakauwi.”Nagulat si Colton pero mukhang kalmado. “Nandito ka pa rin?”Ngumiti siya. “Dito ako matutulog.”Nakatingin si Nollace sa maluwag na tie ni Colton at marka ng kagat na makikita sa collar niya at ngumiti siya. “Mukhang mabilis ang galaw mo sa pinsan ko.”Kumunot si Colton pero hindi nagsalita.Nilagpasan siya ni Nollace at tumigil sa likod niya pero hindi humarap. “Seryoso ka ba sa kaniya?”“Wala ka na doon.” Pumasok si Colton sa kwarto niya.Lumingon si Nollace, tiningnan si Colton hanggang sa mawala at naningkit ang mata dahil nakikita niya ang katotohanan.Kinabukasan, sa shoot…Uminom ng electrolytes si James, nagpahinga at nakakuha ng lakas.Umupo siya sa sasakyan at binasa ang script habang may hinahanap sa paligid.Nagdala si Susan Hotch ng magandang container na may pagkain sa kaniya at ngumiti. “James, nag lunch ka na ba?”Natigil si James at kumunot. “Ikaw si?”Nahihiyang sinabi ni Susan, “Hindi mo ako maalala?