Bahagyang nagdilim ang ekspresyon ni Susan. Ganoon na sila kalalim?Tiningnan ni Daisie si James. “Bakit nagyayabang ka? Kailan ka makakakuha ng Best Actor award para kay Charlie?”Umiwas siya. “Hindi ako interesado diyan. Nandito lang ako para magpalipas ng oras.”Ngumisi si Daisie habang sinasabing, “Adik ka sa pagiging walang kwenta?”“Ms. Vanderbilt, bakit mo sinasabi ‘yan kay James?” Mahinang nagsalita si Susan para kay James. “Hindi niya kasalanan na hindi siya talented. Naniniwala ako na ginawa niya ang best niya.”Kung ipagtanggol niya si James, baka magpasalamat siya. ‘Tingnan mo? Ako lang ang nakakaintindi sa kaniya.’Tiningnan ni Daisie si Susan na hindi niya pa nakaka trabaho mula nang sumali siya sa team. Hindi pa lumalabas sa movie ang character niya.Normal na usapan lang ang nangyayari kay Daisie at James pero mukhang para kay Susan ay minamaliit niya si James.Bago pa magsalita si Daisie, nagbago ang ekspresyon ni James, “Kinakausap ko si Daisie. Sinong tinutuk
Hindi yon inakala ni Daisie pero hindi siya sumigaw nang malakas. Sobrang sakit ng braso niya.Huminga siya ng malalim habang namumutla ang mukha. Samantala, ang balikat niya ay nanginginig.Walang nakapansin sa kung ano ang nangyari at hindi niya sila sinabihan na huminto.Pagkatapos sumigaw ng direktor ng cut, tumayo siya. “Ang ganda non. Move na tayo sa susunod.”Tinulungan ni Freyja at ng crew si Daisie pero mukhang nagalaw nila ang kamay at suminghap siya.Tinanong ni Freyja, “Daisie, ayos ka lang ba?”Kinaway ni Daisie ang kamay niya.Tinanggal ng crew ang padding sa likod niya.Hindi binanggit ni Daisie na nahampas ang kamay niya bago magpalit ng damit kasama si Freyja.Sa loob ng changing room, hinubad ni Daisie ang damit niya at nakita na may malaking pasa sa braso niya. Ilang beses siyang tinamaan ng latigo at kalahati ng braso niya ay kanina pa namamanhid.Pumasok si Freyja at nakita ang pasa kaya agad siyang lumapit. “Tinamaan ka?”Ngumiti siya at sumagot, “Ayos
Lahat ng aktor ay dadaan sa ilang scene kung saan sasaktan sila. Bukod pa doon, babae siya, kaya kahit gaano pa kalakas ang sampal sa kaniya, hindi yon magiging masakit.Lalaki siya kaya kung hindi niya kayang tanggapin yon, hindi siya makakatagal sa industriya.Malaki ang ngiti ni Daisie. “Ayos.”Nang magsimula ang filming, sinampal siya ni Daisie at nawala siya sa balanse sa lakas at napaatras ng ilang hakbang.Nagulat si Mitchell.Tumalikod si Daisie para kausapin ang direktor. “Pasensya na, pwede ba natin ulitin yon? Masyado akong nasa character at napalakas ang sampal ko sa kaniya.”Nagmukhang nag-aalala si Daisie. “Pasensya na talaga, Mitch. Ayos ka lang ba?”Hindi inakala ni Mitchell na ganoon siya kalakas. Namaga ang mukha niya dahil sa sampal.Ilang taon na siya umaarte at hindi pa siya nasampal nang malakas. Sobra na ‘yon!Gumaganti ba siya sa panglalatigo? Hindi maaari.Hinawakan niya ang mukha niya at pilit na ngumiti. “Ayos lang.”Nilagay ni Daisie lahat ng laka
Pakiramdam ng mga crew na professional lang si Daisie pero sa oras na ‘to, halata naman na sumosobra na ang mga fans ni Mitchell.Napag-usapan nilang dalawa ang sampal ni Mitchell bago pa magsimula ang filming. Sinampal siya ni Daisie para magmukha itong totoo.Walang nakakaalam na magiging trending topic yon.Walang sinabi na kahit ano si Daisie. Parang alam niya na mangyayari itong lahat.Hinarang ang mga fans sa labas at sinubukan na ipaglaban si Mitchell, sumisigaw kay Daisie na ipaliwanag ang sarili niya.Hindi gusto ng direktor na sumobra ang problema na ito kaya sinabihan niya si Mitchell na ayusin yon.Sinubukan sila pakalmahin ni Mitchell at Susan, nagsasabi sila ng mabuting bagay tungkol kay Daisie at hindi binanggit kung sino ang may kasalanan.Nagagalit ang mga fans dahil nasaktan ang idol nila pero hindi sila lalong kumakalma ngayong ipinagtatanggol pa ni Mitchell si Daisie. “Mitchell, namamaga pa rin ang mukha mo. Kasalanan yan ni Daisie Vanderbilt pero bakit mo si
Tumanggi ang fan na manahimik at sumagot pa. “Pero namamaga ang mukha ni Mitch. Nakita naming lahat, tapos ngayon sasabihin mo misunderstanding lang?”Walang ibang magawa si Mitchell kundi ang umaksyon agad sa nangyayari. “Bakit hindi muna tayo kumalma lahat, okay? Please, ayokong may mangyaring masama sa kung sino man sa inyo.”Pinakilala niya ang sarili niya bilang isang mahinahon, mabait, at mapagpatawad na lalaki. Kumalma ang mga fans niya pero sa kabilang banda sobra pa nilang kinamuhian si Daisie.Lumapit si Susan kay Daisie at sinabi, “Ms. Vanderbilt, sinabi na ni Mitch na isa lang yung misunderstanding. Pwede ba nating palampasin na lang ito?”Hindi siya pinansin ni Daisie at lumapit siya kay Mitchell. “Mr. Santos, bago tayo magsimula ng shooting, tinatanong kita kung maglalaban ba tayo nang totoo o hindi, tama ba?”Ilang sandaling nagulat si Mitchell, pero agad siyang bumalik sa katotohanan at ngumiti. “Napag-usapan na natin ito dati…” “Dahil pinag usapan na natin ito d
At saka, narinig ko sa mga usapan na si Susan ang nagsabi kay Mitchell na pahirapan ang mga artista natin.”Tumayo si Charlie. “Totoo ba yan?”Tumango si Billy. “Kahit na parehong nagtatrabaho sila Mitchell at Susan sa Zestar, masyado na silang lumagpas ngayon.”Malinaw naman kung gaano ka-hypocritical si Mitchell, kung iisipin pa ang ginawa niyang pagtanggi sa paghingi ng tawad ni Daisie sa kaniya dati bago niya hinayaang atakihin ng mga fans niya si Daisie.Sobrang nagagalit si Charlie pag gumagawa ng masama ang mga artista sa ibang tao.Kahit na hindi sila mula sa Tenet, hindi niya hahayaang awayin ng ibang artista ang mga artista niya.“Parang kailangan kong pumunta ng Zestar.”Si Freyja na nakatayo sa labas ng pinto ay tahimik na umalis.Pumunta siya sa emergency exit at tumawag kay Daisie. “Sinabi ko kay Mr. Gray na sabihin kay Mr. Johnson ang tungkol sa nangyari. Pupunta si Mr. Johnson sa Zestar ngayon. Nakakainis na wala akong record ng video sa nakakahiyang couple na i
Tumayo si Yale. “Mr. Gallagher?”“Alam ko na kung ano ang nangyayari. Kasalanan ni Mitchell. Dapat hindi niya binaliktad ang katotohanan at nagsinungaling. Dapat siyang manghingi ng tawad.”Nagulat si Yale at natahimik.Binigay ni Hector ang lahat ng management ng Zestar kay Triden. Pero, wala namang pakialam si Triden sa mga nangyayari sa artista niya. At saka, ang staff niya at mga managers ang mag-aasikaso ng mga problema.Kaya naman hindi na yun isang simpleng pangyayari dahil nakisama na si Triden.Tumayo si Charlie at sinabi, “Ganun na nga. Babalik na ako at maghihintay sa maganda niyong balita.”Hindi siya pinigilan ni Triden.Matapos umalis ni Charlie, tinanong ni Yale, “Mr. Gallagher, kailangan mo mag-isip nang mabuti. Maraming binigay na benepisyo si Mitchell sa kompanya. Kailangan natin makita ang mga tagumpay at ang status niya.“Kahit na dahil sa kaniya ang lahat ng nangyaring insidente sa Internet, kailangan muna natin tanungin sa kaniya ano ang nangyari.”Tumali
Gusto ni Daisie na magtiwala siya sa sarili niya sa loob ng entertainment industry. Ayaw nga rin niya na tulungan siya ng kaniyang pamilya. “Yo, what a coincidence.” Maririnig ang boses ni James sa likod.Nagulat si Daisie at lumingon siya. “Anong ginagawa mo dito?”Kahit na nakatakip ang buong mukha ni James ng sunglasses at face mask, makikilala pa rin siya dahil sa magara niyang suot—malalaman ng mga tao sa unang tingin pa lang na siya iyon.Tinanggal niya ang sunglasses niya at face mask, kumuha ng upuan, at umupo. “Well, parang gusto talaga ng tadhana na lagi tayong pagtagpuin.”Nakatingin lang siya kay Freyja habang nagsasalita siya kaya hindi naging komportable si Freyja doon.Tumingin si Daisie sa kaniya at sinabi, “Nandito ka ba para mag bum meals sa akin?”Pinatunog niya ang dila niya at sinabi, “Syempre, nandito ako para mag bum meals sayo.”Nanahimik sila Freyja at Daisie.Sinabi ni James sa waiter na bigyan siya ng set ng utensils at menu bago diya lumingon ulit