At dahil din kay James kaya niya kinuha ang film project.Pero, ang lalaking gusto niya ay nagiging alipin kapag kasama niya si Daisie. Kaya naman, bakit hindi siya maiinis doon?Napansin ng assistant niya na may mali sa kaniya at tinanong, “Susan, ayos lang ba ang lahat?”“Kapapanalo lang ni Daisie Vanderbilt ng Best Actress award, hindi ba? Ano bang dapat ipagyabang doon? Kahit ang Prince Charming konay sinusundan siya na parang alaga. Sinong magpapakita sa kaniya ng respeto kung hindi siya ang anak ng Goldmann?”Galit na galit si Susan at hindi niya nabasa ang script niya.Walang magawa ang assistant. “Ipinanganak siyang mayaman, kaya hindi natin siya nakukumpara sa atin, hindi ba? At saka, parehong mayaman si James at Daisie kaya normal lang sa kanila na maging magkasundo?”Tiningnan siya ni Susan. “Sinasabi mo ba na bagay si Daisie sa Prince Charming ko?”Agad kumaway ang assistant. “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.”Suminghal si Susan habang nakatingin sa direksyon nila
Samantala, masayang pumunta si Susan sa eksena, gusto niyang makita na pagalitan si Daisie sa pagpapabagal ng progress ng crew.Sinong mag aakala na ang makikita niya ay ang pag-film kay Daisie at wala si James doon? Nakaramdam agad siya na may mali.Agad tinanong ni Susan ang staff member. “Hindi ba't scene ni Daisie at James ang pini-film ngayon? Bakit hindi ko makita si James?”Sumagot ang staff member, “Hindi maayos ang pakiramdam ni Mr. Tell at mayroon siyang diarrhea, kaya nagpapahinga muna siya.”‘Diarrhea…’Natigil si Susan habang nanghina naman ang hita niya.‘Paano nangyari ito? Posible kaya na hindi ininom ni Daisie ang kape na nilagyan ko ng laxative kaya ininom na lang ni James?”Akala niya ay para kay Daisie yon kaya marami ang nilagay niyang laxative.‘F*ck! Kasalanan ‘to lahat ni Daisie!’Pagkatapos mag-film ni Daisie, pumunta sila ni Freyja sa lounge para bisitahin si James.Parang papel sa putla si James, at patuloy na kumukulo ang tiyan niya. “F*ck man! May
Ngumiti si Maisie. “Lumayo ka.”Binitawan ni Daisie ang kamay ni Nollace sa courtyard at humarap. “Bakit hindi mo ako sinabihan na pupunta ka?”Inayos ni Nollace ang buhok na nasa gilid ng mukha ni Daisie, inipit sa likod ng tainga niya at mahinang ngumiti. “Hindi ba ako kaaya-aya?”“Hindi sa ganoon.” Nagpaliwanag siya, “Pero paano kung pinahirapan ka ng dad ko habang wala ako?”Saglit na tumigil si Nollace, bumaba ang tingin, at lumaki ang ngiti. “Nakikita mo ba ako bilang tao na natatakot sa mahirap na sitwasyon?”Iniling ni Daisie ang ulo niya. “Malakas ang loob mo para matakot sa ganon.”Malakas siyang tumawa. “Mabuti naman at alam mo ‘yan.”Makikita ang paglubog ng araw sa magarbong courtyard, dahilan para mag mukha itong oil painting. Ang mga katulong na dumadaan ay tumitingin sa pavilion. Kapag magkasama silang dalawa, mas maganda silang tingnan kaysa sa agaw-hininga na tanawin.Humarap si Daisie at nakatingin lang kay Nollace.‘Hindi ko siya nakita nang tatlong taon
Sumandal si Nollace sa pader. “Late ka na nakauwi.”Nagulat si Colton pero mukhang kalmado. “Nandito ka pa rin?”Ngumiti siya. “Dito ako matutulog.”Nakatingin si Nollace sa maluwag na tie ni Colton at marka ng kagat na makikita sa collar niya at ngumiti siya. “Mukhang mabilis ang galaw mo sa pinsan ko.”Kumunot si Colton pero hindi nagsalita.Nilagpasan siya ni Nollace at tumigil sa likod niya pero hindi humarap. “Seryoso ka ba sa kaniya?”“Wala ka na doon.” Pumasok si Colton sa kwarto niya.Lumingon si Nollace, tiningnan si Colton hanggang sa mawala at naningkit ang mata dahil nakikita niya ang katotohanan.Kinabukasan, sa shoot…Uminom ng electrolytes si James, nagpahinga at nakakuha ng lakas.Umupo siya sa sasakyan at binasa ang script habang may hinahanap sa paligid.Nagdala si Susan Hotch ng magandang container na may pagkain sa kaniya at ngumiti. “James, nag lunch ka na ba?”Natigil si James at kumunot. “Ikaw si?”Nahihiyang sinabi ni Susan, “Hindi mo ako maalala?
Bahagyang nagdilim ang ekspresyon ni Susan. Ganoon na sila kalalim?Tiningnan ni Daisie si James. “Bakit nagyayabang ka? Kailan ka makakakuha ng Best Actor award para kay Charlie?”Umiwas siya. “Hindi ako interesado diyan. Nandito lang ako para magpalipas ng oras.”Ngumisi si Daisie habang sinasabing, “Adik ka sa pagiging walang kwenta?”“Ms. Vanderbilt, bakit mo sinasabi ‘yan kay James?” Mahinang nagsalita si Susan para kay James. “Hindi niya kasalanan na hindi siya talented. Naniniwala ako na ginawa niya ang best niya.”Kung ipagtanggol niya si James, baka magpasalamat siya. ‘Tingnan mo? Ako lang ang nakakaintindi sa kaniya.’Tiningnan ni Daisie si Susan na hindi niya pa nakaka trabaho mula nang sumali siya sa team. Hindi pa lumalabas sa movie ang character niya.Normal na usapan lang ang nangyayari kay Daisie at James pero mukhang para kay Susan ay minamaliit niya si James.Bago pa magsalita si Daisie, nagbago ang ekspresyon ni James, “Kinakausap ko si Daisie. Sinong tinutuk
Hindi yon inakala ni Daisie pero hindi siya sumigaw nang malakas. Sobrang sakit ng braso niya.Huminga siya ng malalim habang namumutla ang mukha. Samantala, ang balikat niya ay nanginginig.Walang nakapansin sa kung ano ang nangyari at hindi niya sila sinabihan na huminto.Pagkatapos sumigaw ng direktor ng cut, tumayo siya. “Ang ganda non. Move na tayo sa susunod.”Tinulungan ni Freyja at ng crew si Daisie pero mukhang nagalaw nila ang kamay at suminghap siya.Tinanong ni Freyja, “Daisie, ayos ka lang ba?”Kinaway ni Daisie ang kamay niya.Tinanggal ng crew ang padding sa likod niya.Hindi binanggit ni Daisie na nahampas ang kamay niya bago magpalit ng damit kasama si Freyja.Sa loob ng changing room, hinubad ni Daisie ang damit niya at nakita na may malaking pasa sa braso niya. Ilang beses siyang tinamaan ng latigo at kalahati ng braso niya ay kanina pa namamanhid.Pumasok si Freyja at nakita ang pasa kaya agad siyang lumapit. “Tinamaan ka?”Ngumiti siya at sumagot, “Ayos
Lahat ng aktor ay dadaan sa ilang scene kung saan sasaktan sila. Bukod pa doon, babae siya, kaya kahit gaano pa kalakas ang sampal sa kaniya, hindi yon magiging masakit.Lalaki siya kaya kung hindi niya kayang tanggapin yon, hindi siya makakatagal sa industriya.Malaki ang ngiti ni Daisie. “Ayos.”Nang magsimula ang filming, sinampal siya ni Daisie at nawala siya sa balanse sa lakas at napaatras ng ilang hakbang.Nagulat si Mitchell.Tumalikod si Daisie para kausapin ang direktor. “Pasensya na, pwede ba natin ulitin yon? Masyado akong nasa character at napalakas ang sampal ko sa kaniya.”Nagmukhang nag-aalala si Daisie. “Pasensya na talaga, Mitch. Ayos ka lang ba?”Hindi inakala ni Mitchell na ganoon siya kalakas. Namaga ang mukha niya dahil sa sampal.Ilang taon na siya umaarte at hindi pa siya nasampal nang malakas. Sobra na ‘yon!Gumaganti ba siya sa panglalatigo? Hindi maaari.Hinawakan niya ang mukha niya at pilit na ngumiti. “Ayos lang.”Nilagay ni Daisie lahat ng laka
Pakiramdam ng mga crew na professional lang si Daisie pero sa oras na ‘to, halata naman na sumosobra na ang mga fans ni Mitchell.Napag-usapan nilang dalawa ang sampal ni Mitchell bago pa magsimula ang filming. Sinampal siya ni Daisie para magmukha itong totoo.Walang nakakaalam na magiging trending topic yon.Walang sinabi na kahit ano si Daisie. Parang alam niya na mangyayari itong lahat.Hinarang ang mga fans sa labas at sinubukan na ipaglaban si Mitchell, sumisigaw kay Daisie na ipaliwanag ang sarili niya.Hindi gusto ng direktor na sumobra ang problema na ito kaya sinabihan niya si Mitchell na ayusin yon.Sinubukan sila pakalmahin ni Mitchell at Susan, nagsasabi sila ng mabuting bagay tungkol kay Daisie at hindi binanggit kung sino ang may kasalanan.Nagagalit ang mga fans dahil nasaktan ang idol nila pero hindi sila lalong kumakalma ngayong ipinagtatanggol pa ni Mitchell si Daisie. “Mitchell, namamaga pa rin ang mukha mo. Kasalanan yan ni Daisie Vanderbilt pero bakit mo si