Tumango ang senior. “Tama ka. Isan basic professionalism ang pagpapaunlad ng acting skills mo bilang artista.”Tumalikod si Daisie at nakita niya si James na nakatayo mag-isa sa sulok. Parang wala siyang interes sa banquet. Imbes na makipag-usap sa mga tao, mas gusto niyang mapag-isa.Lumapit siya kay James at tumayo sa likod ng pader. “Bakit ka nagtatago rito?”Nagulat si James, nahinto ang kamay niya. Tiningnan ng mga sulok ng mata niya si Daisie at sinabi, “Gusto kong mapag-isa.”Humalukipkip si Daisie at sumandal sa pader. “Hey, gusto mo bang makilala ang ibang artista ng kompanya?”Pinatunog niya ang dila niya at tiningnan ang wine glass niya. “Hindi na yan kailangan. Saka, birds of different feathers do not flock together naman.”Hindi nakapagsalita si Daisie.Tumingin si James kay Daisie at ngumiti, “Siya nga pala, narinig ko na sinabi mo na ikaw ang magiging Best Actress sa loob lang ng tatlong taon. Ang lakas pala talaga ng loob mo. Sobrang namangha ako.”Sumagot si D
Binati siya ni Amy mula sa puso niya. “Congratulations, nagawa mo talaga.”Ngumuso si Hannah. “Natalo ako. Gagawin ko ang napagkasunduan. Hintayin mo ako dito.”Lumapit siya sa mga reporter at inanunsyo, “Guys, may sasabihin ako. Nainggit at nagalit ako kay Daisie three years ago, at kasalanan ko ang paninira sa kaniya noon. Kaya gusto kong humingi ng tawad sa harap ng publiko ngayon.”Pagkatapos ay humarap siya kay Daisie at yumuko. “Pasensya na doon. Tatapusin ko na ang kontrata ko ngayon sa Tenet.”Lahat ng reporter na nandoon ay kumukuha ng litrato ng eksena at hindi tumigil ang flashlight nang isang minuto.Lumapit sa kaniya si Daisie, tinulungan siya at sinabi sa lakas na siya lang ang makakarinig, “Pagkatapos mong tapusin ang kontrata mo sa Tenet, ire-refer kita sa Zestar Media.”Nagulat si Hannah at tinitigan siya. “Ikaw…”“Matagal ka na nag-debut. Naniniwala ako na makakabalik ka pagkatapos mong pumunta sa Zestar.”Umiyak si Hannah at ngumiti at niyakap siya agad. “An
Pinarada ni Daisie ang sasakyan niya sa roadside at tinawag si Freyja hanggang sa nabuksan ang pinto mula sa labas. Tinitigan ni Daisie ang babae na sumakay sa sasakyan at umupo sa passenger seat. “Ikaw…”“Binago ko lang ang hairstyle ko at hindi mo na ako agad maalala?” Hinubad ni Freyja ang sunglasses niya.Ngumiti agad si Daisie. “Nagpakulot ka talaga ng buhok?”Ngayong may pagkakataon na siya para tingnan si Freyja, mas bagay kay Freyja ang kulot kaysa sa itim, mahaba, at straight na buhok na katulad noon.Hindi yon magarbong kulot pero mukha itong mature at kakaiba ang dating.Mabagal na umandar ang sasakyan sa kalsada, at nakipag-usap si Daisie sa maraming bagay kay Freyja. Sa oras na ito, may pagkakataon na sinasadya niya na banggitin si Colton at napagtanto niya titigil ang ekspresyon ni Freyja at mag-iiwas ng tingin. “Talaga? Siya ang nag take over ng kumpanya? Mabuti naman para sa kaniya.”Tiningnan siya ni Daisie. “Freyja, may nangyari ba sa'yo at Colton?”Natigil an
Nakatingkayad si Daisie at dinikit ang daliri niya sa labi ni Nollace. “Maghanda ka—”Natigil siya sa kaniyang sinasabi dahil sa ringtone ng phone niya. Kinuha ni Daisie ang phone niya at nakita na si Freyja ang tumatawag sa kaniya, kaya sinagot niya yon.Pero, ang narinig niya mula sa kabilang linya ng tawag ay sigaw ni Freyja. “Daisie, tulong—”Naputol bigla ang tawag.Nagulat si Daisie dahil parang narinig niya ang boses ni Colton sa kabilang linya ng tawag.Kumunot si Nollace at mukhang may iniisip. “Mukhang kinuha siya ni Colton.”Hinila siya ni Daisie. “Nollace, may nangyari ba sa pagitan ni Colton at Freyja?”Naningkit ni Nollace at ngumiti. “Mahirap para sa akin na ipaliwanag sa'yo.”Sa hotel…Tinulak ni Freyja ang entryway. Nagulat siya sa palapit na katawan na hinarang siya sa gilid ng kwarto at nabalot siya nang malamig na dating nito.Hinawakan ni Colton ang baba niya, inangat ang mukha niya, at tinanong, “Pagkatapos mong magtago sa akin nang tatlong taon, bakit h
Nakatulala na nakatingin si Freyja sa bintana.‘Katulad lang nang umaga three years ago. Nawala na lang siya pagkagising ko. Umalis siya nang walang sinasabi pagkatapos may mangyari sa amin. Sinong makakaalam sa ugali niya?‘Ang totoo niyan, hindi ko nakalimutan ang nangyari nang gabi na yon three years ago. Hindi ako sobrang lasing kaya may malay ako. Hindi ako lasing.‘Minsan gusto ko na lang na wala akong malay nang gabi na yon para hindi ko malinaw na maalala lahat. Parang naka-ukit yon sa isip ko at hindi ko yon maalis sa utak ko kahit anong mangyari.‘At sa tuwing maiisip ko yon, nagsisisi ako na tinawagan ko siya habang lasing ako nang gabi na yon. Nagsisisi rin ako na hindi ko tinulak palayo. Dahil hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng gabi na yon, kaya lagi akong nagtatago sa kaniya.‘At saka, mali na yon noong una pa lang at akala na matitigil ang pagkakamali yon sa pagtatago ko habang makakalimutan naman ni Colton ang nangyari dahil sa tagal.
Ngumiti si Maisie habang walang sinasabi.‘Pagkatapos ng ilang taon, naiisip ba niya na hindi ko siya mababasa sa unang tingin pa lang?‘Nagiging mapagpanggap lang siya. Sa tingin ko na hindi siya makakapili ng ibang son-in-law na makakaangat kay Nollace ngayon.‘Bukod pa doon, hindi lang kahanga-hangang lalaki si Nollace kundi gwapo din. Kaya kung hindi niya papayagan ang anak niya na ikasal sa lalaking ‘yon, madali lang para sa iba na agawin si Nollace kay Daisie. Kaya naman, mas maganda kung mauunang kumilos si Daisie.’Napalibutan ang magarbong siyudad nang maliwanag na neon light babang napupuno ng kadiliman ang langit.Sa maliwanag na Glitz Club, sumasayaw ang mga tao, umiinom, at sobrang nagsasaya, at sa VIP room, nakikipag-usap si Colton ng project sa mga foreign clients.Unlimited ang business na nasa kamay ng Blackgold, tulad ng entertainment, construction, tourism development, food and beverages, hospitality, technological R&D, at marami pang iba. Kaya naging malaki it
Tinulak palayo ni Colton ang kamay ni Freyja, binato sa tabi ang coat niya at pumunta sa banyo.Hindi makagalaw na nakaupo si Freyja sa kama, kinagat ang labi niya, pinakinggan ang tunog ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at hindi mapigilan na humigpit ang hawak sa kumot.‘Totoo nga, hindi nagbago ang galit niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin noong binigyan niya ako ng kwintas at hinalikan niya ako three years ago?’Habang palabas si Colton sa banyo na naka-bathrobe, napalibutan siya ng tubig, at tumutulo sa leeg ang tubig na hindi pa napupunasan.Pinatuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang towel at tumingin kay Freyja.Sumandal si Freyja sa head ng kama habang nakabaluktot ang binti at parang nagawan siya ng mali sa agrabyado niyang ekspresyon.‘Pakiramdam ba niya nagawan siya ng mali?‘Pfft, nagpapanggap lang siya kapag nandito ako.’Nilagay niya ang towel sa countertop, lumapit at tumayo sa gilid ng kama. “Hindi ka ba maliligo?”Bumalik siya sa kaniyang huwisyo at hi
Humalukipkip si James. “Sasabihin lang ang script. Wala nang mas simple pa kaysa dito.”Tapos na si Daisie maglagay ng makeup, kaya tumayo siya habang hawak ang script sa kamay niya at lumapit kay James. “Makikipag-practice ka na ba sa akin ngayon?”“Practice? Para saan?”Hinampas siya ni Daisie ng script. “Eksena nating dalawa ang nasa shooting ngayon. Kung magkakamali ka sa akin, sasaktan kita.”Yumuko siya at tumawa. “Okay, sige, practice lang. Hindi naman mahirap para sa akin na magkamali.”Paglipas ng 15 minuto…Masamang tiningnan ni Daisie si James, na sumosobra sa acting niya at nawawala sa kaniyang character niya. Galit na galit siya at binato niya ang script kay James. “James Tell, binasa mo ba ang script!?”Umiwas si James sa script. “Huwag mo akong hampasin. Nakalimutan ko lag ang linya!”Tumakbo siya sa pinto at bumangga sa isang tao habang hindi nakatingin.Napa-atras si Freyja at tatama na sana sa prop box na nasa corridor. Pero agad siyang inabot ni James at hin