Tumanggi ang fan na manahimik at sumagot pa. “Pero namamaga ang mukha ni Mitch. Nakita naming lahat, tapos ngayon sasabihin mo misunderstanding lang?”Walang ibang magawa si Mitchell kundi ang umaksyon agad sa nangyayari. “Bakit hindi muna tayo kumalma lahat, okay? Please, ayokong may mangyaring masama sa kung sino man sa inyo.”Pinakilala niya ang sarili niya bilang isang mahinahon, mabait, at mapagpatawad na lalaki. Kumalma ang mga fans niya pero sa kabilang banda sobra pa nilang kinamuhian si Daisie.Lumapit si Susan kay Daisie at sinabi, “Ms. Vanderbilt, sinabi na ni Mitch na isa lang yung misunderstanding. Pwede ba nating palampasin na lang ito?”Hindi siya pinansin ni Daisie at lumapit siya kay Mitchell. “Mr. Santos, bago tayo magsimula ng shooting, tinatanong kita kung maglalaban ba tayo nang totoo o hindi, tama ba?”Ilang sandaling nagulat si Mitchell, pero agad siyang bumalik sa katotohanan at ngumiti. “Napag-usapan na natin ito dati…” “Dahil pinag usapan na natin ito d
Magbasa pa