Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1351 - Chapter 1360

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1351 - Chapter 1360

2769 Chapters

Kabanata 1352

Ngumiti si Maisie. “May tatlo tayong gastador sa bahay. Siyempre kailangan kitang tulungan.”Tiningnan ni Nolan ang mag-ama. “Gusto ng misis ko na pag-isipan ‘to, kaya yun ang gagawin ko.”Nagulat si Edward pero ngumiti siya, “Salamat, Mrs. Goldmann, at salamat, Mr. Goldmann sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin.”Pagkatapos silang ihatid palabas ni Quincy, tumayo si Maisie. “Aalis na ako——“Bago pa niya matapos ang sasabihin, hinila na siya ni Nolan at siniksik ang ulo nito sa kaniyang buhok. “Saan ka pupunta?”Sigaw niya, “Pabalik sa opisina ko!”Nag-iinit si Nolan. “Huwag mo nang balakin na bumalik ngayong araw.”Sa Morwich…Dinala ni Tanner si Noah sa zoo. Nakayakap si Noah sa leeg niya habang sabik na sabik na pinagmamasdan ang paligid. Nagtataka siya sa lahat ng hayop dahil hindi pa siya nakapunta sa zoo. Sunod-sunod ang taong niya pero mahinahong sinagog ni Tanner ang lahat.Nakasunod sa likuran nila si Pearl. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang masaya an
Read more

Kabanata 1353

Dahan-dahang nagsalita si Tanner. “Kailangan ni Noah ng kumpletong pamilya, kailangan niya ako.”Napahinto si Pearl—mabigat ang kaniyang paghinga—pero hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Tanner. “Ayaw kong magpakasal.” Wala na siyang lakas pa para magpakasal.Nawalan ng pag-asa ang mga mata ni Tanner, pero naiintindihan niyang ayaw siyang patawarin ni Pearl.Sinabi niya, “Hindi natin kailangan magpakasal kung ayaw mo. Gagawin lang natin yun kung kailan mo gustuhin. Pearl, nasa mga kamay mo ang desisyon. Hindi kita pipilitin.” Hinawakan ni Tanner ang mukha na mukhang malamig.Nagpalinga-linga si Pearl at huminga nang malalim. “Hindi ako dapat pag-aksayahan ng oras.”“Sa tingin ko, oo karapat-dapat ka.” Lumapit si Tanner at hinaplos ang pisngi ni Pearl. “Pearl, binigyan niyo ni Noah ng kahulugan ang buhay ko.”Natigilan si Pearl bago tumingin sa mga mata ni Tanner. “Tanner, kapag nagpakasal tayo at nagkaroon ka ng maduming asawa, maririnig mo ang mga sasabihin
Read more

Kabanata 1354

Hindi plinano ni Nolan na makatrabaho ang Beyond Tech lalo na noong subukan nilang gamitin ang relasyon niya kay Elaine. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa mga Hannigan.Sinubukang ipakilala ni Nathaniel si Maizie sa kaniya para umano sa isang partnership noong mawalan siya ng alaala. Kung mayroong iba pang motibo, hindi niya na pag-iisipan pa ang partnership kahit na magandang kumpanya pa yun.Gayunpaman, magaling bumasa ng tao ang Beyond Tech. Dahil interesado si Maisie, pumayag siya para sa kaniya.Ngumiti si Maisie. “Sasama ako kung saan man ako dalhin ng mahal ko.”Ngumiti si Nolan at pumayag.Pagkatapos ng tawag, dahan-dahang tumalikod si Lucy. “Ms. Vanderbilt, sinong Mr. Xavier ang tinutukoy niyo?”Ngumiti si Maisie at sumagot, “ng Beyond Tech.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Lucy.Napansin yun ni Maisie at naningkit ang mata niya. “Anong problema?”Bumalik si Lucy sa sarili, napakamot ng ulo at ngumiti. “Wala naman. Nagtataka lang ako. Babalik na po ako s
Read more

Kabanata 1355

Nagulat si Jenna, saka tumingin kay Edward at ngumiti.Masiglang nakipag-usap si Edward habang may mga sinabi naman si Elaine nang maihain na ang pagkain. Bihirang magsalita si Nolan kapag kumakain, at madalas na si Maisie ang nakikipag-usap. Napansin niyang walang interaksyon si Jenna kay Elaine.Pagkatapos ng dinner, hinatid sila ni Edward sa pinto.Magalang na nagpaalam si Maisie sa kanila bago sumakay sa kotse kasama ni Nolan.Dahan-dahang umalis ang kotse habang nakatingin naman si Maisie sa side mirror. “Pakiramdam ko ay hindi nagblend-in si Jenna.”Kaswal na tinanggal ni Nolan ang pagkakabutones ng jacket niya, lumingon at ngumiti. “Pinapansin mo yun?”“Nagtaka lang ako.” Sumandal si Maisie sa balikat niya. “Kailangan pang tumingin ni Jenna sa mister niya bago magsalita at hindi siya nakikipag-usap sa anak niya na para bang ibang tao siya.”Nag marinig yun ng driver, sinabi nito, “Narinig ko po na siya ang second wife ni Mr. Xavier. Si Ms. Xavier ang anak niya s
Read more

Kabanata 1356

Naglakad si Elaine papunta sa kotse.Nagpunta sa car park ang kotse. Pagkatapos iparada ni Lucy ang kotse, lumabas siya at sinara ang pinto. Pagkatalikod niya, nakita niya si Elaine na naglalakad papunta sa kaniya.“Matagal din tayong hindi nagkita, Lucy. Mukhang maganda ang buhay mo. May bago ka pang kotse.”Hindi inaasahan ni Lucy na makikita niya si Elaine dito. Naglaho ang ngiti sa mukha niya. “Ano naman? Hindi naman pera ng pamilya mo ang ginagastos ko.”Nang paalis na sana siya, pinigilan siya ni Elaine. “Tatlong taon na ang nakalipas. Wala ka man lang pakialam na nakatira sa bahay namin ang nanay mo?”Nang banggitin ni Elaine ang tungkol sa nanay niya, umiwas ng tingin si Lucy at natahimik.Noong 15 siya, nagpakasal ulit ang nanay niya sa isang negosyante. Simula noon, tumira na sila nang nanay niya sa mga Xavier. Kinilala niya rin ang stepfather niya bilang tatay at nagpalit siya ng apelyido. Pero, alam niyang lagi silang ibang tao ng nanay niya.Masunurin ang nan
Read more

Kabanata 1357

Tahimik na uminom ng tsaa si Elaine.Walang nakakaalam kung nakikinig ba siya o hindi. Hindi niya gustong sumama sa tatay niya para pumunta sa Blackgold nang araw na yun. Kahit na pareho sila ng college ni Nolan, hindi siya pamilyar dito.Gusto siyang papuntahin ng tatay niya dahil gusto nitong gamitin ang “relasyon” ng anak niya kay Nolan at umaasa na bigyan sila nito ng pagkakataon. Pero, malinaw na mali siya.Alam niya rin na gusto ng tatay niya na pumasok siya nang maayo sa circle at magkaroon ng pundasyon. Maraming tao ang gustong makatrabaho ang Blackgold, pero hindi lahat ay nagkakaroon ng oportunidad. Kapag gustong sumipsip ng mga tao sa mga Goldmann, ang una nilang target ay si Nolan, hindi nila pinapansin ang misis nito.Alam ng tatay niya kung gaano kamahal ni Nolan ang misis nito, kaya gusto nitong magkaroon siya ng magandang relasyon kay Maisie.Lahat ay sinasabing swerte lang si Maisie na maikasal kay Nolan. Ang iba sa kanila ay iniisip pang babae lang siya at k
Read more

Kabanata 1358

Hindi lang yun, pero hindi nagpapansin si Elaine kay Nolan noong nasa dinner sila nang nakaraang gabi. Malinaw na hindi siya interesado kay Nolan.Tinabi ni Elaine ang regalo sa mesa at nakangiting sinabi, “Pasasalamat ko, sana magamit mo ito, Mrs. Goldmann.”Alam ni Maisie na mamahalin yun, base sa kahon pa lang.Naningkit ang mga mata niya at tila naguguluhan. “You’re welcome, Ms. Xavier. Pero, hindi ba’t nagpasalamat ka na sa dinner natin noong nakaraang gabi? Hindi ha medyo inappropriate na para sa akin na tanggapin ang regalo mo ngayon?”Mayroong dalawang kahulugan ang pagbibigay ng regalo. Ang una ay para magpahayag ng nararamdaman at ang pangalawa ay para humingi ng pabor. Kapag gustong magpahayag ng isang tao, maaaring ibig sabihin nun ay may hihingin siyang pabor. Pero, mukhang hindi naman hihingi ng pabor si Elaine.Sa madaling salita, mukhang gustong makipagkaibigan ni Elaine, pero hindi niya yun direktang pinakita.Inaasahan na ni Elaine na hindi tatanggapin ni
Read more

Kabanata 1359

Pinulupot ni Nolan ang mga braso sa baywang ni Maisie at hinila ito palapit sa kaniya. “Hindi ba?”Natigilan si sandali at tumawa. “Kaya ko ba?”Yumuko si Nolan at naglakbay ang mga halik mula sa pisngi papunta sa mga labi ni Maisie. “Oo, kaya mo.”Mahina siyang tinulak ni Maisie palayo at tumingala para tingnan ang gwapong mukha niya. “Dahil alam mong hindi ako hihiling ng wala sa katwiran.”Para mapasunod ang isang lalaki, walang silbi ang pagiging wala sa katwiran. Makakatulong ang kaunting tigas ng ulo sa relasyon ng mag-asawa, pero maiinip lang ang isang lalaki kapag madalas yung ginagamit.Pinipiling makinig ni Nolan sa kaniya pagdating sa mga importanteng bagay. Binibigyan siya nito ng respeto at tiwalang kailangan niya. Laging sinasabi ng iba na ang mga lalaki ay nagtatrabaho habang ang mga babae ay naiiwan para magbantay sa bahay. Kapag binibigay ng isang babae ang respeto na kailang ng mister niya, susuklian siya ng lalaki sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng magand
Read more

Kabanata 1360

Yumuko si Lucy at tumikom ang mga labi.Nang makita ang reaksyon niya, nag-alala si Jenna na baka magalit si Edward, kaya sinuko niya si Lucy. “Kinakausap ka ng tatay mo.”Nang magsasalita na sana si Lucy, biglang sumagot si Elaine, “Maliit na kumpanya lang yun. Wala kang dapat itanong, Dad.”Pagkatapos marinig ang sinabi ng anak, tumango si Edward. Ang totoo, wala siyang interes sa anumang ginagawa ni Lucy. Kung talaga ngang isa siyang manager sa isang malaking korporasyon, ibig sabihin ay may silbi pa rin ang stepdaughter niya. Pagkatapos ng lahat, benepisyo at kita ang prayoridad ng mga negosyante.Tiningnan ni Licy si Elaine, pero hindi siya pinansin ni Elaine.Hindi na gusto pang manatili ni Lucy pagkatapos ng tanghalian. Hinatid siya ni Jenna sa entrance. Bago siya umalis, hinawakan ni Jenna ang kamay niya at sinabing, “Lucy, galit ka ba sa akin?”Hindi si Lucy ang klase ng tao na nagtatanim ng galit. Kapag sinabi niyang hindi na siya galit, hindi na siya galit.Pagkatapos
Read more

Kabanata 1361

“Pagkatapos magpakasal, kahit sinong babae ay dapat maging sunod-sunuran at mabait katulad ng nanay mo. Aalagaan niya nang mabuti ang pamilya niya, mga anak, at mister niya. Pero, sa tingin ng mister niya ay yun lang dapat ang gagawin niya. Wala siyang ibibigay na anumang papuri o pasasalamat. Alam mo dapat yun. Hindi kailanman sumuway ang nanay mo sa gusto ng tatay ko.”Pumarada ang kotse sa labas ng apartment. Hinubad ni Lucy ang seat belt niya pero hindi siya lumabas ng sasakyan. Bagkus, tiningnan niya si Elaine.“So, yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo sa nanay ko?” Tahimik na naghintay ng sagot si Lucy,Sumandal si Elaine sa upuan. “Hindi ko lang matiis ang nakakaawang itsura ng nanay mo.”Yumuko si Lucy at wala ng sinabi pa.Hindi sa hindi niya alam ang kaawa-awang sitwasyon ng nanay niya. Pagkatapos maikasal sa mga Xavier, hindi na nito magawa ang propesyon na gusto niya. Gusto ni Edward na maging housewife siya at pinaputol pa ang koneksyon niya sa sarili niyang social c
Read more
PREV
1
...
134135136137138
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status