Matapos ito sabihin ni Nolan, nagsimulang magbulungan ang mga tao sa courtroom. Binagsak ng judge ang gravel niya. “Silence in court.”Matapos yun, tumingin siya sa plaintiff na parang nagtatanong. “Nagpapanggap na may iba-iba siyang personalidad?”Tumingin si Nolan sa abogado, na tumango naman, at binuksan ang folder na inabot sa kanila ngayon. “Kung iisipin ko ang kaso na nandito, kung ang pangalawang personalidad ang gumawa ng krimen, na hindi naman niya kaya i-kontrol, ang prinsipyo ay maaari nga na hindi niya panagutan ang nangyaring krimen.“Pero, sa katotohanan, wala lang siyang pananagutan kung ang tao na gumawa ng krimen ay talagang wala sa sarili at pangalawang personalidad lang niya ang may kontrol at dahil doon ay dapat wala na rin siyang kontrol sa mga ginagawa niya.”Tumingin ang abogado ng plaintiff kay Maxine. “Pero, malinaw naman na alam ng defendant na may pangalawa siyang personalidad at may pangalan pa nga na Cecile Wolfsbane, kaya isa lang ang posibilidad dit
Read more