Nang may sabihin siya sa pulis, lumapit si Nolan kay Maisie, hinila siya sa mga bisig nito at hinigpitan ang yakap. Nilanghap ni Maisie ang mabangong amoy sa katawan ni Nolan at mahinang tumawa. “Alam ko na makakarating ka rito agad.”Hinalikan niya ang noo ni Maisie at lumalim ang kaniyang paghinga hanggang sa kaniyang lalamunan. Pero, malungkot ang boses niya. “Lagi ka na lang umaasa na ikaw mag-isa ang magdesisyon. Baka nadurog ka na kung hindi agad ako nakarating dito.”Tiningnan siya ni Maisie. “Ayun ay dahil naniniwala ako sa inyo ni Colton.”Nung papalapit na siya kay Maxine, may natanggap na tawag si Maisie kay Nolan, at nasa tabi niya si Colton.Nagawa nilang mahanap ang lokasyon ni Maxine, kaya na-pinpoint nila kung nasaan si Maxine. Hanggat may network ang lugar, kaya nila na makita ang kaniyang eksaktong lokasyon at ang daanan na magagamit niya para tumakas.Dahil ang lugar na pinili ni Maxine ay walang magandang takasan, hindi siguro talaga niya plano na tumakas at
Nang iniisip niya yun, nanginig si Maisie sa sinabi ni Maxine. Kinabukasan…Pumunta si Quincy sa Goldmann mansion para mag-report kay Nolan, sinabi niya na na-diagnose si Maxine ng mayroon siyang mental illness sa Bureau of Justice at kasalukuyan siyang nasa custody.Nagulat si Maisie nang marinig niya ang mga salitang ito. “Mental illness?”Tumango si Quincy. “Sabi nila isa itong abnormal na personality cognitive na sakit, na sintomas ng schizophrenia.”Tinikom ni Maisie ang labi niya at wala na siyang sinabi,Hinawakan ni Nolan ang kamay niya at tumingin kay Quincy. “Kung gumawa ng krimen ang mga taong may mental illness nung sila ay mentally normal, dapat maging responsable sila sa ginawa nilang krimen tulad ng ibang normal na tao. Hindi ito maiiwasan. Kung gusto gamitin ni Maxine ang sakit niya para ipagtanggol ang sarili niya sa batas, gagawin ko lahat sa kaniya hanggang sa dulo.”Sumagot si Quincy, “Sasabihin ko na lang sa lawyer at binigyan ko siya ng ebidensya.”Matap
Tumawa ang abogado ng plaintiff. "Umamin ang suspek sa pagpatay sa hit and run dahil tauhan siya ng dependent. Dahil tatanggapin mo ang paninisi para sa dependent, ang pag amin na ginawa niya ay maaaring hindi totoo."Tumayo ang abogado ng plaintiff atin inabot ang mga dokumento. Ibinigay sa judge ang mga dokumento, binasa na ito at nakakunot ang noo."Ito ang ebidensya sa lahat ang ginawa ng krimen dependent. Paano magagawa ng isang taong may sakit sa pag-iisip ang ganda ng plano ang sinasadya niya kung wala naman siya sa katinuan at wala siyang kontrol sa kanyang ginagawa? Kaya, kahit sino ang dependent, hindi sa pwede makalaya, at ang mga ginawa niya ay hindi nagpapakita na wala siya sa kontrol ng ginawa niyo iyon."Tiningnan ng judge ang defendant. "May iba pa ba kayong ebidensya?" Nagbigay ang abogado ng defendant ng dalawa pang ebidensya. "Lahat ng mga sadyang ginawa ng kliyente ko ay dahil lang sa multiple personality disorder niya, o mas kilalang dissociative identity disord
Matapos ito sabihin ni Nolan, nagsimulang magbulungan ang mga tao sa courtroom. Binagsak ng judge ang gravel niya. “Silence in court.”Matapos yun, tumingin siya sa plaintiff na parang nagtatanong. “Nagpapanggap na may iba-iba siyang personalidad?”Tumingin si Nolan sa abogado, na tumango naman, at binuksan ang folder na inabot sa kanila ngayon. “Kung iisipin ko ang kaso na nandito, kung ang pangalawang personalidad ang gumawa ng krimen, na hindi naman niya kaya i-kontrol, ang prinsipyo ay maaari nga na hindi niya panagutan ang nangyaring krimen.“Pero, sa katotohanan, wala lang siyang pananagutan kung ang tao na gumawa ng krimen ay talagang wala sa sarili at pangalawang personalidad lang niya ang may kontrol at dahil doon ay dapat wala na rin siyang kontrol sa mga ginagawa niya.”Tumingin ang abogado ng plaintiff kay Maxine. “Pero, malinaw naman na alam ng defendant na may pangalawa siyang personalidad at may pangalan pa nga na Cecile Wolfsbane, kaya isa lang ang posibilidad dit
Nang kausapin ng judge ang abogado ng defendant, sumuko na ang abogado sa paglaban. Nang marinig ni Maxine ang paghatol, ang itsura niya ay parang humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kaniyang katawan, at nang kukunin na siya, hindi siya makapaglakad mag-isa.Umalis na ng court sila Maisie at Nolan. “Paano mo nakita ang mga ebidensya?” Nagulat si Maisie.Hinawakan ni Nolan ang ilong niya. “Lahat ng ito ay dahil sa anak mo.”Nakita ni Waylon ang ebidensya sa bahay ni Maxine, isang pocket watch.May larawan ni Tyson Reynolds at isang babae na nanay ng kambal. Pinakita nito ang rason bakit iniwan ni Tyson ang pamilya ng ilang taon.Nang pabalik na sila, nahulaan ni Maisie na nakita ni Tyson ang nanay nila Sue at Maxine at napamahal siya rito.Pero, hindi sila pwede magsama kahit mahal nila ang isa’t isa dahil kasal na si Tyson, a kahit na hindi naman niya mahal ang misis niya, hindi niya yun kaya gawin sa kaniya.Pinagsama lang sila ng tradisyonal na uri ng pagpapakasal. Dahil pinsan
Matapos ang ilang araw, binigyan siya ng habangbuhay na sintensya. Pumunta si Maisie para makita siya sa huling pagkakataon. Nang dalhin siya ng warden sa kwarto ng mga bumibisita, kalmado pa rin siya, hindi niya pinapakita ang kahit anong bakas na isa siya sa mga tao sa death row.Umupo siya at nilagay ang receiver sa kaniyang tainga, ngumiti siya. “Nakakapagtaka na ikaw ang huling taong makikita ko.”Tiningnan siya ni Maisie. “Hindi ka ba nagsisisi sa mga ginawa mo?”“Sisi?” Tumawa si Maxine, pero malamig ang mata niya. “Wala naman akong dapat pagsisihan. Hindi naman ako ang may kasalanan. Ang mundo ang may kasalanan dahil hindi siya naging patas sa akin.”Kumurap ang mata ni Maisie. “Naaawa ako sayo, pero hindi ito magandang dahilan para pumatay ng tao para gumanti.” “Anong alam mo? Napagdaanan mo na ba mga nangyari sa akin?”Madilim ang ekspresyon ni Maxine. “Anim na taon pa lang ako nung nakaranas ako ng madilim na sitwasyon, pero ang lalaki na nang-abuso sa akin ay kilal
Pumasok na ng sasakyan si Maisie. “Tapos na ako.”Nilagay ni Nolan ang kamay niya sa likod ni Maisie at sumandal. “Anong problema?”Kumunot ang noo ni Maisie. “Hindi ko alam na ganun pala ang mga pinagdaanan niya.”Niyakap siya ni Nolan. “Nakuha niya ang nararapat para sa kaniya.”Yumuko si Maisie, pinipigil niya ang gusto niyang sabihin.Napansin yun ni Nolan kaya hinawakan niya ang mukha ni Maisie. “May gusto ka ba sabihin?”“May tanong pa ako. Paano nalaman ni Maxine ang tungkol sa atin?” Tiningnan siya ni Maisie.Hindi sila kilala ni Maxine, pero paanong ang dami niyang alam tungkol kala Pearl at Linda?Ipinatong ni Nolan ang baba niya sa ulo ni Maisie. “Ginagaya niya ang isang tao, nagpapanggap siya, masyado niyang inaral ang karakter. Kaya tiningnan niya rin ang nakaraan natin. Hindi na yun nakakapagtaka. Hindi sumagot si Maisie.Kahit na may magulo siyang buhay, at madilim ang naging karanasan niya, nawala lahat ng awa sa kaniya ng piliin niya ang ganung daan.Kailan
Opo, Ma’am, ako po si Daisie Vanderbilt.” Magalang na sagot ni Daisie.Lumapit si Mrs. Fraiser sa gilid ng kama ni Lisa at sinabi sa kaniya, “Dapat dinadala mo sa bahay mga kaibigan mo. Akala namin wala kang kaibigan sa school.”Tahimik lang si Lisa.Ngumiti si Daisie at sinabi, “Bisita na lang po ako pagkatapos nito.”Hindi mawala ang ngiti ni Mrs. Fraiser. “Mabuti, lagi kang welcome. Kumusta naman si Lisa sa school? Sana matulungan mo siya sa mga susunod.” “Opo, tutulungan ko siya.” Tumango si Daisie.Kinagat ni Lisa ang labi niya at lumingon sa gilid niya. “Pagod na ako. Kailangan ko magpahinga.”Nagalit si Mrs. Fraiser. “Ikaw ang gulo mong bata ka, bumiyahe kami para bisitahin ka, pero ngayon galit ka pa. Hindi ka ba nahihiya sa magulang mo?”“Honey, nasa hindi magandang kalagayan si Lisa. Hayaan mo na siya.” Walang magawa si Mr. Fraiser pero wala na siyang masabi. Ang misis niya ang halos gumagawa ng lahat ng desisyon sa bahay.“Mali ba ako? Hindi niya dinadala ang mga k
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa