Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 1361 - Kabanata 1370

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1361 - Kabanata 1370

2769 Kabanata

Kabanata 1362

Nagulat si Maisie. “Hindi ba maganda ang relasyon nilang mag-ama?”Umiling si Saydie. “Hindi po ako sigurado diyan, pero yun ang general situation. Paminsan-minsan nakikipagtalo si Ms. Xavier sa tatay niya, at madalas marinig ng mga staff na sinasabi ni Edward na sayang at babae si Ms. Xavier.”‘Sayang at babae si Elaine?’Kumunot ang noo ni Maisie, naintindihan na rin niya ang nangyayari.Wala talagang plano si Edward na hasain si Elaine. Sa mga mata niya, magpapakasal ang anak niya sa isang lalaki balang-araw, kaya kahit ano pang galing niya, hindi siya mananatili sa Beyond Technology at sa mga Xavier habangbuhay.”Nag-isip siya sandali at sinabi kay Saydie, “Tulungan mo akong makakuha ng appointment kay Ms. Xavier.”Makalipas ang ilang araw, sa Beyond Technology…Naglakad si Elaine papunta sa opisina ng CEO dala ang mga dokumento, madilim ang kaniyang mukha.. Nasanay na ang mga staff sa department na yun, at katulad ng inaasahan nila, isang ‘hampas’ ang umalingawngaw mula sa
Magbasa pa

Kabanata 1363

Hindi pinansin ni Elaine ang galit ng ama at nagpatuloy. “Dad, napakamakasarili niyo, at mas lalong ayaw ko sa toxic masculinity niyo, Tama ang desisyon ng nanay ko noong iwan niya kayo.”Hinawakan niya ang ID card niya at hinagis yun sa sahig. “Minamaliit mo ako dahil babae ako, tama? Sige. Aalis na ako. Ipapakita ko sa iyong kasing lala din ako ng ibang lalaki!”Hindi na niya hinintay pang makasagot si Edward, binuksan niya ang pinto at lumabas.Umangat ang ulo niya at nakita si Maisie. Nagulat siya sandali at sinabi, “Kung hinahanap mo ang tatay ko, nasa loob siya.”Ngumiti si Maisie at sinabi, “Nandito ako para sa iyo.”Nagulat si Elaine.Dinala ni Elaine si Maisie sa isang maliit na restaurant hindi malayo sa Beyond Technology. Kahit na hindi kasing sosyal at kakomportable ang restaurant na ito ng mga mamahaling restaurant, paborito niya ito. Kumuha siya ng dalawang bote ng beer sa fridge, binuksan ang isa, at sinalin sa baso niya. “Dahil ako ang pinapili mo ng lugar, ito an
Magbasa pa

Kabanata 1364

Bumukas ang mga mata ni Maisie para tingnan si Elaine. “Mahirap intindihin ang kasal. Lahat ay may kaniya-kaniyang paghihirap. Naiintindihan ng mga babae ang paghihirap ng mga lalaki, pero hindi lahat ng lalaki ay naiintindihan ang paghihirap ng mga babae. Hindi ka pa kasal, kaya pwede mong piliin ang buhay na gusto mo nang hindi iniisip ang tingin ng iba, tama?”Natigilan si Elaine. Yumuko siya at tumawa. “Oo, tama ka. Masiyado pang maaga para problemahin ko yun. Mahaba ang buhay. Marami pang makahulugang mga bagay na pwedeng gawin bukod sa pagpapakasal.”“Sigurado ka bang gusto mong umalis sa Beyond Technology?” Tanong ni Maisie.Tumango siya. “Oo. Gusto kong patunayan sa dad ko na hindi ako mas mababa sa sinumang lalaki.”Ngumiti si Maisie at hindi na nagsalita.Independent na babae si Elaine na alam kung anong gusto niya. Mayroon siyang pagkakapareho kay Madam Nera. Pinili niya ang gusto niyang gawin sa buhay niya.Lahat ay may karapatan na piliin kung anong klaseng buhay ang
Magbasa pa

Kabanata 1365

Nagulat si Maisie. “Nagbibiro ka, tama?”Ngumiti si Nolan at sumagot, “Alam kong hindi ka na makapaghintay, pero kailangan ko pang magtrabaho. So, maghintay muna tayong makauwi, okay?”Hindi makapagsalita si Maisie sa inis, at namula ang mukha niya dahil sa hiya.Sa Lakeview apartment…Katatapos lang maghanda ni Lucy ng dinner nang may marinig siyang katok sa pinto. Hindi niya alam kung sino yun, kaya lumapit siya para sagutin ito. Nagulat siya nang makita si Elaine na nakatayo sa harap ng pinto niya at may dalang bagahe. “Anong nangyayari—-”Pumasok si Elaine sa apartment niya at sinabing, “Kailangan ko munang tumira dito kasama mo pansamantala.”Sinara ni Lucy ang pinto at tiningnan siya. “Seryoso ka ba? May malaki kang villa pero makikipagsiksikan ka sa akin sa isang maliit na apartment?”“Nag-away kami ni dad,” Sagot ni Elaine habang nakahalukipkip. “Kahit na hindi tayo magkadugo, ate mo pa rin ako. Bakit hindi ako pwedeng tumira dito kasama mo?”Wala ng sinagot pa si Lucy.
Magbasa pa

Kabanata 1366

Yumuko si Pearl at hindi na nagsalita.Hinawakan siya ni Kamala sa balikat. “Pearl, alam kong naghirap ka, pero nakaraan na ang nakaraan, at kailangan nating umusad. Isipin mo dapat ang anak mo.”Tumango si Pearl at saka sumagot, “Alam ko.”Hapon na nang bumalik si Tanner kasama ang kaniyang anak. Masayang tumakbo si Noah papunta kay Kamala habang hawak-hawak ang isang laruan. “Lola, laruan ni Daddy!”Hinaplos ni Kamala ang buhok niya at ngumiti. “Nagustuhan mo ba?”Tumango si Noah at tinuloy ang paglalaro ng laruang eroplano. “Oo!”Ayaw istorbohin ni Kamala ang kasiyahan ng apo.Lumapit sa kaniya si Tanner. “Nasaan si Pearl, Ma’am?”Kaswal siyang sumagot. “Sa kwarto.”Naglakad si Tanner papunta sa kwarto at binuksan ang pinto. Nakita niya si Pearl na nakatayo sa harapan ng bintana, binabalot ng kulay pink na kurtina ang kaniyang katawan. Parang nakalutang siya sa bintana, biglang nawala si Pearl sa paningin niya.Sumakit agad ang puso niya at bigla siyang tumakbo para yakapi
Magbasa pa

Kabanata 1367

Ngumiti si Tanner. “Ayos lang ako.”Tumalikod si Kamala at umalis nang wala ng sinasabi pa.Nang lumingon si Pearl kay Tanner, tiningnan niya ito sa mga mata at saka yumuko. “Ayos ka…lang ba?”Umiwas ng tingin si Tanner. “Ayos lang ako. Ibabalik ko na muna ang pugad.”Pagkatapos ibalik ang pugad, lumingon si Tanner kay Pearl na hindi pa rin gumagalaw. Marahan siyang lumapit at huminto sa tapat nito. “Pearl, hindi mo kailangan ma-guilty. Ayos lang ako.”Pero nang makita niyang tumutulo ang mga luha ni Pearl, nagulat siya at hindi alam ang gagawin.Hinawakan niya ang mukha nito at pinunasan ang luha. “Pearl, bakit ka umiiyak?”Hindi alam ni Pearl kung bakit nalulungkot siya. Baka dahil naalala niya ang nakaraan, o baka dahil naalala niya ang pakiramdam, pero patuloy lang sa pagtulo ang luha niya.Yumuko si Tanner at magaang hinagkan ang parte kung saan tumutulo ang mga luha ni Pearl.Gumalaw ang mga pilikmata ni Pearl, pero hindi siya umiwas nang hagkan ni Tanner ang sulok ng mg
Magbasa pa

Kabanata 1368

Lumapit si Daisie at naupo sa tabi ni Lisa. “Lisa, ayos ka lang ba?”Hindi sumagot si Lisa.Nag-aalala si Daisie para sa kaniya, kaya hinawakan niya ang balikat nito, pero bigla naman umiwas si Lisa. “Daisie, huwag na tayo maging magkaibigan.”Nagulat si Daisie at nagtaka. “Bakit?” May sumagi sa isipan niya. “May sinabi ba sa iyo si Leah?”Yumuko si Lisa at pinunasan ang luha niya. “Alam kong hindi ako galing sa mayamang pamilya. Wala ng ibang maibibigay sa akin ang mga magulang ko bukod sa pambayad sa school na ‘to. Gusto ko lang ng mga kaibigan. Bakit….bakit nila kailangang sabihin yun sa akin?”Dahan-dahang lumapit si Daisie sa harapan niya at lumuhod. “Lisa, huwag mong isipin ang sinasabi at iniisip ng iba. Alam mong mahilig mag-manipula ngv tao si Leah. Kaibigan ang tingin ko sa iyo.”Nang makitang umiiyak pa rin si Lisa, tumayo si Daisie dahil sa inis. “Kakausapin ko si Leah!”“Hindi—”Pinigilan siya ni Lisa, “Please, Daisie, walang silbi yun. Sa tingin mo ba ay titigilan
Magbasa pa

Kabanata 1369

Masiyadong protektado si Daisie at hindi naiintindihan ang takbo ng mundo. Gusto niyang bigyan ng magagandang regalo si Lisa dahil gusto niyang maging confident ito, pero hindi mapapataas ng material goods ang confidence.Hindi pinanganak na sakim ang mga tao. Kapag lagi nilang nakukuha nang madali ang mga bagay-bagay, doon sila nagsisimulang maging sakim.Kaya naman, walang muwang si Daisie.“Anong dapat kong gawin, kung ganoon?” Biglang napagtanto ni Daisie na binigyan niya ng malaking suliranin si Lisa.Ngumiti si Maisie at tumayo. “Magbago ka bago pa mahuli ang lahat.”Samantala, sa suburbs….Naglibot-libot si Lisa at umuwi lang nang gabi na. Bumukas ang pinto nang ipasok niya ang susi sa door lock.Binuksan niya ng pinto at pumasok. “Dad, Mom, nakauwi na ako.”Hinubad niya ang sapatos niya at sumigaw, pero walang sagot.Pumasok siya at nilapag ang bag sa kanilang couch. May narinig siyang ingay sa kusina, kaya lumapit siya, pero nang nasa pinto na siya, nakita niya ang na
Magbasa pa

Kabanata 1370

Nagulat si Daisie. Pinasalamatan niya ang teacher at umalis.Sa suburbs…Inipon ng tatay ni Lisa ang mga gamit ng misis niya at nagsimulang umiyak nang makita ang family photo nila.Si Lisa na nakita ang lahat ay napakuyom ang mga kamao, tumalikod at pumasok sa kwarto niya nang walang ekspresyon. Nilabas niya ang lahat ng binigay sa kaniya ni Daisie, nilagay sa backpack at lumabas na dala yun.Mayroong cyber cafe sa dulo ng kalsada, at alam niyang tumatambay doon ang kapatid niyang si Evan at mga kaibigan nito. Alam niya rin na mayroong “boss” doon si Evan na tinatawag nilang ‘Ivanka’.Si Ivanka ang may-ari ng cybercafe, pero mukhang marami itong pera. Sa kaniya ang pulang sports car na nakaparada lagi sa labas.Pumasok si Lisa sa shop at nagpunta sa cashier. Kumakain ng sandwich ang keeper habang naglalaro at hindi siya napansin.Nag-alinlangan si Lisa bago magsalita. “Nandito ba si Ivanka?”“Nasa—-” Tumingala ang lalaki at nakitang isang batang babae lang ang nagtanong, kaya
Magbasa pa

Kabanata 1371

“Sila ‘yun! Nakita mismo yun ng mga kapitbahay namin!” Sumigaw si Lisa habang tumutulo ang luha sa kaniyang mata. “Nanghingi siya ng pera kay Mom. Tumanggi siya na magbigay kaya ginawa niya yun sa kaniya!”Tahimik siya na tiningnan ni Mr. Fraiser. Tumayo siya doon nang ilang sandali bago pumunta sa hospital. Habang nakatingin sa pasarang pinto, napuno ang isip ni Lisa ng ekspresyon ng kaniyang dad.‘Hindi siya naniniwala sa akin.’Nang sumagi yun sa isip niya, hinagis niya ang baso na nasa mesa sa sahig.…Kinabukasan, pumunta si Daisie at Colton para hanapin si Lisa. Matagal na kinatok ni Daisie ang pinto pero walang nagbukas nun.Humarap siya kay Colton at tinanong, “Colton, wala ba si Lisa sa bahay nila?”“Hindi ko alam. Siguro.” Tumalikod si Colton. “Tara na.”Tumango si Daisie.Nung una, gusto niyang tingnan si Lisa. Pero, mukhang wala si Lisa doon kaya napagdesisyunan niya na hanapin siya kapag nakarating na siya sa school.Nang makarating si Daisie at Colton sa distric
Magbasa pa
PREV
1
...
135136137138139
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status