Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1371 - Chapter 1380

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1371 - Chapter 1380

2769 Chapters

Kabanata 1372

Ngumiti si Tanner sa kaniya at sinabing, “Oo naman.”Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa Hannigan manor. Sinabihan sila ni Tanner tungkol sa kanilang pagdating, kaya hinihintay sila ni Nathaniel at Mrs. Hannigan sa living room. Nang makita nila ang babae at bata na naglalakad sa living room kasama ni Tanner, hindi sila makapaniwalang dalawa.Habang hawak ang kamay ni Noah, sinamahan ni Tanner si Pearl palapit sa kanila. “Dad, dinala ko ang apo at si Pearl pabalik sa iyo.”Nagtago si Noah sa likod ng binti ni Tanner at nilabas ang kalahati ng ulo niya para tingnan ang dalawang tao na nasa harap niya.Natunaw ang puso ni Mrs. Hannigan nang makita kung gaano ka-cute si Noah. “Kid, halika dito at patingin ako.”Umupo si Pearl sa harap niya at may sinabi kay Noah bago siya nagdadalawang isip na lumapit kay Mrs. Hannigan.Hinaplos ni Mrs. Hannigan ang ulo ni Noah at nakangiting sinabi, “Ang bait na bata.”Inangat niya ang ulo niya para tingnan si Pearl at sinabing, “Pearl, ala
Read more

Kabanata 1373

Nanatiling nakayuko si Edward at nanahimik.Nang lumabas siya ng reception too, nakasalubong niya si Lucy at nagulat. “Anong ginagawa mo rito?”Hindi inakala ni Lucy na makakasalubong niya dito ang stepfather niya.Sa oras na yun, lumabas si Maisie sa reception room. Nang makita niya si Edward na kausap si Lucy, kakaiba ang naramdaman niya. “Mr. Xavier, kilala mo ba si Lucy?”Bago pa makasagot ni Edward, sinabi ni Lucy na, “Tito Edward, Nagtatrabaho… na ako sa Soul ngayon.”Tumango si Edward. “Ganoon ba. Nagtatrabaho ka pala sa Soul?”“Oo…” sagot ni Lucy.Lumapit si Maisie kay Edward at tiningnan si Lucy, “Kamag-anak ka ba ni Lucy, Mr. Xavier?”Naisip bigla ni Maisie na Xavier din ang apelyido ni Lucy.Hindi agad sumagot si Edward. Pagkatapos ng ilang sandali, ngumiti siya at sinabing, “Anak siya ng asawa ko.”Makikita ang gulat sa mga mata ni Lucy. Ito ang unang pagkakataon na ipinakilala siya nito sa harap ng ibang tao. Alam ng lahat na ikinasal siya sa pangalawang beses
Read more

Kabanata 1374

Hindi napigilan ni Maisie ang sarili niya at tumawa. “Naisip mo pa talaga ang gagawin ng stepfather mo. Mukhang gusto mo talaga siyang tulungan.”Sa totoo lang ay medyo naiinggit si Maisie na gustong tulungan ni Lucy si Elaine kahit na hindi sila magkadugo at hindi niya mapigilan na isipin si Willow.Hindi ipinanganak na masama si Willow. Magkadugo sila at naaalala pa ni Maisie ang araw na pumunta si Willow sa bahay nila kasama si Leila sa unang pagkakataon.…Mas matangkad si Willow kaysa kay Maisie at nakaayos ang buhok niya sa dalawang tirintas. Mukha siyang mahiyain.Tinulak siya ni Stephen sa harap at pinakilala kay Maisie, “Zee, siya si Willow ang magiging ate mo mula ngayon.’Bahagyang masama ang loob na tiningnan ni Maisie si Willow. Kung tutuusin, wala pang isang taon nang mamatay ang mom niya at nakahanap agad ng magiging stepmother niya ang kaniyang dad. Bukod pa roon, nagdala pa ang stepmom niya ng “ate” para sa kaniya. Hindi niya sila gusto kaya tumalikod siya at tum
Read more

Kabanata 1375

Walang mas nakakakilala sa kapatid niya bukod sa kaniya kaya matapos ang ilang pag-iisip, napagdesisyunan niya na wag na lang sabihin.Samantala, na-discharge na si Evan mula sa hospital at sinundo siya ni Mr. Fraiser.Pagkatapos makauwi, sinabihan siya ni Mr. Fraiser na tigilan na ang paggawa ng gulo sa labas. Walang emosyon na sumagot si Evan. Nabugbog siya nang walang dahilan, kaya natural lang na hindi niya titiisin ang insulto na ‘yun.Nang makabalik si Lisa mula sa school, nagbago ang ekspresyon niya nang makita ang kapatid niya naglalaro ng game sa couch. Hindi niya ito binati at pumasok sa kwarto nang walang sinasabi.Sinara niya padabog ang pinto at napalingon si Mr. Fraiser na naghahanda ng pagkain sa kusina. Alam niya malaki ang epekto ng pagkamatay ng mom niya sa kaniya.Pero, tinanong niya ang pulis sa insidente at walang kinalaman doon si Evan. May utang si Evan na pera sa ibang grupo at nagkaroon sila ng away kay Mrs. Fraiser nang pumunta sila sa bahay para hanapin
Read more

Kabanata 1376

Hindi talaga alam ni Daisie.Ngumiti ang lalaki at sinabing, “Maraming manonood. Kung gusto mo pumunta, magtatabi kami ng upuan para sa'yo, at magandang pwesto yun.”Tumingin si Zephir kay Daisie.Hinawakan ni Daisie ang kamay ni Lisa, “Pwede ko ba isama si Lisa?”Plano ng lalaki na imbitahan si Daisie at alam niya kung para kanino niya ginagawa yun pero nang makita niya na gustong isama ni Daisie ang kaibigan niya, nag-dalawang isip siya.May napansin si Lisa kaya tinulak niya palayo ang kamay ni Daisie at ngumiti. “Daisie, tumuloy ka na. Baka may gagawin ako sa araw na ‘yan.”“Edi a—”“Daisie, please pumunta ka.” totoo niyang mungkahi.Ayaw humindi ni Daisie kaya pumayag siya.Pagkatapos umalis ng library, naglakad si Zephir at ang dalawa niyang kaibigan sa tabi ni Maisie na parang pinoprotektahan siya. Naglakad si Lisa sa likod nila. Lahat ng tao ay masayang nag-uusap at hindi siya makasali.Kapag kasama niya si Daisie, parang may isang gem na humalo sa putik. Laging kumik
Read more

Kabanata 1377

Iniisip ni Elaine kung ano ang gagawin niya nang lumabas ang lalaki sa kabilang sasakyan.Nakasuot siya ng business suit na mukhang simple at malinis, brown slacks at may hawak na briefcase sa kamay. Maayos siyang tingnan.Hindi pa siya nakakita ng lalaki na maayos tingnan sa maikling buhok pero bagay yun sa kaniya.Binaba niya ang bintana niya. “Sir.”Tumigil si Hector. “Kinakausap mo ba ako?”Ngumiti si Elaine at binuksan ang pinto. “Pasensya na pero hindi ko mapasok ang sasakyan ko. Pwede mo ba ako tulungan, please?”Tiningnan ni Hector ang sasakyan ni Elaine na nakaharang. Masasabi niya na masyado siyang malapit at hindi napansin ang layo kaya hindi siya makagalaw.Tumango siya. “Subukan ko.”Tumabi si Elaine. “Maraming salamat.”Pumasok siya sa sasakyan, inayos ang upuan, mabagal na ni-reverse ang sasakyan, at in-adjust ang steering wheel. Wala pang sampung minuto, nagawa niyang iparada ang sasakyan.Kinuha niya ang susi at inabot kay Elaine. “Tapos na.”Kinuha ni Elain
Read more

Kabanata 1378

Hindi pinansin ni Lucy si Elaine.Nang matapos siya magluto ng dinner, sinulit ni Elaine ang oras at agad na tumakbo papunta sa kabilang bahay at kumatok.Ilang sandali pa bago binuksan ni Hector ang pinto. Mukhang kalalabas lang niya ng shower dahil amoy sabon pa siya. Nakasuot lang siya ng maluwag na lounge T-shirt at pants bago lumabas para buksan ang pinto. “Pasensya na at pinaghintay kita.”“Ayos lang. Mag-isa ka lang?” Sinilip ni Elaine ang loob ng bahay pagkatapos sabihin yun.Totoo nga, mukhang mag-isa lang siya! Malawak ang living room at malinis. Walang sapatos ng babae sa shoe rack.“Uh…” Nagdalawang-isip si Hector. “Tungkol sa dinner. Sa tingin ko—”Hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Elaine na tumanggi at agad siyang hinila palabas. “Sinabihan ko ang kapatid ko na magdagdag ng extra para sa dinner ngayon. Sayang naman yun kung hindi ka sasama sa amin.”Kaya naman, pilit na dinala si Hector sa kabilang bahay.Nang marinig ni Lucy ang kaguluhan sa labas, umangat an
Read more

Kabanata 1379

Umirap si Lucy. “Wala kang ginagawa dito pero ikaw ang maraming sinasabi.” Pagkatapos nun, dinala niya ang hugasan sa kusina.Nabigla si Elaine, sinuot ang headphone niya at bumalik sa kwarto niya.…Sumapit na ang gabi, bumagsak ang ulan sa siyudad dahilan para maging malabo ang neon lights sa kalsada.Ang ilaw sa kwarto ay mahina at dilaw. Nakatayo si Pearl sa tapat ng bintana. Tumatama ang ulan sa bintana na parang kurtina.Binuksan ni Tanner ang pinto at lumapit sa kaniya, niyakap niya si Pearl mula sa likod. “Bakit ka nakatayo sa harap ng bintana?”Tiningnan niya sa salamin ang malabong katawan ni Tanner. “Gusto ko ang tag-ulan.”Siniksik ni Tanner ang sarili niya sa leeg ni Pearl at namamaos na tumawa. “Ganoon ba?”Gumalaw ang pilikmata ni Pearl. “Dahil naaalis ng ulan ang lahat ng maduming bagay.”Hinarap siya ni Tanner at hinawakan ang pisngi niya sa kaniyang palad. “Alam mo ba ang tungkol sa lumot?”Tiningnan siya ni Pearl, at ngumiti si Tanner at tumatawa habang sin
Read more

Kabanata 1380

Dahil maraming pera ang kinikita ng mga celebrities, panigurado na malaki rin ang sahod ng personal stylist nila. Bukod pa doon, kung kakaiba at magaling ang design ng stylist, baka maging sikat pa silang brand. Dahil doon, makakapag desisyon ang stylist kung magkano ang charge nila para sa kanilang service.Katulad yun ng pagbabayad ng iba para sa service mo pero masasabi mo pa rin ang presyo ng serbisyo mo.Tumawa si Hector. “Mukhang desperada ka sa pera.”“Syempre. sino bang hindi?” Pagiging totoo na sinabi ni Lucy. “Ang mga nagtatrabaho sa first-class cities na tulad natin ay kailangan na magtrabaho nang maigi para kumita ng pera.”Tumango si Hector. “Totoo.”Hindi nagtagal, nakarating sila sa sasakyan ni Hector. Tumigil siya at tiningnan si Lucy. “Gusto mo ba sumakay papunta doon?”“Hindi na, salamat. Kaya ko mag maneho.” Kinalkal niya ang purse niya para sa susi ng sasakyan, kinakapa niya yun at napakunot siya. “Hey, nasaan ang susi ko?”Nagpatuloy sa paghahanap si Lucy. N
Read more

Kabanata 1381

Nagkibit balikat si Hector. “Naging maayos naman ang lahat maliban sa pagsubok na naranasan ko nung una dahil sa language barrier. Pero, dahil matagal na ako doon, nagkaroon na ako ng mga kaibigan, at naging maayos na rin ang mga bagay-bagay.”Ngumiti si Maisie. “Mabuti naman. Siya nga pala, anong pangalan ng kaibigan mo? Dapat inimbitahan mo siya na pumunta sa Zlokova sa susunod. Paghahandaan ko siya ng pagkain para sayo.”“Eric ang pangalan niya. Siya nga pala, dating shareholder ang Dad niya sa Luxella. Kilala mo kaya yung tatay niya?”Nagulat si Maisie. “Sinong shareholder ng Luxella?”Sumagot si Hector, “Harry Knowles ang pangalan ng tatay niya.”Ilang sandali na nagulat si Maisie at biglang tumawa. “Anak pala siya ni Mr. Knowles. Ibig sabihin ma-swerte ka talagang loko ka.”‘Palakaibigan talaga si Mr. Knowles, at malakas ang koneksyon niya sa Stoslo. Hindi talaga siya nalalayo ang bunga sa puno, kaya natural lang na maging kasing galing niya ang kaniyang anak. Talagang masa
Read more
PREV
1
...
136137138139140
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status