Home / Romance / The Crown Princess / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng The Crown Princess : Kabanata 1 - Kabanata 10

50 Kabanata

Chapter 1

"People of Denmark, here I present unto you, Princess Louise Zara Quinn Isabella, your undoubted Princess: Wherefore all you who are come this day to do your homage and service. Are you willing to do the same?" tanong ng Archbishop.The people signified their willingness and joy, by loud and repeated acclamations, all with one voice crying out. Then, the trumpets began sounding."Princess is your Highness willing to take the Oath?"Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata. Gusto niyang idilat ang mga iyon ngunit tila napako ito sa pagkakasara."I am willing," sagot niya."Will you solemnly promise and swear to govern the People of the Denmark and of you Possessions and the other Territories to any of them belonging or pertaining, according to their respective laws and customs?.""I solemnly promise so to do.""Will you to your power cause Law and Justice, in Mercy, to be executed in all your judgements?""I will.""Will you to the utmost of your power maintain the Laws of God and the t
Magbasa pa

Chapter 2

"Anong naramdaman mo nang makita mo siya? No'ng niyakap ka niya? Natakot ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Ara sa kanya. "Kahit konti lang ay wala ka bang maalala sa kanya? O, siya mismo, hindi mo ba talaga maalala?”Umangat siya nang tingin at ibinaba ang baso na hawak. Dahan-dahan siyang umiling kay Ara.Louise. . .Iyan ang pangalan na itinawag sa kanya ng lalaki kanina sa café.Louise ba ang totoong pangalan niya? Pero paano siya makasisiguro na Louise nga? Paano niya malalaman na hindi masamang tao at nagpapanggap ang lalaki kanina?"Pero pamilyar siya. . .ngunit hindi ko masabi kung paano at bakit naging pamilyar," wika niya, naguguluhan at nag-iisip. Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana. Hinawi niya ang kurtina na tumatabing sa rehas-rehas na bintana at sumilip doon.Magdidilim na. Matapos niyang tumakbo kanina at kumawala sa lalaking yumakap sa kanya ay umuwi siya rito. Halo-halo ang nararamdaman niya kanina at hanggang ngayon ay may takot, kaba at may hindi pa rin maipali
Magbasa pa

Chapter 3

Tulala siya habang naglalakad pauwi. Hindi katulad ng mga pumapasok na lamang sa isip niya bigla-bigla at bigla-bigla rin nawawala, ang kaninang eksena sa palengke ay hindi mawala sa isip niya. Nakakapanibago dahil ngayon lang iyon nangyari.Inilagay niya ang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga at huminto sa karinderia na madalas niyang bilhan ng lutong ulam sa tuwing tinatamad siya magluto o gutom na siya at may gumagamit pa ng lutuan doon sa boarding house nila."Oh, Rica, ano sa 'yo?" nakangiting tanong ni Aling Martha, ang may-ari ng karinderia. "Wala akong adobong sitaw ngayon."Mahina siyang natawa. Suki na suki siya nito kaya alam na nito ang paborito niya. Minsan pa nga'y kahit hindi naman kasama sa menu ang adobong sitaw, magluluto pa rin ito para sa kanya.Itinaas niya ang bitbit na plastik na may lamang sitaw. "Magluluto na lang ho ako bukas," wika niya rito. Binuksan niya ang mga kaldero na pinaglalagyan ng mga ulam para makita kung ano ang mga luto roon. Merong sini
Magbasa pa

Chapter 4

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nandoon sa loob ng banyo at nakaharap sa salamin. Pag labas niya ay wala na si Faith doon sa lamesa nito nang tingnan niya, tangging ang platito na pinaglalagyan ng cake nito at baso na kalahati pa ang laman ng juice ang nandoon.Hindi nga bumalik ang lalaki kahapon katulad ng gusto niya, pero may bago namang sumulpot. Ayaw man niya agad maniwala at huwag makinig sa mga sinabi ng mga ito, ngunit may malaking parte pa rin talaga sa isip niya na sumisigaw na pakinggan kung ano ang sigaw na iyon.She drew a deep breath and walked towards the counter. Dinampot niya ang tray na inilapag kanina. Umangat naman ng tingin si Ara at tumingin sa kanya."Ayos ka lang?"She slightly nodded and gave her an assuring smile. Tumungo siya sa ginamit na lamesa ni Faith at iniligpit ang mga naroon.Buong maghapon sa café ay walang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi ang lalaki kahapon, ang reaksyon nito, si Faith at ang mga tinuran nito kanina. Kaya naman nang
Magbasa pa

Chapter 5

"Paano ako makasisiguro na hindi mo ako sasaktan? Na hindi ka masamang tao?"She had to make sure. Hindi siya puwede magpadala sa nararamdaman niya. Hindi dahil hindi na siya kinakabahan habang kaharap ito ay pagkakatiwalaan na niya ito. Kaligtasan niya ang nakasalalay rito at wala siyang ibang aasahan para maging ligtas sa lagay niya ngayon na walang maalala, kung hindi ang sarili niya lamang. She had to trust no one but herself."Hindi kita sasaktan," David said softly. Parang hinaplos ang puso niya roon. Nakatitig ito sa kanya at ganoon din siya rito. Puno ng lungkot ang mga mata nito sa hindi niya masabing dahilan. "Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kung sasama ka—"Agad niyang pinutol ang sasabihin nito. "Bakit hindi mo na lang sabihin dito ngayon? Anong pinagkaiba no'n kung sasama ako sa 'yo?" Hindi siya puwedeng umalis nang wala siyang naaalala. Ito lang ang lugar kung saan niya tiyak na ligtas siya.Hindi nakapagsalita si David kaya muli siyang nagsalita. Pareho silang nakat
Magbasa pa

Chapter 6

"Dito kayo nangungupahan bago ito bilhin ng Lolo mo para tuluyan itong mapunta sa inyo. Dito ka lumaki. Dito kayo nakatira bago ka pumunta ng Denmark."Dahan-dahan, inilibot niyang muli ang paningin sa buong kabahayan na kinaruruonan, nagbabaka sakali na kahit kaonti ay may maalala siya sa bahay.Pinagmasdan niya ang lamesa nang mabuti. Tatlo lamang ang mga upuan na naroon, limang minuto na siyang nakatingin dito pero wala pa ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang kumakain siya roon. Inilipat niya ang tingin sa lutuan. Hindi iyon katulad sa ibang lutuan na ginagamitan ng gas, kung hindi ay de uling, uling ang ginagamit sa lutuan. Tatlong minuto na siyang nakatitig doon, ngunit wala ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang nagluluto sa lutuan na iyon. Wala siyang maalala na kahit ano sa sinasabi ni David na bahay kung saan siya lumaki. Hindi niya rin makita ang sarili na nakatira rito noon.Umalis si David sa tabi niya at naglakad papunta sa apat na baitang na hagdanan. Nang na
Magbasa pa

Chapter 7

"Ang sabi ng isang servant sa palasyo ay palala lamang nang palala ang kalagayan ng Lolo mo roon. Nakakulong ito sa isang silid at hindi hinayahayaan lumabas. . ." Tahimik siya habang pinakikinggan ang kwento ni David patungkol sa nangyayari roon sa Denmark simula nang mawala siya. Hindi niya maalala ang ginawa sa kanya ng kanyang Uncle Octavio. Pero base sa mga kwento ni David ay masasabi niyang napakasama nito. Hindi makatao ang mga ginawa nito at hindi rin siya makapaniwala na nagawa nito ang lahat ng mga iyon para lamang sa trono at korona ng Denmark. "Binaliktad niya ako. Pinalabas niyang sinubukan kong pagtangkaan ang hari—Gustuhin man namin iligtas ang Lolo mo ay hindi namin magawaPinaghahahanap kami roon ng batas kaya hindi kami makalapit ng palasyo. Pati ang daan sa Throne room ay hinigpitan nila, nagdagdag pa sila ng mga bantay roon." Napapikit siya nang bigla na naman sumakit ang ulo niya. Napahawak siya sa buhok niya. Sa dami ng nalaman niya ngayon ay talaga namang sasak
Magbasa pa

Chapter 8

Wala siyang silbi. Iyon ang pakiramdam ni Louise sa mga sandaling iyon. Wala siyang ala-ala kaya wala man lang siyang magawa.Dahan-dahan niyang nilingon si David na ginagamot ang sarili nitong sugat. Kitang-kita niya sa mukha nito na nasasaktan ito, ngunit wala siyang naririnig mula sa bibig nito na ingay. Napatingin siya roon sa ibabaw ng lamesa sa harapan ni David, kung nasaan ang bala ng baril na inalis nito sa braso. Ang kulay ginto na bala ay nabalutan ng pula mula sa dugo nito.Nang umangat si David ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Nahihiya siyang umiwas ng tingin at humarap sa bintana, pinagmasdan niya ang labas. Doon niya lang napansin na umuulan pala."Kumain na tayo."Napaayos siya ng upo nang magsalita si David sa tabi niya. Siguro'y sa sobrang pag-iisip, hindi niya na naramdaman ang presensya nito.Tango lamang ang isinagot niya rito. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang kusina para maghain. Akma siyang kukuha ng plato, ngunit pinigilan siya ni David."Ako na, ma
Magbasa pa

Chapter 9

"Anong balak mong gawin sa kanya?"Inanggulo ni Louise ang ulo niya para makita si Faith. Nandito sila ngayon sa basement, sa isang bahay na pagmamay-ari ni Charlie. Dito sila magpapalipas ng gabi ngayon.Bukas ay pupuntahan niya si Ara para ipaalam na bumalik na ang ala-ala niya. Magpapasalamat din siya dito sa lahat ng mga ginawang kabutihan at sa tulong nito sa kanya bago siya bumalik ng Denmark. Gusto rin niya makausap si Renzo. Alam niyang may darating din na babae para rito na ibibigay ang hindi niya kayang ibigay.Sina Renzo at Ara ang nasa tabi niya noong mga panahon na wala siyang maalala. Na kahit sa kabila ng walang kasiguraduhan kung isa ba siyang mabuting tao o masama ay hindi siya pinabayaan ng mga ito. Blood is no longer thicker than water. Nowadays strangers help us more than our relatives. Kung alam niya lang na ganitong uri pala ng pamilya ang meron siya, sana hindi na lang niya nalaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya.Pumihig si Louise sa kanyang harapan at inali
Magbasa pa

Chapter 10

"Malalim na ang gabi, malamig dito. . ." Nag-angat si Louise nang tingin sa kanyang harapan. Nandoon si Marco, nakatayo. Humithit ito sa hawak sa sigarilyo at saka itinapon sa lupa bago inapakan.Napatitig siya rito. Kailan pa ito natuto manigarilyo? Kilala niya ang binata na hindi naninigarilyo, maging ang amoy ng usok ay kinaiinisan nito. Pero heto ito ngayon sa harapan niya. . . may hawak na sigarilyo at tila ba sanay na sanay gumamit.Pinanuod niya ito humakbang palapit sa kanya at maupo sa tabi niya. Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Tinangka niya magsalita, ngunit hindi niya magawa, tila ba nalunok niya ang sariling dila sa mga oras na iyon."Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ni Marco sa kanya. Isinandal nito ang ulo sa dingding at pinag-krus ang magkabilang braso. "Hindi ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya na nakangiti ang nakikita ko."Dahan-dahan niyang ipinihig ang ulo at bahagyang binalingan si Marco. Nakapikit ang mga mata nito."Kumusta ka?" H
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status