Home / Romance / The Crown Princess / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of The Crown Princess : Chapter 21 - Chapter 30

50 Chapters

Chapter 21

Isinuot ni Louise ang kanyang jacket pagkatapos ay nagsuot ng sombrero. Muli niyang tiningnan ang kanyang baril para makatiyak na puno iyon ng mga bala. Isinuksok niya iyon sa kanyang bawang, malapit sa tagiliran at tinakpan ng jacket.Paglabas niya ng kwarto ay agad niyang nakita si David na nakasandal sa pintuan, halatang naghihintay sa kanya.Dumeritso siya sa kanyang Ina at humalik sa pisngi nito. “Babalik kami bago magdilim,” aniya.Tumango naman ang kanyang Ina at niyakap siya nang mahigpit. “Mag-iingat kayo.”Sinulyapan niya si Lin na naroon sa harapan ng computer. Nag-thumbs up ito sa kanya para sabihing naka-connect na ang gagamitin nilang sasakyan sa computer.Inihatid sila ng kanyang Ina sa ibaba. Ibang sasakyan ang ginamit nila ngayon. Napakaraming sasakyan sa garahe at hindi niya alam kung kanino ang mga iyon. Sa tuwing may umaalis ay iba-iba parati ang ginamit na sasakyan para matiyak ang kaligtasan nila. Pinagbuksan siya ni David ng pintuan sa shotgun seat bago ito nau
Read more

Chapter 22

Mabilis na kinuha ni Louise ang cellphone ni David. Hinanap niya ang number ni Olga sa contact nito at tinawagan ang pinsan niya. She have to save her cousins and her Aunt.Nag-drive na si David paalis habang kino-contact ni Louise si Olga. Nag-ring ang cellphone ni Olga sa unang beses pero walang sumagot doon. Sinubukan ulit iyon ni Louise sa pangalawang beses pero wala pa rin sumagot.“Si Aamir ang tawagan mo,” wika ni David habang nasa daan ang atensyon nito. “Nasa palasyo pa sila ngayon, hindi pa nakakaalis.”At si Aamir nga ang tinawagan ang sinubukan niyang tawagan. Isang ring pa lang ay sumagot na ito at narinig na niya ang boses nito sa mula sa kabilang linya. Maging ang boses ni Thyra ay narinig din niya na kinakausap ang asawa.“David,” ani Aamir.“It's Louise,” she corrected him. “I need to talk to Olga. Where is she?”“Hmm. . . Louise, you only call when you need something from me. I feel used.” Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Aamir ay alam niyang nakangisi ito ngay
Read more

Chapter 23

Umaga na pero wala pa ring tulog si Louise at ang kanyang mga kasamahan. Wala pa ring nagpapakita na Oliver kahit anino nito. Hindi na niya alam kung ano ang dapat isipin sa mga sandaling iyon. Hindi niya pwede hayaan na hindi nila kasama si Oliver.“Magkape muna kayo.” Umangat si Louise ng tingin sa kanyang ina, may dala-dala itong tray na puno ng mga tasa ng kape. Inilapag nito ang tray sa lamesita sa kanilang harapan at inabutan sila ng tig-iisang tasa ng kape.Nasaan ba si Oliver?Sabay-sabay silang natigilan at napatingin kay David nang mag-ring ang cellphone nito.Mabilis tumayo si David para sagutin ang tawag. At dahil ni-loudspeaker nito ang cellphone ay narinig nila ang boses mula sa kabilang linya. It was Olga.Inabot sa kanya ni David ang cellphone at agad naman niyang kinausap si Olga.“Olga. . .”“I'm sorry about last night. I can't make a phone call—”“Yes, I understand, Olga. I was there,” wika niya.“Really? You came here?” mas humina ang boses ni Olga ng itanong iyon.
Read more

Chapter 24

Doble sa normal na takbo ng sasakyan ang takbo ng dina-drive na kotse ni Louise. Kailangan niya agad makarating sa yacht party. Baka may makuha siya roon na impormasyon na magtuturo kung nasaan si Lieutenant Evans.Napatingin siya sa baril na nasa kanyang bewang. Tanging iyon lamang ang meron siya ngayon at ang isang natitirang kutsilyo na naroon sa kanyang boots.Matapos ang mahigit isang oras, maya-maya pa ay natatanaw na niya ang mga naglalakihang barko roon sa pantalan, senyales na malapit na siya. Naririnig na rin niya ang hampas ng mga alon. Sa halip na dumeritso sa mismong pantalan ay lumiko siya sa mas makikitid at lubak na kalsada patungo sa tabing dagat. Huminto siya ilang metro ang layo mula sa dalampasigan.May apat na speedboat na nakahanay sa tabi ng malaking bato. Gagamitin niya ang isa sa mga ito. Sana lamang ay kayanin iyon ang malalaking alon.Pinili niya ang pangalawang speedboat at buong lakas na itinulak iyon papunta sa tubig. Sumampa na siya rito at nagsagwan pap
Read more

Chapter 25

Hindi na si Louise muling lumaban pa sa kampo nila Jonas. Pero hindi ibig sabihin no'n ay sumusuko na siya sa mga ito o tinatanggap na niya ang pagkabigo niya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nahanap niya si Lieutenant Evans at napatakas niya ito rito.Napapikit siya at huminga nang malalim. Sinasabayan ng pagkirot ng kanyang ulo ang mga tama niya ng baril sa binti at braso. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang baril sa lapag ng yate upang ipabatid na hindi na siya lalaban. Ngisi-ngisi naman si Jonas na naglakad papunta sa kanya. Yumuko ito sa harapan niya at hinawakan siya nang mahigpit sa panga. Ramdam niya sa hawak niya ang gigil. Hindi pa ito nakontento at malakas pa siya nitong sinampal, sa sobrang lakas no'n ay dumugo ang gilid ng kanyang labi. Nalasahan niya ang dugo mula roon. Akala nia ay iyon lang ang gagawin sa kanya pero nang-aasar itong tumawa at hinampas siya sa batok, dahilan para mawalan siya ng malay at bumagsak sa sahig ng yate.Hindi niya alam kung ilang minuto o
Read more

Chapter 26

Iling-iling na natawa si Octavio sa mga tinuran ni Louise. “I don't know what you are talking about,” anito sa ekspresyon na parang wala talagang alam.“You know what I'm taking about!” singhal ni Louise sa Uncle niya. “Don't play dumb! You killed them!”Tinapunan siya ng Uncle niya ng nakakalokong tingin. Nilagok nito ang natitirang alak sa baso at nagbukas pa ng isa pang bote ng alak para magsalin sa baso at nilagok ulit.“Look, Louise. . .” Sumandal ito sa upuan at pinagkrus ang magkabilang braso sa dibdib. “I want my daughter Olga to be the next Queen of Denmark. I will give you choices—Another chance. Leave this country. Forget Denmark, the Palace, the throne, and crown. Get out of our life, you and your mother. I hope you choose not to go against me. This is your last chance.” Nawala sa isang iglap ang nakakaloko nitong mga tingin. Matalim na ngayon ang bawat tingin na ibinibigay nito sa kanya, naging mapagbanta ang ekspresyon. “I will wait your decision until tomorrow morning.”
Read more

Chapter 27

“Paanong nawawala si Amundsen?” Napatayo si David mula sa pagkaka-upo nang dumating sina Faith at Lin galing sa bahay nila Amundsen, at iyon agad ang dalang balita ng dalawang dalaga.Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Louise simula ng iwan sila nito kagabi roon sa Amalienborg. Nang tanungin nila si Olga kung pumunta ba si Louise sa yacht party na ginanap kagabi ay ‘hindi’ ang isinagot nito. Hindi nakita ni Olga si Louise roon. Ang ina ni Louise ay hindi matigil sa pag-aalala sa anak nang bumalik Sina David dito sa bahay na hindi kasama si Louise. Buong gabi nasa harapan ng altar ang ina ni Louise at nagrorosaryo roon. Hindi rin ito kumain ngayong umaga kahit anong pilit nila.“Ang sabi ng asawa niya ay nagpaalam daw ito sa kanya na aalis sandali para makipagkita sa‘yo kagabi. Pero hindi na ito bumalik,” wika ni Lin.Bakit naman ngayon pa? Hindi pa nila nahahanap si Lieutenant Evans. Hindi pa bumabalik si Louise. At ngayon naman ay si Amundsen.“Lieutenant Commander!”Sabay
Read more

Chapter 28

Hindi alam ni Louise kung gaano siya katagal sumisigaw habang nakakuyom ang kanyang mga palad. Umalis na ang Uncle Octavio niya kasunod si Jonas at ang dalawa pang lalaki pagkatapos hiwain ang kaliwa niyang pisngi at putulin ang kanyang buhok hanggang sa wala ng lumalawit sa kanyang batok. Nilagyan pa ng liyabe ang kanyang mga daliri sa kamay at saka iyon binali.Sarado na namang muli ang pintuan at patay ang ilaw. Ang sakit ay hindi niya matiis at ang kanyang mga pag-iyak ay nagbibingi-bingihan. Hinihiling niya na lang na ang kanyang buhay ay matapos na sa sandaling pinahirapan siya ng kanyang Uncle Octavio. Pero ang sakit ay ipinaalala pa na ito na malayong matapos pa. Ipinaalala nito sa kanya na maaaring mayroong mas maraming sakit pa ang darating pagkatapos no'n at para ihanda ang sarili niya.Matapos ang mahigit isang oras na pagsigaw at pag-iyak, sa wakas natapos na rin siyang humahagulgol. Alam niyang may kailangan siyang gawin sa kanyang sugat ngunit natatakot siya na subukang
Read more

Chapter 29

“Daddy, I want balloons! I want balloons!”Napahinto ang kinse anyos na si Louise sa paglalakad at tumingin sa isang bata na karga-karga ng ama nito. Nakasuot ang bata ng pulang bestida at bagong sapatos. Ang buhok nito ay napakaayos, hindi humaharang sa mukha. Ang ina naman nag bata ay nakaakbay sa asawa at bitbit ang bag ng anak.“You want balloons?” malambing na tanong ng ama ng bata.Agad namang tumango nang sunod-sunod ang bata at itinuro ang nagtitinda ng titinda ng lobo.“Okay, baby, we will buy you.”Inalis ni Louise ang tingin sa mga ito at pinunas ang tagaktak na pawis mula sa kanyang noo. Bumaba ang tingin niya sa bilao na dala-dala niya at nakitang lilima pa lang ang bawas ng bananacue na inilalako niya. Kapag hindi niya iyon naubos bago mag-alas sais ay kaonting pera lang ang maiuuwi niya sa kanyang ina. Wala siyang maitatabi sa kanyang alkansya.Bumuga siya ng hangin at muling nagpatuloy sa paglalakad.“Bananacue. . . Bananacue po kayo. Bili na kayo ng Bananacue, masarap
Read more

Chapter 30

Two Years Ago“Sissy, hindi nagte-text si Romeo simula noong isang araw pa.”"Hala ka, Juliet. Baka mamaya may iba na yang jowa mo, ah!”"H-hoy! H'wag ka naman ganyan. Naiiyak na nga ako, e.”"Tinawagan mo na ba?""Oo naman. Mahigit isang daan na nga.”"Puntahan mo na kaya sa kanila?""Ayoko! Alam mo naman ayaw sa 'kin ng mama niya.”Inalis ni Louise ang tingin sa dalawang high school student na nasa tapat niya. 20 years old na siya pero hindi ganyang mga bagay ang pinoproblema niya. The only thing she was worry about, is if she'll live see tomorrow. At the age of 15, nakikipagpatintero na siya kay kamatayan. At nagpapasalamat siya dahil hanggang ngayon, hindi siya nito maabot-abutan.Mabilis dinampot ni Louise ang kanyang helmet nang makitang lumabas na sa building na binabantayan niya ang target. Tumingin ang target niya sa magkabilang gilid, bago naglakad papunta sa parking lot.Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at bumunot ng dalawang daan sa bulsa, at saka ito inilapag sa lamesa.
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status