“Paanong nawawala si Amundsen?” Napatayo si David mula sa pagkaka-upo nang dumating sina Faith at Lin galing sa bahay nila Amundsen, at iyon agad ang dalang balita ng dalawang dalaga.Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Louise simula ng iwan sila nito kagabi roon sa Amalienborg. Nang tanungin nila si Olga kung pumunta ba si Louise sa yacht party na ginanap kagabi ay ‘hindi’ ang isinagot nito. Hindi nakita ni Olga si Louise roon. Ang ina ni Louise ay hindi matigil sa pag-aalala sa anak nang bumalik Sina David dito sa bahay na hindi kasama si Louise. Buong gabi nasa harapan ng altar ang ina ni Louise at nagrorosaryo roon. Hindi rin ito kumain ngayong umaga kahit anong pilit nila.“Ang sabi ng asawa niya ay nagpaalam daw ito sa kanya na aalis sandali para makipagkita sa‘yo kagabi. Pero hindi na ito bumalik,” wika ni Lin.Bakit naman ngayon pa? Hindi pa nila nahahanap si Lieutenant Evans. Hindi pa bumabalik si Louise. At ngayon naman ay si Amundsen.“Lieutenant Commander!”Sabay
Hindi alam ni Louise kung gaano siya katagal sumisigaw habang nakakuyom ang kanyang mga palad. Umalis na ang Uncle Octavio niya kasunod si Jonas at ang dalawa pang lalaki pagkatapos hiwain ang kaliwa niyang pisngi at putulin ang kanyang buhok hanggang sa wala ng lumalawit sa kanyang batok. Nilagyan pa ng liyabe ang kanyang mga daliri sa kamay at saka iyon binali.Sarado na namang muli ang pintuan at patay ang ilaw. Ang sakit ay hindi niya matiis at ang kanyang mga pag-iyak ay nagbibingi-bingihan. Hinihiling niya na lang na ang kanyang buhay ay matapos na sa sandaling pinahirapan siya ng kanyang Uncle Octavio. Pero ang sakit ay ipinaalala pa na ito na malayong matapos pa. Ipinaalala nito sa kanya na maaaring mayroong mas maraming sakit pa ang darating pagkatapos no'n at para ihanda ang sarili niya.Matapos ang mahigit isang oras na pagsigaw at pag-iyak, sa wakas natapos na rin siyang humahagulgol. Alam niyang may kailangan siyang gawin sa kanyang sugat ngunit natatakot siya na subukang
“Daddy, I want balloons! I want balloons!”Napahinto ang kinse anyos na si Louise sa paglalakad at tumingin sa isang bata na karga-karga ng ama nito. Nakasuot ang bata ng pulang bestida at bagong sapatos. Ang buhok nito ay napakaayos, hindi humaharang sa mukha. Ang ina naman nag bata ay nakaakbay sa asawa at bitbit ang bag ng anak.“You want balloons?” malambing na tanong ng ama ng bata.Agad namang tumango nang sunod-sunod ang bata at itinuro ang nagtitinda ng titinda ng lobo.“Okay, baby, we will buy you.”Inalis ni Louise ang tingin sa mga ito at pinunas ang tagaktak na pawis mula sa kanyang noo. Bumaba ang tingin niya sa bilao na dala-dala niya at nakitang lilima pa lang ang bawas ng bananacue na inilalako niya. Kapag hindi niya iyon naubos bago mag-alas sais ay kaonting pera lang ang maiuuwi niya sa kanyang ina. Wala siyang maitatabi sa kanyang alkansya.Bumuga siya ng hangin at muling nagpatuloy sa paglalakad.“Bananacue. . . Bananacue po kayo. Bili na kayo ng Bananacue, masarap
Two Years Ago“Sissy, hindi nagte-text si Romeo simula noong isang araw pa.”"Hala ka, Juliet. Baka mamaya may iba na yang jowa mo, ah!”"H-hoy! H'wag ka naman ganyan. Naiiyak na nga ako, e.”"Tinawagan mo na ba?""Oo naman. Mahigit isang daan na nga.”"Puntahan mo na kaya sa kanila?""Ayoko! Alam mo naman ayaw sa 'kin ng mama niya.”Inalis ni Louise ang tingin sa dalawang high school student na nasa tapat niya. 20 years old na siya pero hindi ganyang mga bagay ang pinoproblema niya. The only thing she was worry about, is if she'll live see tomorrow. At the age of 15, nakikipagpatintero na siya kay kamatayan. At nagpapasalamat siya dahil hanggang ngayon, hindi siya nito maabot-abutan.Mabilis dinampot ni Louise ang kanyang helmet nang makitang lumabas na sa building na binabantayan niya ang target. Tumingin ang target niya sa magkabilang gilid, bago naglakad papunta sa parking lot.Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at bumunot ng dalawang daan sa bulsa, at saka ito inilapag sa lamesa.
There was a loud sound from the kitchen, dahilan para maalimpungatan si Louise. Kahit hindi pa masyadong mulat ang kanyang mga mata ay tumakbo na siya papunta sa kusina. Mula roon, naabutan niya ang kanyang ina na nasa harapan ng kalan at may hawak na sandok.“Ma, anong ginagawa mo?!” Mabilis niyang inagaw mula rito ang sandok. “Sinusubukan mo na naman magluto?” tanong niya. Napatingin siya sa sahig malapit sa gilid ng paa ng kanyang ina at nakita roon ang basag na bote ng mantika na binili niya noong isang araw.“Gusto sana kita ipagluto,” sagot nito sa malumanay na boses.Hindi ito ang unang beses sinubukan magluto ng kanyang ina. At ganito nga parati ang kinahahantungan. Noong unang beses nitong sinubukang mag-luto ay nasunog lang ang niluto nito at muntikan pa masunog pati na rin ang bahay na inuupahan nila.Napapikit at napabuntong-hininga na lamang siya. “Huwag kang aalis diyan,” aniya at kumuha ng walis at pandakot.Hindi ni Louise masisisi ang ina dahil iniisip nito na dahil s
It was Friday, Louise can still remember that to this day.She was busy counting her coins that she earned from her part time job that she had just only noticed the black van pulling up next to the pavement that she was walking on.She heard the van door slide open, and someone jumped out. Hindi niya ito nilingon. Sa halip, mabilis siya na naglakad palayo roon."Louise Zara Quinn Isabella?" A man's voice called out. She froze. Her heart began to pound from fear.She slowly turned to see the person who had just jumped out of the van. Isang lalaki ang nasa harapan niya. The boy was around 18 or 19, he had a red hair that was short at the sides, but long enough to spike up slightly at the top. His face was mascular, and his skin was tanned."P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Louise stuttered.The smirked he had on his face however made everyone of her instincts screamed at her to run."Sa Boss ko," he told her."S-Sino ka?""My name is Marco," he said, his smirk growing wider on his f
Wala sa sariling pinanunuod ni Louise ang iniinit na tubig mula sa kanilang kalan. Hindi pa rin siya makapaniwala. Prinsesa siya. . .Isang totoong prinsesa.Kunwari pa siyang natawa. Sa loob ng dalawampung taon, biglang isang araw, sasabihin sa kanyang na isa siyang prinsesa. Kung nananaginip man siya ngayon, gusto na niya magising.She turned her head as she heard a loud knocked. Bumukas ang pintuan nila at pumasok si Yella kasunod si Faith, Marco at Alec."Makikikain kami!" masigla at sabay na bungad ni Yella at Marco. Gulat pang nagkatinginan ang dalawa dahil hindi nila siguro inaasahan iyon."A-ano ba, Marco! Ako dapat magsasabi no'n!" singhal ni Yella sa mismong muka nito. "Ako ang naka-isip," giit ni Marco.“Naisip ko rin 'yun!""Anong ginagawa niyo rito?" she asked them. Pilit niyang iniiwas ang tingin kay Yella, na ngayo'y nakikipagtalo kay Marco.Kilalang-kilala siya ni Yella. Malalaman agad ng kaibigan niya na galing siya sa magdamag na pag-iyak hanggang sa magtatanong ito
“Maalaga siya. . .Siya ang tipong mamahalin mo, hindi dahil sa prinsepe o magiging hari." Tumingala ang ina ni Louise na animo'y inaalala nito ang mga kahapon kasama ang ama ng anak. "Mamahalin mo siya dahil sa pagiging maalalahanin, mapagbigay, at mapagmahal sa kapwa niya," dagdag pa nito at hinawakan ang kamay ni Louise. “Siya ang tipong, ayos lamang kahit walang matira sa sarili. Basta nakikita niyang masaya ang mga nasa paligid niya, masaya na rin siya.”Lahat ng tungkol sa ama ni Louise ay ikinuwento ngayon sa kanya ng kanyang ina. Her father ain't just only the best son, but also a best leader and brother. Iyon pa ang sabi ng Lolo niya. Mahal na mahal nga raw ito ng mga taong bayan ng Denmark. Hindi na halos mabilang kung ilang tao na ba ang natulungan ng kanyang ama noon.Matagal na gusto makarinig ng kuwento ni Louise tungkol sa kanyang ama. Kung anong klase ba itong tao—At heto nga ngayon, mismong Lolo at ina niya pa ang nagkuwento. Nakakalungkot lang isipin na sa mga kuwento