Share

Chapter 31

There was a loud sound from the kitchen, dahilan para maalimpungatan si Louise. Kahit hindi pa masyadong mulat ang kanyang mga mata ay tumakbo na siya papunta sa kusina. Mula roon, naabutan niya ang kanyang ina na nasa harapan ng kalan at may hawak na sandok.

“Ma, anong ginagawa mo?!” Mabilis niyang inagaw mula rito ang sandok. “Sinusubukan mo na naman magluto?” tanong niya. Napatingin siya sa sahig malapit sa gilid ng paa ng kanyang ina at nakita roon ang basag na bote ng mantika na binili niya noong isang araw.

“Gusto sana kita ipagluto,” sagot nito sa malumanay na boses.

Hindi ito ang unang beses sinubukan magluto ng kanyang ina. At ganito nga parati ang kinahahantungan. Noong unang beses nitong sinubukang mag-luto ay nasunog lang ang niluto nito at muntikan pa masunog pati na rin ang bahay na inuupahan nila.

Napapikit at napabuntong-hininga na lamang siya. “Huwag kang aalis diyan,” aniya at kumuha ng walis at pandakot.

Hindi ni Louise masisisi ang ina dahil iniisip nito na dahil s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status