Share

Chapter 4

Author: LoveInMist
last update Last Updated: 2023-04-12 13:13:25

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nandoon sa loob ng banyo at nakaharap sa salamin. Pag labas niya ay wala na si Faith doon sa lamesa nito nang tingnan niya, tangging ang platito na pinaglalagyan ng cake nito at baso na kalahati pa ang laman ng juice ang nandoon.

Hindi nga bumalik ang lalaki kahapon katulad ng gusto niya, pero may bago namang sumulpot. Ayaw man niya agad maniwala at huwag makinig sa mga sinabi ng mga ito, ngunit may malaking parte pa rin talaga sa isip niya na sumisigaw na pakinggan kung ano ang sigaw na iyon.

She drew a deep breath and walked towards the counter. Dinampot niya ang tray na inilapag kanina. Umangat naman ng tingin si Ara at tumingin sa kanya.

"Ayos ka lang?"

She slightly nodded and gave her an assuring smile. Tumungo siya sa ginamit na lamesa ni Faith at iniligpit ang mga naroon.

Buong maghapon sa café ay walang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi ang lalaki kahapon, ang reaksyon nito, si Faith at ang mga tinuran nito kanina. Kaya naman nang umuwi siya matapos ang oras ng trabaho ay agad siyang uminom ng gamot dahil sumasakit na naman ang ulo niya.

Nakatulog siya at nang magising ay tagaktag ang pawis sa buong katawan. Nanaginip na naman siya. Nang bumangon siya mula sa pagkakahiga ay naghahabol siya ng hininga, napahawak sa dibdib.

Panaginip na naman. . .

Napabuntong-hininga na lamang siya dahil limot na naman niya ang nangyari sa panaginip niya. Parati namang gano'n.

Itinali niya ang maikling buhok at lumabas ng kwarto, tinungo niya ang kusina para magluto ng kanyang gabihan. Mabuti na lamang at patapos na si Paula magluto ng sarili nitong gabihan nang dumating siya.

Itlog at instant noodles lamang ang kanyang niluto. Hindi na siya nagsaing pa. Napapatulala siya pagkatapos ng bawat higop ng sabaw, iniisip kung may pamilya pa ba siya. Kung meron man, bakit hanggang ngayon ay walang naghahanap sa kanya. Imposible namang kapamilya niya si Faith dahil kung oo, magpapakilala ito agad.

Inubos niya ang pagkain niya at hinugasan ang pinagkainan. Pinunasan din niya ang lamesa at nagwalis ng sahig. Nang makitang puno na ang basurahan nila ay binuhat na niya ang plastic sa loob nito at dinala iyon sa labas.

Wala ng mga nakatambay na ka-boardmate niya sa labas ng boarding house nila. Pati ang ilaw sa garahe ay patay na rin.

Binuksan niya ang gate. Hindi pa iyon naka-lock kaya marahil ay gising pa si Aling Vicky.

Naglakad siya papunta kung saan nakatambak ang mga nakabalot sa plastic at sako ng basura at inilagay roon ang dala-dala niya. Kukunin bukas ng umaga ang lahat ng basura na iyon ng truck na dadating.

Pabalik na siya sa loob nang mahagip ng kanyang mata niya ang poste ng sirang ilaw. Katulad kagabi, may nakatayo na naman doon.

Dali-dali siyang naglakad papasok sa gate sa takot. Pero bago pa siya tuluyang makapasok ay natigilan na siya at napahinto.

"Ang Louise na kilala ko ay hindi basta-basta natatakot. . .Walang kinakakakutan. Matapang. Lumalaban."

Kumabog ang dibdib niya nang marinig iyon. Kilala ang boses na iyon, natatandaan niya. Boses ito ng lalaki kahapon doon sa café.

Face him, take a risk. Tila may boses na nagsasabi sa kanya ng bagay na iyon.

Marahas siyang umiling para iwaksi ang boses na nagsasabi.

"Ang sabi mo ay babalik ka agad," he continue. "Hinintay ka namin, naghintay kami. Hinintay kita."

Napalunok siya. Saan siya babalik? Bakit kung magsalita ito ay parang kilalang-kilala siya nito higit pa sa lahat?

Hindi niya alam kung bakit ayaw humakbang ng mga paa niya para maglakad papasok. Parang bigla na lamang napako roon.

"It has been two years," dagdag nito. "Kailangan ka nila. Kailangan ka namin. . .Kailangan kita."

Bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaya naman ay mas lalo lamang siya naguluhan. Bakit ganito ang kanyang pakiramdam?

Kailangan niya ng sagot sa mga tanong niya. Kailangan na niya makaalala. She had to take a risk.

Kinagat niya ang ibabang parte ng labi at dahan-dahang pumihit paharap. Tumingin siya roon sa poste, kung saan nandoon ang lalaki.

"Sino ka?" ubos tapang niyang tanong.

"David."

David. . .

Ang pangalang iyon ay para bang ilang beses na niyang sinambit noon na may iba't-ibang damdamin. . .Ramdam niya. Her heart was welling up with something she couldn't completely comprehend. Sino ba si David sa buhay niya?

"Pumasok ka na sa loob, malamig na rito." Naputol ang pag-iisip niya at pagtitig dito nang muli itong magsalita. Doon niya lang napagtanto na kalmado na ang pintig ng puso niya at hindi na iyon katulad kanina na kumakabog dahil sa takot at kaba.

Sinalubong nito ang mga tingin niya. Pakiramdam niya'y malulunod siya sa bawat titig na ibinibigay nito. Hindi niya alam kung ilang minuto silang nakatingin sa isa't-isa at walang nagsasalita. Pati ang paligid ay tahimik, kung wala pa sigurong tumahol na aso ay hindi mauputol ang titigan na iyon.

Dali-dali siyang tumalikod rito at naglakad. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang muli na naman itong magsalita, dahilan kung bakit muli rin siyang napahinto.

Ang sunod nitong sinabi ay halos nagpatalon ng kanyang puso.

"It's been two years, and I'm still into you. Sa dalawang taon na nagdaan ay wala araw na hindi ka sumagi sa isip ko. . . Gabi-gabi ka kung dumalaw sa panaginip ko. Sa bawat galaw ko ay ikaw ang naaalala ko."

Sunod-sunod ang naging paglunok niya.

"I miss you. I miss you so much. Please. . . Come back to us, come back to me."

Mabilis siyang naglakad papasok sa loob at isinarado ang gate. Isinandal niya ang likod niya doon sa pader at humawak sa dibdib niyang na malakas tibok. Ang huling apat na salita na binitawan nito ay nagpaulit-ulit sa kanyang tainga at hindi siya tinantanan.

Iyon ang dahilan kung bakit buong gabi siyang gising. Hindi siya pinatulog ng pakiramdam na iyon. Isang pakiramdam na ibang-iba sa lahat. Masarap sa pakiramdam pero hindi niya alam kung bakit masarap.

Hinawi niya ang kurtina ng bintana para bigyang daan ang liwanag at hangin na pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Sabado at wala siyang pasok sa café kung kaya magpapa-order siya ng mga tsinelas ngayon.

Itinali niya ang maikling buhok at iniligpit ang hinigaan. Lumabas siya ng kanyang kwarto at tumungo sa kusina para magluto ng kanyang almusal.

"Good morning," bati sa kanya ni Luna, ang nurse niyang ka-boardmate na nag-aalmusal. Nakaupo ito sa harapan ng lamesa at nasa ibabaw naman ang isang kape ng tasa, dalawang itlog at isang plato ng sinangag.

"Good morning," bati niya rito pabalik, at dumeritso sa lutuan. Nagsaing siya at nagprito ng tatlong piraso ng tinapa. Gumawa rin siya ng sawsawan niya, ang pinagsamang sibuyas at kamatis sa toyo at tinernuhan niya iyon ng kape.

Hindi na niya nakasabay pa sa pagkain si Luna dahil late na raw ito sa duty nito sa Hospital. Karamihan sa mga ka-boardmate niya ay maagang umaalis kaya maaga pa rin lang ay konti na lang ang mga nasa boarding house.

Tinapos na niya ang kinakain at naligo. Isang puting T-shirt at pantalon ang isinuot niya. Nagsuklay siya ng buhok at saka binitbit ang dalawang plastic bag na may lamang mga tsinelas.

"Kanina ka pa hinihintay ng lalaki ro'n sa labas," bulalas ni Aling Vicky nang makababa siya ng hagdan.

Nagsalubong ang magkabila niyang kilay. "Sino hong lalaki?"

"Hindi ko kilala." Umiling ang matanda sa kanya "Ngayon ko lamang nakita iyon dito. Mukhang foreigner siya pero nagtatagalog naman at tuwid na tuwid ang tagalog niya," amaze pang wika ng matanda.

Malalaki ang hakbang niya palabas ng boarding house para tingnan ang sinasabi na lalaki, kahit na may ideya na siya kung sino iyon. Pagbukas niya ng gate ay nakompirma niyang tama siya. Si David ang bumungad sa kanya. Bahagya pang umawang ang bibig niya at nahinto. Nakasandal ito sa hood ng isang Mercedes at magkakrus ang magkabilang kamay sa dibdib.

Pinagmasdan siya nito. Their eyes met. Napakagwapo nito sa suot na itim na three forth at puting pantalon, bagay na bagay iyon sa balat nitong moreno.

Nang maglakad ito palapit sa kanya ay bumilis ang tibok ng puso niya. Napalunok pa siya. Nakarating ito sa harapan niya nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"A-Anong. . ." she trailed off. Hindi niya alam ang itatanong dito o sasabihin. Hindi siya makahanap ng tamang salita na ilalabas.

Mula sa mga mata ay bumaba ang tingin nito sa plastic bag na hawak-hawak niya sa magkabilang kamay.

It was then she realized na tila hindi na siya natatakot sa presensya nito. Kinakabahan siya pero sigurado siyang hindi iyon dahil sa takot.

"Kaano-ano kita?" sa wakas ay naitanong niya rito.

Bakit ganito ang nararamdaman niya ngayong kaharap ito? Sino ba ito buhay niya? Gusto niya iyon malaman.

Hindi niya mapigilan ang magkumpara. Sa mahigit isang taon na panliligaw sa kanya ni Renzo ay hindi naging ganito ang nararamdaman niya. Hindi siya napapatanong sa sarili niya.Hindi rin bumilis nang ganito ang puso niya dahil lamang sa isang titig.

Pero bakit si David ay kabaliktaran ng nararamdaman niya kay Renzo? Sino ba talaga si David sa buhay niya dalawang taon ang nagdaan?

"Kaano-ano kita?" pag-uulit niya nang walang makuhang sagot mula rito. Nakatitig ito sa kanya na tila ba siya ang pinakamagandang tanawin sa harapan nito. "Tinatanong kita," kunwari'y inis na sabi niya.

Mahinang natawa si David. Lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi na siyang dahilan kung bakit mas lalong nagpagwapo rito. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay kinuha nito ang dalawang plastic bag sa kamay niya. Tinalikuran siya nito at naglakad papunta sa sasakyan. Binuksan nito ang pintuan sa back seat at ipinasok doon ang dalawang plastic bag.

Mabilis siyang sumunod dito at iniharang ang kamay sa pintuan ng back seat. "Ano bang ginagawa mo?"

Kinuha niya ang dalawang plastic bag, ngunit inagaw iyon ni David sa kanya. Inagaw niya ulit iyon pero inilayo nito. "Ano ba!" asik niya rito.

"Gusto mong malaman kung kaano-ano mo 'ko, hindi ba?"

Naibaba niya ang kamay na dapat aagaw ulit sa dalawang plastic bag at natahimik.

"Sumama ka sa 'kin," wika nito na may maliit na ngiti sa labi, "sasabihin ko sa 'yo kung sino ako."

"Hindi kita kilala," mabilis niyang tugon sa sinabi nito. "Hindi ako sasama sa 'yo."

Unti-unting napawi ang ngiti ni David. Kita niya kung paano bumakas ang sakit sa mukha nito sa salitang binitawan niya. "Kilala mo 'ko. Kilalang-kilala mo 'ko. . .wala ka lang maalala."

Related chapters

  • The Crown Princess    Chapter 5

    "Paano ako makasisiguro na hindi mo ako sasaktan? Na hindi ka masamang tao?"She had to make sure. Hindi siya puwede magpadala sa nararamdaman niya. Hindi dahil hindi na siya kinakabahan habang kaharap ito ay pagkakatiwalaan na niya ito. Kaligtasan niya ang nakasalalay rito at wala siyang ibang aasahan para maging ligtas sa lagay niya ngayon na walang maalala, kung hindi ang sarili niya lamang. She had to trust no one but herself."Hindi kita sasaktan," David said softly. Parang hinaplos ang puso niya roon. Nakatitig ito sa kanya at ganoon din siya rito. Puno ng lungkot ang mga mata nito sa hindi niya masabing dahilan. "Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kung sasama ka—"Agad niyang pinutol ang sasabihin nito. "Bakit hindi mo na lang sabihin dito ngayon? Anong pinagkaiba no'n kung sasama ako sa 'yo?" Hindi siya puwedeng umalis nang wala siyang naaalala. Ito lang ang lugar kung saan niya tiyak na ligtas siya.Hindi nakapagsalita si David kaya muli siyang nagsalita. Pareho silang nakat

    Last Updated : 2023-04-12
  • The Crown Princess    Chapter 6

    "Dito kayo nangungupahan bago ito bilhin ng Lolo mo para tuluyan itong mapunta sa inyo. Dito ka lumaki. Dito kayo nakatira bago ka pumunta ng Denmark."Dahan-dahan, inilibot niyang muli ang paningin sa buong kabahayan na kinaruruonan, nagbabaka sakali na kahit kaonti ay may maalala siya sa bahay.Pinagmasdan niya ang lamesa nang mabuti. Tatlo lamang ang mga upuan na naroon, limang minuto na siyang nakatingin dito pero wala pa ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang kumakain siya roon. Inilipat niya ang tingin sa lutuan. Hindi iyon katulad sa ibang lutuan na ginagamitan ng gas, kung hindi ay de uling, uling ang ginagamit sa lutuan. Tatlong minuto na siyang nakatitig doon, ngunit wala ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang nagluluto sa lutuan na iyon. Wala siyang maalala na kahit ano sa sinasabi ni David na bahay kung saan siya lumaki. Hindi niya rin makita ang sarili na nakatira rito noon.Umalis si David sa tabi niya at naglakad papunta sa apat na baitang na hagdanan. Nang na

    Last Updated : 2023-04-12
  • The Crown Princess    Chapter 7

    "Ang sabi ng isang servant sa palasyo ay palala lamang nang palala ang kalagayan ng Lolo mo roon. Nakakulong ito sa isang silid at hindi hinayahayaan lumabas. . ." Tahimik siya habang pinakikinggan ang kwento ni David patungkol sa nangyayari roon sa Denmark simula nang mawala siya. Hindi niya maalala ang ginawa sa kanya ng kanyang Uncle Octavio. Pero base sa mga kwento ni David ay masasabi niyang napakasama nito. Hindi makatao ang mga ginawa nito at hindi rin siya makapaniwala na nagawa nito ang lahat ng mga iyon para lamang sa trono at korona ng Denmark. "Binaliktad niya ako. Pinalabas niyang sinubukan kong pagtangkaan ang hari—Gustuhin man namin iligtas ang Lolo mo ay hindi namin magawaPinaghahahanap kami roon ng batas kaya hindi kami makalapit ng palasyo. Pati ang daan sa Throne room ay hinigpitan nila, nagdagdag pa sila ng mga bantay roon." Napapikit siya nang bigla na naman sumakit ang ulo niya. Napahawak siya sa buhok niya. Sa dami ng nalaman niya ngayon ay talaga namang sasak

    Last Updated : 2023-04-24
  • The Crown Princess    Chapter 8

    Wala siyang silbi. Iyon ang pakiramdam ni Louise sa mga sandaling iyon. Wala siyang ala-ala kaya wala man lang siyang magawa.Dahan-dahan niyang nilingon si David na ginagamot ang sarili nitong sugat. Kitang-kita niya sa mukha nito na nasasaktan ito, ngunit wala siyang naririnig mula sa bibig nito na ingay. Napatingin siya roon sa ibabaw ng lamesa sa harapan ni David, kung nasaan ang bala ng baril na inalis nito sa braso. Ang kulay ginto na bala ay nabalutan ng pula mula sa dugo nito.Nang umangat si David ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Nahihiya siyang umiwas ng tingin at humarap sa bintana, pinagmasdan niya ang labas. Doon niya lang napansin na umuulan pala."Kumain na tayo."Napaayos siya ng upo nang magsalita si David sa tabi niya. Siguro'y sa sobrang pag-iisip, hindi niya na naramdaman ang presensya nito.Tango lamang ang isinagot niya rito. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang kusina para maghain. Akma siyang kukuha ng plato, ngunit pinigilan siya ni David."Ako na, ma

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 9

    "Anong balak mong gawin sa kanya?"Inanggulo ni Louise ang ulo niya para makita si Faith. Nandito sila ngayon sa basement, sa isang bahay na pagmamay-ari ni Charlie. Dito sila magpapalipas ng gabi ngayon.Bukas ay pupuntahan niya si Ara para ipaalam na bumalik na ang ala-ala niya. Magpapasalamat din siya dito sa lahat ng mga ginawang kabutihan at sa tulong nito sa kanya bago siya bumalik ng Denmark. Gusto rin niya makausap si Renzo. Alam niyang may darating din na babae para rito na ibibigay ang hindi niya kayang ibigay.Sina Renzo at Ara ang nasa tabi niya noong mga panahon na wala siyang maalala. Na kahit sa kabila ng walang kasiguraduhan kung isa ba siyang mabuting tao o masama ay hindi siya pinabayaan ng mga ito. Blood is no longer thicker than water. Nowadays strangers help us more than our relatives. Kung alam niya lang na ganitong uri pala ng pamilya ang meron siya, sana hindi na lang niya nalaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya.Pumihig si Louise sa kanyang harapan at inali

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 10

    "Malalim na ang gabi, malamig dito. . ." Nag-angat si Louise nang tingin sa kanyang harapan. Nandoon si Marco, nakatayo. Humithit ito sa hawak sa sigarilyo at saka itinapon sa lupa bago inapakan.Napatitig siya rito. Kailan pa ito natuto manigarilyo? Kilala niya ang binata na hindi naninigarilyo, maging ang amoy ng usok ay kinaiinisan nito. Pero heto ito ngayon sa harapan niya. . . may hawak na sigarilyo at tila ba sanay na sanay gumamit.Pinanuod niya ito humakbang palapit sa kanya at maupo sa tabi niya. Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Tinangka niya magsalita, ngunit hindi niya magawa, tila ba nalunok niya ang sariling dila sa mga oras na iyon."Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ni Marco sa kanya. Isinandal nito ang ulo sa dingding at pinag-krus ang magkabilang braso. "Hindi ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya na nakangiti ang nakikita ko."Dahan-dahan niyang ipinihig ang ulo at bahagyang binalingan si Marco. Nakapikit ang mga mata nito."Kumusta ka?" H

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 11

    Alas nuebe ng gabi nang lumapag ang pribadong eroplano na sinasakyan nila Louise sa paliparan ng Denmark. Wala na silang dapat ikabahala pa dahil ligtas ang paglapag nila sa gabi na iyon.Isinuot niya ang itim na facemask. Tumayo na siya para sumunod kay Faith pababa. Deri-deritso lang ang lakad niya hanggang makarating sa van na naghihintay sa kanila. Nang pumasok na si David sa loob ng van at naupo sa tabi niya ay umandar na ang van paalis.Hindi na siya makapaghintay na makitang muli ang kanyang Ina. Nasasabik na siya na mayakap ito. Napakarami niya rin ditong gustong sabihin at ikuwento. Sa mga panahong wala siyang ala-ala, kung may nangyaring hindi maganda sa kanyang Ina dahil wala siya sa tabi nito ay hindi niya talaga mapapatawad ang sarili.Nahinto ang pag-iisip niya sa mga sandaling iyon nang huminto ang sinasakyan nilang van. Nagkatinginan silang dalawa ni David at sabay na tumingin sa driver seat, kung saan nandoon ang driver na nagmamaneho. "Check point," bulalas ni Alec

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 12

    "Hindi kasalanan ng isang anak ang kasalanan ng Ama," wika ng Ina ni Louise habang nagpapagpag si Louise ng hihigaan niya."Alam ko yun, Ma," sagot ni Louise sa kanyang Ina. "Hayaan mo muna ako iproseso ang mga sinabi ni David. Kung talagang nagbago na si Olga, mabuti kung ganon. . . Pero ngayong gabi, ayaw ko muna sila isipin. Gusto ko muna matulog nang mahimbing habang katabi kita. Pwede ba yun, Ma?"Nagbuntong-hininga ang Ina ni Louise bago tumayo at lumapit sa kanya. Ngumiti ito at tumango. "Matulog na tayo. Ipagluluto kita bukas ng almusal."Nang gabing iyon katabi niya ang kanyang Ina habang nakayakap ito sa kanya. Pero tila kabaligtaran sa gusto niya ang nangyari dahil sa halip na makatulog siya nang mahimbing ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata kahit madaling araw na. Hindi siya makatulog. Hindi siya pinapatulog ng mga nalaman niya.Noon pa ma'y wala na siyang patunay na kasabwat si Olga ng kanyang Uncle Octavio o may kinalaman ito sa mga pagtatangka sa buhay niya. H

    Last Updated : 2024-01-25

Latest chapter

  • The Crown Princess    Chapter 50

    Kasunod si Sergeant Precilla Williams ay naglakad si Louise palabas ng Christian IX's Palace, sa opisina ng kanyang Lolo. Ang dahilan ng biglaang pag-uwi ng Lolo niya ay tungkol sa kanya. Ipapakilala na raw siya nito mamayang gabi sa publiko.Hindi niya iyon inaasahan. Alam naman niya na mangyayari iyon pero hindi niya inaasahan mapapaaga. Ang alam niya kasi ay pag-uwi pa ng kanyang Ina rito sa Denmark magaganap ang pagpapakilala na isa rin siyang Prinsesa—at hindi pa ngayon.Pagkababa niya ng hagdan ay agad niyang nilakad ang pasilyo papunta sa kanyang silid. Naroon ang Lieutenant Commander, tuwid na tuwid na nakatayo. His eyes bore into her, pagkatapos ay yumuko. His masculine scent reached her nose nang tumapat siya rito."Tingnan mo kasi siya as a David, iyong ordinary David, and not David as your Body Guard."Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Faith kahapon."Do you need anything, Your Highness?" Lieutenant Commander asked her softly.She quickly composed herself. "Nothing

  • The Crown Princess    Chapter 49

    "Your body guard is a whole snack, Louise! Isn't he an eye candy?" Yella giggled, and sat down beside her."Hindi ko alam." Louise thought were converged on Lieutenant Commander David Nielsen and his attitude towards her. Mabait sa kanya ang Lieutenant Commander. Bukod kay Marco, Alec at Charlie, komportable rin siya sa Lieutenant Commander. Hindi siya naiilang dito at magaan ang pakiramdam. Dahil siguro may dugo rin itong Pilipino? Basta hindi niya alam."Tingnan mo kasi siya as a David, iyong ordinary David, and not David as your Body Guard." Tawa ni Faith sa harapan ng lababo, naghuhugas ng kinainan nila. "Ewan ko na lang kung hindi ka ma-fall sa kanya."David as an ordinary, and not David as the Lieutenant Commander who works for them. . .An unknown reason sent an inner warmth spreading through Louise, igniting across every part of her body. It felt simultaneously, peculiar and wonderful, a feeling so dated and unfamiliar she haven't even known.Napalunok siya nang may kung ano'n

  • The Crown Princess    Chapter 48

    Nakakabingi ang katahimikan sa buong paligid. Nasa pwesto na ang lahat. Ang hudyad na pagsabog na lang doon sa likod ang hinihintay nila para sumugod mula rito sa harapan at pasukin ang loob.Napatingin si Louise sa babaeng nasa kabila ni Lieutenant Commande. May hawak-hawak itong shotgun. Bilog na bilog ang buwan ngayon at ito rin ang nagbibigay ilaw sa kanila para makita ang isa't-isa. Natatakpan man ang ilong at bibig ng babae ng itim na tela, at tanging mga mata at mahahabang mga pilik lang ang nakikita niya ay alam niyang si Yella iyon.Kung wala ang Lieutenant Commander na siyang nagiging harang sa pagitan nilang dalawa, at kung sakaling lumingon si Yella sa kanya, kahit na may takip din ang ilong at bibig niya ay makikilala siya ng kaibigan niya dahil sa grupo nila, siya lamang ang may asul na mga mata.Louise sighted heavily as she prepared herself to explain to her best friend after this mission."David," she whispered, tentatively stepping towards the Lieutenant Commander. "

  • The Crown Princess    Chapter 47

    "Prinsesa ka," Marco said.Louise couldn't tell if it was a statement or a question, it sounded like a bit of both.Tumango si Louise.Sinabi niya ang lahat kay Marco. Simula roon sa umuwi siya ng bahay nila noong araw na malaman nila na wala na si Lorenzo, ang narinig niya ng araw din na iyon sa kanyang Ina at sa Hari, ang pag-amin ng kanyang Ina ng katotohanan, ang pag-alis nila pagkatapos pumunta ng grupo nila sa Laguna, at ang pagdating nila roon sa Denmark."Prinsesa ka," Marco said, again. He sounded dazed, like he had just woken up from a rather strange dream and he wasn't quite sure what to make of it.Muli, tumango si Louise.Marco was quiet for a few as he was in his own thoughts. "E, yang kasama mo, ano yan, Prinsipe?" Inginuso nito ang Lieutenant Commander na nakaupo sa mahabang couch, nakatingin sa kanila rito sa ibaba ng hagdan."Hindi. Lieutenant Commander yan ng Danish Navy at Navy SEAL. Bantay ko," sagot niya."Isa lang ang bantay mo?"Kung puwede nga na isang lang an

  • The Crown Princess    Chapter 46

    "Your Highness. . ."Nilingon ni Louise ang Lieutenant Commander sa likod. Kapapasok lang nila rito sa bahay na inuupuahan nila noon. Ang bahay na ito ay binili na ng kanyang Lolo sa may-ari nito bago sila umalis. Dito siya lumaki kaya gusto ng Lolo niya na kapag uuwi siya rito ay makikita niya pa rin ang bahay na kinalakihan."Louise," she immediately corrected him. Ayaw niyang maging pormal ito ngayon. Wala sila Denmark. Ayos lang naman iyon, di ba? "Just Louise."Lieutenant Commander David Nielsen stared at her for a moment, and then nodded. "Anong oras tayo pupunta sa boyfriend mo?"She blinked at him. "Ha?" Of course she heart it clearly, hindi niya lang alam ang isasagot. She was pretty sure na bantay sarado siya nito dahil iyon ang ibinilin ni Yasmin sa Lieutenant Commander kahapon. Hindi raw siya puwede umalis nang hindi ito kasama.Dapat ba niya sabihin dito ang totoong dahilan kung bakit silang dalawa narito?Hindi puwede. Nasa rule iyon ng samahan nila. Kailan man ay hindi

  • The Crown Princess    Chapter 45

    "Danish royals don't reveal a new baby's name until her or his christening ceremony. Danish are also traditional baby naming ceremonies."Kailangan niya umuwi ng Pilipinas. Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Louise bahang nandito siya sa kanyang Etiquette Class kay Miss Anna.Hindi niya magawang mag-focus sa mga itinuturo ng kanyang guro dahil sa kaiisip sa mga kaibigan niya na sasabak sa misyon. Hindi niya hahayaan na pumunta sa misyon ang mga iyon na wala siya. Kailangan niyang umuwi."When Prince Octavio and Princess Victoria of Denmark welcomed a baby daughter in 1990, they followed this protocol and announced her name to be Olga Marguerite Francoise Marie during her christening service," pagpapatuloy ni Miss Anna.Alam ni Louise sa sarili niyang nangako siya sa kanyang Ina na hindi na babalik pa sa samahan nila. Oo, gagawin niya iyon. Pero hindi niya basta puwede pabayaan na lang ang mga kaibigan. Kailangan niya umuwi ng Pilipinas. Kailangan siya ng mga kaibigan niya.

  • The Crown Princess    Chapter 44

    "You're awake."Thyra didn't answer. "The dinner is about to serve. Go, get ready."She nodded and quickly got out of the bed wincing lightly, holding a comforter to hide her body. She walked to the bathroom and quietly closed the door, before locking it.Humarap siya sa salamin. Noong mga bata pa sila nina Yasmin, Wanda, at Olga, siya ang pinakapalaban at ang matapang. Si Olga ang maldita at pasaway. Si Yasmin naman ang pinakamabait at si Wanda naman ang pinakamaintindihin at maaasahan. Pero nasaan na ang palaban at matapang na Thyra na iyon ngayon? This woman in front of the mirror is a pathetic one. This isn't the Princess Thyra of Denmark. This isn't her. . .She removed the comforter to take a shower. Once she was done, she smoothed down a print-sized red Carolina Herrera coat. Tinakpan niya ng makeup ang bakas ng sampal ng asawa niya. She used to do that, sanay na sanay na siya gawin iyon. Sa palasyo ng Morocco, kapag sinasaktan siya ng asawa niya at nagkakaroon iyon ng pasa ay

  • The Crown Princess    Chapter 43

    Minutes or hours later, Louise was completely unsure. The pain in her chest had subsided and she could actually think. Her thoughts resurfaced and she opened her eyes, trying to drink in her environment.Naalala niya ang nangyari kanina. Bago magsimula ang karera nilang dalawa ni Olga ay nahihirapan siya huminga. At sa gitna ng karera nila ay hindi na niya talaga kinaya at napabitaw na sa tali. Boses ni Lieutenant Commander David Nielsen ang huli niyang narinig bago siya mawalan ng malay. Sinalo siya nito mula sa pagkahulog sa kabayo?Inilibot ni Louise ang paningin. She was on a bed somewhere. . ."Oh, finally, you're awake," said Olga, rolling her eyes. "You've been out in the middle of our race. Do you realize how much of a waste of time that was for me?"Hindi agad nakapag-react si Louise sa sinabi ni Olga. Hindi niya inaasahan na pagmulat niya ay si Olga ang bubungad sa kanya."Olga," si Yasmin.Olga shrugged and shifted her gaze to Yasmin. "What?""Don't start. Please," nakiki-u

  • The Crown Princess    Chapter 42

    Katulad nang ipinagtataka ni Louise, ganoon din ang ipinagtataka ng Aunt Victoria at Uncle Octavio niya—Kung paano raw nakapasok ang lalaking iyon sa palasyo.Hindi rin alam ni Louise. Hindi niya talaga alam. Kataka-taka naman na hindi man lang nakita ng mga guwardya na nagbabantay roon sa labas ng palasyo ang lalaki na nagtangka sa kanya. Wala raw lumalabas sa palasyo ng mga oras na iyon.Buong gabi ay inisip ni Louise kung paano iyon nangyari. Hindi siya nakatulog.Wore a Chambray midi skirts and white bell sleeved shirt with a black belt, Louise slipped on the black over-the-knee boots. Ngayon ang Horse Parade. Ngayon din ang karera nilang dalawa ni Olga.Her cousin Olga was growing spoiled, she could tell. Hindi ito sanay na hindi pinagbibigyan sa gusto. Kung anong gusto nito ay iyon dapat ang masunod. At kung gusto nito na magkarera sila, sige, pagbibigyan niya ito.Louise grabbed her suede hat and went outside. Sergeant Precilla Williams curtsied when she saw her.Habang tinatah

DMCA.com Protection Status