Share

Chapter 6

Author: LoveInMist
last update Last Updated: 2023-04-12 14:00:51

"Dito kayo nangungupahan bago ito bilhin ng Lolo mo para tuluyan itong mapunta sa inyo. Dito ka lumaki. Dito kayo nakatira bago ka pumunta ng Denmark."

Dahan-dahan, inilibot niyang muli ang paningin sa buong kabahayan na kinaruruonan, nagbabaka sakali na kahit kaonti ay may maalala siya sa bahay.

Pinagmasdan niya ang lamesa nang mabuti. Tatlo lamang ang mga upuan na naroon, limang minuto na siyang nakatingin dito pero wala pa ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang kumakain siya roon. Inilipat niya ang tingin sa lutuan. Hindi iyon katulad sa ibang lutuan na ginagamitan ng gas, kung hindi ay de uling, uling ang ginagamit sa lutuan. Tatlong minuto na siyang nakatitig doon, ngunit wala ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang nagluluto sa lutuan na iyon. Wala siyang maalala na kahit ano sa sinasabi ni David na bahay kung saan siya lumaki. Hindi niya rin makita ang sarili na nakatira rito noon.

Umalis si David sa tabi niya at naglakad papunta sa apat na baitang na hagdanan. Nang nandoon na ito sa pang-apat na baitang ay nilingon siya nito. Inilahad nito ang kamay sa kanya, na para bang sinasabi na abutin niya iyon, na lumapit siya rito at hawakan.

Ilang saglit siyang nakatingin dito habang nakalahad ang kamay nito sa kanya at hinihintay siyang lumapit. Nalamayan niya na lang ang sarili na naglalakad papalapit dito. Pumanhik siya sa hagdan at inabot ang kamay nito. Mahigpit naman nitong hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sa tapat ng isang pinto.

Inanggulo niya ang ulo at tumingala para makita si David. Sinalubong nito ang tingin niya, subalit sandali lamang iyon dahil bumaling na ito sa pinto na nasa harapan nila. Pinihit nito ang doorknob at itinulak ang pintuan. Nang malaki na ang pagkakabukas no'n ay hinila siya nito papasok sa loob ng kwarto.

"Dito ang kwarto mo," wika ni David.

"Talaga?" Her surprise proved impossible to mask.

Bumitaw siya sa hawak ni David at nilapitan ang maliit na kama. Pinagapang niya ang kamay roon at pinagpag iyon kaya nagsiliparan ang mga alikabok na nanunuot doon. Naubo pa siya dahil dahil may pumasok sa ilong niya. Halatang matagal ng walang nakatira sa bahay na ito dahil inaalikabok na.

Umalis siya sa harapan ng kama at tumungo sa lamesa sa gilid, kung saan nandoon ang mga iba't-ibang libro. Kumuha siya ng isa roon at pinagpag ang alikabok. Pinagmasdan niya ang kinuhang libro at dahan-dahan iyon binuksan at binasa ang unang pahina. Mahilig pala talaga siya magbasa ng libro noon pa man.

Malapit na siyang maniwala kay David.

Ibinalik niya ang libro at tinungo ang puting kabinet na nakadikit sa dingding. Hinawakan niya ang hawakan nito at binuksan iyon. Nakita niya rito ang mga damit na naroon. Mga damit niya ba ito?

Dumampot siya ng isa at ibinuka iyon. Itim na long sleeve iyon at masasabi niyang saktong-sakto iyon sa katawan niya.

"Wala ka pa rin bang maalala?"

Napasinghap siya nang magsalita si David sa likuran niya. Napakalapit nito sa kanya at nararamdaman niya ang katawan nito sa likod niya.

"W-Wala. . ." sagot niya rito. Ibinalik niya ang damit na kinuha at isinarado ang kabinet.

Umalis si David sa likuran niya. Pumihit naman siya paharap dito at hinabol ito ng tingin.

Tumayo si David sa harapan ng kama kung saan siya kanina nakatayo. Bahagya itong yumuko at may hinila mula roon sa ilalim no'n. Umangat ito ng tingin sa kaniya, bago umupo at binuksan ang kahon na kinuha roon. Titig na titig siya sa kahon at naghihintay na makita ang laman no'n.

Mula sa loob ng kahon ay inilabas doon ni David ang dalawang malaking baril. Nasundan iyon ng ilang mga dagger at granada. Nanlaki ang mga mata niya at napaatras. Nakaramdam na naman siya ng takot at kaba.

Muling umangat ng tingin si David sa kanya, para bang ginawa talaga iyon para makita ang magiging reaksyon niya. Ibinalik nito ang atensyon sa kahon at kumuha roon ng ilang mga handgun. Napalunok siya habang nagtataas baba ang dibdib sa bilis ng paghinga.

"Lahat ito ay pagmamay-ari mo," turan ni David. Kinuha nito ang isang handgun at ikinasa iyon.

Napamaang siya at nanlaki ang mga mata. Para pa siyang nabingi sa sinabi nito.

"Imposible ang sinasabi mo," depensa niya agad sa sarili. "P-Paano ko magiging pag-aari ang ganyang karaming mga armas?" Tumaas pa ang boses niya, tila hindi makapaniwala. Bakit naman siya may nakatagong mga armas sa ilalim ng higaan niya? Para saan iyon? "Bakit, ano ba ako? Pulis? Sundalo?"

Hawak-hawak ang handgun, tumayo si David at deritsong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ka pulis, at mas lalong hindi ka sundalo."

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya. "K-Kung ganoon. . .A-Ano ako?"

"Assassin."

Her jaw dropped. Hindi siya nakapagsalita. Ni hindi niya magawang ibuka nang tuluyan ang bibig. Ilang beses niya itong ibinuka para magsalita, pero agad din isinasarado.

Assassin siya. . .Masamang tao—Pumapatay siya? Imposible iyon.

"Hindi ako naniniwala sa 'yo," mariin niyang saad matapos makabawi sa pagkagulat. "Nagsisinungaling ka." Dinuro niya ito at binigyan nang masamang tingin. "Dapat talaga ay hindi ako sumama sayo rito." Tinalikuran niya ito at mabilis na naglakad papunta sa pinto.

Hindi siya assassin. Hindi siya pumapatay at hindi siya masamang tao.

"Normal na teenager ka lang ako noon. . .hanggang sa nabulag ang Mama mo."

Napahinto siya sa pagpihit ng doorknob.

May mga magulang pa siya?

"September 17 2010, pauwi ka na no'n galing sa isang part time job mo nang ma-kidnap ka at i-recruit ng isang secret agency ng mga assassin."

"Babalik na ako ng Lucena—

David cut her in between. "You was kidnapped and recruited by a secret agency of assassins."

Hindi. . .

Napapikit siya nang mariin, ayaw niya iyon tanggapin.

Kaya ba siya walang ala-ala ngayon dahil doon? Dahil isa siyang masamang tao?

Mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo at dahan-dahang pumihit paharap kay David.

"Bakit ako may mga tama ng baril sa ulo?”

"Mula sa Denmark ay umuwi ka rito sa Pilipinas." Muntik na niya makalimutan ang sinabi nito patungkol sa apelyido niya at sa kanya. Isa raw siyang Prinsesa.

"Bakit ako umuwi rito?"

"Para sa burol. . ." He stopped abruptly, as if suddenly realizing what he was saying. "Para sa burol ng kaibigan mo."

"Sinong kaibigan?"

Kita niya ang paggalaw ng Adam's apple nito, tanda ng paglunok. "Si Yella."

Natigilan siya roon. Ang babae sa panaginip niya? Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw ang pangyayaring iyon sa panaginip niya. Para bang totoo ang lahat ng nangyari roon at masakit iyon sa puso.

"Hindi ba't sabi mo, wala akong kakilala na Yella?"

Hindi ito nagsalita at tumitig lamang sa kanya. Bakit nito sinabi na wala siyang kilala na Yella, ganong meron naman pala?

"Gaano ko siya katagal na kaibigan? Anong ikinamatay niya?"

Sa halip na sagutin siya ay tumalikod si David sa kanya. Yumuko ito at ibinalik ang kahon doon sa ilalim ng kama. Naglakad ito papunta sa lamesa kung saan nandoon ang mga libro at inilapag doon ang handgun na hawak.

"Alam kong gutom ka na. Bumaba na tayo, magluluto ako." Hinawakan siya nito sa braso para igaya palabas ng kwarto, ngunit inalis niya ang pagkakahawak nito.

"Anong ikinamatay ni Yella?" matigas niyang tanong pero naroon ang kaba sa magiging sagot nito.

Hindi ito nakasagot. Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. "Ipinapatay siya ng Uncle Octavio mo."

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya nang mapagtanto na ala-ala nang nakaraan ang paniginip niyang iyon. Iyon pa lang ang naaalala niya, pero sobrang bigat at sakit na ng pakiramdam niya.

Hindi niya napigilan ang tunog ng pag-iyak na kumawala sa bibig niya at agad niyang tinakpan ang bibig niya para pigilan iyon.

Hinila siya ni David at niyakap. Hinagod-hagod nito ang likuran niya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Hush," he whispered softly in her ear while gently stroking her hair in a comforting way.

Patuloy sa pagbagsak ang mga luha niya. "Bakit siya ipinapatay? Anong naging kasalanan niya?" she asked him, unable to make sense of my current emotion.

"Wala. Wala siyang kasalanan."

Bumitaw siya sa yakap nito. "Kung ganoon, bakit siya pinatay?!"

Hindi sumagot si David, tila ayaw na nito magdagdag pa ng sasabihin para tumahan na siya sa pag-iyak.

"Bakit siya pinapatay?" pag-uulit niya, naroon ang tono na nakikiusap sagutin ang tanong niya.

"Galit ang Uncle mo sayo dahil ikaw ang tagapagmana ng trono at korona ng Denmark. Gusto ka niyang mawala para mapunta sa pinsan mo, na anak nito ang trono at korona, at ito ang pumalit sayo."

Hindi niya maintindihan. Kung siya ang tagapagmana, bakit ang kaibigan niya ang ipinatay ng Uncle niya?

"Anong kinalaman ni Yella sa trono at korona ng Denmark?"

"Wala. Pero sayo, meron. Ilang beses kang tinangkang ipapatay ng Uncle mo pero parati kang nakakaligtas sa mga pagtatangka nito. Kaya nang pumunta ng Denmark ang mga kaibigan mo ay ginamit ng Uncle mo ang pagkakataong iyon para sayo."

Ganoon kagusto ng Uncle niya na mawala siya para idamay ang kaibigan niya?

"Pinasok ng mga private army ng Uncle mo ang bahay na tinutuluyan nila Yella roon sa Denmark at dinakip siya," pagpapatuloy ni David. "Kapalit ng kalayaan ni Yella ay kailangang ikaw ang pumalit sa posisyon niya."

Dumating siya, hindi ba? Natatandaan niya sa panaginip niya ang ala-alang nandoon siya. Kasabay nang paglangoy niya sa dagat para sagipin si Yella ay nabaril siya. Kaya alam niyang dumating siya roon. Tumupad siya sa usapan pero bakit namatay pa rin si Yella?

Hindi niya maalala ang lahat sa pangyayaring dahil putol. May nagawa ba siyang hindi nagustuhan ng Uncle niya kaya pinatay nito ang kaibigan niya?

"Dumating ako, tama?"

Tumango si David.

"Pero bakit pinatay niya pa rin si Yella? May nagawa ba akong mali?" Nagsimula na naman mamuo ang mga luha niya. Agad iyong tumulo at agad din niya iyong pinunas.

"Binigyan ka niya nang pagkakataon na isuko sa kanya ang trono at korona at hayaan ito sa kaniya—"

"At nagmatigas ako?"

Sa hindi pagsagot ni David ay nakuha niya ang sagot sa tanong.

Bumagsak na naman ang mga luha niya. Dahil pala sa kanya kaya nawala ang kanyang kaibigan. Dahil sa pagmamatigas niya. Kung hindi sana siya nagmatigas ay baka buhay ang kaibigan niya. Kya pala ganoon kasakit ang ala-alang iyon sa panaginip niya.

Bago pa niya mapunas ang mga luha sa pisngi ay ginawa na iyon ni David. Bawat bagsak ng luha niya ay pinupunas nito.

"Ang Uncle ko rin ba ang may kasalanan kung bakit ako natagpuang may mga tama ng baril? Kaya wala akong maalala ngayon?"

Tumango ulit si David at nagpatuloy sa pag-punas ng kanyang mga luha. "Ang sabi mo ay maghanda kami sa pagbalik mo. Hinintay ka namin. Lumipas ang dalawang araw, hanggang sa umabot ng isang linggo at hindi ka pa rin bumabalik doon. Kaya humingi ako ng permiso sa Mama mo na sundan ka rito. Pagdating ko rito ay nawawala ka raw. Hinanap ka namin. Hinanap kita."

She wanted to ask him kung boyfriend niya ba ito. Pero sa mga inaasta at ikinikilos nito sa kanya ay tama na iyon na sagot.

"Ang Mama ko?"

"Binabantayan ko siya katulad ng bilin mo. Hindi ko siya pinapabayaan, tinitiyak ko parati ang kaligtasan niya, katulad ng gusto mo."

Pinagmasdan siya nito habang nakatingin siya rito. Napakaganda ng mga mata nito, nangungusap iyon. Unti-unti, inilapit nito ang mukha sa kanya. Napapikit siya. Hinintay niyang dumampi at lumapat ang labi nito sa labi niya, ngunit sa halip na sa labi niya nito idampi iyon ay naramdaman niya iyon sa kanyang noo.

"Kailangan ka ng Lolo mo. Kailangan ka ng Denmark."

Related chapters

  • The Crown Princess    Chapter 7

    "Ang sabi ng isang servant sa palasyo ay palala lamang nang palala ang kalagayan ng Lolo mo roon. Nakakulong ito sa isang silid at hindi hinayahayaan lumabas. . ." Tahimik siya habang pinakikinggan ang kwento ni David patungkol sa nangyayari roon sa Denmark simula nang mawala siya. Hindi niya maalala ang ginawa sa kanya ng kanyang Uncle Octavio. Pero base sa mga kwento ni David ay masasabi niyang napakasama nito. Hindi makatao ang mga ginawa nito at hindi rin siya makapaniwala na nagawa nito ang lahat ng mga iyon para lamang sa trono at korona ng Denmark. "Binaliktad niya ako. Pinalabas niyang sinubukan kong pagtangkaan ang hari—Gustuhin man namin iligtas ang Lolo mo ay hindi namin magawaPinaghahahanap kami roon ng batas kaya hindi kami makalapit ng palasyo. Pati ang daan sa Throne room ay hinigpitan nila, nagdagdag pa sila ng mga bantay roon." Napapikit siya nang bigla na naman sumakit ang ulo niya. Napahawak siya sa buhok niya. Sa dami ng nalaman niya ngayon ay talaga namang sasak

    Last Updated : 2023-04-24
  • The Crown Princess    Chapter 8

    Wala siyang silbi. Iyon ang pakiramdam ni Louise sa mga sandaling iyon. Wala siyang ala-ala kaya wala man lang siyang magawa.Dahan-dahan niyang nilingon si David na ginagamot ang sarili nitong sugat. Kitang-kita niya sa mukha nito na nasasaktan ito, ngunit wala siyang naririnig mula sa bibig nito na ingay. Napatingin siya roon sa ibabaw ng lamesa sa harapan ni David, kung nasaan ang bala ng baril na inalis nito sa braso. Ang kulay ginto na bala ay nabalutan ng pula mula sa dugo nito.Nang umangat si David ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Nahihiya siyang umiwas ng tingin at humarap sa bintana, pinagmasdan niya ang labas. Doon niya lang napansin na umuulan pala."Kumain na tayo."Napaayos siya ng upo nang magsalita si David sa tabi niya. Siguro'y sa sobrang pag-iisip, hindi niya na naramdaman ang presensya nito.Tango lamang ang isinagot niya rito. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang kusina para maghain. Akma siyang kukuha ng plato, ngunit pinigilan siya ni David."Ako na, ma

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 9

    "Anong balak mong gawin sa kanya?"Inanggulo ni Louise ang ulo niya para makita si Faith. Nandito sila ngayon sa basement, sa isang bahay na pagmamay-ari ni Charlie. Dito sila magpapalipas ng gabi ngayon.Bukas ay pupuntahan niya si Ara para ipaalam na bumalik na ang ala-ala niya. Magpapasalamat din siya dito sa lahat ng mga ginawang kabutihan at sa tulong nito sa kanya bago siya bumalik ng Denmark. Gusto rin niya makausap si Renzo. Alam niyang may darating din na babae para rito na ibibigay ang hindi niya kayang ibigay.Sina Renzo at Ara ang nasa tabi niya noong mga panahon na wala siyang maalala. Na kahit sa kabila ng walang kasiguraduhan kung isa ba siyang mabuting tao o masama ay hindi siya pinabayaan ng mga ito. Blood is no longer thicker than water. Nowadays strangers help us more than our relatives. Kung alam niya lang na ganitong uri pala ng pamilya ang meron siya, sana hindi na lang niya nalaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya.Pumihig si Louise sa kanyang harapan at inali

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 10

    "Malalim na ang gabi, malamig dito. . ." Nag-angat si Louise nang tingin sa kanyang harapan. Nandoon si Marco, nakatayo. Humithit ito sa hawak sa sigarilyo at saka itinapon sa lupa bago inapakan.Napatitig siya rito. Kailan pa ito natuto manigarilyo? Kilala niya ang binata na hindi naninigarilyo, maging ang amoy ng usok ay kinaiinisan nito. Pero heto ito ngayon sa harapan niya. . . may hawak na sigarilyo at tila ba sanay na sanay gumamit.Pinanuod niya ito humakbang palapit sa kanya at maupo sa tabi niya. Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Tinangka niya magsalita, ngunit hindi niya magawa, tila ba nalunok niya ang sariling dila sa mga oras na iyon."Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ni Marco sa kanya. Isinandal nito ang ulo sa dingding at pinag-krus ang magkabilang braso. "Hindi ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya na nakangiti ang nakikita ko."Dahan-dahan niyang ipinihig ang ulo at bahagyang binalingan si Marco. Nakapikit ang mga mata nito."Kumusta ka?" H

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 11

    Alas nuebe ng gabi nang lumapag ang pribadong eroplano na sinasakyan nila Louise sa paliparan ng Denmark. Wala na silang dapat ikabahala pa dahil ligtas ang paglapag nila sa gabi na iyon.Isinuot niya ang itim na facemask. Tumayo na siya para sumunod kay Faith pababa. Deri-deritso lang ang lakad niya hanggang makarating sa van na naghihintay sa kanila. Nang pumasok na si David sa loob ng van at naupo sa tabi niya ay umandar na ang van paalis.Hindi na siya makapaghintay na makitang muli ang kanyang Ina. Nasasabik na siya na mayakap ito. Napakarami niya rin ditong gustong sabihin at ikuwento. Sa mga panahong wala siyang ala-ala, kung may nangyaring hindi maganda sa kanyang Ina dahil wala siya sa tabi nito ay hindi niya talaga mapapatawad ang sarili.Nahinto ang pag-iisip niya sa mga sandaling iyon nang huminto ang sinasakyan nilang van. Nagkatinginan silang dalawa ni David at sabay na tumingin sa driver seat, kung saan nandoon ang driver na nagmamaneho. "Check point," bulalas ni Alec

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 12

    "Hindi kasalanan ng isang anak ang kasalanan ng Ama," wika ng Ina ni Louise habang nagpapagpag si Louise ng hihigaan niya."Alam ko yun, Ma," sagot ni Louise sa kanyang Ina. "Hayaan mo muna ako iproseso ang mga sinabi ni David. Kung talagang nagbago na si Olga, mabuti kung ganon. . . Pero ngayong gabi, ayaw ko muna sila isipin. Gusto ko muna matulog nang mahimbing habang katabi kita. Pwede ba yun, Ma?"Nagbuntong-hininga ang Ina ni Louise bago tumayo at lumapit sa kanya. Ngumiti ito at tumango. "Matulog na tayo. Ipagluluto kita bukas ng almusal."Nang gabing iyon katabi niya ang kanyang Ina habang nakayakap ito sa kanya. Pero tila kabaligtaran sa gusto niya ang nangyari dahil sa halip na makatulog siya nang mahimbing ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata kahit madaling araw na. Hindi siya makatulog. Hindi siya pinapatulog ng mga nalaman niya.Noon pa ma'y wala na siyang patunay na kasabwat si Olga ng kanyang Uncle Octavio o may kinalaman ito sa mga pagtatangka sa buhay niya. H

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 13

    “N-No. . .”Iyon lang ang gustong marinig ni Louise mula sa pinsan niya, na hindi ito sumasang-ayon sa kagustuhan na pagpapakasal. Sapat na ang salita na iyon para ilabas niya ito sa magaganap na kasalan.“I will you out of this," matigas niyang sabi.Kahit gusto niya pa makausap ng matagal si Yasmin ay hindi iyon maaari. Hindi pwede magtagal na wala sa palasyo sina Yasmin at Olga dahil tiyak tumakas lamang ang mga ito sa mga body guard sa tulong ni Aamir. Trente minutos lamang ang ibinigay ni Aamir sa dalawa para makausap siya.Nabanggit din ni Olga kanina sa mensahe nito na naghihinala na ang Uncle Octavio niya na nakabalik na siya rito sa Denmark. Kaya naman ikinalat nito ang mga tauhan nito sa bawat lugar na malapit at sa labas mismo ng palasyo para lamang hanapin siya.Mamaya, pag-uwi niya ay paplanuhin niya ang pagtakas kina Yasmin at Wanda. Hindi pwede manatili ang mga pinsan niya sa kasama ang Uncle nila.“We need to leave now, Yasmin. Aamir's waiting. Let's go." Hinila ni Olg

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Crown Princess    Chapter 14

    Tinanggap ni Louise ang nakalahad na kamay ng lalaki sa kanyang harapan. Muli siyang ngumiti bago nagpadala sa kabilang table kung nasaan si Jonas.Sa pagtama ng mga mata nila ni Jonas ay kita niya kung paano ito magningning ngayong kaharap na siya nito. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at inabot ang kamay sa kanya.“You look ravishing. . . and seems familiar. Have we met before? Oh, by the way, I'm Jonas.”“I don't think so.” Malandi siyang tumawa at umiling. “If we had met before, I am sure I will never forget you. Especially a masculine one is my type.” Binigyan niya ito nang malagkit na tingin mula ibaba hanggang taas. “Anyway, I'm Martha Cecelia.”“Well, Martha Cecelia, care to explain why a beautiful woman like you was alone here?” Jonas asked with a flirtatious edge lacing his voice."Well I'm not alone anymore, am I?"Ramdam niyang nakuha na niya si Jonas sa sandaling iyon. Hindi magtatagal ay mag-aaya na ito umalis kasama siya."Wow. Beautiful with a sense of humour. It must be

    Last Updated : 2024-01-25

Latest chapter

  • The Crown Princess    Chapter 50

    Kasunod si Sergeant Precilla Williams ay naglakad si Louise palabas ng Christian IX's Palace, sa opisina ng kanyang Lolo. Ang dahilan ng biglaang pag-uwi ng Lolo niya ay tungkol sa kanya. Ipapakilala na raw siya nito mamayang gabi sa publiko.Hindi niya iyon inaasahan. Alam naman niya na mangyayari iyon pero hindi niya inaasahan mapapaaga. Ang alam niya kasi ay pag-uwi pa ng kanyang Ina rito sa Denmark magaganap ang pagpapakilala na isa rin siyang Prinsesa—at hindi pa ngayon.Pagkababa niya ng hagdan ay agad niyang nilakad ang pasilyo papunta sa kanyang silid. Naroon ang Lieutenant Commander, tuwid na tuwid na nakatayo. His eyes bore into her, pagkatapos ay yumuko. His masculine scent reached her nose nang tumapat siya rito."Tingnan mo kasi siya as a David, iyong ordinary David, and not David as your Body Guard."Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Faith kahapon."Do you need anything, Your Highness?" Lieutenant Commander asked her softly.She quickly composed herself. "Nothing

  • The Crown Princess    Chapter 49

    "Your body guard is a whole snack, Louise! Isn't he an eye candy?" Yella giggled, and sat down beside her."Hindi ko alam." Louise thought were converged on Lieutenant Commander David Nielsen and his attitude towards her. Mabait sa kanya ang Lieutenant Commander. Bukod kay Marco, Alec at Charlie, komportable rin siya sa Lieutenant Commander. Hindi siya naiilang dito at magaan ang pakiramdam. Dahil siguro may dugo rin itong Pilipino? Basta hindi niya alam."Tingnan mo kasi siya as a David, iyong ordinary David, and not David as your Body Guard." Tawa ni Faith sa harapan ng lababo, naghuhugas ng kinainan nila. "Ewan ko na lang kung hindi ka ma-fall sa kanya."David as an ordinary, and not David as the Lieutenant Commander who works for them. . .An unknown reason sent an inner warmth spreading through Louise, igniting across every part of her body. It felt simultaneously, peculiar and wonderful, a feeling so dated and unfamiliar she haven't even known.Napalunok siya nang may kung ano'n

  • The Crown Princess    Chapter 48

    Nakakabingi ang katahimikan sa buong paligid. Nasa pwesto na ang lahat. Ang hudyad na pagsabog na lang doon sa likod ang hinihintay nila para sumugod mula rito sa harapan at pasukin ang loob.Napatingin si Louise sa babaeng nasa kabila ni Lieutenant Commande. May hawak-hawak itong shotgun. Bilog na bilog ang buwan ngayon at ito rin ang nagbibigay ilaw sa kanila para makita ang isa't-isa. Natatakpan man ang ilong at bibig ng babae ng itim na tela, at tanging mga mata at mahahabang mga pilik lang ang nakikita niya ay alam niyang si Yella iyon.Kung wala ang Lieutenant Commander na siyang nagiging harang sa pagitan nilang dalawa, at kung sakaling lumingon si Yella sa kanya, kahit na may takip din ang ilong at bibig niya ay makikilala siya ng kaibigan niya dahil sa grupo nila, siya lamang ang may asul na mga mata.Louise sighted heavily as she prepared herself to explain to her best friend after this mission."David," she whispered, tentatively stepping towards the Lieutenant Commander. "

  • The Crown Princess    Chapter 47

    "Prinsesa ka," Marco said.Louise couldn't tell if it was a statement or a question, it sounded like a bit of both.Tumango si Louise.Sinabi niya ang lahat kay Marco. Simula roon sa umuwi siya ng bahay nila noong araw na malaman nila na wala na si Lorenzo, ang narinig niya ng araw din na iyon sa kanyang Ina at sa Hari, ang pag-amin ng kanyang Ina ng katotohanan, ang pag-alis nila pagkatapos pumunta ng grupo nila sa Laguna, at ang pagdating nila roon sa Denmark."Prinsesa ka," Marco said, again. He sounded dazed, like he had just woken up from a rather strange dream and he wasn't quite sure what to make of it.Muli, tumango si Louise.Marco was quiet for a few as he was in his own thoughts. "E, yang kasama mo, ano yan, Prinsipe?" Inginuso nito ang Lieutenant Commander na nakaupo sa mahabang couch, nakatingin sa kanila rito sa ibaba ng hagdan."Hindi. Lieutenant Commander yan ng Danish Navy at Navy SEAL. Bantay ko," sagot niya."Isa lang ang bantay mo?"Kung puwede nga na isang lang an

  • The Crown Princess    Chapter 46

    "Your Highness. . ."Nilingon ni Louise ang Lieutenant Commander sa likod. Kapapasok lang nila rito sa bahay na inuupuahan nila noon. Ang bahay na ito ay binili na ng kanyang Lolo sa may-ari nito bago sila umalis. Dito siya lumaki kaya gusto ng Lolo niya na kapag uuwi siya rito ay makikita niya pa rin ang bahay na kinalakihan."Louise," she immediately corrected him. Ayaw niyang maging pormal ito ngayon. Wala sila Denmark. Ayos lang naman iyon, di ba? "Just Louise."Lieutenant Commander David Nielsen stared at her for a moment, and then nodded. "Anong oras tayo pupunta sa boyfriend mo?"She blinked at him. "Ha?" Of course she heart it clearly, hindi niya lang alam ang isasagot. She was pretty sure na bantay sarado siya nito dahil iyon ang ibinilin ni Yasmin sa Lieutenant Commander kahapon. Hindi raw siya puwede umalis nang hindi ito kasama.Dapat ba niya sabihin dito ang totoong dahilan kung bakit silang dalawa narito?Hindi puwede. Nasa rule iyon ng samahan nila. Kailan man ay hindi

  • The Crown Princess    Chapter 45

    "Danish royals don't reveal a new baby's name until her or his christening ceremony. Danish are also traditional baby naming ceremonies."Kailangan niya umuwi ng Pilipinas. Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Louise bahang nandito siya sa kanyang Etiquette Class kay Miss Anna.Hindi niya magawang mag-focus sa mga itinuturo ng kanyang guro dahil sa kaiisip sa mga kaibigan niya na sasabak sa misyon. Hindi niya hahayaan na pumunta sa misyon ang mga iyon na wala siya. Kailangan niyang umuwi."When Prince Octavio and Princess Victoria of Denmark welcomed a baby daughter in 1990, they followed this protocol and announced her name to be Olga Marguerite Francoise Marie during her christening service," pagpapatuloy ni Miss Anna.Alam ni Louise sa sarili niyang nangako siya sa kanyang Ina na hindi na babalik pa sa samahan nila. Oo, gagawin niya iyon. Pero hindi niya basta puwede pabayaan na lang ang mga kaibigan. Kailangan niya umuwi ng Pilipinas. Kailangan siya ng mga kaibigan niya.

  • The Crown Princess    Chapter 44

    "You're awake."Thyra didn't answer. "The dinner is about to serve. Go, get ready."She nodded and quickly got out of the bed wincing lightly, holding a comforter to hide her body. She walked to the bathroom and quietly closed the door, before locking it.Humarap siya sa salamin. Noong mga bata pa sila nina Yasmin, Wanda, at Olga, siya ang pinakapalaban at ang matapang. Si Olga ang maldita at pasaway. Si Yasmin naman ang pinakamabait at si Wanda naman ang pinakamaintindihin at maaasahan. Pero nasaan na ang palaban at matapang na Thyra na iyon ngayon? This woman in front of the mirror is a pathetic one. This isn't the Princess Thyra of Denmark. This isn't her. . .She removed the comforter to take a shower. Once she was done, she smoothed down a print-sized red Carolina Herrera coat. Tinakpan niya ng makeup ang bakas ng sampal ng asawa niya. She used to do that, sanay na sanay na siya gawin iyon. Sa palasyo ng Morocco, kapag sinasaktan siya ng asawa niya at nagkakaroon iyon ng pasa ay

  • The Crown Princess    Chapter 43

    Minutes or hours later, Louise was completely unsure. The pain in her chest had subsided and she could actually think. Her thoughts resurfaced and she opened her eyes, trying to drink in her environment.Naalala niya ang nangyari kanina. Bago magsimula ang karera nilang dalawa ni Olga ay nahihirapan siya huminga. At sa gitna ng karera nila ay hindi na niya talaga kinaya at napabitaw na sa tali. Boses ni Lieutenant Commander David Nielsen ang huli niyang narinig bago siya mawalan ng malay. Sinalo siya nito mula sa pagkahulog sa kabayo?Inilibot ni Louise ang paningin. She was on a bed somewhere. . ."Oh, finally, you're awake," said Olga, rolling her eyes. "You've been out in the middle of our race. Do you realize how much of a waste of time that was for me?"Hindi agad nakapag-react si Louise sa sinabi ni Olga. Hindi niya inaasahan na pagmulat niya ay si Olga ang bubungad sa kanya."Olga," si Yasmin.Olga shrugged and shifted her gaze to Yasmin. "What?""Don't start. Please," nakiki-u

  • The Crown Princess    Chapter 42

    Katulad nang ipinagtataka ni Louise, ganoon din ang ipinagtataka ng Aunt Victoria at Uncle Octavio niya—Kung paano raw nakapasok ang lalaking iyon sa palasyo.Hindi rin alam ni Louise. Hindi niya talaga alam. Kataka-taka naman na hindi man lang nakita ng mga guwardya na nagbabantay roon sa labas ng palasyo ang lalaki na nagtangka sa kanya. Wala raw lumalabas sa palasyo ng mga oras na iyon.Buong gabi ay inisip ni Louise kung paano iyon nangyari. Hindi siya nakatulog.Wore a Chambray midi skirts and white bell sleeved shirt with a black belt, Louise slipped on the black over-the-knee boots. Ngayon ang Horse Parade. Ngayon din ang karera nilang dalawa ni Olga.Her cousin Olga was growing spoiled, she could tell. Hindi ito sanay na hindi pinagbibigyan sa gusto. Kung anong gusto nito ay iyon dapat ang masunod. At kung gusto nito na magkarera sila, sige, pagbibigyan niya ito.Louise grabbed her suede hat and went outside. Sergeant Precilla Williams curtsied when she saw her.Habang tinatah

DMCA.com Protection Status