Home / Romance / It's Not Goodbye / Chapter 71 - Chapter 77

All Chapters of It's Not Goodbye: Chapter 71 - Chapter 77

77 Chapters

KABANATA 71

Sa hangarin kong makatulong kay Chris, nangutang ako ng pera kay Tess. Pero konti lang din ang napahiram sa akin kasi nagkasakit din daw ang asawa niya. Umutang na rin ako kay kuya Roger kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Chris. I am just glad na hindi naman siya tumututol sa amin.Nagdaan pa ang maraming mga araw, nagtaka naman ako sa mga pagbabago ni Chris. Hindi na siya laging tumatawag sa akin. Dati naman, hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako nakakausap. Mapa-tawag o mapa-chat man. Pero ngayon hindi na siya araw-araw nag-uupdate sa akin. I find it very unusual kasi hindi naman siya ganito. Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga posibleng dahilan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan na maging negatibo ngunit pilit kong nilalabanan 'yon at iniisip na lang na baka busy lang talaga siya sa trabaho dahil sa babayarang mga utang."Balita ko ikakasal na raw talaga ang kuya Chris mo doon kay Leslie, kasi buntis raw eh." Narinig kong usapan ng mga grade
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more

KABANATA 72

Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more

KABANATA 73

"Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki
last updateLast Updated : 2024-07-07
Read more

KABANATA 74

Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam
last updateLast Updated : 2024-07-08
Read more

KABANATA 75

Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n
last updateLast Updated : 2024-07-16
Read more

KABANATA 76

Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la
last updateLast Updated : 2024-07-16
Read more

KABANATA 77

Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak
last updateLast Updated : 2024-07-17
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status