Home / Romance / It's Not Goodbye / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of It's Not Goodbye: Chapter 11 - Chapter 20

77 Chapters

KABANATA 11

Hindi ko napigilang umiyak nang mag-usap kami ni Chris. Ewan, mababaw lang talaga ang luha ko kapag kaibigan ang pinag-uusapan. "Sssh..h'wag kang umiyak", saway ni Chris sa akin. Nakita kong nakatingin si Bea sa amin kaya agad akong nagpahid ng luha baka makahalata na rin 'yong iba. Tiningnan niya ng masama si Chris na parang tinatanong nito, "Oh napa'no 'yan si ma'am? Ba't umiiyak" "Sorry na, kung hindi man ako nagreply sa chat mo. Masama lang talaga ang loob ko sa 'yo. Pero okay na ako ngayon", mahinang wika ni Chris. "So, why did you unfriend me on F******k? At bakit binura mo 'yong nickname na naka-set doon sa messenger?" "Hindi ko alam kung bakit. Nabigla lang kasi ako nu'ng time na nagalit ka. Kasi sabi mo, pinutol mo na ang connection mo sa akin" "Nope. I was referring to all of you, kasi syempre galit ako that time. But it doesn't mean na kung galit ako, mawawala na rin 'yong friendship natin. When I'm talking in the front, hindi lang sa isang tao ako nakikipag-usap, kund
last updateLast Updated : 2023-09-09
Read more

KABANATA 12

Kahit masakit sa loob ko, kailangan ko na lang tanggapin na 'cold' na ang pakikitungo ni Chris sa akin. Lalo na't sa tingin ko nagkakamabutihan na sila ni Rhona, Pero nagcha-chat pa naman kami minsan, hindi na nga lang gaya ng dati. "Buds, masyado ka na yatang inlove dyan kay Rhona! Alam mo hindi ko siya gusto para sa iyo. May nalaman ako tungkol sa kanya. Kung ayaw mong makinig, bahala ka", sabi ko sa kanya sa chat, kinagabihan pagkatapos kong maghapunan. Masyado lang kasi talaga akong maprangka dahil unang-una kaibigan ko si Chris at ayaw kong masaktan siya. Kaya sinasabi ko talaga kapag ayaw ko sa isang tao para sa kanya. Wala naman akong problema sa personality ni Rhona. Maganda naman ito at medyo mahinhin. Kaya lang, may naoobserbahan kasi akong hindi tama. Ayaw ko sanang sabihin 'yon kay Chris, baka sabihin niyang pakialamera ako. Pero mas nangingibaw naman ang pagiging adviser ko sa kanya at pangalawang nanay niya sa school. Ganito din naman ako sa ibang mga estudyante, nakiki
last updateLast Updated : 2023-09-11
Read more

KABANATA 13

Mabilis na nagdaan ang mga araw at palapit ng palapit na ang araw ng completion ceremony. Excited na rin ang mga estudyante na makakapagtapos na ng Junior High School. Magkahalong saya at lungkot ang aking nadarama kasi malapit ng matatapos ang school year at bakasyon na naman. But at the same time, I also feel sad dahil hindi ko na palaging makikita si Chris sa school. Kahit naman kasi nagbago na siya sa akin, at hindi na kami nagcha-chat gaya ng dati, kaibigan pa rin naman ang turing ko sa kanya. Hindi naman mawawala 'yon. At kahit sabihin man nating the reincarnation is over, but I couldn't deny the fact na may pinagsamahan din kami dahil estudyante ko naman siya at naging bahagi na ng buhay ko bilang guro. Pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nasasaktan ako, kapag nakikita ko silang dalawa ni Rhona na magkasama? Hindi pa naman daw sila magkasintahan pero ba't parang nagseselos ako sa closeness nilang dalawa? Hindi naman tama 'tong nararamdaman ko. Hindi na siya bahagi
last updateLast Updated : 2023-09-13
Read more

KABANATA 14

Napagkasunduan ng lahat ng mga grade 10 advisers na ire-release ang mga documents ng mga estudyante a day after the completion para wala na kaming iisipin pa. Kaya alas otso pa lamang ng umaga ay nagsipagdatingan na ang iilang mga estudyante para kumuha ng card at good moral. "Ma'am, kailan pa nga po 'yong bonding natin? Next week?", tanong sa akin ni Bea. "Siguro nak. 'Yon naman kasi ang napagkasunduan ng mga kaklase mo di ba?" "Pero sasama po kayo ma'am?" "Hindi ako sure nak, kasi may mahalaga akong lalakarin next week. Basta ngayong linggo lang ako libre", sagot ko. "Eh di bukas nalang ma'am para makakasama po talaga kayo!", sabay-sabay na sambit ng iilan. "Pwede naman nak. 'Yon, kung okay lang sa inyong lahat" "Oh sige po ma'am, magsend ako sa gc natin. Kung sino lang ang sasama basta't ang importante makakasama po kayo ma'am", wika ni Bea. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Maya't maya'y dumating sina Chris at si CJ. Akala ko, magmamano siya sa akin kasi iniisip ko, a
last updateLast Updated : 2023-09-18
Read more

KABANATA 15

After our bonding hindi na kami muling nagkita pa ni Chris, Bakasyon na rin kasi at umuwi na ako sa bahay namin sa city. Besides, alam kong busy na rin 'yon sa pagsali ng mga liga sa basketball sa kanilang baryo. Malapit na rin kasi ang pista sa kanila and I think sa susunod na buwan na. Minsan kasi nabanggit niya ito sa akin n'ung lagi pa kaming nag-uusap sa school. Naalala ko pa, nu'ng sinabi niya, "Hoy, dumalo ka sa championship namin ha. Kapag wala ka du'n, hindi talaga ako gaganahang maglaro." Ganito din naman kasi ang laging sinasabi sa akin nu'n ni Alex everytime na may laro siya. Kailangan daw manood ako para ganahan siyang maglaro. At ang laging sagot ko, "Bakit vitamins mo ba ako?" Sabay tawa ng malakas. At sasagutin din naman niya ako, "Of course naman, ikaw ang vitamins ko kaya dapat nandu'n ka talaga para malakas ako at siguradong mananalo ang team namin". At saka, tatawa kaming dalawa na para nga bang biro-biro lang ang lahat. Kaya nu'ng sinabi din ito sa akin ni Chris
last updateLast Updated : 2023-09-19
Read more

KABANATA 16

Dahil sa pareho kong kaibigan si Chris at Rhona sa f******k, updated ako lagi sa mga posts nila, kaya alam kong nagkakalabuan na sila. Dati kasi, palaging nagre-react si Chris sa mga post ni Rhona and vice versa. Pero ngayon hindi na. At saka, napakaingay na ni Rhona sa f******k laging nagpaparinig at alam kong patungkol 'yon kay Chris. Nagpatuloy ako sa pag-iskrol sa f******k ngunit may nagpop-up na message. Galing 'yon kay Bea."Hi ma'am! Kumusta po kayo?""Nabalitaan niyo na po ba ang nangyari kina Chris at Rhona ma'am? Sabi ko po sa inyo 'di ba ma'am, isang buwan lang 'yan sila."Magkasunod na chat nito at nilagyan pa ng maraming laughing emojis sa dulo ng message niya. "Kaya nga nak eh, kawawa naman si Chris. Inlove pa naman 'yon kay Rhona. Napakaseloso naman kasi!", reply ko sa kanya."Eh kasi naman po ma'am. Hindi talaga si Rhona ang nakatadhana para kay Chris, kundi kayo po!"At nilagyan ulit ng laughing emojis. Natawa tuloy akong bigla sa message nito. Hanggang ngayon kasi
last updateLast Updated : 2023-09-20
Read more

KABANATA 17

Mabilis na dumaan ang dalawang linggo at pasukan na naman for the new school year. Parang kahapon lang 'yong aming completion. Tapos ngayon, panibagong taon na naman sa paaralan.Back to the usual routine, maaga akong nagising para makapaghanda sa pagpasok sa school. But before that, I sent first my morning greetings sa gc namin ng batch nila Bea. So far, ito lang ang naiiwang gc sa messenger ko, kasi nag left na ako du'n sa iba. Sa lahat kasi ng mga naging estudyante ko sa grade 10, du'n ako mas na attached sa batch nila. Of course kasi nandu'n siya. Si Chris, sino pa nga ba!Sa batch kasi na 'yon, du'n ko nakilala ang kamukha ni Alex. Du'n ko naranasang umiyak, tumawa, makipagbiruan at magalit ng sobra. Nakilala ko rin si Bea na alam kong totoong itinuturing ako na isang kaibigan. 'Yong kahit hindi ko na siya estudyante ay patuloy pa ring nangangamusta sa akin. Nararamdaman kong mahal niya talaga ako, bagama't alam kong ganu'n din ang trato ng mga kaklase niya sa akin but Bea is st
last updateLast Updated : 2023-09-21
Read more

KABANATA 18

Nagdaan pa ang mga araw at unti-unti na rin akong nasasanay sa mga estudyante kong sobrang pasaway sa klase. Wala din naman kasi akong magagawa, kaya tanggapin nalang na ang magkaroon ng ganitong uri ng mga mag-aaral ay parte na ng buhay ko bilang isang guro. Ayaw ko namang magpaka-stress sa kanila, kaya most of the time nagpre-present lang ako ng mga PPT lessons at pagkatapos, nagbibigay ako ng activity. Fifteen minutes discussion and then seatwork or group activities afterwards. After my class lalabas na ako at du'n ko nalang sa faculty room tinatapos ang mga ginagawa ko, para naman maiwasan kong ma-stress sa kanila at baka atakehin pa ako sa puso. Diyos ko, ayaw ko pang mamatay! I have all the reasons to live. I have my daughter who loves me. Nandyan pa si mama at mga kapatid ko. I have my friends naman at kahit konti lang sila, I know they genuinely care for me. Nand'yan si Bea na itinuturing talaga akong kaibigan at mga previous students ko na nagmamahal sa akin. Nand'yan s
last updateLast Updated : 2023-09-22
Read more

KABANATA 19

Para makalimutan ko si Chris, I kept myself busy. Kapag wala akong klase, gumagawa ako ng mga PPT slides for my English lessons at pagkatapos, magwawasto ako ng mga papel ng aking mga estudyante saka ko naman i-enter sa E-class record. Sa gabi, maaga akong natutulog at minsan na lang ako nagpi-f******k. Pero nakikipag-usap pa rin ako sa mga previous students ko du'n sa gc namin. Hindi rin naman tama na idadamay ko sila dahil lang sa problema ko kay Chris. Hindi naman nila alam ang tungkol sa aming dalawa. Oo nga't lagi nila kaming nakikita ni Chris na nag-uusap noon but I guess, hindi nila binigyan ng malisya 'yon kasi nasa isip nila natural lang 'yon sa akin. Ayaw ko namang magbago ako ng pakikitungo sa aking mga previous students. Mahal ko silang lahat at itinuturing ko talagang parang tunay kong mga anak. At kahit hindi ko na sila mga estudyante ngayon kasi Senior High na sila, pero ayaw kong baguhin ang pagtrato ko sa kanila, kaya lagi ko pa rin silang kinukumusta every now and
last updateLast Updated : 2023-09-23
Read more

KABANATA 20

Pasado alas syete na ng gabi nang makauwi kami ni Tess ng boarding house. Dumiretso agad ako ng kwarto kasi kailangan ko ng magpalit ng pambahay at masyado na akong naiinitan sa soot kong school uniform. Kanina pa ito basang-basa ng pawis kaya ang lagkit-lagkit na sa pakiramdam.Si Tess naman ay dumiretso agad ng comfort room kasi kanina pa raw siya gustong magbawas, Madami kasing inorder na pagkain na animo'y gutom na gutom talaga. Hindi naman naubos kasi masyado na kaming busog. Heavy snacks kasi kinain namin kaya para na rin kaming nakapaghapunan na.Habang nasa loob ako ng aking kwarto, ay bigla na namang sumagi sa isipan ko ang tungkol kay Chris at Jackie. Akala ko wala na 'yong epekto sa akin. Pero bakit mas nasasaktan ako nang makita ko silang magkasama kanina, kaysa nu'ng time na nabalitaan kong sila na?At bakit, nu'ng magkatitigan kaming dalawa kanina, naramdaman ko pa ring mahal niya ako at mahalaga pa rin ako sa kanya?Pero bakit hindi naman niya ako pinansin ni ngumiti ma
last updateLast Updated : 2023-09-25
Read more
PREV
123456
...
8
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status