ISAMATAGAL akong nakatitig sa mukha ng doctor na kumausap sa akin. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya."Pero doc, ang akala ko po, normal lang ang sakit ng anak ko? Bakit ngayon, sinasabi n'yong puwede niyang ikamatay ito?""Hija, nagkamali ang huling doctor na nakausap n'yo. Mabuti nga't nadala mo rito ang bata. Maaagapan pa natin ang sakit niya."Hindi kumbinsidong umiling ako sa kaniya. "Hindi pa mamamatay ang anak ko, doc! Bawiin n'yo ang sinabi n'yo!""She will not die, pero kailangan niyang sumailalim sa bone marrow transplant. May rare blood disease ang anak mo, hija. Kapag hindi ito naagapan, manganganib ang buhay niya."Wala sa sariling hinampas ko nang paulit-ulit ang dibdib ko nang mahirapan akong huminga."Ang dami nang pinagdaanan ng anak ko! Pagod na pagod na siya."Naaawang tiningnan ako ng doctor. Hindi ko alam kung anong sakit ang tinutukoy niya, pero wala akong balak mawalan uli ng anak."Doc, iligtas n'yo po ang anak ko! Nakahanda akong pasukin ang laha
Terakhir Diperbarui : 2023-03-31 Baca selengkapnya