Home / Romance / The Billionaire's Unwanted Baby / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Unwanted Baby: Kabanata 11 - Kabanata 20

125 Kabanata

Chapter 10

ISAHINDI ako mapakali habang nakaupo sa gilid ng kama ng anak ko. Kauuwi lang namin ni Uno at saktong naabutan kong natutulog si Alas."Let's talk.""Ayaw kong lumabas," mabilis kong sabi sabay baling sa anak ko.Ayoko na dalhin niya ako sa kuwarto niya. Baka anong milagro na naman ang magawa namin.Bumuntonghininga siya at saka naupo sa dulo ng kama. Tutok na tutok sa akin. "Why did you lie to me?"Pahamak talaga itong si Alicia! At bakit ba kasi kailangang sundan pa ako nitong Uno na ito? Nabuking tuloy ako.Wala kong balak sumagot kaya nanatiling tikom ang bibig ko."Kanina pa kita tinatanong."Tiningnan ko ang mukha ni Uno. Gusto kong makita kung galit ba siya, pero wala naman akong mabakas na galit o kahit katiting na inis sa mukha niya. He actually looked... happy?"Okay, I'll change the question then. May asawa ka ba?"Kagat-labi akong umiling. Nakakainis! Nakakahiya! Nagmukha tuloy akong kawawa."May nobyo?"Umiling lang din ulit ako."May lalaki ka na bang ibang gusto?""Iba
Magbasa pa

Chapter 11

ISANAKITA ko kung paano naningkit ang mga mata ni Gwen matapos marinig ang sinabi ng manager. Napasinghap ang mga tao, kabila na ako, nang biglang umangat ang kamay nito at dumapo sa pisngi ng kawawang lalaki.Naglikha ng malakas na ingay ang sampal na ibinigay niya sa manager ng restaurant. Buong taong kumakain sa paligid ay nasa amin na ang mga mata, lalo pa't kilalang tao si Gwen."Bobo ka! Gusto mo ba talagang matanggal sa trabaho mo?"Pulang-pula ang mukha ni Gwen sa galit nang tuluyan nitong lapitan ang manager at tiningnan ang pangalan nito sa nametag."Listen here, Andrew Herrera! Starting today, you're fired! And I won't stop here! I'll make sure na walang ni isang restaurant sa Pilipinas ang magha-hire sa iyo!"Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. I know I should stop Gwen from harassing the manager, pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa akin noon at kung paanong halos mawala ang aking mga anak sa sinapupunan ko, nawawalan ako ng lakas. Nanginginig ako sa takot.
Magbasa pa

Chapter 12

ISA"I need some time."Natatakot ako habang nasa loob ng kuwarto ni Alas at pinagmamasdan itong matulog.Anong gagawin ko? Paano kung palabas lang ang lahat at may binabalak talaga sina Uno at Senyora Celestia? Hindi kaya... alam na nila ang tungkol kay Heart?"Oh, Diyos na maawain, huwag naman po sana."Marahan kong hinaplos ang buhok ni Alas. Mahimbing siyang natutulog. Sa loob ng tatlong taon, halos mabaliw ako sa pag-iisip kung nasa maayos ba siyang kalagayan. Pinagdadasal ko na sana hindi siya sakitin, hindi katulad ng kakambal niya.Paano kung kunin din nila sa akin si Heart? Hindi ko kakayanin. Baka mabaliw ako o mapatay ko sila."Anak, kailangan na natin umalis dito."Gagawa na ako ng paraan. Isang pagkakataon lang ang kailangan ko. Isang pagkakataon na mailabas si Alas, magiging malaya na kami.***Todo iwas ako kay Uno pagsapit ng umaga. Hindi ko nilulubayan si Alas kahit saan pa ito magpunta kaya walang pagkakataon si Uno na makausap o malapitan man lang ako.Kapag sinusub
Magbasa pa

Chapter 13

UNO3 YEARS AGO"Isa's pregnant. She's pregnant with my child."Huminto sa ginagawa nito si Mama, but she smiled while holding her cup of tea. Nandito kami sa malawak na hardin—sa loob ng kaniyang greenhouse. Madalas siyang magtsaa rito tuwing ganitong oras ng hapon."Then we should dispose her.""Didn't you hear me? She's pregnant with my own flesh and blood! Ako ang ama ng batang dinadala niya!"Mahina siyang natawa habang umiinom ng tea. "Ako yata ang hindi mo narinig. Kung nagbunga ang pagkakamali mo, mas lalo natin kailangan dispetsahin ang babaeng iyon!"Matagal akong natigilan. Hindi ako makapaniwala na ganitong klaseng tao ang babaeng kaharap ko. Ang sarili kong ina. I know she's capable of doing this, but not to her own grandchild."Don't hurt her.""Too late."Matalim niya akong tiningnan matapos ilapag ang tasa ng tsaa."Noong pinatulan mo ang pulubing iyon, dapat alam mo na ang mangyayari sa kaniya.""Ma, please! Nakikiusap ako, don't hurt Isa! Huwag mo siyang saktan—huwag
Magbasa pa

Chapter 14

UNOTUMIGIL sa pakikipag-usap si Mama sa mga kasama nito nang makapasok ako sa malawak na sala. Agad akong binati ng mga kasamahan niya, pero siya ay sandaling natigilan sa gulat."Oh, look who's here? My son!" Nilapag niya ang hawak na tasa at tumayo. "I thought I'd never see you again. This is surprising!""I have something to talk with you.""I'm sorry, hijo, but as you can see, I'm busy—""Now."Natigilan siya nang mapansin ang seryoso kong mukha. Hindi ko siya nilubayan ng tingin hangga't hindi siya tumatango."Excuse us, my amigos & amigas. Mukhang importante ang pinarito ng binata ko," nakangiti siyang nagpaalam sa mga kasama niya kahit halata sa mukha na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.Nagpatiuna siya sa paglabas. Nakasunod lang ako sa likuran niya hanggang sa makapasok kami sa loob ng library. Tumigil siya sa mismong gitna at lumingon sa akin. I locked the door behind me and walked towards her."Pinahiya mo ako sa mga amiga ko! Ano bang kailangan mo—""May kailangan akon
Magbasa pa

Chapter 15

ISAMAHIGIT isang araw na rin ang lumilipas simula nang umuwi si Uno mula sa probinsya. Isang araw na rin mula nang itanong niya sa akin ang bagay na iyon. Magmula no'n, iniwasan na niya ako."Uno, nagluto ako ng breakfast. Kain ka muna?" Humabol ako sa kaniya sa pintuan. Pilit akong ngumiti para pagaanin ang mood.Pero nawala rin ang ngiti sa mukha ko. Hindi na nga niya ako sinagot, hindi pa ako nilingon. Disappointed at malungkot ko siyang hinatid ng tanaw hanggang sa makalayo ang sasakyan niya sa mansion.Nanlumo ako at buong araw na walang gana. Hindi ako sanay na iniiwasan ni Uno, lalo pa't ang dahilan ay dahil sa naging trabaho ko.Nahihiya na rin ako sa kaniya. Paano ba kasi niya nalaman na ako ang babaeng naghubad sa birthday niya noon?Hindi ako proud sa trabaho ko, pero para sa anak ko, nilunok ko lahat. Ngayon na iniiwasan ako ni Uno dahil sa pagsasayaw at paghuhubad ko sa harap ng mga lalaki, pakiramdam ko, diring-diri ako sa sarili ko."Yaya, did you fight with daddy?"Na
Magbasa pa

Chapter 16

ISA"A-ano ang mga ito?"Natigilan ako sa tuktok ng hagdan ng mansion nang makita ang maraming shopping bags sa malawak na sala.Napatingin ako kay Uno sa tabi ko. Matapos niya akong yayain magpakasal noong isang araw, kung ano-ano na lang ang mga binibigay niya sa akin. Halos hindi na nga siya pumasok sa trabaho, panay tambay na lang dito kasama namin."These are for you.""Para sa akin?"Nakangiti niya akong hinila pababa ng hagdan. Hindi makapagsalitang inisa-isa ko ng tingin ang mga shopping bags sa harap namin nang makalapit. Iba't ibang brands ng shoes, mga damit, at bags."Uno, para saan ang mga ito?"Kinuha niya ang isang shopping bag na may kaliitan. Sa loob no'n, inilabas niya ang diamond hair clip at inipit sa gilid ng buhok ko.Tinitigan niya ako na puno ng paghanga. "Babawi ako, Isa. Ngayon na magkasama na tayo, ibibigay ko sa iyo ang lahat."Napangiti ako. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.This is too good to be true. Baki
Magbasa pa

Chapter 17

ISA"Saan ka galing?"Napapitlag ako nang may magsalita mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon nang makilala ang nagmamay-ari ng boses. Sinalubong ako ng matalim na mga mata ni Uno."Ha? A-ah, sa labas. Nakipagkita ako kay Alicia.""Alicia? Si Ali?""O-oo."Mariin akong lumunok. Bakit ba ako nauutal? Wala naman akong ginagawang masama. Nakakatakot naman kasi itong mga titig ni Uno. Parang lulunok ng taong buhay."Bakit?" tanong ko nang mapansin kong matagal siyang natigilan."Ayaw kong lumalabas ka nang hindi ko nalalaman, lalo na kung makikipagkita ka sa lalaki."Nagsalubong ang mga kilay ko sa tono ng pananalita niya. "Uno, hindi naman talaga lalaki si Ali. He's gay. At isa pa—""Lalaki pa rin siya.""Pero matagal ko na siyang kaibigan."At matagal na niya akong tinutulungan sa anak nating si Heart.Naiiling niyang hinila ang kamay ko patungo sa kuwarto niya. Nang makapasok ay pinaupo niya ako sa kandungan niya at sinimulang himasin ang mga braso at hita ko."Sundin mo na la
Magbasa pa

Chapter 18

ISAPALIHIM akong umalis ng mansion matapos magpaalam ni Uno para sandaling pumasok sa trabaho nito. Kadarating lang kasi ng mga invitation card, kinuha ko ang para kay Alicia.Sa totoo lang, pinilit ko talaga si Uno na imbitahan si Ali sa kasal namin. At first, he was hesitant, pero katagalan ay napapayag ko rin.Ito ang gagawin kong rason para mapuntahan si Alicia. Kahapon pa ako kinakain ng takot at kaba. Ni hindi na nga ako nakatulog dahil sa pag-aalala. Gusto ko nang takasan si Uno kanina pang madaling araw."Alicia! Anong nangyari sa anak ko? Kumusta si Heart? M-may nangyari bang masama? Lumala ba ang lagay niya?"Mahina niya akong pinalo sa braso. "Hindi! Ano ka ba? Ang sabi ko lang, emergency! Pero hindi ko naman sinabi na bad news!"Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi bad news? Ano ba kasing ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan, Ali! Mamatay-matay na ako sa pag-aalala mula kagabi!""Ay, sorry-sorry! Kasalanan ko! Hindi ko kasi sinabi agad. Ang gusto ko sana, sa personal
Magbasa pa

Chapter 19

ISANANLAKI sa gulat ang mga mata ni Uno dahil sa sinabi ko. Mabilis niya akong hinawakan sa kamay habang umiiling."No, baby, please! Don't do this.""Mauulit lang ang dati! Kung wala kang tiwala sa relasyon natin, madali lang tayong masisira ni Senyora Celestia!"Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero lumuhod siya sa sahig. Matagal na oras akong natigilan dahil sa ginawa niya."Mahal kita. Sobrang mahal lang talaga kita kaya natatakot akong mawala ka ulit sa akin. I'm sorry, Isa! Please, huwag mo akong iwan."Nangilid ang mga luha sa pisngi ko habang nakatitig sa mukha niya. Pain was visible in his eyes. This is my chance to stop the wedding, pero kapag hindi namin itinuloy ang kasal, hindi ko magagawa ang plano."I won't do it again! Mahal, please, patawarin mo na ako. I-if you want, mag-abroad tayo pagkatapos ng kasal."Bigla akong natigilan sa sinabi niya.He smiled at me. "Magbagong-buhay tayo kasama si Alas. Umalis na tayo ng Pilipinas para makalayo sa gulo, huh?""Aalis tayo?"
Magbasa pa
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status