ISAHINDI ako mapakali habang nakaupo sa gilid ng kama ng anak ko. Kauuwi lang namin ni Uno at saktong naabutan kong natutulog si Alas."Let's talk.""Ayaw kong lumabas," mabilis kong sabi sabay baling sa anak ko.Ayoko na dalhin niya ako sa kuwarto niya. Baka anong milagro na naman ang magawa namin.Bumuntonghininga siya at saka naupo sa dulo ng kama. Tutok na tutok sa akin. "Why did you lie to me?"Pahamak talaga itong si Alicia! At bakit ba kasi kailangang sundan pa ako nitong Uno na ito? Nabuking tuloy ako.Wala kong balak sumagot kaya nanatiling tikom ang bibig ko."Kanina pa kita tinatanong."Tiningnan ko ang mukha ni Uno. Gusto kong makita kung galit ba siya, pero wala naman akong mabakas na galit o kahit katiting na inis sa mukha niya. He actually looked... happy?"Okay, I'll change the question then. May asawa ka ba?"Kagat-labi akong umiling. Nakakainis! Nakakahiya! Nagmukha tuloy akong kawawa."May nobyo?"Umiling lang din ulit ako."May lalaki ka na bang ibang gusto?""Iba
ISANAKITA ko kung paano naningkit ang mga mata ni Gwen matapos marinig ang sinabi ng manager. Napasinghap ang mga tao, kabila na ako, nang biglang umangat ang kamay nito at dumapo sa pisngi ng kawawang lalaki.Naglikha ng malakas na ingay ang sampal na ibinigay niya sa manager ng restaurant. Buong taong kumakain sa paligid ay nasa amin na ang mga mata, lalo pa't kilalang tao si Gwen."Bobo ka! Gusto mo ba talagang matanggal sa trabaho mo?"Pulang-pula ang mukha ni Gwen sa galit nang tuluyan nitong lapitan ang manager at tiningnan ang pangalan nito sa nametag."Listen here, Andrew Herrera! Starting today, you're fired! And I won't stop here! I'll make sure na walang ni isang restaurant sa Pilipinas ang magha-hire sa iyo!"Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. I know I should stop Gwen from harassing the manager, pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa akin noon at kung paanong halos mawala ang aking mga anak sa sinapupunan ko, nawawalan ako ng lakas. Nanginginig ako sa takot.
ISA"I need some time."Natatakot ako habang nasa loob ng kuwarto ni Alas at pinagmamasdan itong matulog.Anong gagawin ko? Paano kung palabas lang ang lahat at may binabalak talaga sina Uno at Senyora Celestia? Hindi kaya... alam na nila ang tungkol kay Heart?"Oh, Diyos na maawain, huwag naman po sana."Marahan kong hinaplos ang buhok ni Alas. Mahimbing siyang natutulog. Sa loob ng tatlong taon, halos mabaliw ako sa pag-iisip kung nasa maayos ba siyang kalagayan. Pinagdadasal ko na sana hindi siya sakitin, hindi katulad ng kakambal niya.Paano kung kunin din nila sa akin si Heart? Hindi ko kakayanin. Baka mabaliw ako o mapatay ko sila."Anak, kailangan na natin umalis dito."Gagawa na ako ng paraan. Isang pagkakataon lang ang kailangan ko. Isang pagkakataon na mailabas si Alas, magiging malaya na kami.***Todo iwas ako kay Uno pagsapit ng umaga. Hindi ko nilulubayan si Alas kahit saan pa ito magpunta kaya walang pagkakataon si Uno na makausap o malapitan man lang ako.Kapag sinusub
UNO3 YEARS AGO"Isa's pregnant. She's pregnant with my child."Huminto sa ginagawa nito si Mama, but she smiled while holding her cup of tea. Nandito kami sa malawak na hardin—sa loob ng kaniyang greenhouse. Madalas siyang magtsaa rito tuwing ganitong oras ng hapon."Then we should dispose her.""Didn't you hear me? She's pregnant with my own flesh and blood! Ako ang ama ng batang dinadala niya!"Mahina siyang natawa habang umiinom ng tea. "Ako yata ang hindi mo narinig. Kung nagbunga ang pagkakamali mo, mas lalo natin kailangan dispetsahin ang babaeng iyon!"Matagal akong natigilan. Hindi ako makapaniwala na ganitong klaseng tao ang babaeng kaharap ko. Ang sarili kong ina. I know she's capable of doing this, but not to her own grandchild."Don't hurt her.""Too late."Matalim niya akong tiningnan matapos ilapag ang tasa ng tsaa."Noong pinatulan mo ang pulubing iyon, dapat alam mo na ang mangyayari sa kaniya.""Ma, please! Nakikiusap ako, don't hurt Isa! Huwag mo siyang saktan—huwag
UNOTUMIGIL sa pakikipag-usap si Mama sa mga kasama nito nang makapasok ako sa malawak na sala. Agad akong binati ng mga kasamahan niya, pero siya ay sandaling natigilan sa gulat."Oh, look who's here? My son!" Nilapag niya ang hawak na tasa at tumayo. "I thought I'd never see you again. This is surprising!""I have something to talk with you.""I'm sorry, hijo, but as you can see, I'm busy—""Now."Natigilan siya nang mapansin ang seryoso kong mukha. Hindi ko siya nilubayan ng tingin hangga't hindi siya tumatango."Excuse us, my amigos & amigas. Mukhang importante ang pinarito ng binata ko," nakangiti siyang nagpaalam sa mga kasama niya kahit halata sa mukha na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.Nagpatiuna siya sa paglabas. Nakasunod lang ako sa likuran niya hanggang sa makapasok kami sa loob ng library. Tumigil siya sa mismong gitna at lumingon sa akin. I locked the door behind me and walked towards her."Pinahiya mo ako sa mga amiga ko! Ano bang kailangan mo—""May kailangan akon
ISAMAHIGIT isang araw na rin ang lumilipas simula nang umuwi si Uno mula sa probinsya. Isang araw na rin mula nang itanong niya sa akin ang bagay na iyon. Magmula no'n, iniwasan na niya ako."Uno, nagluto ako ng breakfast. Kain ka muna?" Humabol ako sa kaniya sa pintuan. Pilit akong ngumiti para pagaanin ang mood.Pero nawala rin ang ngiti sa mukha ko. Hindi na nga niya ako sinagot, hindi pa ako nilingon. Disappointed at malungkot ko siyang hinatid ng tanaw hanggang sa makalayo ang sasakyan niya sa mansion.Nanlumo ako at buong araw na walang gana. Hindi ako sanay na iniiwasan ni Uno, lalo pa't ang dahilan ay dahil sa naging trabaho ko.Nahihiya na rin ako sa kaniya. Paano ba kasi niya nalaman na ako ang babaeng naghubad sa birthday niya noon?Hindi ako proud sa trabaho ko, pero para sa anak ko, nilunok ko lahat. Ngayon na iniiwasan ako ni Uno dahil sa pagsasayaw at paghuhubad ko sa harap ng mga lalaki, pakiramdam ko, diring-diri ako sa sarili ko."Yaya, did you fight with daddy?"Na
ISA"A-ano ang mga ito?"Natigilan ako sa tuktok ng hagdan ng mansion nang makita ang maraming shopping bags sa malawak na sala.Napatingin ako kay Uno sa tabi ko. Matapos niya akong yayain magpakasal noong isang araw, kung ano-ano na lang ang mga binibigay niya sa akin. Halos hindi na nga siya pumasok sa trabaho, panay tambay na lang dito kasama namin."These are for you.""Para sa akin?"Nakangiti niya akong hinila pababa ng hagdan. Hindi makapagsalitang inisa-isa ko ng tingin ang mga shopping bags sa harap namin nang makalapit. Iba't ibang brands ng shoes, mga damit, at bags."Uno, para saan ang mga ito?"Kinuha niya ang isang shopping bag na may kaliitan. Sa loob no'n, inilabas niya ang diamond hair clip at inipit sa gilid ng buhok ko.Tinitigan niya ako na puno ng paghanga. "Babawi ako, Isa. Ngayon na magkasama na tayo, ibibigay ko sa iyo ang lahat."Napangiti ako. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.This is too good to be true. Baki
ISA"Saan ka galing?"Napapitlag ako nang may magsalita mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon nang makilala ang nagmamay-ari ng boses. Sinalubong ako ng matalim na mga mata ni Uno."Ha? A-ah, sa labas. Nakipagkita ako kay Alicia.""Alicia? Si Ali?""O-oo."Mariin akong lumunok. Bakit ba ako nauutal? Wala naman akong ginagawang masama. Nakakatakot naman kasi itong mga titig ni Uno. Parang lulunok ng taong buhay."Bakit?" tanong ko nang mapansin kong matagal siyang natigilan."Ayaw kong lumalabas ka nang hindi ko nalalaman, lalo na kung makikipagkita ka sa lalaki."Nagsalubong ang mga kilay ko sa tono ng pananalita niya. "Uno, hindi naman talaga lalaki si Ali. He's gay. At isa pa—""Lalaki pa rin siya.""Pero matagal ko na siyang kaibigan."At matagal na niya akong tinutulungan sa anak nating si Heart.Naiiling niyang hinila ang kamay ko patungo sa kuwarto niya. Nang makapasok ay pinaupo niya ako sa kandungan niya at sinimulang himasin ang mga braso at hita ko."Sundin mo na la
TRESMAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Tiana habang nanunumpa sa harap ng Diyos at ng mga tao—sa pangalawang pagkakataon, na mamahalin at aalagaan namin ang isa't isa hanggang sa kami ay tumanda.After the priest pronounced us as husband and wife, I took Tiana's hand and brought it to my lips, told her how much I love her before giving her a kiss on the lips.After months of fixing everything, we finally decided to get married again in Nuestra Señora de Gracia Church. It's considered one of the oldest catholic churches in Manila.The color theme of our wedding were rustic hues paired with brown and burnt orange, combining it with creamy linen hue and dove gray. So the inside of the church was filled with white and brown flowers that feels light and warm.Tiana was wearing an A-line wedding dress that flatters her hourglass bodyshape. She looks heavenly beautiful today. I can't believe how stunning she is while standing next to me.Nakangiti kaming humarap sa mga tao sa loob ng simbahan. Tiana
TRESDumating kami ni Uno sa isang lumang bahay sa Baguio. Nasa malalim na parte ito ng gubat, sa ibabaw ng burol. Sinalubong kami ng apat na mga lalaking may malalaking pangangatawan at nakasuot ng black tux. Nakilala ko ang isa—si Peter.Dinala nila kami sa likuran ng malaking bahay kung nasaan ang swimming pool. At kulang na lang ay mawala ako sa sarili nang makita si Tiana kasama sina Isa at Yuji, nakatali sa upuan sa loob ng pool na walang tubig. Naka-duct tape ang bibig."Wala kang kaluluwa, Celestia! Pakawalan mo sila!""Oh, Uno! Anak! So good to see you again!"Sa gilid ng swimming pool, saka ko lang napansin ang babaeng nakatayo. Maikli ang buhok nito, katamtaman ang laki ng katawan, pero halos maligo na sa mamahaling alahas na suot. This is the first time I see her in person."Hindi mo man lang ba muna babatiin si Mommy? Didn't you miss me?" Malakas itong tumawa."Tama ang sinasabi nila, baliw ka!" sigaw ko.Natigilan ito sa pagtawa at napatingin sa akin. "Ah, ang pangatlong
TIANANAKAUPO kaming lahat sa loob ng dining room habang nagkakape. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman. Kasinungalingan lang ang lahat. Kahit ang pangalan niya'y imbento rin.Naramdaman ko ang paghawak ni Tres sa kamay ko. Bahagya niya itong pinisil kaya napatingin ako sa kaniya. He smiled at me as if telling me that everything is going to be okay.Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at muling lumuha. Halos masira ko ang buhay nila. Nang dahil sa kagustuhan kong maghiganti, maraming tao ang nadamay.Pumasok si Dos sa dining room. Tumango ito sa aming lahat. "Nakausap ko na ang police na kakilala ko. Everything is ready. Kikilos sila mamayang gabi sa utos natin."Tumango si Uno pagkatapos ay tumayo ito. "Kaming tatlo ang pupunta sa address na ibinigay ni Tiana. I want you two to stay here with Isa. Hangga't hindi namin naibabalik sa kulungan si Celestia, hindi kayo puwedeng umalis ng bahay na ito.""I can't," mabilis kong sabi na ikinatigil n
TIANAHAWAK ni Tres ang kamay ko at para bang ayaw na itong bitiwan pa. Sinabi ko kasi sa kaniya na may kailangan akong kumpirmahin para mawala na ang lahat ng agam-agam sa isip ko, pero inakala agad niyang may gagawin akong delikado kaya ayaw na akong iwan."Tres, will you let go of my hand? Hindi naman ako aalis.""No. Delikadong nag-iisa ka. Just yesterday, Golden Hotel was on fire. Hindi yata titigil ang Celestia na iyon hangga't hindi tayo napapatay."Kinilabutan ako sa sinabi niya lalo pa't naisip ko si Sixto."Kaya nga ginagawa ko ito, para mapatunayan na magkasabwat sina Mama Carmen at si Celestia.""You don't need to go anywhere just to prove it. Magkikita tayo ngayon nina Uno. Sasabihin mo sa kanila ang lahat."Huminga ako nang malalim bago tumingin sa entrance ng mall. Kailangan ko munang mapatunayan sa sarili ko na talagang nagsisinungaling si Mama Carmen. Marami siyang nagawa para sa amin ng anak ko, hindi ko basta-bastang makakalimutan ang lahat nang iyon."Sandali. Why
DOSNATIGILAN ako sa ginagawang pagtatrabaho nang tumunog ang alarm na hudyat ng warning. Bago ko pa mahawakan ang intercom, mabilis na pumasok sa office ko si Odette."Sir! Nasusunog ang hotel!""What did you say?" Bigla akong napatayo."Nagsimula ang sunog sa 4th floor! Medyo malaki at mabilis na kumakalat!""Get everyone out! Ensure their safety!"Mabilis kong pinindot ang red button sa ilalim ng desk ko at nagmamadaling inilagay ang importanteng mga papeles sa loob ng secret room. Agad akong lumabas ng office dala ang walkie-talkie sa isang kamay. Inutusan ko ang mga nakatalagang staff na i-double check kung nakasarado na ang lahat ng pintuan at bintana, maging kung naka-turn off na ang mga electrical equipment sa kanilang area.Kasalukuyang in-i-escort ang mga guest sa fire stairs and exits, patungo sa evacuation assembly point. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga ambulance at fire trucks. Inutusan ko ang lahat ng tao ko na siguraduhing walang naiwan o na-trap na tao lalo na sa
TIANAMATAGAL kong pinagmasdan si Mama Carmen matapos nang sinabi niya. Tatlo? Bakit tatlo? Akala ko, si Tres lang ang pinaghihigantihan niya at hindi niya kilala ang mga kapatid nito?Nahalata niya siguro ang pagdududa sa mga mata ko kaya bigla siyang kumalma. She turned away from me."I'm sorry, mama. M-mali po ako."Sa sinabi ko ay muli niya akong tiningnan. She tried to hide the anger in her eyes, pero dama ko pa rin ang inis niya.Pilit niya akong nginitian at hinagod sa buhok. "Huwag mo nang uulitin iyon, okay?"Pagkalabas niya ng kuwarto, agad kong kinandado ang pinto. Kinuha ko ang gatas ni Sixto at pinainom ito habang hinihele.Ang ibig sabihin lang nito, si Mama Carmen ang nagpasunog sa bahay nina Uno. Nagsinungaling siya sa akin nang sabihin niyang hindi niya kilala sina Uno at Dos. Nagsisinungaling siya sa akin hanggang ngayon.Nang makatulog muli si Sixto, iniwan ko ito sa pangangalaga ng yaya niya saka mabilis na umalis.Mugto ang gilid ng mga mata ko habang naglalakad s
TIANANAKATAYO ako sa labas ng mall kung saan ko nakita noon ang babaeng sa mga larawan ko lang nakilala. Ilang araw na rin nawala sa isip ko ang tungkol sa kaniya, pero dahil sa mga nangyayari, at sa mga sinabi ni Tres, hindi ko mapigilang hindi isipin kung totoo ba ang nakita ko noong araw na iyon o hindi.Bawat babaeng lumalabas at pumapasok sa mall, mataman kong tinitingnan. Nagbabakasakali akong muli siyang makita. Gusto kong kumpirmahin na namalik-mata lang ako at hindi totoong buhay siya.Mahigit kalahating oras ko nang ginagawa ito, nang bigla na lang akong matigilan. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Nangangatog ang mga tuhod ko at kumikirot ang puso ko.Bakit ko pa ba ginawa ang paghihiganti na ito? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, na doble ang sakit na mararamdaman ko, nagpakalayo-layo na lang sana kami ni Sixto.How can I let him go now? Ang lalaking tangi kong minahal, ang ama ng anak ko. Araw-araw na lang, nagigising akong siya ang hinahanap
TIANAAGAD kong pinuntahan ang mall ni Tres pagkatapos malaman na nakabalik na siya. As soon as I entered his office, nalukot agad ang mukha ko sa naamoy. His office reeks of alcohol. Sa harap ng desk nito ay naroon si Tres, nakaupo sa silya niya, nakapikit ang mga mata at may hawak na baso ng alak sa kamay.I took a deep breath. "What happened? Kay aga-aga, umiinom ka na?""Oh, it's you," he said without even glancing at me. "What are you doing here?"Malalim at namamaos ang boses niya. Ni hindi siya makakilos nang tama habang sinusubukang umupo nang maayos. Ano bang nangyari sa kaniya sa beach house at nagkakaganito siya ngayon? Is it because of me?"I'm here to take the mall.""Ah, the mall. Syempre, iyon lang naman ang rason kung bakit ka nandito. Iyon lagi ang rason kung bakit mo ako pinupuntahan."Tinungga nito ang natitirang alak sa laman ng baso niya bago tumayo. Halos sumuray-suray na siya sa paglalakad, makarating lang sa sofa at makaupo."Sit down," he said while massaging
YUJIDos deserves someone better. Someone he can be proud of, and that's not someone who is like me. Maraming issues sa buhay, maraming trauma at insecurities.But I still want to be with him. Just for tonight, I wanna be in his arms. Bukas, promise, gigising ako sa reyalidad.Hinalikan ko siya sa mga labi. "I want you."Parang nagulat pa siya sa sinabi ko. Sinimulan kong hubarin ang suot kong damit until I was naked in front of him. I slowly layed on the bed and smiled. Umibabaw naman siya sa akin matapos maghubad ng sarili niyang kasuotan.Halata ang pananabik at pagnanasa sa mga mata ni Dos habang nakatingin sa hubad kong katawan. I know he missed me, and I missed him, too. So much.Nang makaibabaw siya sa akin ay hinalikan niya ako sa noo at saka sa labi. He started caressing my naked body from my chest down until he found my womanhood. Binawi niya ang mga labi at tumitig sa akin nang mataman.Dos bit his lower lip when I found his shaft and started stroking it. Ungol kami nang un