NANATILING GALIT ang tingin ni Fifth kay Eunice habang nananatili itong speechless sa harapan niya. Sa totoo lang ay hindi niya talaga maintindihan kung bakit parang inilalayo siya nito sa mga taong mahal niya, especially his parents. At kung bakit ba naman kasi wala siyang matandaan sa nakaraan niya? "Love, hindi naman sa gano'n, mas iniisip ko lang ang kapakanan mo. Isipin mo na lang, ikakasal na dapat tayo pero hindi 'yon natuloy, just because of an accident. That's why it's not easy to me na umaksyon na lang nang padalos-dalos. You know what? Like you, ay gustung-gusto ko na rin makasama ang parents ko but for now you are my priority, handa kitang unahin sa lahat ng bagay. So, I hope you'll take things slowly, dahil darating ang araw na makakasama rin natin ang mga magulang natin. Okay?" Tila naliwanagan naman siya sa nais nitong mangyari, bagay na unti-unting nakapagpanatag sa kaniya upang maniwala na wala naman talaga itong intensyong masama. "Okay, I'm sorry." Doon siya niyak
Magbasa pa