Home / Romance / Marrying His Ex-Love / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Marrying His Ex-Love: Kabanata 31 - Kabanata 40

56 Kabanata

Chapter 31- Ligaya

"Nay, hindi pa raw ba siya aalis?" Pasimpleng katanungan ni Rosette nang pinili na niyang bumangon para mag-asikaso sa pagpasok sa trabaho. Ayaw niya kasing kausapin si Fifth dahil sa pambabalewala nito sa nararamdaman niya kagabi.Sandaling napabuntong hininga ang ina habang hinahanda at inaayos ang mga panindang tsinelas. "Ayaw niya raw umalis hangga't hindi mo raw kinakain ang binili niyang pandesal para sa'yo, e." Habang nakikinig siya sa sinabi ng ina ay hindi naman niya alintana ang pagtunog ng kaniyang gitara na ngayo'y gamit ni Fifth.Doo'y bumungad ang isang awitin ng Eraserheads na, "Ligaya," at sadyang mabilis na nakapagpabago ng kaniyang emosyon. At habang kumakanta si Fifth ay hindi niya akalain na nahihipnotismo siya ng tinig nito."Ligaya.. at asahang iibigin ka.. sa tanghali, sa gabi at umaga.." Aaminin niyang hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig ng mga oras na iyon at aaminin niya rin na mas nakakag'wapo kay Fifth kapag kumakanta ito. Nakakainis lang dahil hindi ni
Magbasa pa

Chapter 32- Music Festival

MABILIS PANG lumakad ang mga araw at dumating na rin ang pinakahihintay na araw ng bandang Soul Magnificent. Isa ang banda nila Fifth na magpe-perform sa isang battle of the band na gaganapin sa Marikina sports center. Kung saan ay imbitado ring mag-perform ang mga sikat na banda katulad ng Itchyworms at Silent Sanctuary. At bilang kanilang final rehearsal ay naroon ang presensya ni Rosette kasama ang mga kaibigan nitong sina Czarina, Julianna at Mikaela upang ipakita ang suporta sa kanila. "Ang galing-galing n'yo na! Solid!" masayang sabi pa ng kaniyang nobya. Kaya naman nang matapos ang kanta ay sandali niyang iniwan ang gitara upang bigyan ito ng isang mahigpit na yakap. Hindi naman naiwasang magpakita ng kilig ng mga kaibigan ni Rosette. At nang humiwalay sila pareho sa yakap ay sinabi niya ang mga katagang, "Thank you, love. Kahit wala ka na sa banda ay todo support ka pa rin sa amin!" "Oo naman, nakakalungkot lang kasi, magkasama sana dapat tayong inaabot ang pangarap natin s
Magbasa pa

Chapter 33- Obsession

"Fifth, sige na, tulungan mo naman akong mapalapit kay Julianna, o," pilit na pagmamakaawa ni Jed sa kaniya all over the phone. Matapos kasi ang kanilang pag-perform sa isang music festival sa Marikina ay hindi na nawala sa bibig ni Jed si Julianna. The main problem is, nakarating sa kaalaman niya na nagugustuhan pala ni Czarina si Jed, kaya nag-aalala siya sa mararamdaman ni Czarina kung sakaling tutulungan niyang ilakad si Jed kay Julianna. "Jed, hindi naman ganoon kadali ang nire-request mo, sa pagkakaalam ko kasi-- mailap sa lalaki si Julianna," pagsisinungaling niya para naman kahit papaano'y mawalan ng interes si Jed para rito. Ngunit hindi niya naman inaasahan ang sasabihin nito mula sa kabilang linya, "Wala akong pakialam, basta gusto ko siyang makilala at mapalapit sa kaniya! Fifth, ikaw na lang ang last chance ko dahil ayaw din pumayag ni Rosette. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, tutulungan mo akong mapalapit sa kaniya." He sighed deeply. "Okay, s-sige." He had no choice but
Magbasa pa

Chapter 34- I Hate And Never Love You

Nagmamadali siyang matapos sa trabaho upang maunahan na niyang mag-out si Eunice. Nauna na kasing mag-out sa kaniya sila Samuel dahil pinili niyang mag-over time para matapos ang tambak na paper works. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nagtitipa at pinagpapawisan siya ng malamig. 'Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na mauuwi sa obsession ang nararamdaman ni. Eunice para sa kaniya. He didn't expect that he was starting to hate Eunice at the moment. At may anong kilabot sa kaniya ang dating ng mensaheng nabasa niya sa may sticky note. Napansin niyang unti-unti nang nag-uuwian ang kaniyang mga ka-department, ngunit tila nananadya naman ang pagkakataon dahil kung kailan nagmamadali siya ay parang kay tagal naman niyang matapos.Huli na nang mapagtanto niyang may inabot na kape sa kaniya si Eunice na nasa cup. "For you, para kahit papaano'y ma-relax naman ang isip mo." Napatitig siya sa cup na naglalaman ng kape at bago pa man niya iyon itulak pabalik ay mabilis na napigilan
Magbasa pa

Chapter 35- Pag-amin

NAUWI SA matinding pag-aalala ang pagtatampo kay Rosette ni Czarina. Sinubukan niya pa itong suyuin sa tawag subalit sadyang ayaw naman nitong sagutin. "Hayaan mo na lang muna siya, bakla, naniniwala akong mauunawaan ka rin niya," wika ni Julianna na ngayo'y ramdam na ramdam niya ang pag-comfort sa kaniya. Kapagkuwa'y pareho na silang bumalik sa trabaho at kahit may dalang alalahanin ay nagawa niya pa ring makapag-focus sa trabaho. Lately she did realized the remaining time of their duty. At kung hindi pa niya natanaw si Fifth na kumakaway sa kaniya ay hindi pa niya maaalintana na malapit na ang uwian."Ikaw na ang may sundo!" panunukso pa ni Mikaela habang pasimple nitong kinurot ang tagiliran niya. Saka naman siya pasimpleng binulungan ni Julianna, "'Wag mo na muna isipin 'yon, hah? Baka ma-stress ka lang lalo. Ang importante ngayon ay may sundo ka." "Susubukan ko, Juls. Hindi lang kasi talaga ako sanay na may misunderstanding kami ni Czarina, e." Sandali pa siyang tinapik nito s
Magbasa pa

Chapter 36- Forgiveness And Promises

FEW DAYS left before their graduation day, sadyang kay bilis nang pagtakbo ng mga araw at talaga namang pinaghahandaan na ni Rosette ang araw na iyon. Ipinagdarasal niya rin na palipasin na muna ang graduation bago siya manganak. Sa puntong iyon ay hindi niya pa rin alam kung paano ba kakausapin ulit si Czarina gayong madalas na ulit silang magkita dahil sa kanilang graduation rehearsal sa isang arena. Laking pagtataka nga rin ng kanilang mga kaklase dahil napansin ng mga ito ang hindi nila pagkikibuang dalawa. Sadyang nakakainip maghintay sa pagsisimula ng ceremony, dahil sa rami ng bilang ng graduating students this year mula sa iba't ibang kurso.Habang naghihintay na makapasok ang lahat ng graduating students ay pinili niyang manahimik. Paminsan-minsan ay kinakausap siya ng katabi niya palagi noon pa sa seating arrangement na si Rianna. Hanggang sa ayain siya nito na bumili na muna nang makakain at maiinom. Kaya naman sandali nilang iniwan ang kanilang pwestong inuupuan. Batid di
Magbasa pa

Chapter 37- Accidentally Yours

"Mukhang patay na siya, Eunice," opinyon ni Zoren nang lapitan nila ang walang malay na katawan ni Fifth habang nakahandusay ito sa may kalsada.Basag ang suot na full face helmet nito habang sugatan naman ang mga braso't binti nito lulan nang malakas na pagkakabagsak sa kalsada. Fifth was still unconcious, the reason why Eunice frustration is out of control."A-ano pang hinihintay mo? T-tumawag ka na ng ambulance!""Ano? Akala ko ba--""I said, call an ambulance, now!" naghihinagpis na sigaw ni Eunice.Luckily ay nagtamo lang naman ng minor injury ang ulo ni Fifth dahil sa tulong ng helmet, pero dahil nananatiling wala itong malay ay hindi maiwasan ni Eunice ang labis na pag-aalala.Habang tumatawag si Zoren ng ambulance na re-rescue ay hindi naman niya napigilang kausapin si Fifth kahit na wala itong malay. Kalong-kalong niya ang katawan nito habang sinasabi, "I'm so sorry, Fifth, I had to do this just to make sure that you'll be mine," naluluhang sabi niya. "Ayokong mapunta ka sa ba
Magbasa pa

Chapter 38- It Takes Time

NASUNDAN PA ng masayang kwentuhan ang kanilang unexpected lunch kasama sina Levi at ang magulang nito. Subalit sa kabila ng kasiyahang iyon ay hindi talaga mapanatag ang kalooban ni Rosette gayong wala pa ring paramdam sa kaniya si Fifth.Hanggang sa magpaalam na rin sina Levi at ang magulang nito sa kanila. Doo'y hindi naman sinamantala ni Roselle ang pagkakataon para hingin ang numero nito."Ah, Levi? P'wede bang makuha ang number mo?" Bahagyang napakunot ang noo ng binata sa lakas nang loob ni Roselle na sabihin 'yon. "Hmm, para naman alam ko kung paano makakabawi sa'yo sa pagliligtas mo kay ate kanina." "Ah, sure!" walang alinlangang sagot ni Levi. At doo'y kusa nitong itinipa ang numero sa mismong cellphone ni Roselle. Nakita nilang nagpasalamat si Roselle kay Levi.'Bakit? Ano bang nangyari?" tanong agad ng kanilang ina. "Ah.. nay--" natigilang sabi niya."Natisod po kasi kanina si Roselle sa mga wirings doon sa may arena. Tapos nasalo ko po siya kaya hindi siya natuluyang natu
Magbasa pa

Chapter 39- When Seven Was Born

NAMIMILIPIT sa sakit ng tiyan si Rosette matapos ang dalawang araw ng kaniyang kaarawan. Aaminin niyang parang naging natural na araw lamang ang kaniyang kaarawan, pero dahil kay Levi ay naging makabuluhan ito kahit papaano.Madaling araw no'n pero gising na gising na ang diwa niya sa matinding paghilab ng kaniyang tiyan. Masakit din ang kaniyang balakang at pakiramdam niya ay posible nang lumabas ang kaniyang anak na nasa sinapupunan nang kahit anong oras. "Ah! Nay, tulungan mo ko!" pagdaing niya sa sakit. Hindi niya alam kung ilang beses na ba siyang napabaluktot sa may higaan dahil sa matinding paghilab ng kaniyang tiyan. "Diyos ko, m-manganganak ka na yata, anak!" natatarantang sabi ng kaniyang ina. "Sandali." Inihanda nito ang mga kailangang dalhin na gamit patungo sa hospital. At saka ito tumawag ng masasakyang tricycle. Doo'y tinulungan sila ng tricycle driver na si Mang Lando na dalhin ang kanilang mga gamit na dadalhin sa hospital at pagkatapos ay kinalong siya nito papaso
Magbasa pa

Chapter 40- Wake Up!

"Levi?" Sandali silang nagkatinginan ni Roselle nang mapagtantong sabay silang nagsalita."Ilapag ko lang sandali si Seven sa may k'warto." Narinig naman nilang wika ng ina. Napatango naman siya at kapagkuwa'y nakita niyang kusang iniwas ni Roselle ang tingin sa kaniya bago pa siya matulala sa kawalan. Aaminin niyang hindi si Levi ang inaasahan niyang makitang bubungad sa pintuan. At napakahipokrita niya naman kung kaniyang hindi aaminin na si Fifth iyon. Matapos kasi ang kanilang pag-uusap ni Samuel ay tila nabuhay ang kaniyang pag-aalala para sa binata. It's been two weeks pero parang sariwa pa rin sa isipan niya kung paano ito nangako sa kaniya."Ahm, p'wede na ba akong makapasok?" tanong ni Levi na tila naiilang. "Ah, oo naman!" masiglang kasagutan ni Roselle. Habang siya naman ay nanatiling tahimik."Thank you. Ahm, nagdala nga pala ako ng meryenda para sa inyo," ani Levi habang inaabot ang dalawang box ng pizza."Salamat, nag-abala ka pa," wika ni Roselle. Napansin naman nito
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status