Home / Romance / Clementine: The Mistress / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Clementine: The Mistress: Chapter 21 - Chapter 30

61 Chapters

CHAPTER 21

CHAPTER 21DUCHESSE DIANE"Mag-i-ingat ka." Paalam ko kay Amadeo."Babalik ako kapag may pagkakataon, Diane." Paniniguro niya. "Sa ngayon, kailangan ko munang lumayo ayon sa utos ng hari.""Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ka pa nilang paalisin." Tugon ko."Alam nilang gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang plano nila para kay Francis, kaya ngayon pa lang ay pinapaalis na nila ako.""Vicomte, aalis na tayo." Wika ng tagapaglingkod niya."Sige. Sandali na lang." Sagot niya rito.Tumingin naman siya sa'kin at ngumiti. "Ingatan mo ang sarili mo, Diane. Ingatan mo rin si Francis."Tumango ako. "Gagawin ko."Hinalikan niya ang kamay ko bago sumakay ng karwahe. Wala na kong nagawa pa kundi panuorin ang karwahe niyang umalis."Duchesse!" Hinihingal na pagtawag sa'kin ng isang tagapaglingkod."Bakit?""Inaatake po ng sakit niya si Prinsesa Celine!""Jusko po!" Wika ko at gan'on na lang ang pagmamadali ko papunta sa silid ni Celine.'Ano na naman kayang nangyari?' Nag-a-alala ko
Read more

CHAPTER 22

CHAPTER 22DUCHESSE DIANEKasalukuyan kaming naghahanda sa isang gubat na pagmamay-ari ng maharlikang angkan para mangaso. Isa ako sa mga nag-aayos ng toldang tutuluyan ni Prinsipe Francis habang nandito.Nasa labas ang prinsipe ngayon kasama si Marquis Alphonse at Comte Oriel. Nagsasanay silang bumaril para sa pangangaso, dahil kung sino daw ang may pinakamagandang nahuli ay may gantimpala. Ayaw sanang makisali ng prinsipe, pero nais makita ng mga kaibigan niya ang magiging gantimpala. Kaya ayun sila ngayon at nagsasanay.Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw makisali ng prinsipe. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang nangyari at natatakot siyang humawak ng baril. Pero dahil napilit siya ng mga kasama niya ay mukhang kailangan niyang harapin ang takot niya."Tapos na po kami," sabi sa akin ng isang babaeng tagapaglingkod na tumutulo
Read more

CHAPTER 23

CHAPTER 23DUCHESSE DIANELabing-isang taong gulang na ang prinsipe. Marami na ang nangyari. Marami na rin ang nagbago sa kaniya. Pero matalino, gwapo, at mabait pa rin siyang bata. Masaya rin ako dahil madali ring gumaling ang ginawang pag-atake sa kaniya ng lobo."Kailangan ko ba talagang sumama?" nakabusangot niyang tanong."Aba! Syempre naman!" masaya kong tugon at inayos ang asul niyang kurbata. "Prinsipe ka ng France kaya kailangan mong pumunta sa kasiyahan."Napabuntong-hininga siya. "Anong mapapala ko sa kasiyahang 'to?""Pupunta rin sina Marquis Alphonse at Comte Oriel kaya may pagkakataon kang makita sila. Hindi ba masaya 'yon?"Nakangiwi naman siyang tumingin sa'kin na parang sinasabing, "Niloloko nyo ba ko?""Araw-araw ko silang nakikita at nakakausap, ano pang masaya r'on?" asik niya.Natawa
Read more

CHAPTER 24

CHAPTER 24DUCHESSE DIANEIsang taon na ang lumipas. Mas lalo lang umiinit ang labanan ng mga rebelde at pamahalaan. Bulung-bulungan na rin na magkakar'on ng gyera kapag nagtuluy-tuloy ang ganitong sitwasyon."Pinatawag n'yo raw ako," wika ko nang makapasok sa silid kung saan nagpupulong ang hari at iba pa.Napadako ang tingin ko sa reyna na umiiyak habang inaalo ng iba. Nag-alala naman ako at agad na lumapit sa kaniya at tinanong kung anong problema."Diane," pagtawag sa'kin ni Ayer. "Ihanda mo ang mga gamit ni Francis. Sasama siya sa'min.""Sasama saan?" Naguguluhan kong tanong."Sa gyera.""Sa gyera?!" Sigaw ko. "Bakit siya sasama sa gyera?! Gusto n'yo ba siyang mamatay?!""Kailangan niyang sumama, Diane.""Hindi," mariin kong tugon. "Bakit siya s
Read more

CHAPTER 25

CHAPTER 25DUCHESSE DIANE"Madame, saan po namin ilalagay 'to?""D'on na lang," aligaga kong sagot."Madame, ano pong gagawin dito?""Hindi ko alam. Itanong mo sa mga tagapagluto ng kusina.""Opo."Nagpunas ako ng pawis ko. Naghahanda kasi kami para pagdating ng mga delegado ng England, kaya aligaga kaming lahat.o"Kayo muna rito. Pupuntahan ko lamang ang prinsipe," usal ko sa kanila at agad na umalis d'on.Madali akong naglakad patungo sa silid ng prinsipe upang makita kung nakaa-ayos na siya. Pagkarating ko nga ay nar'on na rin sa silid si Oriel at Alphonse na kinakausap si Francis."Magandang araw po, mahal na duchesse!" Masayang bati sa akin ni Oriel."Magandang araw po," wika naman ni Alphonse at yumuko."Magandang araw din sa inyo," tugon ko.Bumaling ako sa prinsipe at nagtanong ng, "Handa na po ba kayo?""Oo," sagot niya at sinuot ang kulay asul niyang sumbrero.Labing-walang taon na siya ngayon, at kitang-kita ko na ang mga pinagbago niya. Naoangiti na lang ako. Napakabilis l
Read more

CHAPTER 26

CHAPTER 26CELINE OF FRANCE"Mahal na prinsesa," bati sa akin ng tagapaglingkod."Anong balita?" Tanong ko habang pinapalipat-lipat ang pahina ng librong binabasa ko.Lumapit naman siya sa'kin at bumulong. "Aalis daw po ang hari at mga prinsipe upang pagplanuhan ang mga susunod na hakbang sa gyera.""Saan daw sila pupunta?""Sa Evreux daw po," sagot niya.Napatango naman ako. May sikreto kasing mansion ang pamilya namin sa Evreux, kaya hindi nakakapagtakang d'on sila magpa-plano. Nakakasiguro silang walang lalabas na impormasyon at walang makatutunton sa kanila."Sino pa ang mga sasama?""Sila lang po, mahal na prinsesa."Napataas ang kilay ko. Kung gan'on ay wala pala silang balak na isama kaming mga babae. Gusto nilang sila lang.Nilapag ko ang librong hawak ko at agad na tumayo. H
Read more

CHAPTER 27

CHAPTER 27CELINE OF FRANCEKasalukuyan akong nasa gamutan. Nagbabasa ako ng mga aklat na maaaring makapagsabi ng sakit ng aming ama. Hindi siya maaaring mamatay ngayon. Hindi maaaring si Ayer ang pumalit sa kaniya."DOKTOR! DOKTOR! KAILANGAN NG HARI NG DOKTOR!"Agad kaming natigilan sa mga ginagawa namin at kumaripas ng takbo sa silid ng aking ama. Inabutan namin siyang nagsusuka, pero gan'on na lang ang gulat namin nang makita ang sinusuka niya.Nagsusuka siya ng dugo!"Kamahalan!" Nag-aalalang usal ng mga tagapaglingkod sa kaniya."F-Francis..." nahihirapan niyang turan. "Tawagin n'yo si Francis!"Napatingin naman sila sa akin na parang hindi malaman kung anong gagawin."Tawagin n'yo si Francis," pag-ulit ko ng utos ng aming ama.Agad naman silang sumunod at mabilis na nakabalik kasama si Francis."Anong nangyayari?" Tanong niya sa'kin."Hinahanap ka niya," sagot ko.Tumingin naman si Francis sa aming ama na parang wala lang ang nakikita niya. Medyo naaawa ako sa aming ama, ngunit
Read more

CHAPTER 28

CHAPTER 28CLEMENTINE DESCHAMPS"Nakapagdesisyon ka na ba?" Tanong ni Marquis Saber."Kung ako ang tatanungin mo ay matagal ko na talagang nais na ilipat si ate, sa lugar kung saan siya magiging kumportable," wika ko. "Ngunit ikaw na mismo ang nagsabi, mas magiging maganda kung sa lugar na malapit sa dagat ko siya ililipat, at wala akong alam na gan'ong lugar.""Kumusta kayo?" Bati ni Duke Richard. "Mukhang malalim ang pinaguusapan n'yo, ha?""Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko."Nalaman kong nandito uli ang pinsan ko para kausapin ka, kaya naman nagmadali akong pumunta rito sa hardin ng palasyo para kumustahin kayo," nakangiti niyang tugon. "Ngayon, maaari n'yo ba kong isama sa usapan?""Hindi naman tungkol sa pera ang pinaguusapan namin, baka mabagot ka lang," usal ko."Madame naman," pagungot niya. "Hindi naman l
Read more

CHAPTER 29

CHAPTER 29CLEMENTINE DESCHAMPS"Ang kapangyarihan sa Versailles ay nakikita sa kung gaano ka kalapit sa hari," paliwanag ni Duchesse Celine. "Kung nakikipag-usap ba siya sa'yo, sa harap nino, at kung gaano katagal.""Bakit naman?" Tanong ko."Dahil siya ang hari," simpleng sagot niya. "Nasa kaniya ang lahat ng kapangyarihan. Kahit anong gusto niya, makukuha niya. Kaya ang simpleng maimpluwensiyahan mo ang desisyon niya ay isang nakapalaking bagay na.""Kung sa simpleng pakikipag-usap nga lang sa hari ay naipapakita na ang kapangyarihan, paano pa kaya ang makatabi mo siya sa kama? Kaya naipaliliwanag nito kung gaano kalakas ang impluwensiya ng mga babae ng hari mula noon hanggang ngayon."Kaya pala gan'on na lang kadesperado ang iba na mawala ako. Isa akong malaking banta sa kanila. Lahat ay gagawin nila para lang mapaalis ako rito sa pa
Read more

CHAPTER 30

CHAPTER 30CLEMENTINE DESCHAMPS"Ang hari at reyna ay laging may nakahandang fauteuil (armchair) para upuan. Sa harap ng hari at reyna, walang ibang maaaring gumamit ng fauteuil, depende na lang kung isa ka ring hari o reyna."'Hindi maaari?' Tanong ko sa sarili ko. 'Ngunit sa tuwing kasabay nila akong kumakain ay lagi akong nakaupo sa isang fauteuil.'"Isang upuan naman na may likod ngunit walang braso ang para sa mga malapit ang posisyon sa posisyon ng hari, katulad ng mga kapatid o mga anak niya.""Ang tabouret (padded stool) naman ang para sa mga may posisyong duchesse. Kapag mas mababa ka pa, tumayo ka na lang.""Duchesse." Napatigil siya sa pagsasalita at nilingon ang tagapaglingkod niya. Inabutan siya nito ng isang sulat na agad naman niyang binuksan at binasa.Nang mabasa niya ang sulat ay ag
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status