CHAPTER 17CLEMENTINE DESCHAMPSLinggo na uli kaya naman pinayagan ako ni Francis na makapunta sa Notre Dame. Balak ko rin sanang bisitahin ang pamilya ko at alamin ang kalagayan ng ate ko. Sana lang ay mas maayos na siya ngayon.Katulad nang nakaraan, si Alphonse at ang mga tao niya ang magbabantay sa'kin. Hindi raw kasi papayag si Francis na umalis ako ng walang bantay, baka may magtangka na naman daw sa buhay ko."Madame, nakaimpake na po ng maayos ang mga gamit." Sabi sa akin ni Fantine.Sumunod na ko sa kaniya palabas ng palasyo, kung saan naghihintay ang mga karwahe."Francis." Nakangiting tawag ko sa kaniya nang makitang naghihintay siya sa labas.Nang makalapit ako ay agad niyang inabot ang kamay ko at hinalikan."Pasensya ka na at hindi ako makakasama, marami pa kong dapat asikasuhin." Paumanhin niya.Umiling ako. "Naii
Read more