Nika "Tiyang? Mang Gabo? Anong ginagawa nyo?" Nanlalaki ang mga mata kong nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa na dali daling naghiwalay. Hindi ko na nabigyan ng pansin si Pierre na pinipisil ang kamay ko. Nasa dalawang taong nasa harapan ko na kanina ay magkayakap lang ang buong atensyon ko. Bakit sila magkayakap? "N-Nandiyan ka na pala Nika, k-kumain ka na ba? Kumain kayo ni Pierre, mainit pa naman yung ulam at kanin." Nauutal na sabi ni tiyang. Tiningnan ko si tiyang. Namumula ang mga pisngi nya at hindi makatingin ng diretso sa akin. Biglang naging aligaga. Si Mang Gabo namin ay kakamot kamot ng ulo at may alanganing ngiti sa akin. Nagtaas ako ng kilay at palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Kumain na ho kami ni Pierre sa bayan, nag take out kami ng barbecue para sa inyo tiyang. Eh kayo ho ni Mang Gabo, nagkainan na ho ba kayo -- este kumain na ho ba kayo?" Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Pierre sa gilid ko, nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Tinik
Last Updated : 2023-08-11 Read more