Home / Romance / Mafia Ang Nabingwit Ko / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Mafia Ang Nabingwit Ko: Chapter 41 - Chapter 50

69 Chapters

Kabanata 41

Hindi niya alam na buhay ang anak namin. All this time, iniisip niyang wala na siyang anak sa akin. So that explains everything at kung bakit sa mga nagdaan na taon ay hindi niya man lang hinanap si Tinay. At bakit niya rin hahanapin kung sabi niya wala siyang pakialam sa anak ko? Buhay man o patay ang anak ko ay hindi niya na ako susumbatan ngayon dahil wala nga siyang pakialam. Pero biglang ganito. Biglang nagalit siya sa akin nang malaman niya sa pamilya niya ang gawa-gawang kwentong iyon. Agad akong napailing at nahintakutan. “Hindi. Huwag. Huwag na huwag mo balaking sabihin sa kaniya ang totoo, Lurena. Ayaw sa'yo ng kaniyang ama. Kita mo nga at ang ama niya pa mismo ang nagsabi tungkol sa gawa-gawang issue ng pagpapa-abort mo. Wala kang kahit na sinong dapat pagkatiwalaan sa ngayon kundi si Harry lang at ang pamilya mo,”mahinang kausap ko sa sarili.Umiling iling ako. May awa na umahon sa dibdib ko kanina nang makita ko ang pangungulila sa mga mata ni Hades noong isumbat niya sa
last updateLast Updated : 2023-07-20
Read more

Kabanata 42

Iniinis ba ako ng isang 'to? Kasi effective ang pang-iinis niya. Alam niyang may asawa na ako. Akala ko ba kapag kasal na kami ni Harry ay magiging peaceful na ang buhay ko? Pinsan niya iyon, pero heto at dinukot niya ang asawa ng pinsan niya. Nababaliw na talaga siya!“Huwag mo kong idamay sa mga kabaliwan mo. Ibalik mo ito sa daungan ngayon na!” Tinaasan ko na siya ng boses. Wala akong pakialam kung anong klase siyang tao. Pero imbes na magalit sa naging asta ko ay nakita ko ang amusement sa mga mata niya. Tila tuwang tuwa siyang nahihirapan ako sa sitwasyon ko.“No,”simple niyang sambit at tumangga ng wine. Itinuko niya ang kamay sa mini counter at pinagmasdan ako.“Ano-”“Ayaw mo bang kunin sa akin ang 30 million mo? Ayos ka na doon sa nakuha mo sa bangko ko? Pwede ko 'yong dagdagan, Lurena. Just name your price.” Nagbitiw siya ng nakakainsultong ngisi.Napalunok ako at agad napaiwas ng tingin. “Para naman maisalba ng asawa mo ang maliit na kompanya ng pamilya niya. Malaking tul
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Kabanata 43

Napaisip ako. Sino pala ang nagbihis sa akin kagabi? Dahil sa pagod sa paglangoy ay nakatulog na ako kagabi. Basa ang sout ko at hindi ko na namalayan kung sino ang nagpalit ng damit ko. Walang babae sa laot noong gabing iyon. Puros lalaki ang mga tauhan niya. Pinabihisan niya ako sa mga tauhan niya?Nag-ugat ang sentido ko sa ideyang iyon. Paniguradong iyon nga ang ginawa niya. Tiyak pinagpyestahan na ng mga mata ng tauhan niya ang katawan ko. Iritado na hinila ko ang braso ko sa kaniya. Ako mismo ang naghanap ng bra sa closet. Nakatayo siya sa may pinto at nakasunod lang ang mata niya sa akin. Gustong gusto ko nang padapuin ang kamao ko sa pagmumukha niya.Tuwing naiisip kong pinabihisan niya ako sa mga tauhan niyang lalaki dito ay parang gusto ko nang magwala. Mga lalaki iyon. Babae ako!“Gusto mong magsuot pa ako nito?”tinaas ko ang bra na hawak. Nagbitiw ako ng hilaw na tawa. “E kita na nila ang lahat sa'kin. May maitatago pa ba ako? Ano pang silbi ng bra?”Napansin ko ang pagku
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Kabanata 44

Agad kong hinablot kay Hades ang phone niya. Buti na lang at hindi niya agad natunugan na kukunin ko sa kaniya ang phone niya kaya matagumpay kong nahablot iyon sa kamay niya. Agad kong in-end ang tawag na iyon at denelete ang number ni Harry mula sa contact list niya. “What are you doing?” Seryoso ang boses niya.“Salamat na lang. Di na lang pala ako makikitawag. Next time na lang,"ani ko at nagmamadali na lumabas ng office niya para di niya na ako tanungin ng kung anu-ano. Pwede ko naman sabihin sa kaniyang anak namin ni Harry si Tinay. Pero hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip pa akong magsinungaling. Siguro dahil magi-guilty lang ulit ako kapag dinagdagan ko pa ang kasinungalingan ko. Feeling ko kasi ay magiging kumplikado lang lalo kapag ginawa ko pa iyon. My gosh gusto ko na talaga umuwi at umalis sa lugar na 'to. Nasabunutan ko ang sariling buhok dahil sa frustration.Sa dinner hindi ko na nga napigilan pa ang i-open up ang tungkol sa pag-uwi ko. My gosh! May naghihin
last updateLast Updated : 2023-07-24
Read more

Kabanata 45

“Ha?” Tila nabingi ako. Parang gusto kong marinig ulit. Pakiramdam ko kasi ay nagkamali lang ako ng pandinig. “I want to meet your daughter.”Nalaglag ang panga ko at hindi agad nakahuma sa kinatatayuan. Nagbibiro lang siya, di ba? Bakit niya gugustuhing makaharap ang anak ko? Sinabi ko na sa kaniyang anak ko si Tinay kay Harry. Galit siya sa nabalitaan niyang pinalaglag ko ang anak niya. Paniguradong nasagi ang ego niya matapos niyang mabalitaan ang pagkawala ng anak niya at nagawa ko pang makipagrelasyon kay Harry. And to think na inamin ko rin na may anak na rin kami ng pinsan niya. Sino bang mag-aakalang maaapektuhan siya ng ganito kalala? At pagkatapos niyang magalit sa akin ay biglang gusto niyang makita ang anak ko? Ano 'yon?“B-Bakit?” Hilaw akong natawa.Kumunot ang noo niya. “Why not?”“Anak ko siya kay Harry. Anak namin ni Harry si Tinay,”wala sariling sabi ko. Ni hindi ko namalayang nagmumukhang defensive na pala ako. Ilang segundo pa bago ko na-realize iyon. At parang
last updateLast Updated : 2023-07-26
Read more

Kabanata 46

Nakasalampak sa sahig at nakasandal ako sa pinto habang iniisip ang mga problema ko kanina. Hindi ko na namalayang nakatulugan ko na iyon. Nakakapagod din pala isipin ang problema. Tumingala ako sa wall clock. Tatlong oras na pala akong nakatulog. Kailangan ko nang pilitin na kumain ang anak ko. Hindi ko man siya mapipilit na sumama sa akin sa ibang bansa ngayon. Baka sa susunod na araw ay maintindihan niya na at makakaalis na kami dito sa Pinas ng matiwasay. Lumabas ako at nagtungo agad sa silid niya. Sinubukan kong pihitin ang door knob niya at natuwa ako nang malaman na bukas na iyon. Nakangiti na pumasok ako at inaasahan kong nandoon lang si Tinay. Pero wala siya doon. “T-Tinay?” Kabado na hinalughog ko ang buong silid niya. Binuksan ko ang CR at umikot ako sa silid na parang nababaliw. Sa pagikot-ikot ko ay nakita ko ang white board niya sa tabi na napupuno ng post it note. Napatigil ako at tiningnan iyon. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang sulat kamay ng anak ko. Napa
last updateLast Updated : 2023-07-26
Read more

Kabanata 47

“Tinay!” Sigaw ko dahil di pa ako tapos sa pagligo at puno pa ng sabon ang buhok ko nang kalampangin ni Tinay ang pintuan ng banyo ko para tumae. Kairita!Nagpapadyak akong kinatok ang pinto ng banyo. “May CR ang kwarto mo. Ba't di ka doon?”“Huwag kang magulo, Ma. Nagko-concentrate ako. Di makalabas ang tae ko,”balik sigaw niya mula sa loob.Nakakuyom ang kamao ko na naghintay na lang sa kaniya sa labas. Balik sa 'mama' ang tawag niya sa akin. Siya mismo ang nagdesisyon na tawagin ulit akong Mama. Nakaka-miss din pala ang ganito kaysa sa parati kaming nagkukunwari.“Success!” Bulalas niya pagkalabas niya ng banyo ko.Mabilis ko siyang hinawi para ako naman ang gumamit ng banyo ko. Papasok na ang sabon sa mata ko tapos ang tagal tagal niya pa sa loob. Sakto namang nalanghap ko ang amoy sa loob pagkapasok ko.“Tinay! Ang baho dito!” Gigil akong napasigaw sa loob. Narinig ko lang na humalakhak siya sa labas.Siya nga pala. Narinig ni Harry ang tungkol sa hindi namin pagbalik sa Miami ka
last updateLast Updated : 2023-07-26
Read more

Kabanata 48

"Tinay..."marahan kong hinila ang anak ko. "P-Pwede ba na hindi sa harap ng bata?" Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Kita ko pa rin ang pagkatulala ni Hades. Tila hindi pa siya agad nakahuma matapos ng ginawa ng anak ko sa kaniya. Pinahid ni Harry ang dugo sa gilid ng labi niya. Bakas parin kalituhan sa mga mata niya. Siguro wala pa siyang ideya kung bakit iyon ginawa ni Hades sa kaniya. Nagkatinginan kami ni Harry na tila nagkaintindihan lamang kami gamit lang ang mga tingin. Umiling ako saka niya lang tila nag-gets ang sitwasyon namin. Hindi umalis si Hades sa sofa matapos ko silang mapaghiwalay. Napapangiwi pa si Harry habang nilalapatan ng ice bag ang pasa sa gilid ng labi. Nasa silid niya siya ngayon. Dinalhan ko si Harry ng first aid kit. Balak ko sanang gamutin ang pasa niya."I'm fine. Si Hades na lang muna ang puntahan mo,"aniya. Hindi ko rin alam kung papaano sisimulan ito. "O-Okay."Ngali-ngali akong nagtungo sa labas para puntahan si Hades. Natanaw ko siya agad pag
last updateLast Updated : 2023-07-27
Read more

Kabanata 49

Nagsinungaling ako kay Tinay na may kaibigan akong ime-meet sa loob ng restaurant. Katabi no'n ang coffee shop ni Harry. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa kabila pa kami mag-usap gayong pwede naman yata doon na lang sa mismong coffee shop. Mas tahimik, mas relaxing, pero dito talaga sa restaurant sa kabila niya gustong magtungo ako.Natanaw ko sa sulok si Harry. Distansya siya mula sa glasswall ng restaurant tepong hindi makita mula sa labas. Sinulyapan ko ang kotse na kinalululan ni Tinay. Nasa loob niyon ang iniwan ni Hades na mga tauhan para sa amin ng anak ko. Isa pa iyon. Hindi ko rin gets kung bakit kailangan ng body guard. Nakakapanibago talaga.“Hi,”aniya sabay pasimpleng tinaas ang kamay para makita ko kung nasaan siya. Kanina ko pa siya nakita. Kahit di ko siya hanapin mapapansin mo pa rin siya. Kanina pa humahagikhik ang mga babae sa kabilang table at panay sulyap kay Harry. Umupo ako sa kabilang upuan. Kapansin pansin na napangiwi ang ibang babae nang pumwesto ako s
last updateLast Updated : 2023-07-28
Read more

Kabanata 50

“The sala is fine with me,”ungot niya.Kumunot ang noo ko. “Ha?”“Sa gabi lang ako pupunta dito. Hindi ako makikita ni Tinay. It's just that... I couldn't sleep thinking na kayo lang dalawa sa silid na 'to.”May nagawa pa ba ako? Wala! Kasi kinabukasan di ko pa man sinasabing pumapayag na ako ay biglang may naglipat na ng malaking sofa sa unit namin. Kulay maroon iyon na times two na mas malaki nga sa sofa na mayroon kami doon. So walang ibang may nagmamay-ari no'n kundi si Hades. Pawis na pawis pa iyong mga naghahakot ng lintek niyang sofa sa unit namin. So papaano ko sila ipagtatabuyan no'n? Ang ginawa ko na lang ay bigyan sila ng meryenda na parang ako pa ang nag-utos sa kanila. “Bumili ka, Ma?” Napuna ni Tinay ang bagong sofa nang makarating siya galing sa school.Umiling ako. “So... kay Uncle Harry?!” Masigla niyang bulalas. Natigilan ako. Parating si Harry na lang ang bukambibig ni Tinay. Simula pa noong nawala iyong isa. Tuloy, hindi ko maiwasang hindi maisip iyong tao. Para
last updateLast Updated : 2023-07-29
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status