Home / Romance / Mafia Ang Nabingwit Ko / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Mafia Ang Nabingwit Ko: Chapter 51 - Chapter 60

69 Chapters

Kabanata 51

“Ano ba yang pinagsasabi mo?” Pinanlakihan ko siya ng mata. “I should've secure your safety kaya babalik ako sa unit niyo kahit ipagtabuyan mo ako.” “Napakarami nang body guards doon. Hindi mo na kailangang-”“Is this about last night?”putol niya sa lintanya ko. Natahimik ako dahil doon. Hindi ko na rin alam ang sasabihin. At ayoko rin na pag-usapan pa ang tungkol diyan. Naalala ko lang na hinayaan ko siya kagabi. Na bumigay ako at nagpaubaya sa mga... oh gosh! Naalala ko na naman. “Ang laki laki nitong unit mo bakit kailangan mo pang-”“Yeah, malaki ang unit ko. Is it better for the both of you to move here instead?”Namilog ang mata ko. Agad ko siyang tinalikuran. Kasi pakiramdam ko parang mas lumalala yata ang topic na ito habang tumatagal ang usapan. Mabilis akong bumalik sa unit ko. Stress na hinilot ko ang sentido. Hindi rin naman ako mapakali sa unit pagkatapos ng usapan. Kaya balak ko sana bumaba para magtungo sa pool side ng condo building. Saktong paglabas ko nang bumun
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

Kabanata 52

Baby pa si Tinay noong magpunta si Tiyang sa Nieves para dalawin kami. Sinadya niya iyon para di kami matunton ng mga naghahanap sa amin. Ngayong malaki na ang anak ko at pitong taong gulang na ay medyo namangha si Tiyang nang makita na ganito na kalaki ang anak ko.“Sinabi ni Harry na nagkita na kayo at ikinuwento niya lahat sa akin ang mga nangyari after noong pagkikita niyo. Sabi ko nga na kabaliwan ang ginawa niyang pagpapakasal sa'yo, akala ko katulad ng kay Hades ang gagawin niya. Kalaunan naintindihan ko kung bakit niya ginawa iyon. At nalaman kong pati si Harry wala na rin,”ani Tiyang. Sinulyapan ko ang tahimik na si Tinay na kumakain sa gilid. Hinihinaan lang namin ang boses dahil baka marinig ni Tinay. Alam ko ang feeling ng masaktan tuwing naalala mo ang importanteng tao para sa'yo. Hindi madali kaya ayokong marinig niya kahit ang pangalan ni Harry. Hindi ako kinikibo ni Tinay kanina pa. Galit siya sa'kin dahil sa paglilihim ko sa kaniya tungkol sa nangyari kay Harry. Hindi
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

Kabanata 53

Linggo ngayon. Ngayon lang humaba ang tulog ni Tinay. Nakapag-ready na ang mga katulong sa baba. Tumulong na rin ako sa paghahanda sa hapag. Maagang umalis si Hades. Kaninang mga bandang alas 3 daw umalis.Hindi ko na kinatok ang silid na kinaroroonan ni Tinay. Binuksan ko iyon at nagulat nang malaman na wala na siya doon. Agad akong umalis doon at hinanap siya sa buong bahay. Matagal-tagal pa bago ko siya natagpuan. At hindi ko aakalaing sa silid ni Hades ko siya mahahanap. Naabutan ko siyang hawak ang isa sa picture na nasa side table ng kama ni Hades. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. At nalaman kong ang tinitingnan niyang picture ay ang nag-iisang picture ni Hades. Naka-bussiness suit at seryoso ang mukha. “Tinay...”Nabitiwan niya ang picture na hawak dahil sa gulat. Bumagsak iyon sa sahig at nabasag ang glass protector niyon. Pareho kaming nagulat at kinabahan. “S-Sorry, sorry...” Agad siyang nataranta at akmang pupulutin ang bubog kaya agad ko siyang pinigilan. Halatang nata
last updateLast Updated : 2023-08-01
Read more

Kabanata 54

“Mama naman!” Parang maiiyak na si Tinay habang nag-aayos na kami ng gamit namin sa condo unit ni Harry. Paroo't parito ang lakad ko dahil nagmamadali kami. May ticket na kaming dalawa via Miami. Bandang 8 ang flight kailangan nandoon na kami bago ang mismong oras ng lipad. Hindi ko pinapansin ang mga pag-iyak ni Tinay. Nababahala ako sa mga iyak niya pero tinitiis ko para makaalis na agad kami.“Papaano si Papa? Iiwan na'tin siya?”“Sabi kong doon ko na ipapaliwanag sa'yo kapag nakarating na tayo sa Miami. Naiintindihan mo?!” Hindi ko sinasadyang tumaas ang boses ko.Napakurap kurap si Tinay dahil sa nagawa ko. Kalaunan ay natauhan ako at na-guilty. Gusto ko mang mag-sorry ay huli na. Nakita kong naapektuhan siya sa ginawa ko. Yumuko na lang siya at tahimik na umupo sa tabi. Tuwing nagtatampo siya sa akin ay nananahimik siya. Ayaw umimik, ayaw akong tingnan. Sumakay na kami ng taxi at bawat lagay ko sa mga bagahe sa trunk ay parang bumibigat din ang damdamin ko. Nakaupo na sa loob
last updateLast Updated : 2023-08-02
Read more

Kabanata 55

-HADES POINT OF VIEW-“Hello, Sir. Umakyat na po si Ma'am sa taas,”si Maribel sa kabilang linya. I called at home to check. I leave Ashton to watch the mansion. “Kaya lang umiyak po siya pagkatapos kong sabihing pupuntahan niyo si Madam Adrianna sa hotel.”My jaw clenched. Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Gusto ko mang bumalik para ipaintindi sa kaniya ang lahat ay hindi ko magawa. Kapag nakabalik ako kakausapin ko siya. I reached the hotel. Sa restaurant niyon ang tungo ko at nakita ko ang nasa 50 years old na babae. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. This is my Aunt Adrianna. Siya ang nag-iisang kapatid ng ina ko. She called me to meet her here. Babalik na siya sa Paris kinabukasan kaya kailangan ko siyang pagbigyan ngayon.“So what are your plans? You know what? Naiintindihan ko si Lurena kung mas pipiliin niyang umalis at bumalik sa Miami. Tama siya. Hindi habang-buhay makakaya ng anak mong mamuhay ng ganiyan. Kung delikado ang buhay ng mga nasa politika. Mas
last updateLast Updated : 2023-08-03
Read more

Special Chapter 1

Ten Years Ago...Nabalitaan ko ang nangyari sa kaibigan ni Ate na nagngangalang Harry. Iyon pala ay pinsan ni Sir Hades na siyang mismong ama ng anak ni Ate. Napakaraming revelation na ayoko munang sabihin kay Papa. Ni hindi alam ni Papa na all this time ay lumalaban ng mag-isa si Ate at mag-isang niyang pinalaki ang anak niya.Kapag nalaman ni Papa iyon ay baka atakihin pa sa highblood. Baka biglang magalit tapos biglang luluwas sa syudad at sugurin iyong si Sir Hades. Tahimik ang daan. Gabi na mga bandang 8 PM. Hindi masiyadong malakas ang ilaw sa daan. Iyong sa unahang poste ay papatay-patay pa ang ilaw doon. Hindi ako takot sa mga multo. Mas takot ako sa buhay. Iyong kayang manakit. Tsaka habang naiisip ko ang kalagayan noon ni Ate Lurena, nawawala ang takot ko. Paano naman kasi nangyari iyon? Boss niya naging ama ng anak niya? E ang yaman yaman no'n. Paano niya naakit si Sir Hades? E hindi naman kagandahan si Ate. Sobrang gwapo no'n, sobrang yaman pa, oh my gosh! Pang novel ang
last updateLast Updated : 2023-08-03
Read more

Special Chapter 2

Napakurap-kurap ako. Hindi naman siya nagbibiro, 'di ba? Hilaw akong natawa.“Hinahanap na ako sa-”“You're staying here,”putol niya sa seryosong boses. Napatingin ako sa kamay niya nang may kunin siya sa tabi. Namilog ang mata ko nang malaman kung ano iyon. Baril!“I don't care whoever you are even if you're Lurena's sister.” Nagsasalita siya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Napalunok ako at bahagyang napaatras.Nagkakarga siya ng bala sa kalibre 45 niyang baril. Nagagawa niyang magkarga ng baril ng hindi iyon tinitingnan at hindi man lang nagmimintis. Walang nahuhulog na bala.“P-Pero tinulungan kita,”pagdadahilan ko. Nagpakahirap akong tulungan siyang dalhin dito at iligtas. Tapos gagawin niya ito?Gumalaw ang perpektong panga niya. Nanatili ang maganda niyang mata na kulay abuhin. Mabigat ang uri ng titig ng mga matang iyon. Napalunok ako. Tama nga ang kasabihang looks can be deceiving. Mukha siyang anghel, namumungay ang mga mata, pero delikado. Kinasa niya ang baril. N
last updateLast Updated : 2023-08-04
Read more

Special Chapter 3

“Nasaan tayo?”Napaahon ako. Nakasandal si Harry at nakatingala. Hindi pa rin siya gumagalaw nang magsalita. “To City,”tipid niyang sagot.Napatayo ako at hindi man lang naisip na nasa loob ako ng kotse. Nauntog tuloy ako sa bubong no'n. “Aray!” Nahímàs ko ang ulong nauntog. Binalingan ko siya ulit pero unti-unti nang naupo. “Anong City bang pinagsasabi mo diyan? Nagbibiro ka lang di ba? Papunta lang tayo ng mansion niyo!”Natataranta na ako. Paano na si Papa? Tiyak naghihintay 'yon. Siguro nag-aalala na rin 'yon o di kaya'y galit na. “Si Papa. Tatawagan ko si Papa,”kausap ko sa sarili. Hinanap ko ang phone kong de keypad. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala na akong makapa doon. Kahit tumayo ako at tingnan ang upuan. Walang cellphone doon. “Ang cellphone ko?” Binalingan ko si Harry.“I throw it on the trashcan.” Simpleng sagot niya na nagpalaki ng mata ko.“Ano?!” Mabilis kong nahawakan ang kwelyo niya sa iritasyon. Napangiwi siya. Siguro sumakit ang sugat niya. “Alam mo ba kung an
last updateLast Updated : 2023-08-06
Read more

Special Chapter 4

Sumilip ako sa library. Nalaman ko kay Ate Minda na mahilig tumambay si Harry sa library. Kaya ngayong tanghali ay nagtungo ako doon. Hindi ko alam kung busy ba siya ngayon. Napanganga ako nang tuluyan kong napasok ang library. Pati ang library ay sobrang laki. Ang taas ng ceiling ng lugar. Ang tataas din ng book shelves dito. Puno ng libro ang lahat ng lalagyan. Nakakamangha!Agad kong napansin si Harry na naka-upo sa may sulok. Naka-long sleeve, may mga libro sa ibabaw ng mesa. Nandoon din ang laptop at mukhang stress na stress na habang pinagmamasdan ang laptop. Sabi ni Ate Minda, mahilig daw sa brewed coffee si Harry. Magaling ako magtimpla ng kape. Ako ang parating pinapatimpla ni Papa ng kape niya. Kaya malaki ang kumpyansa kong magugustuhan niya rin ang timpla ko. Diyan lang kasi ako magaling, e. Palpak ako kapag pagluluto ng ulam ang pag-uusapan. Mahilig lang ako kumain pero hindi naman marunong magluto.Napansin niya akong nakangisi na palapit sa kinaroroonan niya. Hawak-haw
last updateLast Updated : 2023-08-06
Read more

Special Chapter 5

May kakaiba. Super weird. Dahil pakiramdam ko kaya ko nang makipaglapit kay Harry ng hindi ako natatakot. May trauma ako sa mga lalaki. Aaminin kong nanginginig ako tuwing lalapit si Harry noon. Dalawang lalaki lang noon ang kumportable akong dikitan. Si Kuya Dino at Papa. Hindi ako nanginginig at nagpa-panic tuwing malapit sina kuya Dino at Papa sa akin kahit lalaki sila. Siguro dahil alam kong ligtas ako sa kanila.Pero ngayon ay parang nadagdagan ang mga taong iyon. Dahil ganoon na rin ang nararamdaman ko kay Harry. Pakiramdam ko para na rin siyang si Kuya Dino. Feeling ko unti-unti nang naglaho ang trauma na iyon. Gumagaling na ba ako? Ibig sabihin ay may magandang naidulot din pala ang pagsama ko kay Harry?“What are you doing? You already took the five pieces of it.” Iritadong binalingan ako ni Harry.Nasa kusina kami. Ako ang naisipan niyang gawing assistant. Hindi ko na nga halos mahugasan ang kamay ko. May harina na nga yata pati mukha ko. Tapos isang tikim lang no'ng black
last updateLast Updated : 2023-08-06
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status