Muling nanahimik si Sunshine nang makaharap na nila ang mga magulang sa sala. Wala siyang ibang kapamilya roon bukod sa mag-asawang unampon sa kaniya. Namayapa na kasi ang kaniyang tunay na ina kahit ipinagamot ng chairman noon."Late na ba kami?"Gulat na napalingon si Sunshine sa nagsalita at bagong dating lamang. Pagtingin niya sa mga naroon ay mukhang inaasahan na ng mga ito ang pagdating ng bagong bisita. Mataman niyang pinagmasdan si Adrian, mukhang alam din nitong darating sina Jessica at ang ina nito."Sobrang traffic sa daan." Nakipag beso-beso si Janice at ang anak na si Jessica kina Shaina at Lucita."Hello, ate, ang ganda at sexy mo na ngayon!" masiglang bati ni Jessica kay Sunshine.Ngumiti si Sunshine sa kapatid at tinanggap ang pakipag beso nito sa kaniya. "Salamat, ikaw din naman."Inutusan ni Ben ang kanilang katulong na ilabas ang dissert para sa lahat. Biglaan lang din ang pagtawag kanina ni Janice at sinabing darating ito."Hello, tita, kumusta po kayo?" magiliw na
Huling Na-update : 2023-06-19 Magbasa pa