"Hija, hindi mo ba nagustohan ang pagkaing niluto ko?" tanong Nida sa dalaga nang mapansin na halos hindi nito magalaw ang pagkain.Muling hinugot ni Adrian ang cellphone at nag-send ng message sa ina. "Mom, ano po ang gagawin ko? Ayaw niyang kumain. Dapat ba akong umalis?""Pasensya na po, masarap po ang niluto niyo pero nawalan po ako ng ganang kumain."Napatikwas ang kilay ni Nida at napasulyap kung saan nakatingin ang dalaga. Mabilis na ibinalik ni Sunshine ang tingin sa pagkain nang mapansin na nakatingin sa kaniya ang ginang. Tumikhim si Nida bago sinita si Adrian, "Adrian, mamaya mo na kausapin iyang ka-chat mate mo after nating kumain."Nag-angat si Adrian ng tingin at napasulyap sa asawa bago sa dati niyang yaya. Nakasimangot pa rin si Sunshine kaya hindi niya magawang kumain. Hindi siya mapakali kaya nagtatanong siya sa ina ng dapat gawin."Si ma—" hindi natapos ni Adrian ang sasabihin nang magsalita muli si Nida."Kuhhh, sabihin mo riyan sa ka-chat mo na mamaya na kayo ma
Last Updated : 2023-07-13 Read more